Kabanata 18
"CHILL, mademoiselle."
Nilingon ni Erienna si Fenrys. Akala niya'y nakatingin ito sa kaniya ngunit nakikipagsukatan pala ito ng tingin kay Oli.
Nasa loob na sila ng palasyo at kanina pa siya pabalik-balik ng lakad. Hindi siya mapakali. Nag-aalala siya na baka hindi humantong sa pagkakaintindihan ang pag-uusap nina Midnight at Rauis. Tinignan niya ang mga Havoc at Knights. Kalmado na ang mga mukha nito, hindi kagaya kanina na para bang gusto nang patayin ang isa't isa.
Nagtataka siya kung bakit parang siya lang ang nag-aalala.
"Fenrys, okay lang kaya sila?" tanong niya habang napapasilip sa nakasarang pintuan patungong hardin. Hindi tuloy niya makita ang dalawa.
"Of course. You don't need to worry," kampanteng sagot nito.
Napatingin naman siya sa tainga ng lobo at nakatuon ang atensyon nito sa pintuan na para bang may pinapakinggan. Ganoon din ang ginagawa ng iba pang mga lobo.
Kamuntikan na siyang mapatampal sa kaniyang noo. Oo nga pala, malakas nga pala ang pandinig ng mga nito. Kaya pala kampante lang ang mga ito. Ba't hindi niya kaagad napagtanto iyon?
Umupo na lang si Erienna habang kinakalikot ang kaniyang mga daliri. Ilang sandali pa, nakarinig siya ng mga yabag na papalapit sa kanila. Napalingon siya at nakita ang kaniyang kuya.
Agad na napakunot ang kaniyang noo dahil hindi niya makita si Midnight. Sumilip pa siya sa bandang likuran nito ngunit walang lobo ang nakasunod kay Rauis.
"Nasaan si Midnight?" taka niyang tanong.
"Ah--" hindi natapos ng kaniyang kapatid ang sasabihin nang mapunta ang tingin nito kay Fenrys.
"I'm sorry, white wolf."
"Yeah, yeah. Narinig ko na 'yan kanina."
Pumagitna naman siya sa kanila at hinarap ang kuya niya. "Sagutin mo 'ko, Kuya. Nasaan si Midnight? Anong nangyari sa pag-uusap niyo? Nakinig ba siya sa 'yo?"
"Ang dami mong tanong, Eri." Napalingon siya kung saan nanggagaling ang baritonong boses. Nakapamulsa itong naglakad papunta sa kanila.
Napakamot naman siya sa kaniyang ulo. Nagpalit lang pala ito ng anyo.
Lumapit ito sa kanila at tinignan ang mga Havocs.
"The rooms are in the second floor. I'll tell Meira to deliver you all some dresses." Lumingon ito sa kanan kung nasaan ang mga Knights. "You may go now, but make sure to be here at four in the morning."
Tumango naman ang mga ito at bahagyang yumuko.
"And you." Napunta ang tingin ni Midnight sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit madilim ang mukha nitong nakatingin sa kaniya.
Galit ba ito?
Hinawakan siya nito sa pulso at hinila siya paalis sa mga Havoc at Knights. Halos matisod na siya sa bilis nitong maglakad. Binitiwan lang siya ng lalaki nang makapasok sila sa kuwarto.
"Midnight--"
"So, you're a Havoc?"
Natigilan siya sa sinabi nito. Mas lalo pa siyang naestatwa sa kinatatayuan niya nang lingunin siya nito. Walang kaemo-emosyon ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.
"Tell me, Erienna. You are a Havoc."
Nanginig siya nang tawagin nito ang pangalan niya nang buo. Pakiramdam niya'y binuhusan siya ng tubig dahil sa lamig ng boses ng lalaki. Kaya ba ganoon na lang makatingin ito sa kaniya kanina? Galit ba ito dahil isa siya sa mga nilalang na kinamumuhian nito?
Napayuko si Erienna. Hindi niya kayang salubungin ang malamig nitong mga titig dahil pakiramdam niya'y mababasag ang puso niya.
"I-I'm sorry," iyon lang ang tanging naisagot niya. Napakagat siya sa pang-ibabang labi upang pigilan ang paghikbi. Hindi niya mapigilan ang sariling mapaiyak sa tuwing mapapaisip na kinamumuhian siya ng taong mahal niya.
"Huh?"
Naramdaman niya ang mainit na mga palad sa kaniyang pisngi na inangat ang kaniyang mukha.
"Why are you saying sorry? And why the hell are you tearing up?" bakas sa boses nito ang pagkataranta.
Hinaplos ni Midnight ang kaniyang pisngi dahilan para manghina siya at tuluyan nang magbagsakan ang mga luha.
"H-hindi ba g-galit ka sa 'kin?"
"What?!" Kita niya kung paano nataranta si Midnight at dali-daling pinahid ang kaniyang mga luha. "Ano bang sinasabi mo? Ba't naman ako magagalit sa 'yo?"
"Kasi isa akong H-Havoc. 'Di ba galit ka sa 'min?" pahikbi-hikbing niyang sabi.
Matapos niya iyong sabihin, hindi sumagot si Midnight.
Tuloy-tuloy lang siya sa pag-iyak nang bigla siyang yakapin ng lalaki. Narinig niya itong bumuntonghininga. Natigilan siya nang halikan siya nito sa noo.
"I'm not mad at you, Eri. I just couldn't believe that you're a Havoc. And I couldn't understand why Mom didn't tell me about this." Hinaplos nito ang kaniyang buhok. "Yes, I'm mad at your kinds, but your brother made me realize I was being unfair. I was blinded by anger that I didn't realize they're also victims of the war that happened years ago."
Humiwalay ito sa kaniya at tinitigan siya. Hinalikan nito ang bawat luhang pumapatak sa mata niya.
"Hush now, Eri." Ramdam niya ang mainit nitong mga labi sa kaniyang pisngi. Niyakap siya ulit nito at siniksik ang mukha sa kaniyang leeg. "I miss you."
Pakiramdam niya'y may humaplos sa puso niya pagkatapos marinig ang mga katagang iyon.
Niyakap niya rin ito pabalik nang mahigpit. "Na-miss din kita, Midnight."
Napalunok pa siya nang halikan nito ang kaniyang leeg bago humiwalay. Hinawakan ni Midnight ang kaniyang kamay. Agad siyang napabitaw nang pisilin nito ang kaniyang mga palad.
"Aw." Napatingin siya rito. Hindi pa rin gumagaling ang palad niyang hiniwa ng kaniyang kuya.
"Did you hurt yourself?" tanong ni Midnight at hinawakan ulit ang kamay niya.
Umiling naman siya. Sasabihin ba niya kay Midnight ang abilidad niya?
"Ah, Midnight--" hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang makita itong nakangisi sa kaniya.
Nagtaka naman siya. Parang kanina lang, seryoso ito tapos ngayon, nakangiti na nang nakakaloko.
"B-bakit ka nakangiti?"
Mas lalo pang lumawak ang ngiti nito habang nakatingin sa palad niya. "Well, do you want me to kiss you?"
"Ha?" pagtataka ni Erienna pero agad din napalitan ng pagkagulat nang mapagtanto niya ang iniisip nito.
"So?" saad nito. Hinapit ni Midnight ang kaniyang bewang at pinaglapit ang kanilang katawan.
Napaiwas naman siya ng tingin nang maramdaman niya ang panginginit ng kaniyang pisngi.
"A-anong so?" Inagaw niya ang kaniyang kamay at tinulak ang lalaki. "Hindi ko kailangan 'yon."
"You don't want me to kiss you?"
Inis naman niya itong tinignan. Nang-aasar ba 'to? Alangan namang sabihin niya na, sige, halikan mo 'ko. Psh. Inirapan niya ang lalaki at naglakad patungo sa kama.
"Matutulog na ako." Hihiga na sana siya pero agad na natigilan dahil sa sinabi nito.
"Kuwarto ko 'to."
Oo nga pala, nasa kabila pala ang kaniyang kwarto. Tumikhim siya at hindi pinahalatang natigilan siya.
Humiga siya sa kama at saka pumikit. "Marami ka namang kuwarto. Doon ka na lang."
Rinig niya itong tumawa nang mahina. Ilang sandali pa, naramdaman niya itong umupo sa kama. Napalunok siya nang hinaplos nito ang kaniyang pisngi.
"Good night, Eri."
Agad siyang napamulat nang maramdaman nito ang labi ng lalaki sa kaniya. Na-miss niya ang halik nito. Muli siyang pumikit at hinayaan ang sariling malunod sa halik ng lalaki. Tutugon na sana siya pero humiwalay ito.
Anak ng--
"Good night," nakangiting sabi ulit nito. Ginawaran siya nito ng halik sa noo bago tuluyang lumabas ng kuwarto.
Sinulyapan niya ang kaniyang kamay. Wala nang sugat o kahit peklat man lang na naiwan sa kaniyang palad.
---
"I SAID four, not three in the morning." Midnight glared at Fenrys who's comfortably sitting on one of the couch in the living room.
"Ayaw mo nito? Magandang lalaki agad ang bumungad sa umaga mo," nakangisi nitong sabi.
He grimaced after hearing those words. The elegant moron really knew how to piss him early in the morning. Hindi na lang niya ito pinansin at umupo sa kaharap nitong couch.
"And besides," muli itong nagsalita kaya sinulyapan niya ito. "Ana's on a rampage today."
Agad siyang natawa sa sinabi nito. Ang kaninang nakangisi ay napalitan ng ngiwi. Kita niya sa pagmumukha nito ang pagkairita.
"You should've stayed there."
"Gusto mo ba akong mamatay?" pasigaw na sabi nito. Pinanlisikan siya nito dahilan para mapangiti siya sa isipan niya. "Alam mo namang nagiging halimaw 'yon kapag nagwawala. Baka masira pa 'yong guwapo kong pagmumukha."
"Still, you should've stayed there. You're her mate, after all." Midnight grinned while enjoying Fenrys's annoyed face.
"Whatever." He brushed his hair in irritation and shut his eyes without even glancing at him.
Napailing na lang si Midnight habang napapaisip kung kailan magkakasundo ang dalawa. Tumayo siya at aalis na sana para puntahan si Erienna nang magsalita si Fenrys.
"You really sure about this, Uno?"
Napabalik siya ng upo sa tanong nito. "Why?"
"What do you mean why?" Iminulat nito ang mga mata at tinignan siya nang seryoso. "They're Havocs, Uno. Sila ang sumira sa atin dati tapos ngayon, makikipagtulungan tayo sa kanila? Paano kung lokohin lang tayo nila? Paano kung planado pala ang lahat ng ito?"
Midnight let out a deep sigh. "You don't trust them."
"Of course, I don't!" His green eyes darkened. Umigting ang panga nito. Kita niya kung paano nanginig ang nakakuyom nitong mga kamao.
Bigla niyang naalala ang pagdadalamhati na sampung taon nitong dala-dala. Muntik na niyang makalimutan na hindi lang pala siya ang may mapait na nakaraan.
"I don't trust them . . . never will," bakas ang pait sa mga salita nito. Huminga ito nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili.
Of course he wouldn't. Fenrys lost everything after the war. Mas masakit pa ang pinagdaanan nito kaysa sa kaniya kaya hindi niya ito masisisi kung malala ang nararamdaman nitong galit sa mga Havocs.
"I don't trust them either, but if this is the only way to keep my wolves away from threats then I'm more than willing to help them." Tumayo siya at nakapamulsang tinignan ito. "Look, Fenrys, kapag nagpatuloy ang alitan ng Raeon at Havocs, posibleng maulit na naman ang nangyari dati. Raeon will suffer again and it will become a cycle for generations."
"So, you wanted to make friends with the Havocs, huh?" puno ng sarkastikong sabi nito at nakipagsukatan ng tingin sa kaniya. "So, anong gusto mong mangyari? Kalimutan na lang lahat ng nangyari dati na parang wala lang 'yon?"
Napapikit nang mariin si Midnight at napahilot sa kaniyang sentido. Argh, hindi ito ang tamang oras para mag-away silang dalawa.
"Fenrys. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Nilapitan niya ito.
Tumayo ito kaya agad niyang hinawakan ang magkabilang balikat ng lalaki. Pinantayan niya ang dilim sa berde nitong mga mata.
"I'm doing this for the sake of Raeon. I want them to live without worrying that someone might attack them. I want them to be free from those fears and I don't want them to suffer again. I want to stop this war, Fenrys," he said while emphasizing the last words.
He looked at Fenrys with full of sincerity, hoping that his words reached him, but Fenrys didn't bother to reply. Instead, he just let out a deep sigh.
Namayani ang katahimikan sa pagitan ng dalawa habang nanatili pa ring nakatingin sa isa't isa. Inalis ni Fenrys ang mga kamay niyang nakakapit sa braso nito at bumalik ulit sa couch.
"If that's what you want . . ." sagot nito at umupo nang nakapandekuwatro. "Then I'll follow you, Uno."
He felt relieved after hearing those words. Bahagya pa siyang natawa nang diniinan nito ang huling salita. He was reminded of how Fenrys named him Uno before. No'ng una, naaasar siya sa tuwing tinatawag siya nito pero no'ng tumagal, nasanay na rin siya lalo na't pati ang nasasakupan niya ay Uno na rin ang tawag sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit ang hilig nitong magbigay ng mga pangalan at mas lalong hindi niya maintidihan kung bakit 'Uno' ang tinawag nito sa kaniya.
"Ugly again, eh? My morning is now ruined."
Napalingon silang dalawa at nakita ang mga Havocs na papalapit sa kanila. Nag-anyong tao na ang mga ito at suot-suot nila ang damit na pinadala ni Meira kagabi.
"Shut up, liit. Ikaw ang pangit dito!" singhal ni Fenrys nang makarating ito sa kinaroroonan nila.
Napailing na lang siya at hindi pinansin ang dalawa.
"Midnight." Nilingon niya ang tumawag sa kaniya at nakita ang nakangiting si Rauis. "Thank you."
Hindi niya alam kung bakit naaasar siya sa boses nito. Masyadong mabait pakinggan na para bang kahit kailan ay hindi ito makakapanakit ng kahit na sino.
Tumango na lang siya bilang sagot at umupo ulit sa couch.
Ilang sandali pa, nagsidatingan na rin ang mga Knights. Binati siya ng mga ito habang binigyan naman ng masasamang tingin ang mga Havocs.
"Why are you glaring at me? Wanna fight, huh?"
"Tsk. You're no match for me."
"Rauis, right?" Hindi niya pinansin ang mga Knights at Havocs at binaling ang tingin kay Rauis na nakatayo lang sa gilid niya. "What's your plan exactly?"
May kinuha ito sa bulsa at pinakita sa kaniya. Isang piraso ng gem. Kulay pula ito. Nagtataka siya kung para saan ang gem.
"Lenox used his ability to help me get this. This will let me take my kingdom back, but this gem will be useless if we won't be able to get the other half."
"So, someone's holding the other gem?"
"It's more than just holding the other gem," sumeryoso ang mukha nito dahilan para mapalingon ang mga Knights at Havocs na nagkakagulo. "It was locked on Tiya Silva's heart."
Nagtaka siya. "How did that happen?"
"Well, it's part of our tradition. In order for us to get that, we need to--"
"Kill her," sabat ni Steven.
"Papatayin lang naman pala, e. That's easy!" sabi ni Dago.
"Dumb, eh? Do you think we will ask for your help if killing her is that easy?" sabat ni Oli.
"Ibig sabihin lang no'n na mahina ka!"
"Anong sabi mo?!"
"Her body is as hard as metal." Natigil ang dalawa nang magsalita ulit si Rauis. "I tried killing her many times when she was asleep, but my claws couldn't pierce her skin. I couldn't even leave a single scratch on her body."
"An ability of hers?" tanong ni Midnight.
Umiling naman si Rauis. "No. It's from someone. Someone is shielding her body."
"If that's the case, then we need to take that someone down first," he firmly said.
"Pero hindi namin alam kung sino 'yon," napayuko si Van. "Sinubukan naming hanapin kung sino pero wala kaming mahanap na may ganoong abilidad."
Napatango si Midnight. Seemed like this said Havoc was good at hiding his ability, but . . . it wouldn't work on them.
Napunta ang kaniyang tingin sa lalaking may olandes na mga buhok at bahagyang ngumiti.
"We'll be able to find that someone this time, right, Yves?" He said, while grinning.
Ngumisi rin ito sa kaniya at nakakaloko silang tinignan. "Of course, Uno."
Ngumiti rin ang ibang mga Knights dahilan para magtaka sina Rauis.
When Yves joined the Knights, he was astonished by his ability. It was actually the total opposite of Lenox's. Truth was the only thing his ability could show. Impurities, lies, secrets. He could unravel anything . . . if he wanted to.
"Tell me, when did you use your ability?" Midnight asked Lenox.
"Last night."
Napatango siya. Mamayang gabi, paniguradong malalaman na ni Silva ang ginawa nina Lenox. Bago pa nito malaman ang totoo, dapat na makuha na nila ang kapirasong gem na nasa puso nito.
"Ano pang ginagawa natin? Tara na!" sabi ni Dago.
"We can't. Kung susugod tayo ngayon paniguradong mapapatay tayo ng mga tauhan ni Silva. Nakabantay ngayon ang mga Havocs sa buong Blaitheria."
"Then use your invisibility," saad ni Lenox.
"Isang tao lang ang kaya kung mapasailalim sa abilidad kong iyon. But I can conceal all of your smell."
"It's useless," sabat ni Midnight.
Kahit pa ikubli ni Rauis ang mga amoy nila, makikita pa rin sila ng mga ito kung susugod sila na may sikat ng araw. Siguradong mapapatay sila sa dami ng mga ito. Kung gagamitin man ni Rauis ang abilidad, gabi ang tamang oras para sumugod sila.
Pero maiipit sila sa oras. Hindi imposibleng mahuli sila sa pagkuha ng gem sa puso ni Silva. They need to move fast and in order for them to do that, they need to impair Silva's wing first--her army.
But, how?
"Kapag sumapit ang araw, nagtitipon-tipon ang mga Havocs sa field."
"Field?" Napalingon siya kay Steven.
"Yes. Our battlefield. Palaging nagkakaroon ng labanan sa amin at ang mananalo ay mananatili sa Blaitheria habang ang talo naman ay ikinukulong o . . . pinapatay," Steven said, almost whispering the last word.
Battle, huh?
Midnight smiled at the back of his head when an idea suddenly crossed his mind.
"Then it's settled." Tumayo siya at taas-noong tinignan ang mga ito. "We will attack at sun down."
"What? Hindi ba tayo kakapusin ng--"
"Rauis will conceal our smell and when the sun sets, that's when we enter Blaitheria. No one will notice us when everybody is busy focusing on the battle. And when they're busy, they probably need some rest, right?" he said playfully while looking at Lelo.
Mukhang nakuha naman kaagad nito ang ibig niyang sabihin kaya ibinaling niya ang tingin kay Rauis. "And you, you will be taking the lead."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro