Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 29

NAPATINGALA si Ana sa kisame ng kuwarto. Malapit nang magtanghali pero wala siyang gana na bumangon.

Isang linggo na rin matapos ang laban sa Chysan. Matagal din silang nakabalik sa Raeon dahil tinuruan pa ni Wish ang ibang mga Ailune na gumamit ng barricade technique. Masiyado kasi silang marami at hindi iyon kaya ni Wish na mag-isa. Nagulat pa silang lahat dahil may isang guwardiya pa ang natira ngunit hindi ito nakipaglaban sa kanila imbes ay tinulungan sila nito. Wala na rin naman daw itong dahilan pa para kalabanin sila.

Seeing the castle of Chysan destroyed, it was already clear who got defeated.

Pagkauwi nila, nagkasundo sina Midnight at Rauis na sa Raeon muna manirahan ang mga Ailune.

Hindi rin siya tinigilan ni Valen nang makita siya nito kesyo wala raw siyang nagawa bukod sa bitbitin ang ibang alipin. Kahit nga no'ng tuluyan na silang nakauwi, walang tigil pa rin ito sa pagdada. Hindi siya makapaniwala dahil ni isang beses ay 'di pumasok sa isip niya na kaya pala ni Valen na maging madaldal.

Well, hindi rin naman siya 'yong tipong hindi umiimik.

"Hoy! Ana, bumangon ka na r'yan. Kanina pa naghihintay si Wish sa 'yo," gising ng kapatid niya.

Sa bahay muna siya ng kaniyang kapatid tumuloy habang si Wish naman ay kay Fenrys. Ayaw niya munang makita si Fenrys dahil gusto muna niyang makapag-isip-isip. Hindi pa rin sila nakapag-ayos no'ng huli silang mag-away. Bukod pa roon, alam naman niya na puro si Micaela lang ang nasa isip ng lalaki kaya mas mabuting huwag na muna silang magkita. Siguro.

Huminga siya nang malalim bago bumangon. Inayos niya muna ang sarili bago lumabas.

Nakita niya si Wish sa balcony. Nang mapansin siya nito ay agad na ngumiti ang lalaki.

Ngumiti rin siya pabalik at tinabihan si Wish. Huli niyang nakita ang binata no'ng nasa Chysan sila at hanggang ngayon mugto pa rin ang paligid ng mga mata nito.

"Hindi ka okay," saad niya.

"Halata ba?" Mahina itong tumawa at kinusot pa ang mga mata. "Nalulungkot pa rin ako siyempre. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na wala na si Kuya."

Hindi naman sumagot si Ana at hinayaan itong magsalita.

"Pero, Ana, alam mo ba, naiintindihan ko na."

"Ang alin?" taka niyang tanong at tiningnan ang gawi nito.

"Naiintindihan ko na kung bakit palaging salungat ang emosyon ni Kuya sa mga ginagawa niya. Palagi ko siyang tinatanong tungkol dito pero palagi naman niya akong tinutulak palayo." Tumingala muna si Wish, halatang pinipigilan na tumulo ang luha sa mga mata. "Alam ko na may mali talaga sa memorya ko. No'ng nawala na si Kuya, may mga memoryang bumalik sa isipan ko at doon ko lang din napagtanto na ginamit ni Kuya ang abilidad niya sa akin. Doon ko lang naunawaan lahat. At masaya ako dahil alam kong hindi siya nagbago. Kaming pamilya niya pa rin ang inuna niya. Ako pa rin ang inuna niya kagaya no'ng bata pa lang kami."

She let out a smile and patted his head. "Masuwerte ka sa kuya mo."

He was selfless to the point he was willing to risk his life for his brother. To free him and to let him live happily.

Ngumiti si Wish sa kaniya. Pinahid nito ang mga luha sa mata bago pa tuluyang tumulo.

Nagkuwentuhan silang dalawa ni Wish. Kinuwento rin ni Ana kung gaano kagaling ang kapatid ni Wish sa laban at mukhang hindi na nagulat pa si Wish sa kagalingang taglay ng kapatid.

Nagpatuloy lang siya hanggang sa hindi niya napansin na umabot na pala kay Fenrys ang usapan nila.

"Kailan ka babalik, Ana?"

Ilang segundo pa siyang natahimik bago sumagot. "'Di ko alam."

"Bumalik ka na. Alam ko naman na gusto mo na ring makita si Fenrys."

"Gago! Anong sinasabi mo?" mabilis niyang depensa at iniwasan ito ng tingin.

Siya? Mamimiss ang mahangin at clean freak na lobong iyon? No way!

"Hay! Kahit kailan talaga kayong dalawa." Narinig niyang bumuntonghinga si Wish. Nilingon niya ito at nakitang napapailing pa ang binata.

"Nang-aasar ka ba, ha?"

Wish looked at her, innocently. More like, trying to look innocent just to piss her off. "Hindi, ah. Nagsasabi lang naman ako ng totoo."

"Paano mo naman nasabi na miss ko siya, ha? May katibayan ka ba?"

Mabilis naman itong tumango. "Oo naman dahil kitang-kita ko ang emosyon mo."

Napamulagat siya nang maalala niya ang abilidad ni Wish. Oo nga pala. Kaagad siyang tumalikod nang maramdaman niya ang pamumula ng kaniyang pisngi.

"H-huwag mo ngang basahin ang emosyon ko!"

"Hala! Ana tingnan mo, si Fenrys oh!"

Mabilis siyang napalingon nang may ituro si Wish. Sinundan niya ang tinuro nito pero mga putol na troso lang ang nakita niya.

"Wala naman, ah?"

Napatawa naman ito. "Joke lang."

Kaagad niyang binatukan ito pero tinawanan lang siya nito lalo. Ang lalaking 'to, kailan pa 'to natutong magbiro? Mukhang nahahawa na rin yata ito sa kabaliwan ni Fenrys.

"UNO! Midnight!" Niyugyog ni Fenrys ang mga braso sa nagbabasang si Midnight. Nasa library sila at dahil wala naman siyang magawa, kinukulit niya ito.

"Stop pestering me!" Tinulak siya nito palayo pero hindi siya nagpatinag at niyakap ang braso ng kaibigan.

Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Midnight sa ginawa niya. Napangisi siya sa kaniyang isipan. Nakakatawa talagang asarin ang kaibigan niya.

"What the hell is wrong with you?"

"Uno naman, 'wag mo naman ako itaboy. Una si Ana, sunod si Rauis tapos ngayon naman ikaw?" reklamo niya at nagkunwaring naiiyak.

Kagagaling niya lang sa Blaitheria para abalahin si Rauis pero pinaalis siya nito dahil marami raw itong gagawin.

"The fuck?"

"Oo, alam ko guwapo ako." Katatapos niya lang iyong sabihin, may l-um-anding na agad na mabigat na bagay sa ulo niya.

"Aray!" Napakamot siya sa kaniyang ulo nang hampasin siya ni Midnight ng libro na binabasa nito.

"Get out of here!"

"Ayoko!"

"Do you want me to kill you?"

"Mas mabuti pa ngang patayin mo na lang ako." Hinawakan niya ang dibdib na para bang nasasaktan. "Ana left me. At alam mo ba ang sakit? Isang linggo ko pa lang siyang hindi nakikita pero parang pinapatay na sa sakit ang puso ko."

He might be joking at this moment but he was serious when he said his heart ached. Madalas nakakaramdam ang lalaki ng sakit kapag matagal nilang hindi nakikita o malayo sa kanila ang kabiyak nila. It was a common thing for the male mate.

Nilingon ni Fenrys si Midnight na hindi sumagot at bumalik sa pagbabasa.

Napaisip siya. Sampung taon din na hindi nagkita si Erienna at Midnight. Sa sampung taon na 'yon, walang binanggit si Midnight tungkol kay Erienna, pero kahit hindi sabihin nito, kilalang-kilala niya ang kaibigan niya. Alam niyang gusto nitong hanapin at makita si Erienna pero 'di niya naman puwedeng iwan ang Raeon.

"You must've endured a lot," he said while looking at Midnight with pity.

"So?"

Napangiwi si Fenrys. Dahil sa sagot nito nawala lahat ang awa na naramdaman niya. Ang sungit talaga kahit kailan!

"Makaalis na nga lang." Tumayo na siya.

"Wait," pigil nito dahilan para lumaki ang mga mata niya sa gulat. Sa unang pagkakataon, pinigilan siya ni Midnight. Si Midnight na palagi siyang tinutulak palayo ay sinabihan siya ng 'wait'?

Whoa! I think I'm being too dramatic.

Mabilis siyang umupo at ngumiti nang pagkatamis-tamis kay Midnight. "Ano 'yon?"

Kumunot muna ang noo nito dahil sa ginawa niya bago nagsalita. "How do you feel living with the Havocs? Do you still dislike it?"

Natigilan naman siya. The questioned was quite unexpected that he was lost for words. He didn't say anything about being uncomfortable around the Havocs but damn.

"Midnight, gaano mo ba ako kakilala?" He said while smiling. The fact that he saw through him, their leader was really something else.

"What do you mean? You are one of my wolves. Of course, I know you."

"Ikaw, ha! Concerned ka. Lahat ba ng taga-Raeon tinanong mo rin nang ganito?" Grinning like an idiot, he teased Midnight.

"Yeah," seryoso nitong sagot at sinalubong ang tanong niya. "And you're the last one. Now, answer me."

"What?" Napaawang naman ang labi niya at mabilis na napasimangot sa sinagot nito. "And there I thought you knew me! Lahat naman pala tinanong mo!"

This time, Midnight was the one grinning. "What do you mean? You are one of my people. Of course, I know you." He just repeated what he'd said, but he sounded so proud like an arrogant king looking down on his servant.

"Shut up!" inis niyang sabi at tinalikuran ito.

"Stop being dramatic and just answer me."

Napatingala naman siya at napaisip.

Being friendly with the Havocs without being on guard was something that he didn't dream. Not even once. He felt annoyed when he was with them, at first. He visited Blaitheria as frequent as possible to train his emotions. To lessen his annoyance and to lessen his anger. But feelings weren't something that Fenrys could easily change.

"Do I still feel uncomfortable around them, you asked? Hmm. Very much," he answered.

It was true but . . .

"But it's bearable. At least I could smile at them now. Sincerely," he said that made Midnight smile.

"That's good." Midnight nodded slightly.

Magsasalita pa sana siya pero naunahan siya ni Midnight.

"You may now leave."

"Huh?"

"Leave."

"Aba't! Teka nga!" angal niya tinaas ang dalawang kamay. "Pagkatapos mong magtanong papaalisin mo na kaagad ako?"

"Yeah. I don't have anything to say to you anymore. Layas."

"Fine!" He acted as if he was hurt. Nagtungo siya sa pintuan habang nakayuko. Nang makarating sa pintuan ay nilingon niya muna si Midnight na may lungkot sa kaniyang mukha. "'Di mo talaga ako pipigilan?"

"The festival is coming up so stop fooling around."

"I'm not fooling around! Natapos ko na pinagawa mo sa 'kin, okay?" sagot niya. Naglakad siya pabalik at umupo muli sa upuan.

Siyempre, joke lang 'yong aalis siya. Hindi pa siya nakukuntentong buwisitin si Midnight kaya dito muna siya.

Humikab siya at napaunat. The Moon Festival would be next week.

One year na pala . . .

A year since his heart started beating for a reason. It had been a year since he felt the emotions he thought he couldn't experience again. Napangiti naman siya nang maalala niya no'ng una silang nagkita ni Ana. Wala pa nga siyang nasasabi sinungitan na kaagad siya. Hay nako!

"Uno, what should I do?" nakapangalumbaba niyang tanong.

"What else? Talk to her," he said like it was the most obvious thing.

ASAR niyang sinipa ang katiting na alikabok na nakaharang sa kaniyang daan. Most of the people weren't able to see this, but as a person meticulous as he was, he couldn't help but be annoyed. Idagdag pa ang ginawa ni Midnight sa kaniya.

"Bywisit!" He brushed his hair in annoyance.

Kahit ayaw pa niyang umalis, si Midnight na mismo ang tumulak sa kaniya palabas. Kasi raw disturbo raw siya. Mambubuwisit pa sana siya, eh!

Nag-teleport na lang siya pauwi sa bahay niya. Matutulog na lang muna siya, wala rin naman kasi siyang ibang gagawin.

Pagdating niya, dumiretso kaagad siya sa kuwarto. Huminto muna siya sa salamin at pinuri ang kaniyang kaguwapuhan bago sinubsob ang sarili sa malambot na kama.

Biglang napunta ang tingin niya sa kaniyang kamay.

He no longer had the ring. Although, it was important to him, he didn't bother to get it back. Nang nilibing nila ang bangkay ni Sai, hindi na niya kinuha pa ang mga singsing at nilibing ito kasama ng lalaki. He thought it would be better that way. With or without the ring, Mica would still remain special for him and that, she was part of his life.

He had accepted his past. He had let her go and decided to open his heart again for his present love.

"I miss you already," he whined and covered his face with a pillow.

Kailan kaya ito uuwi? Kung puntahan na lang kaya niya? Paano kung mas magalit lalo sa kaniya?

Napabangon siya. "Ano ba naman 'to."

Mas lalo lang niyang namimiss ang dalaga kapag naiisip niya ito.

Napatingin siya sa direksyon ng pintuan nang may marinig na mga yabag. Tumayo siya at dali-daling sinalubong si Wish.

"Wish!" Kaagad niyang kinurot ang pisngi nito. "So, kumusta? Nagkita kayo ni Ana? Ano sabi niya? Nabanggit niya ba ako? Na-miss niya ba ako?"

"Aray ko!" Winaksi nito ang kamay niya. "Hindi. Hindi ka raw niya miss."

"Ano? Imposible naman yata 'yon! Sa guwapo kong 'to? 'Di ako mami-miss?" angal niya at napahawak sa kaniyang mukha.

"'Yon sabi niya, eh." Nagkibit-balikat si Wish bago naglakad papuntang kusina.

"Hoy, pusa! Seryoso ka talaga?"

"Oo nga! Wala na raw siyang pakialam sa 'yo!" sigaw nito.

Napasimangot naman siya sa sagot ni Wish.

This is so unfair!

Padabog siyang bumalik sa kaniyang kuwarto. Bahagya niya pang sinipa ang kama bago nagtalukbong sa kumot. Ano ba 'yan! Miss na miss na niya si Ana tapos parang wala lang ito sa dalaga? Ang unfair! Hindi man lang siguro siya naiisip nito bago matulog.

Pero kahit anong gawin niyang pag-aalburuto, alam naman niyang hindi babalik si Ana sa kaniya.

Fine! I'll fetch you myself.

Bahala na kung magalit si Ana sa kaniya. He could no longer carry this burden in his heart. It was aching and it was longing for her.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro