Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 30

"ANA, bumalik ka na."

"Ano ba, alis nga!" Tinulak niya ang pagmumukha ni Fenrys nang mag-amba itong yakapin siya. Hindi naman ito nagpatinag at dinutdot ang sarili sa kaniya.

"Umuwi ka na, please. Hindi mo ba ako na-lmi-miss? 'Yong mga alaga mo sa bahay hindi mo ba sila miss?" He said, trying to sound pitiful. "Ako palagi nag-aalaga do'n sa mga beetle mo kaya please, umuwi kana. Diring-diri na akong alagaan sila."

Sinamaan naman niya ito ng tingin. Gusto niyang sakalin si Fenrys. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil hindi nito pinapabayaan ang mga alaga niya o maaasar dahil klarong-klaro sa pagmumukha nito ang pandidiri.

"Uuwi ako kung kailan ko gusto kaya alis!"

"Ayoko!" angal nito at inangkla ang kamay sa braso niya. No'ng nakaraang linggo pa ito nangungulit sa kaniya. Walang araw na 'di siya nito binibisita sa bahay ng kapatid niya at hindi rin nito nakakalimutang banggitin ang pandidiri sa kaniyang mga salagubang. Palagi rin itong nakakapit sa braso niya na animo'y linta.

"Bibitiw ka o hahampasin kita?"

"Okay lang," sagot nito at hinigpitan pa ang kapit nito. Bumuntonghininga na lang siya at hinayaan si Fenrys. If she could be honest, she liked what he was doing. Pero as if naman aamin siya.

"Ana, galit ka pa rin ba?"

Hindi niya pinansin ito at tinuloy ang pag-inom ng kape. Nasa salas sila ngayon ng bahay ng kapatid niya.

Mahina nitong niyugyog ang kaniyang balikat. "Uy, galit ka pa rin?"

Nilingon niya ang lalaki pero agad siyang natigilan dahil sobrang lapit ng mukha nito sa kaniya. Nagsalubong ang kanilang tingin kaya napalunok siya. Itutulak na niya sana ito palayo pero hinawakan nito ang kaniyang mukha.

"I'm sorry," saad nito. "I'm sorry for being unfair this whole time. Hindi ko man lang naisip kung ano 'yong mararamdaman mo, and I'm sorry kung hindi ko sinabi sa 'yo ang tungkol kay Mica."

Hindi na naman siya galit kay Fenrys. Nagtatampo lang. Naiintindihan rin naman niya si Fenrys. Siguro hindi naging madali sa lalaki na mawalan ng kabiyak. And to think, he was still young back then. Kaya hindi niya rin ito masisisi kung may nararamdaman pa siya kay Mica.

"Mica is special to me."

"Duh! Alam ko. Hindi mo na kailangang ipamukha sa 'kin." Inalis niya ang kamay sa kaniyang mukha at tinalikuran ang lalaki.

Bahagya siyang napaigtad nang maramdaman ang mga kamay nito sa kaniyang baywang. He rested his face on her shoulders. Ramdam niya ang hininga nito sa kaniyang leeg. She could also smell his scent. It was sweet.

"But you're the one who owns my heart now," he whispered.

Napakagat siya sa kaniyang labi nang magsimulang tumibok nang mabilis ang kaniyang puso.

"Sorry for not realizing it sooner." Humigpit ang yakap nito at siniksik ang mukha sa kaniyang leeg. "Umuwi ka na, please. Miss na miss na kita."

"T-teka." Sinubukan niya itong alisin pero ayaw bumitiw ni Fenrys.

Utang na labas, bitiwan mo 'ko! Hindi na ako makahinga!

Nag-iinit na rin ang magkabila niyang pisngi. Parang may kung anong gumalaw sa tiyan sa tuwing nararamdaman niya ang paghinga nito. Shit naman, oh! Baka hindi niya mapigilan ang sarili at yakapin niya rin ito pabalik!

"I love you."

Tuluyan na siyang napangiti.

That was it.

Hindi na niya nga napigilan pa ang sarili. Hinarap niya ang lalaki at niyakap din ito pabalik. "Miss na miss na rin kita."

She missed his scent, his voice, his face and everything about him. Gusto na rin niyang umuwi sa kanila.

Bumitiw ito sa pagkakayakap sa kaniya. Kita niya kung paano lumiwanag ang mukha nito. Fenrys caressed his cheeks and before she could say a word, their lips already met.

Pinulupot niya ang mga braso sa leeg nito at hinalikan din ito pabalik. Hindi niya mapigilan ang sarili na mabaliw sa mga halik na binibigay nito. It was sweet and passionate. She couldn't help but to ask for more.

"Hmm. You're really sweet," Fenrys mumbled between their kisses. He wrapped his hand around her waist and deepen the kiss. He pressed her body onto his and laid her down on the sofa.

Parehos silang humihingal nang bumitiw si Fenrys sa halik. He was still on top of her. Sinalubong niya ang mga tingin nito na para bang sabik na sabik sa kaniya.

She touched his lips with her thumb. Hinawakan naman ni Fenrys ang kamay niya at hinalikan ang kaniyang palad.

"I love you too," she said.

Fenrys lips carved into a smile. "Of course. Sa guwapo kong 'to, imposibleng hindi ka mahulog sa 'kin."

Napangiwi siya at mahinang sinampal ang pisngi ng lalaki. Okay na sana kaso bumanat pa.

"Ang kapal din talaga ng mukha mo, 'no?"

"Oo, guwapo ako." Ngumisi ito at niyakap siya.

"Ang bigat mo." Hindi ito sumagot at nanatili pa ring nakapatong sa ibabaw niya.

Hinaplos niya ang maputi nitong buhok. She always wanted to do this. And just as she expected, his hair was smooth. Bahagya tuloy siyang na-guilty nang maalala niya kung ilang beses niya itong sinabunutan.

"Fenrys, alam mo ba . . ."

"Na guwapo ako?"

"Na may mas guwapo pa sa 'yo sa Raeon."

Kung buhay pa siguro si Kaisen, siguradong masasapawan nito si Fenrys.

"Ha? Sino naman?" Pansin niyang tumaas ang boses ng lalaki, halatang naasar.

"The guy I liked."

"May gusto kang iba?" Napabangon ito at salubong ang mga kilay na tiningnan siya.

"Sabi ko 'liked'. Noon pa 'yon."

"I thought I'm your first mate?" He pouted.

"Ikaw nga."

"Then how could you like someone before me?" nakasimangot nitong tanong.

She touched his hair before answering. "'Di ko rin alam, eh. Basta gusto ko siya." Napangiti siya habang naaalala si Karsen "Sino ba naman kasi 'di magkakagusto ro'n? He's pretty, tapos palangiti tapos maba--"

"Ssh!" He placed his finger on her lips. "Don't daydream about other guys."

"Hindi naman ako nagd-daydream. Alis nga!" Bumangon na siya at umayos ng upo.

Pansin niyang nakatitig lang si Fenrys sa kaniya kaya nilingon niya ito. "Ano?"

"So, where is he? What's his name?" tanong nito na para bang nanghahamon.

"It's Karsen. Wala na siya."

"Wala?"

"Oo, wala na. Patay na siya. Isa siya sa mga nasawi sa laban noon. He died protecting me."

"Oh," tanging naisagot nito.

Ilang minuto ang lumipas nang walang nagsalita sa kanilang dalawa.

Sumandal naman si Fenrys sa balikat niya. "He must be the reason why you wanted to be strong."

Tumango si Ana bilang sagot. When she fought Drystan in Chysan, she couldn't say that she became stronger. Dahil lang naman kay Sai kaya nila natalo ang hari. All she had done was to assist him. Pero kahit na ganoon, masaya siya. Masaya dahil nakatulong siya. Masaya siya dahil nagawa niyang lampasan ang mga emosyon na naramdaman niya sa laban. That was already a big accomplishment for her.

And she would work harder.

"Ay, nako naman!"

Parehas silang napatingin ni Fenrys sa lalaking kakapasok lang. Nakangiwi itong nakatingin sa kanila habang pinagkrus ang mga braso.

"Kuya," bati niya.

"Tapos na ba kayo magdrama? Kung oo, lumayas na kayo rito. Ikaw Ana, umalis ka na!" pagtataboy nito.

"Makalayas ka naman parang 'di ako tumira dito," sagot niya.

No'ng 'di pa sila nagkita ni Fenrys, dito siya sa bahay na ito lumaki kasama ang kapatid niya.

"Layas!" Lumapit ito sa kanila at kinaladkad sila palabas ng bahay. "Pakiusap, diyan kayo sa labas maglandian. Respeto na rin sa mga walang kabiyak, okay?" pahabol pa nito at agad na isinara ang pinto.

"Gago!" Malakas niyang sinipa ang pinto. Sinulyapan niya naman si Fenrys at nakangisi ito.

"Nginingisi-ngisi mo r'yan?"

"Wala naman." Hinawakan nito ang kamay niya at hinila na siya paalis ng bahay. "Maiuuwi na rin kita."

THE day of Moon Festival. Palabas na si Fenrys at Ana sa bahay kasama si Wish papunta sa Ring of Fate.

"Don't touch me!" Inilayo ni Fenrys ang sarili kay Wish dahil hawak nang hawak sa mapuputi at malambot niyang balahibo. Kahit ayaw niyang ibalandara ang kagandahan ng wolf niya, wala naman siyang magagawa dahil araw ng Moon Festival. Lahat sila ay mag-aanyong lobo at babalik lang sa anyong tao kinabukasan.

I wonder how many wolves will find their mate today.

"Pahawak lang."

"No!"

Lumapit ito sa kaniya pero agad niya itong binigyan ng sampal gamit ang kaniyang buntot kaya napa-aray ito.

"Tara na." Naunang lumabas si Ana at tumakbo na paalis. Sumunod naman kaagad siya at binilisan din ang takbo.

Nilingon niya si Wish na nasa tabi na nila at nakahabol kaagad. Napangiti na lang siya.

Ang bilis talaga.

Sa loob ng isang taon, ang daming nangyari. Nagkaroon ng labanan sa pagitan ni Silva at ng mga taga-Raeon at hindi nila inasahan na magkaroon ng kakampi na mga Havoc. They didn't even expect that the real heir would ask for their help and cooperate with them. Dahil doon, ang dating magkaaway na kaharian ay muli nang nagkaayos.

Hindi rin nagtagal, biglang dumating sa kanila si Wish. He didn't expect to encounter bigger problems ahead. Despite of what had happened, Fenrys was thankful because he finally broke free from the grief of his past.

He could finally say that he was happy.

"You're late," salubong ni Midnight sa kaniya nang makapasok silang dalawa ni Ana sa ring.

"Sorry, Uno. Alam mo naman kapag guwapo, palaging nahuhuli ang dating." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay kaagad siyang nakatanggap ng mga matatalim na tingin kay Midnight. Natawa naman si Erienna na nasa tabi ng kaibigan niya.

"Congrats! May kabiyak ka na rin." Napalingon siya sa likuran nang marinig si Ana.

Nakita niya si Dago kasama ang kabiyak nito.

"Wait. Kilala kita, ah!" Muling nagsalita si Ana at mas nilapitan pa ang kabiyak nito.

"It's me, Maiya."

"Ah, ikaw nga! Ikaw 'yong nakalaban ko sa Chase," sigaw ni Ana. "Grabe, ang sakit ng apoy mo, naluto 'yong balat ko sa 'yo."

Napunta ang tingin ni Fenrys kay Wish na nasa labas ng ring at palinga-linga ito. Halatang naaaliw sa mga lobo.

Magsasalita na sana siya nang bahagya siyang banggain ni Ana.

"Hmm?"

Hindi naman ito sumagot kaya sinalubong niya ang mga tingin nito. "Ganiyan mo rin ako tiningnan noon. 'Kala mo kung sinong cold, masungit pala."

Napasimangot ito. Handa na siyang masakmal ni Ana pero nagulat si Fenrys nang tumawa ito.

Napaawang ang kaniyang bibig.

"Ano?" tanong nito.

"Himala! Hindi ka naasar."

"Asar na asar ako sa sinabi mo. Tinawanan ko lang."

"Weh?"

"Oo nga kaya manahimik ka bago ko masipa 'yang pagmumukha mo."

"Brutal talaga nito," bulong niya pero alam naman niyang narinig 'yon ni Ana.

Nakaharap silang dalawa ngayon sa nag-aapoy na ring. Malalim na ang gabi at masarap sa pakiramdam ang init ng apoy.

"Ana, no'ng una mo 'kong nakita, naguwapuhan ka ba sa 'kin?"

"Talaga, Fenrys? 'Yan talaga itatanong mo sa 'kin?" asar siya nitong tiningnan.

"Oo, seryoso ako," sagot niya at hindi pinansin ang matatalim nitong tingin.

"Hindi. Hindi ako naguwapuhan sa'yo. Nabuwisit ako at hanggang ngayon buwisit ka pa rin sa paningin ko!"

"Pero mahal mo naman ako." Pinaglapat niya ang kanilang mga noo.

"'Yan lang. 'Yan lang ang hindi ko kayang i-deny," saad nito at sabay silang natawa.

"Thank you," he said with full of sincerity.

He didn't ask for a second mate but fate gave him one. Hindi niya maintindihan dati kung bakit. Pero sa pagkakataong ito, mukhang naunawaan na niya. Akala niya'y wala na siyang kakayahan pang sumaya at magmahal ulit pero nagkamali siya.

"Thank you for existing in my life. I promise--"

"Teka," putol ni Ana. "Let's not tie ourselves with promises."

He smiled at what Ana said. "Okay, then I will love you and protect you for the rest of my life."

"And I'll do the same," Ana replied and closed her eyes.

"I will love you and cherish you and--"

"Tama na! 'Di na ako makahinga," putol nito sa sasabihin niya. Minulat nito ang mga mata at inis siyang tiningnan.

He chuckled. "Sorry na, 'di ko naman kasi alam na ang lakas pala ng tama mo sa 'kin."

Bago niya pa ma-realize ay nasakmal na ni Ana ang kaniyang tainga. "Buwisit ka!"

Muli siyang napatawa at dinutdot ang sarili sa tabi ni Ana.

Marami pa ang posibleng dumating sa buhay nila pero kampante siyang hindi na ulit siya malilito sa damdamin niya. He would and will do anything for her because he already found his life. And his life is Ana.

"Mahal kita," he whispered.

She tapped his toe in response.

He groaned and tapped her toe as well. "Say it!"

"Oo na, ako rin. Mahal din kita. Okay na?" bulyaw nito sa kaniya ngunit agad ding napaiwas ng tingin.

Napatawa na lang siya.

They looked at the blazing ring of fire together which symbolizes eternity. As he glanced at Ana, he smiled. "I wish to spend my eternity with you."

End of Book 2

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro