Chapter Six: Strange Feelings
-chapter six-
FEYRE
"HMMM."
Leaning closer to Hex, I blew a cold breath in his air. Mahina siyang napamura sa gulat at hinampas ako na parang lamok kaya isang maarteng pagnguso ang isinagot ko.
We're currently riding the magic carpet on our way to the Central. Idol namin si Aladdin at nakatapos na kami ng 'A Whole New World' with different renditions. Sinulyapan ko si soro na bumalik sa panonood ng mga ulap. May demonyong nagbubulong sa'kin na itulak siya. Ang anghel naman ay pumipigil dahil magiging single mother ako ni Forrest at Felicity.
"Ano po ba problema, Ate Feyre?" tanong ni brother-in-law.
"Ikaw. Ikaw ang problema." I sighed, noticing how Voldmir rolled his eyes. "Pero, truth aside, wala ba kayong nararamdaman na something sa mga batang 'yon?"
"Nararamdaman na something? Like multo ba?"
Minsan talaga napapaisip ako kung bakit mostly sa mga magaganda, lutang. Mostly lang kasi ako naman hindi.
"Oo."
May gana pang umirap si Sol. "I guess I found them interesting. It's not always that a newbie asks me for a fight."
Isa pa 'yon sa nagpapa-problema sa'kin. That swordsman has so many similarities with Hiraeth and Solace. Higit sa lahat ay mayroon siya ng blind courage 'gaya nitong bestfriend ko! Mga taong walang inuurungan at laging go lang sa mga laban. Pero, hmm, I admire that courage. I'm certain he's going to be a skilled swordsman.
Kung usapang similarity naman, that quiet archer they have is undoubtedly Sol's look-alike. O naiisip ko lang ba 'to kasi elves sila pareho? Even if Sol has blonde hair, hindi din siguro sila magiging magkamukha ng babae?
O hindi nga ba?
I should probably ask Arthur kung pwede siyang magdonate ng gold niyang buhok kay Solace. Kailangan kong makita ng personal ang blonde Solace.
"Ano ba ang problema mo, pusa?"
Napangiti ako nang guluhin niya ang buhok ko. Automatically, I nudged closer to him, tucking myself on his side and nuzzling my head in his chest. Humiga ako at sinipa si Voldmir na kanina pa binabangga 'tong paa ko. He grunted, shooting me a glare, pero hindi ko siya pinansin kasi 'di naman siya ang asawa ko.
"Soro, nakita mo naman ng mabuti ang mga batang 'yon, 'di ba?"
Tumango siya, abala sa pagsusuklay sa buhok ko. "Siyempre. Hindi naman ako bulag."
Ang sarap talagang ihulog kung hindi lang magandang sofa.
"Talaga, Kuya Hex?" napairap ako nang marinig ang boses ng attention-seeker na walang tsinelas. "Akala ko talaga bulag ka kasi pinatulan mo si Feyre."
Nagkuya sa asawa ko pero sa'kin hindi. Nasa teenager-rebel stage pa lang ba itong si Voldmir?
"Sabi ko nga rin kay Vesta na siguro nilagyan mo ng love potion ang bawat pagkain niya kasi imposibleng pakasalan niya ang baduy na tulad mo."
"Hoy! Anong sabi mo?!"
His sudden attempt to stand up made the magic carpet move, making us sway in the heavens. Tangina, heaven talaga ang makikita ng lalaking 'to mamaya. Akala ba niya uurong ako sa isang away? Bilhan ko pa siya ng tsinelas 'saka sipain papunta sa large intestine ni Cerberus e.
Dahil isa akong mature na tao, tumayo din ako at pinausbong pa ang dibdib para dagdag 'takot' factor. Nagka-training ako noon sa mga feeling gangster sa kanto noong highschool kaya alam ko ang mga ganitong style. Pinandilatan ko pa siya sabay tingin na parang mas mababa siya sa'kin kahit ako ang pandak sa'ming dalawa.
"Bakit?! Ano din ba ang sinabi mo?"
The harsh breeze made our hair sway, kaya parang nasa final boss battle tuloy kaming dalawa. Siguro nga at nasa gano'ng level na kami, ignoring our audience who gave us bored looks.
"I hope the two of you fall to your deaths." komento ng aming maganda at mabait guild leader.
Ako lang siguro pero nasisiyahan talaga ako makita ang pagod at sarcasm sa mukha ni Sol. Kapag nagpapasaway kami, siya talaga lagi ang may pinakamagandang reaksiyon. Iyong parang nawalan na ng gana sa buhay. Minsan nga siguro nagkaka-flashback siya sa kung gaano ka-peaceful ang buhay kapag 'di siya nag-online ulit pagkatapos makompleto ang required log-out level. Ang sumusunod sa kaniya sa reaksiyon ay si soro, pero minsan ayaw ko kasi ang sakit manermon.
Okay lang sana kung 'yong sakit may halong sarap.
Like... libre niya ako ng pagkain after. O 'di kaya, bilhan niya ako ng bagong equipment at weapons. 'Yan lang naman.
"Pero, Sol-" gumalaw muli ang magic carpet sa pagpadyak ko. "-kamuka mo talaga 'yong dalawa eh! Ang archer na babae tapos 'yong swordsman nila."
"Ang layo kaya ng mukha nila sa isa't-isa." kunot-noong komento ni soro.
"Malabo lang mata mo."
"Parang hindi naman ata. Maganda lang talaga 'yong archer tapos elf sila pareho ni Solace." dumagdag pa 'tong isa, wala na ngang pambili tsinelas, ang ingay pa.
"Ang klaseng ganda na 'yon ay para lang sa lahi ni Sol!" sinamaan ko siya ng tingin. "Nakakita ka na ba ng kasingganda ni Sol?"
"Oo."
I narrowed my eyes at him. Kapag mais ang sinabi niya, mais-isip na lang niya ang natitira niyang araw sa mundong 'to.
"Sino?"
"Ang babae, duh." at may pag-ikot pa ng mata ang pesteng ama ni Cerberus.
Pasalamat siya at hindi ako nakaresbak dahil nakarating na kami sa Arth Castle, o sa madaling salita, kastilyo ni Sol. The carpet landed on one of the tower's balcony, where Hiraeth was already waiting for his wife. I teased the two of them nang agad silang magyakapan. Akala mo naman ilang taong hindi nagkita, e 'di pa nga siguro kami nakaka-limang oras do'n sa Southern Continent.
I tched as I jumped down the carpet, the previous conversation still on my mind. "Sabi ko lang naman na magkamukha. Hindi naman ako bobo para isiping anak nila mga 'yon."
"Bobo ka nga kasi naisip mo 'yon."
Sinamaan ko ng tingin si soro na may kapal pa ng mukha na tumabi sa'kin. Ihulog ko kaya siya sa tower na 'to para malaman namin kung sino mas bobo.
"Anak?" tanong ni Hiraeth.
My eyes widened at his question. Before anyone could stop me, which is no one because I am The Great Feyre, I cleared my throat and faced him with a serious expression.
"Hiraeth. May anak ka pala." diniin ko talaga ang bawat salita. "Dalawa. Mula kayㅡaray! Para saan 'yon, tangna?!"
Sol made an exhausted sigh. "What you're thinking is impossible, Feyre. Hindi magagawa nina Leis at Arthur 'yon. Alam nilang hindi sila puwedeng pumasok sa archives, so they can't access the game."
Ngumuso ako. "Pero kakaiba talaga ang dating ng mga batang 'yon. Parang ang pamilyar nila."
Una, kamukha nina Sol at Hiraeth 'yong dalawa. Nang titigan ko 'yong mage nila ay nag-iba ang pakiramdam ko sa kaniya. Parang gusto ko siyang bigwasan at i-grounded.
"Maybe you saw ourselves in them?" Vesta suggested.
"Hindi no! Ang galing ko kayang rogue noon at ngayon!" humalukipkip ako. "Walang may makakapantay sa'kin."
Tumango lang sila at pumasok sa loob ng kastilyo. Rude!
Nanatili ako sa labas, ang dating ingay ko ay unti-unting tumahimik. There's really something strange about those eight players, but I just can't pinpoint what. Nasa dulo na siya ng dila o utak ko pero 'di ko masabi. They're all so familiar that I can't help but feel bothered.
"You're overthinking it, pusa." Hex softly flicked my forehead. Hindi ko alam na nandito pa pala siya. "Stress ka lang siguro dahil sa pagbili natin ng bagong family van."
Hindi ako sumagot at hinayaan siyang hilahin ako papasok. Isa pa 'yang van na 'yan. Sabi na kasing maayos pa ang dati, bibili pa ng bago. It's not like we use them all the time. Forrest already has two working and expensive cars. Hindi ko nga alam bakit dalawa, iisa lang naman katawan niya. May sariling kotse din kaming dalawa ni Hex. Mayroon pa kaming family car. Hindi lang pinapayagan si Felicity kasi nasa highschool pa siya.
Tapos gusto pa nila ng family van? Aba't, magtayo na lang kami ng car shop o mechanic shop kung gano'n! Ako pa kakausap kay Subaru na patayuan ng branch ang bahay namin.
"You cheated." bintang ko pero kalauna'y ngumisi. "Pero sige nga, iconvince mo ulit ako, soro, 'gaya ng ginawa mo para mabili ang van."
Binangga ko ang balikat niya at binigyan siya ng makahulugang ngiti. Hex stared at me for a moment before biting his lower lip to stifle a smile.
"Yuck, Ate Feyre! Ang early-early po, then ganiyan tinatalk niyo!" pag-aarte ng conyong asul.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hoy, rakista, huwag mo 'kong masimulan sa pagka-inosente. Bakit, paano niyo ba nagawa si Melissa? Dinasal niyo lang ba? Binigay ng ibon sa inyo? Huwag ako, Minerva, huh!"
"Bakit po ba ang ingay-ingay ni Ate Feyre ngayon?" nakapagtanong pa si Priamos na abala naman sa pagkain.
"Kailan ba hindi maingay 'yan?"
Tinaasan ko ng kilay ang ama ni Cerberus. "Noong wala ka dito." inirapan namin ang isa't isa ng sabay. "Alam niyo kasi, mukha man ako ang maingay dito, I feel like we're actually missing something and I'm the one providing you clues, pero talagang may eye problems kayo at 'di niyo makita. Crucial din kasi ang role ko sa group na 'to, aside from being Sol's bestfriend, ako rin usually ang anghel na nagpapakita sa tabi niyo at sinasabi ang mabubuting bagay na-"
Hex moved to press his lips against mine. Natahimik ako dahil do'n. When he leaned away, I pursed my lips and sat down, checking my dagger and ignoring the others.
"Hindi ko alam kung maiinis ako sa ginagawa niyong landian o sasaya dahil tumahimik na si Feyre." pumasok ang pesteng kakambal ni Sol. "Aba, the cat rogue really didn't fight back."
"May gamot ata sa maiingay ang labi ni Hex kaya ganiyan." dagdag ng bituin na kulang sa ningning.
Sobrang kinulang sa ningning kaya hindi na napili. Astro pa more.
Binigyan ko sila ng blankong tingin. Lalo na nang makita ang dating manliligaw ni Sol na mukhang minalas sa lovelife. Kawawang Halcyon, ayan kasi't panay ang habol sa taong wala namang pakialam. Hirap din laging pinapaasa ang sarili, hoy. Kailangan alam ng lahat kung kailan hahabol at kailan titigil. Kasi kung hindi, parang naghahabol ka lang sa hangin.
However, I didn't share it because they told me to be quiet. Kung hindi, e'di sana nakakuha pa sila ng daily wisdoms ni Feyre. Ayaw pa kasi nila sa knowledge na dala ko. Tingnan mo tuloy, ako may dalawang mabubuting anak habang si Halcyon ay tatandang binata.
Lagi kasing nakaitim. Ang aga pa niyang pinaglamayan ang patay niyang pag-ibig.
"Astro. Iv. Hal." isa-isang bati ni Sol. "Anong ginagawa niyo dito?"
"Ba't di mo ko sinama?" reklamo ng Isuzu'ng nakalimutan.
Sandaling napakunot ang noo ko. Sa dami ng brands na nagawa kong nickname sa kaniya, talaga ngang nakalimutan ko na ata ang totoong pangalan ng lalaking 'to. Ano nga ulit 'yon? Hirosu? Ikuzu? Mestiso ba?
"Ah. Medyo nag-aalala kasi ako kay Risu. Hindi ko alam pero gumagana ang parent instincts ko na may ginawa siyang kalokohan." paliwanag ng ilog na sana nalunod.
Hex frowned. "Magkasama na naman ba sila ni Forrest?"
Hinampas ko ang balikat niya. Aba't hindi ko hahayaang isama niya ang anghel kong anak sa pasaway na bata ni River.
"Hoy, ang bestfriend ni Forrest ay si Arthur." pagpapaalala ko kasi tumatanda na talaga si Hex. "Si Arthur laging sumasama kay Leis. Si Leis ay isang anghel na walang gagawing kasalanan. Kaya huwag mong isali si Forrest sa kabaliwan ni River."
"Anong kabaliwan pinagsasabi mo diyan? Hindi ba't mas baliw ang pag-akala mong naglalaro ang mga bata nito?" kontra ng ilog na hindi kinausap.
"Sabi ko parang may something sa kanila, hindi ko sinabing anak natin 'yon! Assumero lang kayo." ngumisi ako sa direksiyon ni Halcyon. "Kaya kayo nahe-heartbroken kasi nag-aasume kayo."
"Bakit mo pa ako inatake e hindi nga ako nagsasalita dito." naiiyak na sagot ni itim. "May sinabi ba akong masama sa'yo, ha, Feyre?"
Ay hala, ba't umiyak?
"Hindi, pre. Joke lang. Sige hanap ako mga single na nurse sa ospital."
Halcyon nodded and sniffled. "Sige, thanks."
"Even you, Astro?" inilipat ni Sol ang tingin sa bituin. "You think something's wrong?"
"Hm. I feel like we should log out earlier than planned. I've already sent Chaska a message. Papunta na sila rito."
Tumango ako. Mabuti nga 'yan. I want to see for myself kung hindi nga napasabak sa kalokohan sina Forrest. Kahit na mabait 'yon, dumadaloy pa rin sa katawan niya ang small na part ng dugo ko.
Dugo ng mga adventurous na gwapo at maganda.
"Gusto niyo bang maglog-out na tayo ngayon?"
Siyempre, hindi ko pinahalata ang pagmamadali ko.
"It's strange to see you excited about leaving Arth early, Feyre." komento ni Vesta. Sniper nga pala 'to kaya matalas ang mata.
"Sabi ko nga kasi parang may hindi magandang nangyayari." sumimangot ako. "Goodluck sa batang 'yon kapag may ginawa siya."
"Pero, hindi po ba kayo manonood ng War of the Vultures?"
Napahinto ang mga neurons ko dahil sa narinig. Halos sabay kaming napabaling kay Priamos dahil sa sinabi niya. Naghintay pa kaming matapos niya ang pagnguya para makapagsalita ng maayos. Siguro hindi na pera gamit ni Priamos sa pagpapa-upgrade ng armor, doon na ata pumupunta lahat ng kinakain niya.
"Ang gaganapin pong event sa Southern Continent? 'Di ba nga po kayo ang moderators muna do'n?" itinuro niya ako. "Akala ko nga sasali si Ate Feyre."
Hala shit! Oo nga pala! Nakalimutan ko ang tungkol sa event na 'yon.
I frowned, now finding it a hassle when I was so excited over it a few days ago. "Pero 'di ba tayo ang guardians sa ikalawang laro? Kailangan nila tayong magalusan para makuha ang kailangan?"
Tumango si Sol. "Nakalimutan ko nga 'yan. Can we log out later?" sinulyapan niya ang ibang kasama namin. "You're also one of the guardians."
"May magagawa pa ba kami." River answered with a sigh.
Pinigilan ko ang sarili sa pagkontra. Pinigilan ko talaga.
"I think everything's fine back home though." ani Sol at tumayo. "Siguro nga nagmo-movie marathon lang ulit sila. Ansel is very reasonable, Astro."
"Ansel can be easily convinced, slayer."
Gano'n din si Felicity. Si Forrest talagang pasaway na 'yan, but Felicity is this soft doll you can bring anywhere you want. Parang ako.
"Alright, maglolog-out tayo once matapos natin ang War of Vultures." pinal na sabi ni Sol kaya tumango kaming lahat.
Napangisi ako nang maalalang babalik kami sa Southern Continent. Ang gara lang kasi kakaalis lang namin do'n, babalik ulit. Pero medyo excited na rin ako. Makikita ko na naman kaya ang mga batang 'yon sa event?
I hope so. I need to open the eyes of my friends and make them see just how strange they truly are.
-chapter end-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro