Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

GABI na at napagpasyahan ni Fenrys na umalis muna ng Blaitheria. Gamit ang abilidad, nagtungo siya sa puntod ni Micaela. Pagkatapos nilang mag-usap ni Midnight ay medyo naliwanagan na siya at paunti-unti na rin niyang tinanggap ang mga sinabi ni Wish sa kaniya no'ng nakaraan. 

His guilt and confusion . . . Kaya niya nararamdaman ang mga ito dahil hindi niya pa natanggap ang pagkamatay ni Mica. Umaasa pa rin siyang makakasama niya itong muli kahit na alam niyang imposible. No'ng dumating si Ana sa buhay niya, palagi niyang binabalewala ang nararamdaman dahil pinipigilan niyang mapalapit sa babae.

He disregarded his feelings because he didn't want to let go of his past. Gusto niya na doon lang siya. Dahil nandoon ang kasiyahan niya. Sa kagustuhan niyang manatili sa nakaraan, nalilito na siya kung ito ba talaga ang gusto niya hanggang ngayon.

"Mica," bati niya. Hinaplos niya ang lapeda nito. "Ang tagal na rin no'ng nawala ka pero kabisadong-kabisado ko pa rin ang mukha mo."

Umupo siya sa damuhan. He didn't like his pants getting dirty, but he could make an exception just for this moment. What was more important was to deliver his feelings well.

He wanted to be honest. No more denials. No more hesitations.

"I was too attached to you. Kahit ilang taon na, pinanghawakan ko pa rin ang pangako ko sa 'yo." Niyakap niya ang sariling tuhod.

Binalewala niya lahat ng mayroon siya ngayon dahil sa pangako niya. Pangako na akala niya'y hindi niya mababale. But destiny was really unpredictable. It gave him something that he didn't ask for. Nang dahil doon, nabale lahat ang mga pangako niya kay Mica.

His lips formed a small smile. "Sa simula pa lang pala."

Sa simula pa lang, alam niyang hindi na niya matutupad ang pangako niya kay Mica. Pero ayaw niyang aminin sa sarili niya. Ayaw niyang makalimutan si Mica. Para sa kaniya, ang pangako niya at si Mica ang pinakaimportante sa buhay niya. Nang dahil sa pangakong iyon, pinagbawalan niya ang sariling sumaya.

Because of that promise, he overlooked something.

"Back then, you have always wished for me to be happy, right?" Napatawa siya nang mahina. "I'm so caught up with our promises that I forgot about being happy. I'm sorry."

When Ana came, he started to live untrue to his feelings. Ayaw niyang aminin sa sarili niya. Ayaw niyang umamin na unti-unti siyang sumasaya sa piling ng dalaga. Pakiramdam niya kasi ay magtataksil siya kaya araw-araw, palagi niyang pinapaalalala sa sarili na si Mica lang dapat ang nasa puso niya. But no matter how hard he tried to push his feelings away, like a sprout of a seed, it just kept on growing, trying to reach the surface where there was happiness. A safe place he knew he could flash a smile.

He wanted to be with her. He wanted to be happy again. His little self was longing for Mica, but his present wished to live with Ana.

Tama nga si Wish. No wonder he kept on staying at the middle. However, this time, he was ready and he came today to say it properly.

"I'm sorry but I no longer can't keep my promise to you, Mica." He didn't want to deny his feelings anymore. He wanted to be honest with himself.

At alam niyang ito rin ang gusto ni Mica.

"I will try to live again so I'm leaving the little Fenrys to you. I-I'm . . ." he paused for a moment. Tumingala siya at tiningnan ang mga bituin. "I'm letting you go."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay pinakiramdaman niya ang sarili. Akala niya'y kikirot ang puso niya pero hindi. Instead of a heartache, he felt serenity. The mist covering his head disappeared. The beating of his heart felt like an aftermath of a heavy rain. It was calm and spacios.

Ang gaan ng pakiramdam niya. Parang nawala lahat ang kalituhan sa isip niya at napalitan ng katahimikan. Dumampi sa kaniyang pisngi ang malamig na hangin dahilan upang mapansin niyang tumutulo na pala ang luha sa mga mata niya.

He smiled and closed his eyes.

Finally, he was able to cry for her. Dati ni kahit isang butil man lang ng luha ay 'di niya nailabas. He did nothing but only hope to shed a tear. Now, it finally happened.

But he never expected it would be this tranquil. Pakiramdam niya'y nabunutan siya ng tinik na matagal nang nakabaon sa puso niya.

Hinayaan niya ang sariling umiyak sa gabing iyon habang bumubuo ng panibagong pangako. Sa pagkakataong ito, pipiliin niyang sumaya sa piling ni Ana.

MAAGANG nagising si Ana dahil sa bangungot na agad din niyang nakalimutan pagkagising. Nag-unat siya sabay hikab habang ang mga tingin ay nasa glass window. Umupo siya sa kama at dahan-dahan ginalaw ang kaniyang tiyan. Napangiti naman siya nang hindi na ito sumasakit.

Tumayo siya at sinubukang tumalon. Wala na nga ang sakit.

"Yes!" tili niya dahil sa tuwa.

Kaagad namang pumasok sa isipan niya si Fenrys. May naisip siyang kalokohan. Mabilis siyang nagtungo sa pintuan para sana puntahan ang lalaki pero agad ding napatigil.

Naalala niyang hindi pa pala sila okay. Hindi pa rin sila nakapag-usap at mas lalong hindi pa nila nakita ang isa't isa. 'Di rin naman kasi siya dinalaw nito. At siya naman ay nanatili lang sa loob ng kuwarto.

Napabuntonghininga na lang siya at napaupo pabalik sa kama. Was he still upset? Baka nga, hindi pa rin kasi nagpaparamdam ito sa kaniya.

Eh kung ako na lang kaya kumausap sa kaniya?

Napanguso naman siya sa naisip. Nakakahiya. At saka 'pag kinausap niya ang lalaki baka magyabang na naman 'yon. Kesyo 'di raw niya matiis ang kaguwapuhan niya. Kesyo namimiss niya na raw siya.

Iisipin pa lang niya, naasar na kaagad siya.

Pero hindi ba totoo na namimiss niya na nga ang lalaki?

"S'yempre hindi!" sigaw niya sa sarili at patalong tumayo sa kama. Inayos niya muna ang kaniyang higaan bago naligo at nag-ayos ng sarili.

Pagkatapos, lumabas na siya ng kuwarto. Inaasahan niyang makikita niya si Fenrys sa baba pero sina Rauis, Wish at Midnight lang ang naabutan niya.

"Ana!" Wish greeted him cheer with a wide smile. Ang aga ang taas na agad ng energy. "Ayos ka na ba?"

Nginitian naman niya ito at tumango.

"That's good," narinig niyang sabi ni Midnight. Nakangiti ito sa kaniya kaya naman yumuko siya bilang paggalang at pasasalamat.

Nagpaalam siya sa tatlo na lalabas muna. Gusto niya sanang tanungin sila kung nasaan si Fenrys pero nahihiya siya.

Maglalakad na sana siya nang may maamoy siya. It was Fenrys' scent. It was a faint smell but she knew it was from him. Napaangat ang kaniyang tingin dahil nanggagaling ito sa itaas.

"He's on the seventh floor, sleeping," sabi ni Rauis sa kaniya at ngumiti. Kaya naman pala hindi niya masiyadong maamoy. Ang daming kuwarto, sa ikapitong palapag pa talaga natulog.

Yumuko muna siya bago tuluyang lumabas at nagtungo sa tore kung saan nakatira sina Valen at Thela. Gusto niyang makita ang dalawa pati na si Prisci. Gusto niya ring magsanay at magpaturo kay Valen.

Nang makarating siya, sakto namang nasa labas ang tatlo.

"Oh, Ana!" Bati ng tatlo nang makita siyang papalapit sa kanila.

"Akala ko umuwi ka na?" takang tanong ni Prisci sa kaniya. Hindi pala nila alam ang nangyari sa kaniya.

Ngumiti naman siya at iniba ang usapan. Hindi naman sa ayaw niyang sabihin sa kanila ang nangyari sa kaniya pero wala lang talaga siya sa mood na magkuwento.

"Gusto mong sanayin kita?" tili ni Valen sa kaniya. Kaagad nitong hinawakan ang kaniyang braso at hinila siya papalapit. Nagulat naman siya sa ginawa nito at nagpumiglas pero 'di rin siya nakawala.

Ang lakas talaga.

"Kung ayos lang sa 'yo," sagot niya.

Inakbayan kaagad siya nito. "All right! Kailan mo gusto magsimula? Ngayon na ba?"

Mas excited pa yata 'to sa kanhya, eh. Siguro dahil palaging umaayaw si Prisci at Thela sa kaniya kaya tuwang-tuwa ito sa sinabi niya.

Hinila siya nito papunta sa loob ng tore dahil may ipapakita raw sa kaiyya na mga patalim. Papasok na sana sila nang biglang napatigil si Valen at hinarang ang sarili sa kaniya.

"Valen--" Hindi niya natapos ang sasabihin. Nakita niya na lang na dumudugo na ang kamay ng babae dahil sa espadang itatarak dapat sa kaniya ng lalaking kadadating lang.

Narinig naman niyang napatili si Thela at Prisci. Tumakbo ang dalawa papasok ng tore at nagtago sa likuran ng pintuan.

"Hmm. You're fast," saad ng lalaking may hawak ng espada. Umatras ito sa kanila at hinila ang espada.

Sino ang lalaking 'to? Ngayon lang niya naramdaman ang presensya at ang amoy nito. At hindi maganda ang kutob niya.

He was wearing a crimson cape, covering his body. Ang tanging nakikita lang niya ay ang hawak-hawak nitong espada. Napaalerto siya nang inalis nito ang hood ng cape. Doon niya lang nakita ang pagmumukha ng lalaki. Nakuha agad ang atensyon niya sa pilak nitong mga buhok at kakaibang mata.

He somewhat looked familiar.

The cat eyes . . . the guy looked like Wish.

"H-he's the guy w-who approached me last time!" nauutal na sigaw ni Thela habang nakasilip at nakaturo sa lalaki. Dahan-dahan itong lumabas sa pagkakatago na agad ding sinundan ni Prisci.

"So, ikaw pala," she muttered. It was because of him she was stabbed. Kaagad na namuo ang galit sa puso niya.

Napansin naman niyang ngumisi ang lalaki sa kaniya. Lalong umusbong ang galit ni Ana dahil sa ginawa nito. Sisiguraduhin niyang hindi ito makakaalis nang hindi niya ito mapupuruhan.

She positioned and guard herself up.

"Valen, ayos ka lang ba?" Tumango naman ito sa tanong niya.

"Ang lakas naman yata ng loob mong pumasok sa Blaitheria," asik ni Valen.

Napansin naman niyang napahigpit ang hawak nito sa espada kaya hinanda niya ang sarili sa pag-atake. Her body reacted fast when the guy rushed to their direction.

Napadaing siya. Nagalusan ang pisngi niya sa espada. .

Kasingbilis ito ni Wish. Mabuti na lang at nagsanay siya kasama si Wish dati kaya kahit papaano ay nasasabayan niya ang lalaking nasa harapan niya ngayon.

She felt a cold breeze in her hands. Hindi niya iyon pinansin at tumakbo papalapit kay Thela at Prisci nang ibato nito ang espada. Hinila niya ang dalawa padapa para makaiwas sa espada na papalapit sa direksyon nila.

Now, he no longer armed.

Aatake na sana siya pero naunahan siya ni Valen. She attempted to hit an upper kick from the back, but too bad, the guy disappeared. In just a glimpse, it was already behind Valen. The guy imitated Valen and threw an upper kick on her back.

"Ah!" The impact was heavy that it sent Valen flying. Tumama ang katawan nito sa pader ng tore.

"Valen!" Mabilis siyang napatakbo sa direksyon nito.

"I-I'm fine," saad nito. Mabuti naman at 'di ito nawalan ng malay. Pero hindi maipagkakailang napuruhan ito dahil sa labi at ilong na dumudugo.

Hindi mapigilan ni Ana na mapahanga. She was tough. Kung sa kaniya iyon nangyari, baka hindi na siya nagising.

"You're open." Napabalik ang atensyon niya sa lalaki nang magsalita ito. Wala na ito sa posisyon kung saan ito nakatayo kanina kaya nataranta siya.

Shit! I let my guard down again!

Where was he? Naamoy niya ito kaya napaangat ang kaniyang tingin. Hawak-hawak na ulit ng lalaki ang espada.

Anong gagawin niya?

She started to panic when she felt the cold in her hands again, it was as if signaling her on something. Oo nga pala, may pangalawa pala siyang abilidad!

Napalunok siya. Hindi niya pa 'to nasusubukan pero wala siyang choice kundi gawin ito.

Bahala na!

A second. Isang segundo bago tumagos ang espada ng lalaki sa kaniya.

She raised her right hand and closed her eyes. Feeling the coldness coming out in her hands, Ana envisioned a barrier. The cold quickly reacted to her vision. Nanginig ang kamay niya. Something was coming out from her palm, producing a glistening sound. The force was too strong that her hand became numb.

When she opened her eyes, she gulped.

Above her was a thick, crystal-like ice covering them. Nakatungtong naman sa itaas n'yon ang lalaki. Magsasaya na sana siya pero bigla na lang nitong itinusok nang buong puwersa ang espada dahilan para magkaroon ng bitak ang yelo.

The guy jumped when the ice were breaking. Napatakbo naman silang dalawa palayo para hindi sila matabunan ng yelo.

"Play time is over," saad nito at halos manindig ang kaniyang balahibo sa talim ng mga tingin ng lalaki.

"No. You're over."

Sa isang iglap, tumalsik ang espada na hawak-hawak nito at sakal-sakal na siya ni Rauis.

"Ana!" Kumabog ang puso niya. Nakita niya si Fenrys na papalapit sa kanilang direksyon. Nakita rin niyang nakasunod sina Midnight at Wish sa kanila. Nilapitan naman Midnight sina Prisci at Thela na hanggang ngayon ay nakatunganga pa rin. Si Wish naman ay nakatingin sa lalaki at hindi maipaliwanag ang ekspresyon nito.

"K-kuya . . ." Wish uttered. Napansin niyang nanginig ito.

"Are you okay?" Napunta ang atensyon niya kay Fenrys na nasa harapan na niya.

Tumango naman siya.

"You're surrounded," rinig niyang sabi ni Rauis sa lalaki. Napatingin siya sa paligid nang makarinig ng mga pag-angil. She gasped when she saw the Blaitheria's army.

He wasnn't joking. They were really surrounded!

Tiningnan niya ang lalaki. Akala niya'y mababalot na ng takot ang pagmumukha nito ngunit hindi nagbago ang blanko nitong ekspresyon.

"Like I c-care," sagot naman ito kahit sinasakal na siya. "I-it doesn't matter, anyway." And he smirked.

Sinulyapan nito si Wish at nagulat siya nang napunta ang mga tingin nito sa kaniya. Makahulugan siya nitong tinitigan.

Napasigaw siya nang maramdaman niyang may kamay na humawak sa kaniyang mga paa at mabilis siyang hinila pababa. Napayuko siya. May itim na bagay na nakapalibot sa tinatayuan niya.

"Your armies aren't needed here," rinig niyang sabi ng lalaki. Sinulyapan niya ito na nakatakas na dahil sa maitim na aninong pumagitna sa lalaki at kay Rauis. Sa isang iglap, nawala na ito sa harapan nila pagkatapos kainin ng itim na anino. Siya naman ay unti-unti na rin siyang hinigop pababa.

"Ana!" sigaw ni Fenrys at hinawakan ang kamay niya. Sinubukan nitong hilahin siya pataas ngunit masiyadong malakas ang puwersa kaya pati si Fenrys ay nahila rin pababa.

Sabay silang nilamon ng kakaibang abilidad.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro