Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

NAIWAN si Ana sa loob ng kuwarto habang si Fenrys naman ay lumabas. Umupo siya sa kama at niyakap ang kaniyang tuhod. Tuloy pa rin ang kaniyang pag-iyak subalit pinigilan niyang makalikha ng ingay. Kahit gusto niyang ngumawa at humagulgol, ayaw niyang may makarinig sa kaniya.

Hindi naman niya sinasadyang pagsabihan si Fenrys ng ganoon. Pero nang magising siya at makita ang kaniyang sitwasyon, nabalot kaagad ng inis ang nararamdaman niya. Maraming tao ang nag-alala sa kaniya, at isa iyon sa pinakaayaw niya.

Bahagya niyang hinila ang sariling buhok. "Mahina ka talaga."

She was motivated to do better after the festival, but because of what happened, all of those motivations faded. Bakit kailangang mangyari sa kaniya 'to? Siya na lang palagi ang mahina. Kailangan niya palagi ang tulong ng iba. Palagi na lang ganito at pakiramdaman niya'y wala siyang silbi. Pati pagtayo 'di niya pa kayang gawin.

It was frustrating. When Fenrys tried to help her, it frustrated her more. And that was where she snapped. Hindi na niya napigilan pa ang sarili na pagsalitaan si Fenrys.

"Wala ka rin talagang pinagbago . . ." she whispered to herself.

Gusto niyang sabunutan ang sarili, saktan hanggang mawala ang inis na nararamdaman niya. Pero kahit na mawala ito, alam niyang panandalian lang. Babalik at babalik lang ito hangga't mananatili siyang mahina. Hangga't hindi niya napapatunayan sa sarili niya na kaya niyang lumaban, na kaya niyang maging malakas para sa iba.

Pinahid niya ang mga luha at tumingin na lang sa kawalan. Kumikirot pa rin ang tiyan niya kaya 'di siya makatayo nang maayos. Hindi na naman siya nanlalamig at ang porsiyon na lang ng kaniyang tiyan ang parang yelo.

She tried to recall what happened last night but she could barely hear what the others talked about. Narinig niya si Rauis at isang 'di pamilyar na boses na mayroon daw siyang isa pang abilidad. At may bagay raw na nasa loob ng tiyan niya.

Hindi niya alam kung dapat niya bang ikatuwa na may isa pa siyang abilidad. At kung sino man ang naglagay ng nakakaasar na bagay na ito sa tiyan niya, sisiguraduhin niyang bubugbugin niya ito kapag nalaman niya.

Napabuntonghininga na lang siya. Gusto niyang umuwi at puntahan ang mga alaga niyang salagubang. Those beetles gave her comfort. Naiisip pa lang niya ang mga ito, napapangiti na siya. Hindi naman talaga siya mahilig sa mga salagubang dati. In fact, she disliked it. But a guy made her love those creatures.

That guy was special to her.

Humiga siya sa kama at pinikit ang mga mata. She tried to reminisce her memories when she was still a kid. When she was still with him.

"Hoy!"

Napaigtad si Ana nang may bagay na humawak sa balikat niya. Paglingon niya, nakita niya si Kaisen na nakangiti sa kaniya. Napunta ang tingin niya sa buhok nito. Hindi niya maipaliwanag pero gusto niya talagang hawakan iyon. Ang lambot kasing tingnan.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito.

Hindi naman siya sumagot. Nagtatago siya sa puno habang sumisilip sa bahay 'di kalayuan kung saan siya nakatago. Gusto lang naman niyang tingnan kung nandoon ba sa loob si Kaisen. Hindi niya napansin na nasa likuran na niya pala.

"W-wala naman. Napadaan lang ako, pupunta ako kay Uncle Max," palusot niya at umalis sa pagkakatago. Maglalakad na sana siya palayo pero napatigil siya nang bigla itong tumawa.

Nilingon niya ito habang nakakunot ang noo. Ano naman kaya ang nakakatawa?

"Sigurado ka?" he said while trying to suppress his laugh. Tinuro nito ang likuran. "Hindi ba roon ang daan papunta sa bahay nila?"

Kaagad siyang namula nang mapagtanto niya na papunta pala siya sa direksyon kung saan ang bahay nila Karion. Napatakip siya sa kaniyang mukha dahil sa hiya.

Humagalpak ito ng tawa dahilan para mainis siya. Sinamaan niya ito ng tingin at sinugod. Nang makalapit siya, kaagad niyang hinila ang buhok nito.

Napasigaw si Kaisen, "Aray! Teka--aray!"

Hindi niya ito pinakinggan at doon lang siya tumigil nang makita niyang naluluha na ito. Napangisi siya. Bukod sa nakaganti siya, nahawakan pa niya ang buhok ng lalaki.

Ang lambot nga!

"Grabe ka naman, Ana, 'kala ko makakalbo na 'ko, eh," reklamo nito habang napapakamot sa ulo.

"Kasalanan mo 'yan!"

"Sorry na nga. Ano ba kasi ginagawa mo rito? Gusto mo 'kong makita?"

"A-ano? Hindi, ah!" mabilis niyang sagot. "Wala akong gusto sa 'yo!"

"Huh?"

Muntik na niyang sampalin ang sarili dahil sa katangahan niya. Ano bang pinagsasabi niya? Hindi naman ito nagtanong kung gusto niya ba siya.

Paiyak na siya dahil sa kahihiyang pinagsasabi niya nang biglang hawakan ni Kaisen ang kamay niya. Hinila siya nito.

"Saan tayo pupunta?" taka niyang tanong.

"Sa bahay. I'm going to introduce you to my pets," sabi nito at ngumiti sa kaniya.

Bakit ba sa tuwing ngumingiti ito ay napapatulala na lang siya? Kakaiba talaga ang epekto nito sa kaniya.

Just like he said, he showed her his pet beetles. Iniisa-isa nitong pinakilala sa kaniya ang mga pangalan at kung ano ang mga ito kaya ang ending, wala rin siyang naalala. Basta ang alam niya, mga salagubang ito.

May nakita rin siyang pamilyar na sa kaniya dahil marami ring salagubang ang kaniyang ina. Araw-araw itong pumupunta sa Sube Tree kung saan matatagpuan ang iba't ibang uri ng mga salagubang. Hindi niya nga rin alam kung anong mayroon sa punong iyon at ang daming salagubang. Siguro doon din kinuha ni Kaisen ang mga alaga.

Hindi interesado si Ana sa mga salagubang pero iyon ang unang beses na natuwa siya sa mga ito. Siguro dahil si Kaisen ang kausap niya kaya naging interesado siya.

Hindi niya malimut-limutan ang pinagsamahan nilang dalawa. After all, Kaisen was the first person she treated as her close friend. Hindi naman kasi siya 'yong tipo na pala-kaibigan.

She missed him.

If only she could see him again . . .  if only he didn't die protecting her.

NASA labas ngayon ng palasyo si Fenrys. Naglakad siya papalapit sa fountain at umupo sa sementong nakapalibot dito. Kasabay ng kaniyang pag-upo ay ang malalim niya ring buntonghininga. 

Ang bigat nang nararamdaman niya at mas lalo lang itong bumigat sa tuwing naalala niya ang mga sinabi ni Ana.

Ipinatong niya ang mga siko sa kaniyang tuhod at bahagyang sinabunutan ang sarili. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula dahil gulong-gulo ang isipan niya. Mas lalo na ang kaniyang nararamdaman.

He didn't know how to sort out his emotions. Guilt, pain, regrets, sorrow . . . Hindi niya alam kung anong uunahin niya.

Why was I given a second mate, anyway?

Sana wala na lang. Sana hinayaan na lang siya ng tadhana na mag-isa at malunod sa pait ng nakaraan niya. Mas matatanggap niya pa iyon kaysa ngayon na nalilito siya sa kung ano ba dapat ang gagawin niya o kung may dapat ba siyang gawin.

Alam niya sa sarili niya na mahal niya pa si Mica at minamahal niya hanggang ngayon.

But what about Ana?

"What about her?" he asked himself. Ana was completely different from Micaela. Maingay, moody at ang bilis magalit.

But those were things that made her who she was and somehow made Fenrys feel a little less empty.

Ginulo niya ang buhok bago tumihaya. Napapikit pa siya dahil sa sinag ng araw. Sa lalim ng iniisip niya, ngayon niya lang napansin na ang init pala ng inuupuan niya. Napatayo siya agad at pinagpag ang pantalon. Inayos niya muna ang kaniyang buhok bago pumasok sa loob. Hindi niya pa nakakausap sina Midnight at Dago kaya pupuntahan niya na lang ang dalawa.

Naglakad na siya papasok sa loob pero napatigil siya nang maramdamang may papalapit sa direksyon niya. Tumingin siya sa likuran at nakita si Wish. Seryoso itong nakatingin sa kaniya habang naglalakad palapit.

"Oh, Wish." Taka niya itong tiningnan nang mapansing nakakuyom ang mga kamao nito. He looked at his eyes and he didn't seem to be angry. Rather, he looked disappointed.

"What happened?" tanong niya rito.

"Ikaw, anong nangyari sa 'yo?"

Napataas ang kilay niya dahil sa tanong nito. Kalmado lang naman ang boses nito pero halatang may diin.

"What do you mean?"

Huminga muna ito nang malalim bago ulit nagsalita. "Nanahimik ako kasi ayokong makisali sa inyo ni Ana. Pero ngayon, hindi ko alam kung kaya ko pa bang 'wag magsalita."

"Teka nga, pusa." Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito. "Ano bang pinagsasabi mo?"

Bobo ba siya o 'di niya talaga maintindihan ang sinasabi nito? Anong ibig nitong sabihin na nananahimik lang ito?

"Nakikita ko ang nararamdaman mo."

"Huh?" Napakunot ang kaniyang noo. Lalo siyang nalito sa sinabi nito.

Bumuntonghininga si Wish. "Nakikita ko ang emosyon ng lahat ng mga bagay na may buhay. Ito ang biyaya na ibinigay sa 'kin simula pa no'ng nasa sinapupunan pa lang ako ni mama." Bahagya itong yumuko. "Alam ko kung sino ang nagsasabi nang totoo at kung sino lang ang nagpapakitang-tao dahil sa abilidad na 'to. Kaya naman madali akong napalapit sa inyo dahil nakikita ko ang emosyon niyo at alam kung mabuti kayo."

Nagitla naman siya sa nalaman. "So, you mean?"

Tumango naman si Wish. "Kahit na hindi ko man gustuhin, kusang nakikita ng mga mata ko ang emosyon ng mga nakapaligid sa 'kin."

Bigla namang naalala ni Fenrys ang araw na dinala niya si Wish sa puntod ni Mica. Kaya ba nagtanong ito tungkol kay Mica? Dahil alam nito ang nararamdaman niya?

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo ni Ana pero ngayon, nakikita kong nalilito ka," sabi nito kaya napabalik ang atensyon niya rito. Inalis ni Wish ang mga kamay niya sa braso nito at tiningnan siya nang matalim. "At isa lang ang masasabi ko sa 'yo. Duwag ka, Fenrys."

Napalunok siya.

Dinuro siya ni Wish dahilan para mapakurap siya. Ito ang unang beses na nakita niya itong napakaseryoso.

"Hindi ka lang duwag, makasarili ka pa. Kahit na alam mo sa sarili mong may kailangan kang gawin pero hindi mo ginawa dahil ayaw mong may bitiwan ka."

After hearing those words, he wanted to punch Wish. He had no idea what he had been through. He wanted to shout and tell him he didn't have the position to say those things, but he chose to shut up instead. Because there was a part of him that wanted to listen. He might be able to realize something.

"Palagi ka na lang nasa gitna. Susulong pero aatras. Susulong na naman pero aatras ulit. Ganiyan ang nararamdaman mo. Sa madaling salita, natatakot kang sumugal. Gusto mong nandiyan ka lang parati sa lugar na alam mong wala kang isasakripisyo at wala ka ring pipiliin!" Wish shouted at his face. He took a step back before continuing. "Nakakapanghinayang ka. Akala ko pa naman cool ka pero isa kang duwag at makasariling nilalang!"

He couldn't say anything. Nakatingin lang siya kay Wish na matalim ang tingin sa kaniya. Ewan niya ba pero sapol na sapol siya sa sinabi nito. He couldn't believe he would get a lecture from a seventeen-year old kid.

Ano bang mayroon ngayong araw? Bakit parang sinasampal siya ng katotohanan? Kulang pa nga tulog niya, nag-away pa sila ni Ana at dumagdag pa itong sermon ni Wish sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro