Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27

"I CAN with these." Pinakita ni Sai ang suot niyang mga singsing.

"Ha!" Humagalpak naman sa tawa si Drystan at tinuro pa si Sai. "Those rings? You really are a fool! How can those rings, that was made to revive people, kill me?"

"You're the fool here. You have lived way longer than I am yet you believe on that legend?" Nagulat si Ana ng sinulyapan siya ng tingin ni Sai ngunit mabilis ding ibinalik kay Drystan. "Well, I guess people are really foolish when it comes to the ones they love. They will do anything and believe anything if it's for them."

Pagtapos marinig ni Ana ang mga katagang iyon, mayroon kaagad siyang napagtanto. Sinulyapan niya ang altar kung saan naroroon ang dalawang babae na nakahiga sa kama.

His wife and daughter.

"What are you trying to say?"

Habang nag-aalit ang dalawa, ginamit ni Ana ang pagkakataong ito at nagtungo papuntang altar.

"By gathering informations, I found out that the legend was false. These rings weren't made to revive a person. It was made to grant a wish in exchange for a curse."

Patuloy pa rin sa pag-akyat si Ana papuntang altar habang nakikinig sa kanila. A curse? Anong curse naman?But if it would grant him his wish, did that also mean Sai will be cursed?

Nang maabot niya ang tuktok ng altar ay nilingon niya si Sai. Kita niya kung paano umilaw ang mga singsing sa kamay, hanggang sa may lumabas na kulay ube na usok at nagtungo ito sa espada ni Sai. Ana gasped when Sai sword became thinner but sharper. The emblem's color turned into silver. Unfamiliar marks started to carve out his blade. When the light struck his blade, it emitted a purple color.

Napasingkit ang kaniyang mga mata. What was that? A flame? Waves? Claws? She couldn't distinguish what those marks were.

"This will end you, Drystan. I will make it happen!" Sai shouted at the top his lungs and charged towards Drystan.

He wished to kill Drystan so his sword transformed. But the curse . . . what curse did he receive in return?

Napalunok si Ana. Hindi maganda ang kutob niya.

"Bastard!" Drystan let out his claws. Sai glance at Ana signaling her to do something.

Oo nga pala, muntik na niyang makalimutan. Kaagad siyang tumakbo papalapit sa kama. Napahanga pa siya dahil sa kagandahang taglay ng dalawang babae. Hindi halatang patay na at parang natutulog lang dahil buhay na buhay ang kulay ng balat nila.

Ana position her hands on top of the bed.

If they were truly his weakness, he would protest if anything happens to them, to these lifeless bodies who had been preserved for centuries.

Sasalubungin na sana ni Drystan si Sai pero nagsalita siya kaya napatigil ito.

"Subukan mong kumilos and I'll freeze them or . . ." Nakuha niya ang atensyon nito kaya napalunok siya. Kaagad siyang nanlamig nang makita ang matalim nitong tingin. Hindi siya nagpatinag at tinaas ang kaliwa niyang kamay na may hawak na ice spike. "Or I'll destroy them into pieces."

Wala naman talaga siyang planong gawin ito. Kawawa naman ang dalawa, wala na ngang buhay tapos sasaktan niya pa. May konsensiya naman siya kahit papaano.

"Don't you dare lay your hand on them!"

"At bakit naman kita susundin, ha?" Mas lalo niya pang nilapit ang ice spike sa leeg ng asawa.

Nagliyab sa galit ang itsura ng hari. "You pest! You have done nothing but to take everything what's mine! I'll kill you! I'll kill all of you!"

Nagulat siya nang unti-unting nagbago ang anyo ng lalaki. Napaatras si Ana dahil nanginig ang mga tuhod niya. Anong gagawin niya?

Tiningnan niya ang asawa nito. "Don't try to do something!" She threatened the king but it looked like he didn't hear her.

Napahigpit ang hawak niya sa ice spike nang tuluyan nang mag-iba ang mukha nito.

Napalunok siya. Imbes na ituon niya ang ice spike sa asawa ay tinuro niya ito sa direksyon ng hari. She had never tried this before. Hindi niya rin alam kung magagawa niya bang tamaan ang hari dahil nanginginig ang kaniyang kamay.

But it wasn't the right time to think about those things. Do or die. Kung mamatay man siya rito, mas mabuti nang may gawin siya kaysa tumunganga na lang.

"Here I go," bulong niya sa sarili. Huminga muna siya nang malalim at inipon ang kaniyang lakas papunta sa kaniyang braso. Ginamit niya ang paanan ng kama para bumwelo at binato ang ice spike sa direksyon ng hari.

Napangiti si Ana dahil saktong nagtungo ito sa dibdib ng hari. Magdidiwang na sana siya ngunit biglang hinampas ng hari ang kaniyang ice spike gamit ang matulis nitong mga kuko.

"Shit." Bumagsak ang mga balikat niya. Kita niyang nabasag ang ice spike.

Nag-ambang tatalon ito papunta sa direksyon niya kaya isinangga niya ang braso sa kaniyang mukha. Inasahan niyang tatarak sa mga braso ang mga kuko nito ngunit nagulat na lang siya sa mga sumunod na nangyari.

Bago pa man siya masaktan ng hari sa ay hindi nagdalawang-isip si Sai na ibaon ang espada mula sa likod nito.

Napapikit si Ana dahil hindi niya kayang tingnan ang dumudugo nitong dibdib. The sound of his sword piercing through Drystan's body made her feel an unsettling feeling inside her stomach. She wanted to vomit.

Pagmulat niya, napaubo ito ng dugo bago tuluyang bumagsak sa sahig. Kasabay ng pagbagsak ng hari ay napaupo rin siya sa paanan ng kama.

Is it over?

"PITIFUL," Midnight uttered as he kicked Cliff's face.

"T-this is impossible. H-how--" Hindi matapos ni Cliff ang sasabihin nang tumawa si Dago.

"Anong impossible ka r'yan! Paulit-ulit kasi mga galawan mo, dre. Kaya kahit gaano ka pa kabilis gumalaw, kabisado ka na namin!"

Sinugod ni Kurt si Dago pero agad naman nitong nasangga at sinipa ito sa tiyan. "Ang kulit mo naman. Matulog ka nga!"

Hinila ni Midnight ang buhok ni Cliff at siniko ito sa batok upang mawalan ng malay. Napansin ni Midnight na pabalik na sina Rauis sa direksyon nila. May kasama silang hindi pamilyar sa kaniya, mukhang ito na ang mga alipin.

Nang makalapit sila ay napansin naman niyang napanganga si Wish habang nakatingin kina Kurt at Cliff.

"A-ayos lang ba--" Umiling ito at piniling 'wag ituloy ang sasabihin. It was obvious that they were fine so why bother asking?

"Ito na ba sila lahat?" tanong niya.

Tumango naman si Wish.

"Ako na nga sabi!"

"Hindi, ako na!"

"Ako sabi, eh!"

"Ako!"

Napatingin siya sa likuran ni Wish nang mapansing nagtatalo si Yves at Steven. What the hell was there problem?

"Ah, they've been like that for a while," sabi ni Rauis sa kaniya at napakamot sa kaniyang ulo. For what reason?

He glanced at Steven and Yves again. Napansin naman niya ang babae na nakatayo sa gitna ng dalawa. Hindi niya 'to kilala. She must be one of the prisoners.

"Ayos lang naman ako. Kaya ko namang maglakad," sabi ng babae.

"You heard the lady, so will you stop bickering?" pigil ni Gav sa kanila pero
inismiran lang siya ng dalawa.

Napailing na lang si Midnight.

"Dago, sa likod mo!" Nagulat si Midnight at mabilis na napatingin sa likuran niya nang biglang sumigaw si Wish. Kurt aimed his claw on Dago. Pero bago pa ito makaabot ay may mga paa na tumama sa pagmumukha nito. Bumagsak ito sa buhangin at tuluyan na ngang nakatulog.

"Sorry, ngayon lang kami," said the guy who kicked Kurt's face.

"Fenrys." Ngumiti siya sa gawi ng kaibigan.

"Yo! Uno. Pasensya na. Here's Erienna." Tumalon galing sa taas si Erienna. Nang makalapag ay dali-dali itong lumapit at yumakap sa kaniya.

Niyakap niya rin ito pabalik. "Thank God you're okay," he muttered and planted a kiss on her forehead.

"Kuya!" Humiwalay si Erienna sa kaniya at niyakap ang kapatid.

"Bakit hindi niyo kasama si Ana?" tanong niya nang makalapit si Fenrys sa kanila.

"She's still inside." Binaling ni Fenrys ang tingin kay Wish. "With Sai."

"Si Kuya?"

Tumango naman si Fenrys. "Let's go, we need to go back inside."

Tumango naman si Midnight. Pinasadahan niya ng tingin ang duguan nitong braso pati na ang mga paa. Mukhang galing ito sa laban.

Lumapit si Steven kay Fenrys at pinahinto ang pagdurugo nito.

"Thanks."

"Fenrys, Rauis, Dago, Lenox, Van and I will go inside. The rest, stay here," Midnight said.

Bago pa makasagot ang iba ay biglang yumanig ang paligid. Muntikan na siyang matumba nang mawalan siya ng balanse. Napatingin siya sa tahanan ng hari. Nagbabagsakan ang mga naglalakihang ugat. Gumuguho ito. Dahil kinuha nila ang mga alipin, wala nang nagpapanatili pa para mapatayo ito.

"Shit! Si Ana!" Napahilamos si Fenrys sa kaniyang mukha.

DRYSTAN felt the steel piercing his heart. He tried to reach the sword but he was slowly losing consciousness. His life flashed before his eyes as he fell on the cold ground.

Is this my end?

For almost one thousand years, he bore the curse of being alive for eternity. Kahit maraming taon na ang lumipas, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Lahat ng pinagsamahan nila ng pinakamamahal niya at kung paano sila bumuo ng pamilya. Naalala niya lahat. Ang mga ngiti nila, ang mukha pati na ang boses kung paano ito tumawa.

Naalala niya rin kung paano at ilang beses niyang sinubukang patayin ang sarili, nagbabakasakaling wala nang bisa ang sumpa.

Miss na miss na ni Drystan ang pamilya niya.

I'm tired.

Ayaw na niya. Pagod na pagod na siya. Pagod na siyang panghawakan ang galit at puot na dala-dala niya. Pagod na siyang magpatuloy pa. All those years, he felt nothing but loneliness. He missed them. He wanted to rest and be with them again.

Napangiti siya sa isipan niya habang lumuluha. Even if he was losing, his heart felt light. He longed to feel this. He wanted to sleep.

Napunta ang tingin niya sa altar at inabot ang kamay ng asawa. "Finally, I can be with you two again."

Hindi na niya maramdaman ang katawan niya. His visions were getting darker. He glanced at the woman beside the altar. The woman from Raeon.

And as he thought of the wolves he used to put all his care on, an image of a man appeared in front of him. The man who betrayed him.

He gritted his teeth as he saw the man's smile. Suddenly, an intense wave of emotions flooded his heart. Right. How could he forget? How could he just accept defeat when his enemy who once ruined him was winning?

The creatures who took his wife, daughter, and his partner from him was in front of him!

"I . . ." He would not give up yet. His revenge . . . He needed to fulfill his revenge, for his wife and daughter. For the days they had lost, and for the pain that man caused.

He felt his curse overpowering his body. He was gaining his vision back. He could feel his strength coming back.

Nangako siya na ipaghihigante niya ang pamilya niya kaya hindi siya puwedeng mamatay. Sisirain niya ang buhay ng mga nilalang na sumira sa kaniya hanggang sa 'di na sila makakangiti pa.

Subalit . . .

He bit his lower lip.

Pero napapagod na siya. He didn't want another cycle of suffering.

Napunta ang tingin niya sa mukha ng kaniyang asawa. He must be hallucinating, but there was warmth between their palms. And there, he remembered the last thing she said.

"Don't hurt the people who never hurt you, Drystan. Don't put your anger on them. You'll be okay. You'll be okay, my love."

Tears immediately rushed down his cheeks. "No. I'm not okay, Ophelia."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro