Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20

"GAANO ba 'yon kalayo? Ba't wala akong nakikitang mga Havocs?" tanong ng kasama ni Lelo na si Gav.

"Yeah," sagot niya habang tinatanaw ang daanan. Napababa ang kaniyang tingin at napunta sa bitak-bitak na aspalto. Bahagya niya itong kinalmot dahilan para magtanggalan ang ilang mga bato.

"Will you stop that? Bitak na nga, sisirain mo pa," sita ni Steven sa kaniya kaya nilingon niya ito.

They were heading to the battlefield and all he could see at the moment were just smashed cements and statues. Ang tanging nagpapaliwanag sa kanilang daan ay ang ilaw ng buwan.

"Shh, silence. We're here."

Napahinto sila sa harapan ng isang pader. Lelo thought they were at the dead end of Blaitheria, but the wall was quite smaller than they saw outside. Maingat niyang tinapak ang mga paa upang 'di makalikha ng ingay. Habang papalapit, unti-unti niyang naririnig ang mga ingay na nagmumula sa likod ng pader. Napansin niyang may butas doon kaya sumilip siya. Doon niya nakita ang mga Havocs na abalang maghiyawan sa nangyayaring labanan. Tansya niya'y isang kilometro ang layo nila sa mga nagrarambulang mga Havoc.

Halos hindi na makapagsalita si Lelo sa dami ng Havocs na nandoon. Tama nga si Rauis, kung makikipaglaban sila nang harap-harapan, wala talaga ni isa ang makakauwing buhay sa kanila.

"Paano sila nakapasok do'n?" rinig niyang tanong ni Gav kaya nilingon niya sina Steven.

"Dito sila dumaan." Naglakad papalapit si Steven sa kinatatayuan niya. "The field was guarded by Simon, his ability let anyone pass through this wall."

"Simon, huh? Who's Simon?" Muli niyang sinilip ang butas at pilit na hinanap ang sinasabi nilang Simon. Ngunit wala pang limang segundo, sumuko na siya dahil bukod sa walang pinagkaiba ang kulay ng mga balahibo, malayo sila sa kinaroroonan ng mga ito at napapalibutan rin ng kadiliman ang buong paligid.

"Sa madaling salita, hindi tayo makakapasok?" sagot ni Gav na kalmado lang ang boses at walang halong pag-aalala.

Tumango sina Oli at Steven bilang tugon. Siya naman ay umiling sa inakto ng kaibigan at ibinalik ang tingin sa pader.

Isang libo. Mahigit isang libong mga Havocs ang kailangan niyang patulugin nang mahimbing. Kakayanin kaya ng lakas niya?

"What's Ares exactly saying about 'rest'? I'm still wondering what kind of ability you got."

He made a quick glance at Oli and faced the wall again. "I can put someone into a good night sleep with the smoke I release."

"Smoke, eh? Will your smoke can reach them?"

"Hmm . . . no, of course," he replied, waggling his tail. "But my brown-furred friend can help me." Giving him a meaningful look, he turned to face Gav.

Napangisi naman ang lobo sa sinabi niya habang sina Oli at Steven naman ay binigyan sila ng nagtatakang mga tingin.

"Argh, I don't really get what the hell you two are talking about but can you please make it faster? Malayo na sa 'tin si Rauis at maya maya lang ay mawawala na ang abilidad niya," Steven said.

"Fine, fine." Huminga muna siya nang malalim upang ihanda ang sarili. Paniguradong mawawalan siya ng lakas dahil sa dami ng kailangan niyang patulugin.

Sana kayanin ng katawan niya.

Tinignan niya muna si Gav na ngayo'y nakatingin na sa buwan. Nang makita niyang nagbago ang kayumanggi nitong mga mata at naging puti, pumikit siya. Pinigilan niya ang kaniyang paghinga. Ang kaniyang puso ay nagsisimula nang magwala, unti-unti na ring tumataas ang presyon ng kaniyang katawan. Dahan-dahan, binitiwan niya ang kaniyang paghinga. As he released his breath, he heard the sound of smoke coming out from his body. Ilang segundo niya rin itong ginawa at unti-unti na rin niyang nararamdaman ang panlalamig ng kaniyang katawan.

Binuksan niya ang kanyang mga mata at nakita ang usok na lumilipad pataas. Napangiti siya nang dumoble ang liwanag na binibigay ng buwan. The smoke became transparent, slowly disappearing, it united the light that the moon ignited. He laid on the ground when he started to feel dizzy. He exceeded his limit and released too much smoke, now he felt cold and his body was breaking down.

He needed to rest for a bit.

Umupo siya at pinanood ang kaibigan na kontrolin ang liwanag. Sa gabi lang gumagana ang abilidad nito at iyon ay ang liwanag ng buwan. Kaya nitong paghaluhin ang iba't ibang uri ng usok sa liwanag.

As he laid down, Gav delivered the smoke to the Havocs.

Nakarinig siya ng mga yabag na papalapit sa kaniya. Ilang sandali pa ay nagsalita ang kaibigan niya, "They're asleep."

Bumibigat na ang talukap ng kaniyang mga mata kaya pumikit siya.

"Hoy, Lelo. 'Wag mong sa--"

Hindi nito natapos ang sasabihin dahil bigla itong umangil.

Huh?

Napamulat siya upang tignan ang kalagayan nito ngunit isang malakas na puwersa ang tumama sa ulo niya dahilan para mawalan siya ng malay.

---

"ANG pangit pala ng Blaitheria," komento ni Dago habang napapatingin sa paligid.

Inangilan naman ito ni Van dahilan para manahamik ito.

Napailing na lang si Lenox. Papunta sila ngayon sa iba pang mga kasamahan nina Van. Walang umimik sa kanila hanggang sa maaninag niya ang maliit na bahay na gawa sa bato. Habang papalapit, napailing siya dahil sa matapang na amoy na pumasok sa ilong.

Dugo?

Palansa nang palansa ang amoy nito kaya nilingon niya sina Van at Dago. Kita niya kung paano kumunot ang mga noo nito.

Hindi maganda ang kutob niya rito.

Binilisan niya pa ang paglalakad at ganoon din ang ginawa ng dalawa hanggang sa makarating sila.

Naunang pumasok si Van sa loob.

"Hey--" Hindi nito natapos ang sasabihin at napaatras. Nagtaka siya sa inakto nito kaya sumunod siya.

Napasinghap siya.

Ilang beses siyang napalunok nang makita kung ano ang nasa loob. Kagaya ng ginawa ni Van ay napaatras din siya at wala kahit ni isang salita ang lumabas sa kanyang bibig.

Ang sahig . . .

Napapalibutan ng pulang likido ang sahig. Kaagad siyang napaiwas ng tingin dahil hindi niya kayang tignan ang mga wala ng buhay na katawan na nakatumpok sa isang tabi.

Sino ang gumawa nito?

"N-no . . ." Van said, while whimpering. At lumuhod sa harapan ng mga kasamahan nitong wala ng buhay.

Kahit na naguguluhan siya, pumikit na lang siya.

---

NANATILING nakatingin si Midnight sa batang lalaki at inobserbahan ang kabuohan nito.

Nagsalita ang bata. "Kumusta, Kuya Vain?"

"Rei," sagot ni Rauis. "What are you--"

"Ikaw, Kuya? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

This kid. Hindi maganda ang kutob niya rito.

Nilingon niya si Rauis ngunit agad ding napabalik ang atensiyon sa bata nang humagikhik ito. "Ba't ba ang sama niyong makatingin sa 'kin? Wala naman po akong ginagawa, ah?" inosente nitong sabi ngunit iba ang nakikita niya sa mga mata nito.

Nagulat siya nang kuminang ang mga mata nito at bago pa siya makapagsalita, biglang yumanig ang marble tiles na parang bang may gustong kumawala sa ilalim. Isa-isang naglabasan ang mala-kristal na bato mula sa ilalim. Matutulis ang mga dulo at paniguradong magkakapira-piraso ang katawan ng sinumang matamaan nito. Pinigilan niya ang kaniyang paghinga at tumalon siya sa kanang bahagi. Ganoon din ang ginawa nina Rauis, Fenrys at Yves ngunit nasa kabila ang mga ito.

"Damn," napamura si Midnight nang mapahiwalay siya.

'Rauis, who's he?' He used his ability to communicate with them.

'He's Rei. Guard of the third floor. It was his spike who injured Fenrys.'

Tinignan niya ang naglalakihang spike na naghiwalay sa kaniya sa iba niyang kasamahan. Makintab ito na parang isang yelo. Masyado rin itong mataas na para bang pader na nakaharang sa kaniya kaya 'di niya magawang tumawid sa kabila.

'We need to distract him,' Midnight said while glaring at the kid.

Masyadong delikado ang abilidad ng bata at kailangan nila itong patumbahin agad bago pa mapuno ang silid ng mga spikes. Kapag nangyari iyon, wala na silang matatakbuhan pa at paniguradong tatarak sa katawan nila ang mga matutulis nitong dulo.

"Rei, listen to me. You don't have to do this," rinig niyang sabi ni Rauis.

Inipon ni Midnight ang lakas sa kaniyang mga paa at mas diniinan pa ang pagkakapit ng kaniyang mga kuko sa marmol.

"Huh? Ano bang sinasabi mo, Kuya Vain?"

"I know you're doing this for your family. But Rei, you don't have to follow Silva's order just to save them."

Nakinig lang si Midnight sa usapan ng dalawa. Nag-aabang siya ng pagkakataon kung kailan siya susugod.

He needed an opening.

Napakunot ang kaniyang noo nang tumawa ang bata. "Wala kang alam, Kuya. Hindi mo alam ang pinagsasabi mo. Nangako sa 'kin ang reyna na papakawalan niya ang pamilya ko kapag sinunod ko ang mga pinag-uutos niya."

"Did she do it?"

Natahimik ang bata dahil sa sinabi ni Rauis. Napatitig siya sa mukha nito at bakas ang lungkot sa mapungay nitong mga mata.

"Hindi, 'di ba? Kasi wala siyang planong gawin iyon. She's just using you."

Agad na umiling ang bata. "Hindi, hindi 'yan totoo."

The boy's eyes started to water. Napaiwas siya nang tingin nang biglang may sumuntok sa puso niya. Midnight couldn't help but to feel pity for making the kid fight instead of letting him play and enjoy his youth. Naiinis din siya sa pinuno nito, hindi niya lubos maisip na kaya nitong abusahin ang kamusmusan ng isang bata para sa sariling kapakanan.

Umiling si Midnight.

Kahit nagdadalawang-isip siya, isinantabi niya muna ang awang nararamdaman. Ang kalaban ay kalaban. Kapag hindi ito nakinig kay Rauis, wala silang magagawa kundi gawin kung ano ang dapat.

When he felt his guard down, Midnight released a deep breath and rushed to where the kid was standing and jumped. He was about to grabbed the kid's arm when a large spike suddenly sprouted out from the ground, forming a wall around the kid.

"Argh!" Napadaing si Midnight nang tumama ang ulo niya sa mala-yelong spike. Bumagsak ang kaniyang katawan sa sahig habang iniinda ang sakit at pagkahilo.

"Midnight."

Napamulat siya nang makita si Fenrys sa kaniyang tabi. Pilit siya nitong pinapatayo gamit ang panga nito. Sumandal siya kay Fenrys dahil umiikot pa rin ang paningin niya.

"Tama nga si Queen."

Napaangat ang tainga niya, ganoon din si Fenrys nang marinig nilang magsalita ang bata. Hindi nila ito makita dahil sa nakaharang na spike.

"Tama nga ang sinabi niya. Isa kang traydor! Ginamit mo lang siya. Dinala mo ang mga lobong ito para patayin siya. Nilinlang mo siya at ngayon naman ay plano mo rin akong gamitin! Hindi ka lang traydor kundi magnanakaw rin, kinuha mo ang gem na dapat ay sa kaniya!"

Natahimik sila.

"W-what? Rei, what--"

"Isa kang taksil!" sigaw ni Rei.

Walang narinig na sagot si Midnight mula kay Rauis. Pati siya ay nagulat at nanigas sa kinatatayuan matapos bitiwan ng bata ang mga salitang iyon. Mas dumoble pa ang sakit ng ulo niya dahil sa mga sinabi nito.

'Paano niya nalaman?' bulalas ni Fenrys, 'Nawala na kaya ang bisa ng ilusyon? Pero masyado pang maaga.'

'Once Lenox touches you, there's no way you can escape his ability . . . but it could be stopped. Except that the caster himself can disperse the illusion, the illusion will lose its effect, too, once the victim . . . will become aware.'

Natigilan siya sa sinabi ni Yves. Nagtagis ang kaniyang ngipin. Gusto niyang murahin ang sarili dahil sa inis. Bakit nakalimutan niya ang bagay na iyon? Bakit hindi niya iyon naisip?

He was too focused about the plan that he forgot to think about the possibility that Silva might realize it sooner.

Damn. Napaghandaan ang pagdating nila.

Napapikit siya nang unti-unti na namang tumataas ang presyon niya. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili dahil hindi ito ang tamang oras para magalit siya.

"Hindi niyo kami maiisahan."

Magsasalita na sana si Midnight nang makarinig siya ng kaluskos sa kaliwang tainga niya. Napalingon siya kay Fenrys at ganoon din si Fenrys sa kaniya. Napakunot ang kaniyang noo dahil sa maliit na liwanag na nasa pagitan nilang dalawa. Unti-unti itong lumalaki hanggang ang dilaw nitong kulay ay naging itim at malapot. Sa loob no'n nanggagaling ang mga kaluskos.

Inilapit niya ang kaniyang mukha. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata sa gulat nang may mga daliring lumabas mula roon. Bago pa siya makaatras, lumapat na sa kaniyang mukha ang kamay at malakas ang puwersang itinulak siya dahilan para tumilapon ang kaniyang katawan. Napatingin siya kay Fenrys at lumipad din ito sa kabilang bahagi.

"Oh, my bad, did I push you too hard?"

Napaangat ang kaniyang tingin sa kung saan naroroon ang likido kanina ngunit isa nang lalaki ang nakatayo at nakangiti nang nakakaloko sa kaniya.

"Ba't ngayon ka lang?"

"I'm sorry, Rei." Napahagod ito sa kaniyang batok. "I was looking at myself in the mirror that I lost track of time. Forgive me, 'kay?"

"Argh, ewan ko sa 'yo."

Inilibot nito ang tingin at napasimangot. "Your spike is really ugly. Look what you did to this wonderful place. Hays, you really don't have a sense of art."

Tumayo si Midnight sa pagkakasalampak sa sahig kaya napabalik ang tingin nito sa kaniya.

"Ares, right?" He brushed his black hair and continued. "Would it be fine if I made this battle more interesting?"

Hindi sumagot si Midnight at nanatili lang nakatingin sa lalaking may nakakalokong ngiti. Naiinis siya sa pagmumukha nito lalo na sa pananamit ng lalaki. Naka-tuxedo ito na animo'y may dadaluhang engrandeng okasyon. Hindi nito inalis ang tingin sa kaniya habang inaayos ang puting kurbata.

Letting his thumb and middle finger create a sound, he raised his hand and snapped. Before Midnight could react, everything went black.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro