Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 28

IS it over?

Ana stared at Drystan lying on the cold ground. He wasn't moving at all. Bumaba si Ana sa altar at pinuntahan si Sai na napaupo habang habol-habol ang hininga.

"H-he's dead," he muttered and pulled the sword out of Drystan's body.

Ana sighed in relief. Nakahinga na rin siya nang maluwag. Napunta ang tingin ni Ana sa sahig nang maramdaman ang pagyanig. Roots were falling as the walls cracked, and the altar they were on were splitting into pieces.

Inalalayan niya si Sai na makatayo. Pansin niya na nakatitig lang ito sa espada na para bang nagtataka.

"Kailangan na nating umalis." Hinila niya ang braso nito pataas pero nagulat siya nang bigla siyang tinulak nang malakas ni Sai.

"Look out!" Tumama ang dibdib niya sa paanan ng altar. Napaubo siya sa sakit.

"Ano bang--" Hindi natapos ni Ana ang sasabihin. Handa na sana siyang sigawan si Sai ngunit nanginig ang mga kamay niya sa nakita.

Si Drystan . . . nakabaon ang mga kuko nito sa tiyan ni Sai.

Doon lang natauhan si Ana nang lumuwa ito ng dugo.

"Saifro!" she shouted. Halos sumakit ang lalamon niya sa lakas ng kaniyang sigaw. Hindi siya nagdalawang-isip at tinungo ang direksyon ng lalaki.

Marahas na hinugot ni Drystan ang mga kuko at napunta ang atensyon nito sa kaniya. Bago pa siya makarating ay nasa harapan na niya ang lalaki. Nanuyo ang lalamunan niya. Nakalimutan na rin niyang huminga. Sa isang iglap, nakatuon na ang matutulis nitong kuko sa kaniyang mata.

Dito na ba ako mamamatay?

Pumikit si Ana at hinintay na tumama ang kuko ng lalaki sa kaniyang mukha.

Pero wala siyang naramdaman.

Binuksan niya ang mga mata. Halos mahulog ang puso niya nang makita ang luhaang mukha ni Drystan na pinipigilan ang sarili na masaksak siya. His eyes were shouting emotions. Sadness, regrets, and most of all, pain.

Doon niya lang napansin na habol-habol na pala niya ang kaniyang paghinga dahil sa kaba.

"Please . . . k-kill me."

Sa pangalawang pagkakataon, natigilan si Ana.

Drystan pleaded as his eyes were flooding with tears. His voice trembled as his hands shook. His face looked vulnerable and tired. He looked different from the Drystan they fought earlier.

He looked like he was in so much pain.

Ana didn't expect to hear those words from him. Ang kaninang galit na galit na nilalang ay nagmamakaawa ngayon sa harapan niya.

"I want t-to . . . sleep."

Napatulala si Ana sa kinatatayuan niya. Hindi siya makakurap at mas lalong hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin. Nalilito siya.

Mali. Naaawa siya.

Hindi niya inakala na iiyak ito sa harapan niya.

"Ana! Freeze him!" narinig niyang sigaw ni Sai.

"Pero--"

"Do it, now!"

Napapikit siya at hinawakan ang braso ni Drystan. Kahit na nagdadalawang-isip siya ay ginawa niya pa rin ang sinabi ni Sai. Nanginig si Ana nang gamitin niya ang kaniyang abilidad. Hindi pa siya sanay na gamitin ito. Hinihila ng kaniyang abilidad ang natitira niyang lakas. Inaantok siya pero pinili niyang kagatin ang kaniyang dila hanggang sa dumugo ito. Hindi siya puwedeng mawalan ng malay!

Unti-unti nang napalibutan ng yelo ang katawan ng hari habang siya naman ay iniinda ang hapdi.

"I-I'm sorry," she uttered. After she let out those words, Ana saw how Drystan's lips formed a smile.

Hindi napansin ni Ana na may tumulo na pa lang luha sa mga mata niya. His smile looked so peaceful. It was as if he was saying 'thank you' to her.

Napahagulgol na lang si Ana habang tuluyan na itong kinain ng yelo. Sumasakit ang puso niya. Hindi niya kayang tingnan ang lalaki. Kaagad siyang tumalikod at tinakpan ang mukha nang makita si Sai na itinaas ang espada para wasakin ang katawan ni Drystan.

Rinig niya ang mga nabasag na yelo na nagbagsakan sa sahig. She looked down and saw his body torn into pieces.

Mabilis siyang napaiwas ng tingin.

"It's finally over." Bumagsak si Sai habang nakahawak sa tiyan niya. He was severely wounded, but his face was filled with relief.

Nilapitan niya ang lalaki. "Paano na ang sumpa niya?"

"He won't be alive again. The rings of Amaranth's power are way more powerful than his curse. The moment he was hit by my sword, he already died. The only thing that had kept him going was the emotions he couldn't let go," sagot nito at napaubo ng dugo. Namumutla na rin si Sai.

Sinubukan ni Ana na itayo si Sai. Kailangan na nilang umalis dito dahil nasisira na ang buong paligid.

"Kaya mo bang tumayo?" tanong niya.

Nagulat siya nang umiling ito. "You go out alone. I'm d-dying anyway."

"A-ano bang sinasabi mo?" Biglang kinabahan si Ana sa sinabi nito. Halos maligo na rin ito sa dugo dahil sa tama nito sa tiyan. "Kumapit ka muna, sigurado akong may gagamot sa 'yo 'pag labas natin dito."

"Even if t-there is, I'll still d-die anyway." Mapait itong ngumiti. Ngiti na hindi niya nagustuhan. "I wished for the rings to defeat Drystan's curse in exchanged for my life."

"Ano?" She gritted her teeth. Hindi rin magkamayaw ang puso niya sa kaba. Para siyang nabingi sa narinig niya.

"The curse I received in return is my death."

"Hindi!" Mabilis siyang umiling. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ka puwedeng mamatay. Paano na si Wish? Marami ka pang sasabihin sa kaniya, 'di ba?"

Namumuo na naman ang luha sa mga mata niya. Isa-isang itong tumulo habang pinipilit niyang buhatin si Sai. Hindi niya kayang tanggapin ang mga sinasabi nito. Lalabas silang dalawa ng buhay rito. Hindi niya 'to iiwan.

Napakuyom na lang siya. Ramdam niya ang mga kuko niya na bumaon sa kaniyang palad. Kung alam niya lang. Kung alam niya na lang, hindi niya sana binigay ang singsing.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit mo 'to ginawa, ha? Alam mo sa sarili mong mamatay ka pero bakit mo pa rin tinuloy?" Napahagulgol siya habang hawak-hawak si Sai sa kaniyang mga braso. Tumutulo ang mga luha niya sa mukha ng lalaki pero hindi niya iyon pinansin.

"B-because that's the only way." Sai smiled at her and reached for her cheeks. "Ana, please take care of my brother in my stead. He's quite clumsy, and weak, and a crybaby, so please take care of him. Please . . . do it for . . ." Hindi nito natapos ang sasabihin nang muli itong umubo ng dugo. Wala nang kulay ang labi ni Sai. Hindi na rin nito maidilat nang maayos ang mga mata. Hinihila na ng sumpa ang buhay niya.

Parang may sumuntok sa puso niya nang marinig ang mga kataga. Walang nagawa si Ana kundi humagulgol. Niyakap niya ito dahil hindi niya kayang titigan ang nahihirapan nitong mukha. Parang pinipiga ang puso niya. Ang mga emosyon na kanina niya pa pinipigilan ay pinakawalan niya sa kaniyang pagtangis. Takot, galit, inis, kaba at sakit.

Ngayon lang niya nakilala si Sai pero nasasaktan siya. Ano na lang sasabihin niya kay Wish? Paano niya ito haharapin?

"Baka may iba pang paraan, b-baka puwede pang mawala ang sum--"

"Ana." Sai cut her words and shook his head, telling her to just accept the fact that he could no longer live.

Hinawakan ni Sai ang kamay niya at inabot ang espada. Bumalik na ang espada sa dati nitong anyo.

"PULL back!" Kaagad na napatakbo sina Fenrys palayo nang isa-isang magbagsakan ang higanteng mga ugat.

"Where do you think you're going?" Hinawakan siya ni Midnight sa braso.

"I have to get Ana." Inalis niya ang pagkakahawak nito.

He promised her to come back and explained everything to her. Hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa dalaga. Wala siyang pakialam kung mabagsakan pa siya, ang mahalaga ay makita niya si Ana.

He couldn't afford to lose anyone again. Ayaw niyang maulit ang nangyari dati na makikita niya na lang ang mahal niya na wala nang buhay.

"Fenrys, come back!" Napatigil si Fenrys nang may braso na pumulupot sa leeg niya.

"Let go!" Sinubukan niyang ialis ang pagkakahawak ni Dago sa kaniya pero ayaw siya nitong bitiwan.

"Calm down. Look!" He pointed on to something. Sinundan naman niya ito at sa likod ng mga usok na nilikha ng mga nagbabagsakang ugat sa buhangin, may pigura na naglakad palapit sa kanila.

The scent . . . it's Ana!

Kaagad siyang tumakbo at sinalubong ang dalaga. "Ana!"

Niyakap niya ito nang mahigpit.

"H-hindi ako makahinga!" angal nito at pilit na kumawala sa yakap niya. Bumitiw naman siya at tiningnan ang kondisyon nito. Wala naman siyang nakitang malalang sugat pero pansin niyang malungkot ang ekspresyon ng mukha nito. Mugto rin ang mga mata ng dalaga.

"Did something happen? The king, how's the king?"

"He's dead."

Napahinga naman siya nang maluwag sa sagot nito. Papunta pa sana sila nina Midnight pero mukhang tapos na ang laban.

Napababa ang tingin niya at may hawak-hawak itong espada. It was Sai's sword.

"Where's Sai?" He asked but she didn't answer. Sai was the one who helped him when the king ordered him to bring Erienna.

Come to think of it, hindi kasama ni Sai si Ana. Tiningnan niya ang direksyon kung saan nanggaling si Ana dahil baka nahuli lang si Sai pero wala.

Napakurap siya. Binalik niya ang tingin sa dalaga. Mukhang alam na niya ang nangyari sa lalaki.

"Ana." Parehas silang napalingon dalawa nang makita si Wish na papalapit sa kanila.

Tinuro nito ang espada. Namumuo ang luha sa mga mata ng binata. "K-kay Kuya 'yan, 'di ba?"

Tumango si Ana at inabot ito kay Wish.

"N-nasaan si kuya?" tanong nito at halatang nagpipigil na umiyak.

"'I'm sorry, I wasn't someone who you could be proud of. Please don't hate me. And please live, Wish.'" Pumiyok ang boses ni Ana. "That w-was your brother's last words."

Halos mabitiwan ni Wish ang espada matapos marinig ang sinabi ni Ana. Isa-isang nagbagsakan ang luha nito sa mga mata. "H-ha? Anong ibig mong sabihin? Nasaan si Kuya? Ba't hindi mo siya kasama?"

Niyakap nang mahigpit ni Ana si Wish. "I'm sorry. W-wala na si Sai."

Hindi sumagot si Wish at nanatili lang itong nakatunganga. Hindi ito gumalaw. Walang tigil ang mga luha nito sa mga mata hanggang sa tuluyang humagulgol at niyakap pabalik si Ana.

Fenrys let out a deep sigh while looking at Wish. He cried like a child. It must be hard for him. After all, Sai was his brother.

Nilingon niya ang palasyo ng hari na tuluyan nang gumuho. Iniwan niya muna ang dalawa at bumalik sa kinaroroonan nila Midnight. 

"Is Ana okay?"

Tumango naman si Fenrys bilang sagot sa tanong ni Erienna. Umupo siya sa buhangin at napatingala na lang sa kalangitan.

Ang daming nangyari sa araw na 'to.

But finally, it was over.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro