Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15

PASIPOL-SIPOL lang ang lalaki habang nakasandal sa pintuan ng kuwarto ni Midnight. He was playing with his blond hair while waiting for the two Knights to stop from fighting. Pati na sa mga tunog na nababasag na nagmumula sa kuwarto ng kanilang pinuno.

"Ba't 'di na lang ikaw 'yong pumasok total ikaw naman nakaisip?"

"Heck, ayoko pa na mamatay, 'no!"

Napangiwi na lang siya. Maingay na nga sa loob dumagdag pa ang dalawa.

"Will you two stop?" sabi niya habang nakatingin kina Dago at Lelo.

Nilingon naman siya ni Dago. "Manahimik ka nga, Yves. Ba't 'di mo na lang kaya katukin 'yan nang makaalis na tayo?" At tinuro ang pintuan.

"Do it yourself then!" singhal niya sa kausap.

Kung sila takot, mas lalo naman siya. Alam niyang highblood ngayon si Uno at baka 'pag ginawa niya 'yon, e, siya pa ang mapagbuntungan ng galit nito.

"Galit pa rin ba si Kuya Uno?"

Napunta ang kaniyang tingin kay Leven. "Medyo but just wait, okay? We will try to talk to him." Nginitian niya ito at ginulo ang buhok.

Isang malungkot lang na ngiti ang tinugon nito. Kahapon pa 'to pabalik-balik at nagpapasama sa kanila sa palasyo. Hindi pa sraw ito nakapagpapasalamat kay Uno kaya gusto nitong makausap ang kanilang pinuno. The little wolf felt guilty after knowing that Erienna had been kidnapped.

---

NAPAUPO na lang si Midnight matapos sipain ang natitirang vase. Isang linggo na ang lumipas at ang kaniyang kuwarto ay para nang dinaanan ng bagyo sa sobrang gulo. Punong-puno ng mga kalmot ang pader at kabinet niya. Ang tela rin ng kaniyang kama ay humalo na sa mga basag na vase na nakakalat sa sahig.

He ruined everything he could ruin yet his anger not seemed to subside. Sa tuwing nakakahawak siya ng bagay, mas lalo lang umiigting ang galit na nararamdaman niya.

"Damn." Napasapo siya sa kaniyang mukha.

Wala siyang ibang sinisi kundi ang kaniyang sarili. He scolded himself for not being good enough. If only he got there sooner, Erienna and Lenox wouldn't had been kidnapped.

If only he could have done better.

Dapat na siyang mag-isip ng plano subalit walang pumapasok sa isip niya. Hindi naman siya puwedeng sumugod na lang basta-basta dahil baka malagay pa sa panganib ang nasasakupan niya. He was thankful enough that none of his wolves got injured except for Fenrys.

Hindi niya magawang pakalmahin ang sarili kaya hindi rin siya makapag-isip nang matino. He was mad at the same time worried. Nag-aalala siya sa kalagayan ni Erienna at Lenox. Sa ngayon, wala siyang ibang magawa kundi hilingin na sana'y maayos ang kalagayan ng dalawa.

"Ikaw na kumausap, dali na!"

"Ayoko nga sabi, e. Ba't mo ba ako pinipilit, ha?"

Napapikit si Midnight habang hinihilot ang kaniyang sentido. Masakit na nga ang ulo niya sa mga nangyari, dumagdag pa ang mga ingay sa labas.

"Just knock the door, guys."

"Inuutusan mo ba kami? Mas malapit ka sa pinto, ikaw na lang gumawa."

Huminga siya nang malalim bago tinungo ang pintuan. Pagbukas niya, agad na sumalubong sa kaniya ang gulat na mukha ng mga Knights.

"U-Uno."

"What do you want?"

Nagse-senyasahan pa ang dalawa habang si Yves na nasa harapan niya ay iniiwasan ang mga titig niya.

"Ah, Uno. Leven wants to talk to you," saad nito at napunta ang tingin sa baba.

Sinundan naman niya ito at nakita ang batang lobo na nakayuko na para bang nahihiya sa kaniya.

Ibinalik niya ang tingin sa dalawang Knights na nasa likuran ni Yves. "And you two?"

Agad na umiling ang mga ito. "Wala, Uno. Sinamahan lang namin si Leven. Sige, alis na kami." Bago pa man siya makasagot ay lumayas na ito sa harapan niya. Nagpaalam din si Yves at sumunod sa dalawa kaya sila na lang ni Leven ang naiwan.

Lumuhod siya upang magkapantay sila.

"What do you want to tell me?"

Nilaro-laro nito ang mga daliri habang nakayuko. Sinilip naman ito ni Midnight at pansin niyang may namumuong luha sa gilid ng mga mata nito.

Fuck, did I say something wrong?

"Kuya Uno, are you still mad at me?"

Napakunot ang kaniyang noo sa tanong nito. "No. Why would I?"

Leven pouted while avoiding his gaze. "Sorry po. Kasalanan ko kung bakit hindi mo nailigtas si Ate Erienna. Kung hindi lang . . . kung hindi lang sana . . ." Hindi na nito natapos pa ang sasabihin dahil isa-isa nang tumulo ang mga luhang kanina pa nito pinipigilan.

"K-kung kaya ko lang sana na i-ipagtanggol ang sarili ko, s-sana hindi niyo na po ako kailangan pang iligtas," pagpapatuloy nito habang humihikbi. Namumula na rin ang mukha nito habang tuloy-tuloy pa rin na tumutulo ang mga luha.

For a moment, he saw his old self from Leven. Ganitong-ganito rin siya. He used to cry in front of his parents before, ranting about how weak he was and how he couldn't accomplish anything.

Gamit ang sariling kamay ay pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ng bata. "It's not your fault."

Pero imbes na tumahan ay mas lalo lang itong naiyak.

Napamura si Midnight sa isipan niya at napaisip kung paano pagagaanin ang loob nito. Well, he wasn't an expert on handling kids. Ito rin ang unang beses na may umiyak na bata sa harapan niya kaya wala siyang ideya kung paano ito patatahanin. Yayakapin niya ba ito o hahayaan na lang na umiyak hanggang sa tumahimik ito?

It would be bad of him if he would choose the latter.

"Kung kaya k-ko lang gamitin ang abilidad ko," sabi pa nito habang sumisinghot at pinipigilan na tumulo ang sipon.

Bigla namang sumagi sa isip niya ang imahe ng kaniyang ina. Kapag nalulungkot siya, ang salita ng ina ang nakapagpapagaan ng loob niya. Her mother used to tell him words that would encourage him to boost himself.

"Can you show me your ability?"

"Po?" Tumingin ito sa kaniya.

"Come on, show me," he said, trying to look cheerful. He still hadn't checked himself after what happened last week so he didn't know what face he was making.

But one thing's for sure, he looked awful.

Nagtaka siya nang biglang hawakan ni Leven ang leeg niya. Ilang sandali pa ay may dumaloy mula rito at parang pinitik ang kaniyang leeg nang maramdaman ito.

What was that? Electricity?

"'Yon lang po ang kaya kong gawin." Leven pouted.

Midnight was amazed by his ability. As far as he could remember, Meira's ability--Leven's mother--was speed while his father was shape shifting. Hindi nito namana sa mga magulang ang abilidad.

Leven got a distinct one.

"I'm so w-weak."

Napangiti si Midnight sa kaniyang isipan. He already knew what to do.

'Leven.'

Agad na napamulagat ang mga mata nito nang gamitin ni Midnight ang kaniyang telepatiya.

"Ano 'yon?"

'Ako 'to, si Midnight.' He smiled at him. Kita niya kung paano napalitan ng pagkamangha ang kaninang gulat nitong mukha.

'Telepathy is my ability.' He pointed his head. 'I can talk to you just by using my mind.'

Hindi ito sumagot at nanatili lang na nakatingin sa kaniya kaya nagpatuloy siya.

'I was like you, too. I couldn't use my ability properly and it was really frustrating, but never once I thought about giving up. Ten is the maximum number my ability can control simultaneously, so I practice and practice until I had mastered it. But mastering it means that I had also reached my limit. I already reached my limit, Leven,' he said, repeating the last words.

Ipinatong niya ang kamay sa ulo nito. 'But you, you still got a long way to go. You got a distinct ability there and you will master it someday. You just have to keep on practicing. Don't tell yourself that you're weak because you're not. You're just young. Young ones are supposed to be weak in order for them to grow and build their strong selves.'

Humihikbi pa rin ito pero wala ng mga luhang tumutulo sa mga mata nito.

'Oh, and one more thing. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Even if you wouldn't ask for my help or you're strong enough to protect yourself, I will still save you, Leven. Because I am your king. It is my duty to keep my wolves safe including you, okay?'

Tumango naman ito at ito na mismo ang pumahid sa mga natirang luha sa mga mata. Maaliwas na ang mukha nitong nakatingin sa kaniya.

"Will I be as good as you someday?"

"You will be better than me, Leven," sagot niya at ginulo ang buhok nito.

Napangiti naman ito sa ginawa niya. Natigilan siya nang bigla siya nitong yakapin. Hindi niya inaasahan.

He felt calm so he hugged him back.

A day after the scenario with him and Leven, he decided to visit Fenrys. Hindi niya pa ito nadadalaw dahil nga masyado siyang nagpadala sa galit niya. He was wasting too much time on his emotion. At kapag pinatagal niya pa ito, baka kung ano na mangyari kina Erienna at Lenox. He needed to move now but he also needed his right hand man to make a plan.

Nakapamulsa siyang pumasok sa nakabukas na gate. Nasilayan naman niya ang isang bahay na hugis arko ang bubong. Kung gaano kaputi ang buhok ni Fenrys, ganoon din ang tahanan nito. Ang daanan patungo sa bahay nito ay napapalibutan ng mga puting bulaklak. White Daisies, Tulips, Carnations and Wisterias. Sumusuot sa kaniyang ilong ang iba't iba nitong mga halimuyak.

Matagal-tagal din bago siya muling nakadalaw rito at wala pa ring pinagbago ang lugar.

Nang makarating sa pintuan, hindi na siya kumatok at diri-diretso nang pumasok.

Napangiti na lang si Midnight nang makita ang loob nito.

Sumalubong sa kaniya ang salas. Sa kanang bahagi, nakasabit ang mga larawan ng magulang nito. Sa ibaba ng larawan ay ang mga book shelves. Sa kaliwa naman, ang tatlong naglalakihang salamin na kapag sumilip ka ay makikita talaga ang kabuohan mo.

Dahan-dahang naglakad si Midnight dahil baka madulas siya sa sobrang kintab ng sahig. Hindi lang naman ang sahig ang makintab kundi pati ang mesa na pinapalibutan ng mga puting sofa sa harapan niya. Kahit konting alikabok, walang makikita. Para bang minu-minuto, nililinisan ang mga kagamitan dito.

Well, what did he expect from Fenrys? Bukod sa patay na patay ito sa sarili ay ayaw nito sa magugulo. The elegant moron wanted everything to look clean and organize. Ang pagmumukha nito ang ebidensya sa ugali ng puting lobo.

"Uno, ikaw pala," A petite woman greeted him while scratching her head. Her short brunette hair was arranged like a bird nest. Halatang kagigising lang nito dahil humihikab pa.

It was Ana.

"How's Fenrys?"

"Buhay pa naman," walang gana nitong sagot at saka tinalikuran siya. "Sumunod ka sa 'kin."

Pumasok sila sa kuwarto ni Fenrys at nadatnan niya itong natutulog sa kama. Wala itong suot na pang-itaas kaya kita niya ang benda nito sa tiyan.

"Hoy," saad ni Ana at sinipa ang paanan ng kama. "Gising, may bisita ka."

Ilang beses niya pa itong sinipa-sipa bago nagising si Fenrys.

"Ana naman, oh. Puwede mo naman akong gisingin nang maayos, 'di 'yong sisipain mo 'yong kama," reklamo nito habang napapahilamos sa mukha.

Inismiran naman siya ni Ana. "Ikaw na nga ang ginigising, ikaw pa nag-iinarte. Ang demanding mo, ah."

"Kicking the bed isn't the right way to wake people. Oh and for once, be good to me, kita mo na ngang may sugat ako, oh."

"So sinasabi mo na masama ako, gano'n ba?" nakapamewang nitong sagot at dali-daling nilapitan si Fenrys.

"That's not what I--ah!" Hindi na natapos ni Fenrys ang sasabihin niya dahil sinambunutan na siya nito.

"Inalagaan na nga kita tapos ako pa masama? Ha?!" bulyaw nito at gigil na gigil na hinila ang buhok ni Fenrys. "Bawiin mo 'yong sinabi mo!"

"Aray, Ana--aw! Ano ba!"

Napailing na lang si Midnight sa kanilang dalawa. Just like what he expected.

"Aherm . . ." he interrupted them before Ana might end up killing the poor Fenrys.

"Hindi pa tayo tapos." Pinanlisikan nito ng mata si Fenrys at padabog na lumabas ng kuwarto.

Nilapitan niya si Fenrys at umupo sa gilid ng kama.

"'Kala ko makakalbo na ako," nakasimangot nitong sabi habang inaayos ang buhok.

Midnight grinned. "Looks like you two get along pretty well."

"Get along?" Fenrys rolled his eyes. "Let's not just talk about her. Mababawasan lang kaguwapuhan ko kapag siya ang pag-uusapan natin."

Si Midnight naman ang napairap at pinagsisihan ang panunukso kay Fenrys. Muntik na niyang makalimutan na patay na patay pala ito sa sarili.

"So, how are you?" he asked, changing the topic.

"I'm still handsome."

Midnight nodded. Base sa sagot nito, mukhang maayos na nga ang lobo. Guess he was worried for nothing.

Hindi sumagot si Midnight kaya nagsalita ulit si Fenrys. "Uno, I'm really sorry about what happened. If only I--"

"Shut up and just tell me who stabbed you," he said cutting Fenrys' words.

Hindi naman niya ito sinisisi sa nangyari kaya hindi na nito kailangan pa na humingi ng tawad. He knew Fenrys was blaming himself too. He was mad too but they had a different way on expressing their emotion. Fenrys used to remain calm and keep everything to himself, unlike him, he would ruin everything he'd touched.

"It's the guy the Knights told us." Napakuyom ang mga kamao nito. "He had no smell at all. Kaya hindi ko napansin ang pagdating niya."

Umigting naman ang panga ni Midnight. That guy. Ano bang gusto nito at kailangan pang kunin si Erienna at Lenox?

Huminga siya nang malalim dahil umiinit na naman ang kaniyang ulo.

"Anong plano mo?"

"I . . . don't know."

Bukod sa wala itong amoy ay wala na siyang alam kung ano ang kaya nitong gawin sa kanila. Kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin niyang plano. Ang mga Havocs ay sinanay para sa laban at kapag sumugod sila sa lungga ng mga ito, para na ring nilalapit nila ang sarili sa kamatayan.

"I just wanted to get them back," he added.

Napatayo si Fenrys at may kinuha ito sa drawer na nasa gilid lang ng kama. Inabot ito sa kaniya. Nagulat siya nang makita kung ano ito.

It was Erienna's necklace.

Tinignan niya si Fenrys. Nakangiti ito ngunit ang mga mata nito ay seryosong nakatingin sa kaniya.

"We'll gonna bring them back, then."

---

This chapter is dedicated to alluringli ♥️ Salamat po sa magandang review!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro