Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

NAPATAKBO si Erienna palabas ng palasyo at hinabol si Midnight.

"Midnight!"

"No, Eri," sagot ng lobo pagkaharap nito.

"Pero--"

"I said no."

Napasimangot siya dahil sa isinagot ng lobo na nasa harapan niya. Kanina pa siyang umagang nangungulit na sumama at magdidilim na ngunit ayaw pa rin siyang payagan nito. Nasa labas na sila ng gate at papaalis na kasama ang mga Knight at Havoc.

"Ayokong maiwan dito, gusto kong sumama."

"At ayoko ring may mangyaring masama sa 'yo kaya dito ka lang," wika nito habang nakatingin sa kaniya nang seryoso.

Sasagot pa sana siya pero sumabat naman ang kuya niya.

"Midnight's right. It's better for you to stay here."

"Oo nga, Miss Erienna," sang-ayon din ni Lenox.

"And it's dangerous there, mademoiselle," sabat din ni Fenrys habang dinidilaan ang buntot nito.

"Dangerous, eh? You look more dangerous to me," pang-aasar ni Oli dahilan para pasadahan ito ni Fenrys ng masasamang tingin.

"At least I'm not small like you, Oli-it!" ganti nito.

Oli growled. "You wanna fight, huh?"

"Enough," sinita ni Midnight ang mga ito bago pa mauwi sa labanan ang dalawa.

Napabuntonghininga na lang siya dahil wala yata ni isa ang gusto siyang isama. Nag-aalala lang naman siya. Natatakot siya na baka mapahamak sila. Ayaw niyang tumunganga na lang at hintayin na makabalik sila.

"Eri," tawag ni Midnight sa kaniya pero hindi niya ito pinansin sabay iwas ng tingin.

"Erienna."

Biglang may dumamping malamig na bagay sa pisngi niya kaya agad siyang napalingon kay Midnight.

Napahawak siya sa kaniyang pisngi. "Ano 'yon?"

Midnight leaned forward and pressed his nose on Erienna's cheek. Naramdaman ulit niya ang lamig na dumampi kanina.

Oh, it was his nose.

"You don't have to worry about us," he said while looking straight in her eyes, assuring her that nothing bad would happen to them.

Nagpakawala ulit siya ng malalim na hininga at niyakap ang lobo.

"Paano kapag napahamak kayo?" bulong niya.

"We'll be fine."

Isiniksik niya ang mukha sa leeg nito. Kahit labag sa kalooban niya ang desisyon nito, wala rin naman siyang magagawa dahil pati ang kaniyang kuya ay ayaw rin siyang payagan.

"Mag-iingat kayo." Hinawakan niya ang ilang hibla ng balahibo nito.

"I love you."

Natigilan siya sa sinabi nito. Mas lalo niya pang isiniksik ang mukha dahil unti-unti na niyang nararamdaman ang init sa magkabilang pisngi. Bakit ba naman kasi iyon ang isinagot nito? Ayan tuloy, nagwawala na naman ang mga kalamnan niya sa tiyan.

Narinig niyang natawa si Midnight dahilan para mapasimangot siya. Una, hindi siya pinayagan at ngayon naman ay pinagtatawanan siya? Sumusobra na ata 'to, ah!

Napangiti naman siya nang madilim nang may maisip siyang ideya.

Gamit ang kaliwang kamay, hinaplos niya ang balahibo nito habang ang isa naman ay hinigpitan ang pagkakahawak sa mga balahibo. Nagbilang siya ng tatlo sa isipan, bago humiwalay sa yakap at marahas na hinila ang mga balahibo ng lobo.

"Argh!"

Isang ngiting tagumpay ang pinakawalan niya nang makita ang mga balahibong natanggal niya.

"What was that for?!" he said, growling at Erienna.

Imbes na matakot ay natawa siya sa galit nitong ekspresyon. Hindi siya sumagot at iwinagayway sa harapan ang mga balahibo nito.

Sinamaan naman siya nito ng tingin. Humakbang ito papalapit sa kaniya. "You--"

"Oh, sa susunod na 'yan, marami pang bukas," singit ni Fenrys sa usapan nila kaya napangisi siya.

Tinitigan naman siya ni Midnight at sinalubong niya rin iyon nang may nakakalokong ngiti.

"Lucky you. Humanda ka sa 'kin kapag nakabalik ako," banta nito.

Inihagis muna ni Erienna ang mga balahibo pataas na para bang isang confetti bago sumagot. "Edi maghanda."

"Tsk." Tinalikuran siya nito.

Tatawa na sana siya nang tamaan ang kaniyang mukha ng buntot nito.

"Aw, ano ba!" sigaw niya pero hindi siya nito pinansin at tumakbo na palayo.

Sumunod naman kaagad ang mga Havoc at Knights kay Midnight kaya siya na lang ang naiwan mag-isa.

"Mag-ingat kayo!" pahabol niya sa kanila.

Sana magtagumpay sila.

Tumalikod na si Erienna at babalik na sa palasyo nang may lobo na biglang sumulpot sa harapan niya.

"Hi, mademoiselle."

"Ay, lobo!" Napahawak siya sa kaniyang puso dahil sa gulat. "Ano ba, Fenrys. Ba't ba bigla-bigla ka na lang sumusulpot?"

"Oh, did I frighten you?"

"Ayos lang. Ba't ka pala bumalik? May kailangan ka ba?"

"Oh, well . . . ahm . . . Can I ask a favor?" tanong nito at ngumiti na parang aso.

"Anong favor?"

"Kung may babae na pupunta rito na maikli ang buhok, maputla at naghahanap sa akin, can you tell her na umalis lang ako? Pero 'wag mong sabihin kung anong rason."

"E, anong sasabihin ko?"

"It's up to you. Alis na ako, bye!"

"Teka!" Hindi natuloy ni Erienna ang sasabihin niya dahil nawala na ito sa harapan niya.

'Di man lang sinabi sa kaniya kung anong pangalan ng babaeng tinutukoy nito. At kung sakali ngang maghanap ito kay Fenrys, hindi niya alam kung anong rason ang sasabihin niya.

Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo at bumalik na sa loob ng palasyo.

---

AS they strode past the boundary of Raeon, Midnight couldn't help but to worry. Nangangamba siya na baka hindi magtagumpay ang kanilang plano. Natatakot din siya na baka hindi na sila buo pagbalik nila.

Napaangat ang kaniyang tingin sa naninilaw na kalangitan.

Palubog na ang araw.

Umiling siya upang alisin ang mga negatibong bagay na pumapasok sa kaniyang isipan. Huli na para mag-alala pa siya, dapat ang kailangan niyang gawin ay pagkatiwalaan ang kaniyang mga kasamahan.

"We're almost there," Rauis said as he concealed their smell.

Binagalan ni Midnight ang pagtakbo at hinayaang mauna si Oli. Napako ang tingin niya sa kahariang 'di niya inakalang makikita niya nang malapitan. Ito ang unang beses na makakatapak siya sa kaharian ng Blaitheria.

"We're all Havocs, okay? Now let us in."

Wala sa sariling tumango ang mga nagbabantay sa gate matapos gamitin ni Oli ang abilidad. Hindi rin mapigilan ni Midnight na mapahanga sa kakayahan nito. His ability was quite handy.

Unti-unti nang bumubukas ang bakal na gate. Napangiwi pa siya dahil sa magaspang nitong tunog.

As he stepped his feet on the ground, Midnight couldn't help but to feel chilly. He couldn't believe that a kingdom like this exist. From the broken asphalt to the towers, Blaitheria was like an abandoned place.

Tsk. Sure the ruler only cared about herself.

Habang naglalakad sila ay nagsalita si Rauis. "The palace has seven floors and each floors are guarded by the Havocs chosen by my Tiya."

He diverted his gaze on top of the palace where the turret lies. Those sharp ends made his fur stood up, like as if it's challenging him on a fight-to-death battle.

He gritted his teeth.

Seven floors. They have to defeat all those guards to reach Silva on the top.

They stopped in front of a water fountain but dryness seemed to surround it. Kahit isang patak man lang ng tubig ay wala. Punong-puno ng mga bitak ang kongkreto na halatang napabayaan na at mukhang hindi na gumagana pa. Sa likuran nito, ang napakalaking palasyo.

Bahagyang tumalon si Midnight at tumuntong sa pabilog na semento. Tinanaw niya muna ang daan sa bawat gilid bago tinignan ang mga lobo.

"Wolves, listen." His low but stern voice made not just the Knights but also the Havocs looked up to him.

"All of you know how risky we got our situation in. Yes, we have plans, but those are just plans and it might fail if we will not do it right. There is no guarantee that we will survive, so I'm gonna ask you now . . . " Pinasadahan niya sila ng tingin. "Does anyone of you wants to back off?"

A moment of silence when somebody chuckled.

"Back off? Are you kidding me?" Fenrys said in a playful tone while waggling his tail.

"Hindi kami aatras, Uno," Dago replied.

"Back off, eh? What's that?" sabat pa ni Oli.

"Duwag lang ang aatras," ani Lenox.

Sinalubong ni Midnight ang mga tingin nila. Nasilayan niya kung paano nag-apoy sa determinasyon ang mga mata nila.

"Even if it means death?" Midnight added, trying to shake their confidence but no one seemed to be scared. Imbes na mangamba ay mas lalo pang nagliyab ang kagustuhan nilang magtagumpay.

Their raging will to fight made him smile at the back of his head.

Very well.

Sinulyapan niya ang daan sa kanan. It's time to execute their plan.

"Lelo, Steven, Gav and Oli. To the battlefield. Make sure to put everyone asleep."

"Understood, Uno," sagot ni Lelo habang ang iba naman ay tumango.

Pinasadahan niya ng tingin ang ibang lobo. "Lenox, Dago and Van. Secure the towers, I want the Havocs to be mindless about the battle."

"Masusunod, Uno."

"Leave it to us!"

"Now, go. Remember, this war will determine Blaitheria and Raeon's end. If you want to win, losing is not an option." He gave them one last look before letting them leave.

Bumaba na siya at hinarap ang palasyo.

"Teka, Uno. Ako pala? Anong gagawin ko?"

Nilingon niya ang puting lobo. Siya, si Rauis, Yves at Fenrys na lang ang natitira.

"You'll be coming with us inside," sagot niya at naglakad papalapit sa kulay itim na tarangkahan ng palasyo.

Naramdaman naman niyang sumunod ang tatlo sa kaniya. The metal knob reflected the light from the moon shining above them. His eye brows arched when he saw letters engraved from the knob.

FEAR US, INTRUDERS

Magsasalita na sana siya pero naunahan siya ni Rauis.

"Let me." Rauis used his ability and the knob just twist on its own, making the door to slightly open.

Gamit ang panga, tinulak nito ang pintuan pabukas. Naunang pumasok si Rauis at sumunod naman sila.

Hindi na nagulat si Midnight nang makita ang loob ng palasyo. Kung gaano ka walang buhay ang labas, ganoon din ang loob. No furnitures or pictures hanging around the walls, and the only thing that kept the palace shiny was the marble floor.

"Is this the dance hall of your palace?" pagbibiro ni Fenrys kay Rauis.

Kung wala lang sana sila sa seryosong sitwasyon, baka natawa na rin siya sa sinabi nito.

"Yes."

"What?" Agad siyang napatingin sa unahan kung saan naroroon si Rauis. Pumunta siya sa gilid nito at bahagyang sinilip ang mukha nito.

Nagtaka siya kung bakit nakakunot ang mga noo nito.

"This is the dance hall . . . but the hall should be located in the third floor."

Napakunot din ang kanyang noo sa sinabi nito. Ano ang ibig nitong sabihin? Nasa ikatlong palapag sila ngayon? Pero kakapasok lang nila.

"Something's not right," dagdag pa nito at nagsimulang amuyin ang paligid.

Naglakad siya palayo sa kanila at tinignin ang paligid. Wala naman siyang nakita, naamoy o narinig na kakaiba.

"Rauis, are you sur--"

"Argh!"

Agad siyang napalingon sa gawi ni Fenrys nang marinig niya itong umangil. Itinaas nito ang kanang paa sa harap na para bang may natapakan na bubog. Nilapitan niya ito at napansin niyang tumutulo ang dugo mula sa paa nito. Lumapit din sina Rauis at Yves sa kanila.

"Anong natapakan mo?"

"Hindi ko alam. Bigla na lang may matulis na bagay na tumusok sa 'kin."

Tinignan niya kung may bitak ba ang tinatapakan nito pero wala. Inamoy rin niya ngunit ang dugo lang nito ang nalalanghap ng ilong niya.

Something was off.

"Yves," Midnight said, signaling him to use his ability.

Umiling ito. "I already did but it doesn't show anything. We're on the first floor. And this is not an illusion, Uno."

What the hell is happening? Saan nakuha ni Fenrys ang sugat niya?

Hindi maganda ang kutob ni Midnight dito. For a moment, he felt something was staring at them. Gumalaw ng kusa ang kaniyang mga tainga at kaagad siyang nagpalinga-linga sa paligid.

"W-What the?" Napakurap si Midnight sa nakita niya.

Sinundan naman nina Fenrys at Rauis ang mga tingin niya.

"What's wrong?" pagtataka ni Yves dahil nakatingin sila sa gawi nito--mali, nakatingin sila sa likuran nito.

Isang batang lalaki na may kulay ube na mga mata ang nasa likuran ni Yves. Nakangiti ito sa kanila na para bang naaaliw sa kanilang mga mukha.

"Magandang gabi po. Gusto niyo po bang sumayaw?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro