Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10

"HEALING Ability. Every wound, bruises or scratch will instantly heal by kissing the injured creature. Take in mind that the ability must be used only for light to moderate damages. If a wolf tries to heal someone who's life on the line, still, it will recover instantly. However, there are side effects. It's either the injured creature will lose some part of its memory or some part of its senses won't function well. Only the male wolves can perform the said ability and it will only work on their mates."

Napataas ang kilay ni Erienna pagkatapos mabasa ang huling bahagi. Will work only on their mates? How come? E, palagi nga itong ginagawa ni Midnight sa kaniya.

Unless . . .

Napailing si Erienna sa kaniyang naisip. Siya ang kabiyak ni Midnight? Imposible naman ata iyon. Paano magiging kapares ng lobo ang isang normal na kagaya niya?

Nalilito siya habang nakatitig pa rin sa libro. Inilipat niya ito sa kabilang pahina sa pag-aakalang makakahanap siya ng sagot sa kaniyang mga katanungan subalit isang larawan ng kuwintas ang bumungad sa kaniya. May palawit itong buwan na katulad ng sa kaniya.

Ares' Necklace. Made by Magnus Ares, the first king of Raeon, for his mate, Nia Acantha. It symbolizes eternal bond and was meant to be passed on the mate of the future kings.

Mas lalong nalito si Erienna. Imbes na makakuha ng sagot, mas dumami pa ang mga katanungang tumatambak sa kaniyang isipan.

Pero si Mommy ang nagbigay nito sa 'kin.

Pilit niyang inalala kung paano ito binigay sa kaniya, kung saan at kailan ngunit kahit na katiting man lang na alaala ay wala. Ang tanging alam lang ng kaniyang isip ay binigay ito ng ina bukod pa roon ay wala na. Parang itinatak lang ito sa kaniyang isipan upang mabigyan ng dahilan ang pagkakaroon niya ng kuwintas.

Ngayon lang niya napagtanto na wala siyang maalala no'ng bata pa siya. Nagka-amnesia ba siya pagkatapos ng aksidente? Bakit walang binanggit ang kaniyang Tiya Silva?

"Ah!" Napadaing si Erienna nang biglang kumirot ang kaniyang ulo. Parang karayom na tinusok ito nang paulit-ulit kaya napapikit siya sa sakit.

May lumalabas sa kaniyang isipan ngunit hindi niya maipaliwanag kung ano ito. Malabo ang mga imahe at hindi rin niya maunawaan ang mga boses na naririnig niya sa tainga.

Napasabunot siya sa kaniyang buhok. Pakiramdam niya'y mabibiyak na ang kaniyang ulo sa sobrang sakit.

"Nahihirapan ka bang makaalala?" Napaangat ang kaniyang tingin nang biglang may nagsalita. Agad niyang hinanap kung saan nanggaling ang boses. Napakamalumanay nito na para bang pinapakalma siya.

Ikatlong shelf mula sa kaniya, may nakatayong lalaki at nakatingin ito nang diretso sa kaniya. He was wearing a black robe while not wearing anything to cover his feet.

Napalaki ang kaniyang mga mata.

It was the guy with heterochromatic eyes and again, Erienna felt her heart throbbed in pain. Parang pinipiga sa sakit ang kaniyang puso sa tuwing masisilayan niya ang mukha nito. Ano bang mayro'n sa kanya't bakit palagi siyang nakakaramdam ng lumbay sa tuwing nakikita ito? At paano ito nakapasok sa palasyo?

"Sino ka?"

Imbes na sumagot ay nginitian lang siya ng lalaki.

Isang malungkot na ngiti.

Hindi pa nakakakurap si Erienna ay nasa harapan na niya ang lalaki. Sobrang lapit nito sa kaniya kaya napaatras siya.

"Let me help you remember him." Hinawakan ng lalaki ang magkabila niyang pisngi at pinaglapat ang kanilang noo.

Itutulak na niya sana ito pero hindi siya makakilos. Kahit ang kaniyang mga daliri ay 'di niya magawang igalaw.

Seconds later, a memory of her childhood flashed her mind.

Nakaupo ngayon si Erienna sa isang bench. Ang buong paligid ay napapalibutan ng mga bulaklak. Pamilyar ang lugar na ito sa kaniya.

Nasa hardin siya ng kanilang bahay.

"Eri."

Napalingon siya sa kanang bahagi nang may tumawag sa kanya. Halos mapatakip siya sa bibig nang masilayan ang batang nakaupo sa tabi niya. Ito ang batang lalaking nakita niya sa kaniyang panaginip. Ang batang kamukha ni Midnight.

"Here." Isang kuwintas ang inabot sa kaniya ng bata. Kuwintas na may palawit na lobong nakayakap sa buwan. Hindi makapaniwala si Erienna sa kaniyang nakita.

Papaanong na kay Midnight ito?

"The first king made this and it's our family's tradition to pass this on the mate of the next king." The boy smiled at her. "Since you're my mate, take it and always wear it, Eri. It's a symbol of my love for you. I will only offer my heart to you and I promise that our bond will never break and will last as long as how this necklace existed for ages."

Hindi makasagot si Erienna. Ang buong akala niya'y ang ina ang nagbigay nito sa kaniya ngunit nagkamali siya.

It was him. It was Midnight.

Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kaniyang mga luha. Naramdaman niyang pinahid ng lalaking may kakaibang mata ang mga luha niya.

"Hanggang doon na muna. See you soon, princess." Hinalikan siya nito sa noo at bigla na lang itong naglaho sa kaniyang harapan.

Marami pang bagay ang gusto niyang malaman. Bakit wala siyang maalala sa kaniyang nakaraan? Dahil ba ito sa aksidente? At papaano ito nagawang ipaalala sa kaniya ng lalaking may kakaibang mata?

Marami pa siyang mga katanungan ngunit nais niya munang pakinggan ang sinisigaw ng puso.

Hindi na niya inisip kung saan nagtungo ang lalaki at agad na tumakbo papalabas ng palasyo.

Kung dati'y nalilito siya sa kaniyang nararamdaman, ngayo'y naiintindihan na niya. Naiintindihan na niya kung bakit palaging nagkakaroon ng karera sa kaniyang puso sa tuwing malapit si Midnight sa kaniya. Ayaw niyang umaalis ito dahil makakaramdam siya ng pag-iisa. Nauunawaan na niya kung bakit ganoon na lang ang sakit na naramdaman niya nang makita itong may kasamang iba.

Madilim na ang paligid nang makalabas siya. Ang mga lights na ikinabit ng mga lobo sa kanilang mga tahanan at ang malaking buwan sa kalangitan ang nagsisilbing liwanag niya sa daan.

Agad niyang tinungo kung saan nagdidiwang ang mga taong lobo. Naaninag ni Erienna ang umaapoy na bilog. Sa loob no'n, ang mga lobong nagsusuyuan. Mukhang nahanap na nila ang kanilang kabiyak.

Nang makarating, agad niyang hinanap si Midnight. Nakita niya itong nakaupo sa isang tabi habang tinatanaw ang umaapoy na Ring of Fate.

"Midnight!" tawag niya rito at nilapitan ito.

Sinulyapan siya nito pero agad ding ibinalik ang tingin sa Ring of Fate. "What are you doing here?"

Napahikbi siya. "Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?"

"Sinabi ang alin?"

"Na ikaw pala ang nagbigay nitong kuwintas." Hindi siya nilingon ng lobo ngunit napansin ng dalaga ang pagkagulat nito.

Napabuntonghininga naman si Midnight. "What for? What's the point of telling you when you couldn't even recognize me?"

Ramdam niya ang bigat sa salita ni Midnight kaya napatahimik siya.

"Ten years. I've longed for you for ten years, Eri," saad nito habang ang mga mata ay nasa Ring of Fate.

Hindi sumagot si Erienna at hinintay itong magsalita ulit.

"Every day for me was a torture. Para akong pinapatay sa tuwing matatapos na naman ang araw na hindi kita nakikita. I wanted to see you, but I couldn't because I needed to fulfill my responsibility as the leader of this kingdom. I have to lead my wolves." Napahinga nang malalim si Midnight at nilingon si Erienna. Punong-puno ng pag-aasam ang mga mata nito. "I keep on missing you and I feel so incomplete without you. You're my other half and it was so damn hard for me to be away from you. But I endured all of those believing that we will see each other again because I know we're destined. We are meant for each other, Eri."

Ang bawat salitang binitiwan ni Midnight ay sumusuot sa kaniyang puso. He was yearning for her and she felt it.

"And then it happened, you didn't know how happy I was when our path crossed again. I feel alive again. Gusto kitang yakapin nang mahigpit, halikan at iparamdam sa 'yo ang pagmamahal ko. I almost burst out in happiness only to find out you couldn't remember me." Napatawa ito nang mapakla. "I mean, I keep on thinking about you. But you . . . How could you forget about me?" Pumiyok ang boses ni Midnight.

Nasaksihan ni Erienna kung paano tumakas ang luha sa kanang mata ng lobo. Parang sinuntok ang kaniyang puso. Hindi niya lubos maisip na iiyak si Midnight sa harapan niya.

He cried for her. Hindi basta-bastang umiiyak ang mga lobo at patunay lang ito na nasasaktan nga ito nang sobra.

Hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay Midnight.

"I-I'm sorry," iyon lang ang tanging salitang lumabas sa kaniyang bibig.

"And what you said the other day hurt me, Eri. Pinamukha mo sa akin na wala lang ako sa 'yo!" Midnight shouted in frustration and pain was written on his face.

Napailing naman si Erienna. "Hindi 'yan totoo--"

"Then tell me! Tell me, what am I to you, Eri?" Midnight whimpered. His eyes were pleading. Nakabagsak ang mga tainga nito.

Niyakap niya ito nang mahigpit upang patahanin. Hindi niya kayang tignan ang lobong umiiyak sa kaniyang harapan.

"Midnight, I'm sorry. Sorry kung kinalimutan kita. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung pinaramdam ko sa 'yo na wala ka lang sa 'kin." Isiniksik niya ang mukha sa leeg nito. "Hindi ko sinasadyang kalimutan ka. Kahit ako, hindi ko alam na nawalan na pala ako ng alaala kaya patawarin mo 'ko, Midnight. Patawad."

"I don't need your apology. W-what I need right now is your feelings for me. Even if you won't say sorry, I will always be here to accept you. Now, please tell me, t-tell me what you feel for me," pagsusumamo ng lalaki.

Napapikit si Erienna at hinigpitan pa ang pagkakayakap niya. Hinaplos niya ang balahibo nito bago nagsalita.

"Kapag palagi kitang kasama, masaya ako. Kapag malayo ka naman sa 'kin, halos 'di ako mapakali pero kapag nasa tabi kita, hindi rin mapakali ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok. Sa tuwing hinahalikan mo 'ko, pakiramdam ko ligtas ako, na wala kahit na sinong makakapanakit sa 'kin kaya noong araw na may kasama kang ibang babae--"

"You got it all wrong. Hindi ko siya babae!" angal nito.

Bumitaw siya sa pagkakayakap  at tinitigan ito. "Kaya nga gustong kong mag-sorry kasi 'di kita pinakinggan. Ayoko lang naman kasing may nakakasama kang ibang babae bukod sa 'kin. Ayoko na may ibang humahawak sa'yo. Gusto ko ako lang. Ako lang, Midnight."

Hinaplos niya ang mukha nito. Sinalubong din nito ang kaniyang tingin. Tumahan na ito. Iba't ibang emosyon ang naglalaro sa mga mata nito. Pananabik, saya at higit sa lahat, pagmamahal.

"I love you, Eri. Do you love me too?"

Ramdam ni Erienna ang lakas ng pintig ng kaniyang puso. Hindi na rin magkamayaw ang kalamnan sa tiyan at parang sasabog na sa tuwa ang kaniyang buong sistema. Walang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang mga katagang sinabi ni Midnight sa kaniya.

Hinalikan niya ang ilong nito at pinaglapat ang kanilang noo.

"Mahal din kita, Midnight," saad niya at napapikit.

Hinayaan niyang damhin ang mainit nitong balat sa kaniyang noo. For the first time, Erienna felt so complete. Pakiramdam niya'y nahanap na niya ulit ang bagay na minsan nang nawala sa kaniya--si Midnight.

Humiwalay siya at niyakap ang lobo. She felt his head resting on her shoulder. Rinig din niya ang mabilis na tibok ng puso ni Midnight. Kasing bilis ng sa kaniya. They felt something inside them collided. Their hearts were now beating for the same reason and their minds were shouting for the same feeling.

"Hoy! Kayong dalawa! May plano ba kayong pumasok o wala?"

Napahiwalay si Erienna sa pagkakayakap kay Midnight at nilingon ang nagsalita. It was Fenrys inside the circle with his mate. Nakangiti itong nakatingin sa gawi nilang dalawa. Nakangiti rin ang ibang lobo pati na ang mga Knights na para bang kanina pa inaabangan ang pagpasok nila sa ring.

"Wait, alam ba nila na--"

"Yeah. They knew it from the very beginning. Ikaw lang naman ang walang alam. Tsk," pagpuputol ni Midnight sa kanya.

Ngayon lang niya napagtanto kung bakit ngiting-ngiti ang mga ito sa tuwing makikita ang kaniyang kuwintas. Kaya pala ang bait ng mga ito sa kaniya. Alam pala ng mga ito ang tungkol sa kuwintas niya.

Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo dahil pakiramdam niya'y pinagkaisahan siya ng mga ito.

Lumuhod si Midnight kaya agad naman siyang sumakay. Napahawak siya sa leeg nito nang bigla itong tumalon sa nag-aapoy na ring. Ngayo'y nasa loob na sila kasama ng iba pang mga lobo.

"Ate Erienna." Napababa ang kaniyang tingin nang may biglang sumundot sa kaniyang paa.

Napangiti siya nang makita si Lorcan na masayang nakatingin sa kaniya.

Kinarga niya ito. "Anong ginagawa mo rito sa loob?"

"I found my mate!" he said while waggling its tail.

Napamulagat naman si Erienna. "Ano? E, ang bata-bata mo pa."

"Tsk. Says someone who found her mate when she was little but ended up forgetting him," masungit na sabat ni Midnight sa kanilang dalawa.

Napangiwi naman si Erienna. Oo nga pala, nireto na pala sila ng tadhana simula noong bata pa sila.

Napahagikgik si Lorcan. "Wala po sa edad 'yan, Ate Erienna."

Napatawa na lang din siya at pinisil ang tainga nito. Ang cute-cute kasi ni Lorcan, e. Binaba na niya ito at agad naman itong tumakbo papunta sa kaniyang kabiyak.

Sumandal siya kay Midnight at ang tainga naman nito ang pinagdiskitahan niya.

"Stop that!" reklamo nito.

Pft. Mukhang nagbalik na yata 'to sa pagiging masungit, ah.

Nilingon siya nito at tinitigan ang kaniyang mga labi. "I badly want to kiss you right now."

Napatawa naman siya nang mahina at pinindot ang ilong nito. "You're in your wolf state kaya sorry ka na lang."

"Eri."

"Hmm?"

"I won't ever let you go again," sinserong saad nito at pinakatitigan siya.

"Hinding-hindi na rin kita kakalimutan ulit, Midnight," sagot naman niya.

Kasama ng ibang mga lobo, sabay nilang pinagmasdan ni Midnight ang lumiliyab na apoy hanggang sa mamatay ito. Hiling ng dalaga na sana'y hindi na sila magkahiwalay pa ni Midnight at sana'y hindi na matapos ang sayang nararamdaman niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro