Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter 8: A Day With River and Irusu

Happy 10k reads! Wow, mga twenty na special chapters ba ang gusto nating makamit? Wengya hahahaha.

Marami ang may gusto nitong pair hehe and may nagrequest ng chapter daw nila. Tapos nagmessage sa'kin si QuietAlarming kaya pumasok 'to sa mind ko, nyehe.

-special chapter eight-
____________________

BLANKONG TININGNAN ni Irusu ang posisyon ng kaniyang kasintahan. Unkomportableng nakaupo ito sa sanga ng kahoy. May hawak itong binoculars at mukhang sobrang pokus sa ginagawa.

Irusu jumped over the branch besides River. Mabuti na lang at mahina ang perception nito kaya hindi siya napansin. He narrowed his eyes to see what River was looking out for. Mas lalong nawalan ng emosyon ang itsura niya nang makita na si Halcyon iyon.

"Please don't tell me you've already fallen for the guy." nakahalukipkip niyang wika. "This is the fifth time you're stalking him."

Napasigaw si River at muntik nang mahulog. He struggled to balance the binoculars in his hand and to prevent it from falling. Binigyan niya nang masamang tingin si Irusu.

"Kay Halcyon? Like eww!" nakangiwing sagot nito.

"Oh. E, bakit?"

"I'm protecting my sister from him!" River huffed and went back to his binoculars. "Kanina niya pa sinusundan ang inosente kong kakambal. Paano na lang kung bigla niya itong kidnapin?"

Napabuntong-hininga si Irusu. Why is he acting like his sister did not land second in the GOG event? Isa pa, sa pagka-overprotective ng guild na mayro'n ito, kidnapping her is suicide.

"Your sister is strong."

Umirap si River. "My sister is also naive and dumb. Baka maligaw 'yan at gamitin ni Halcyon 'yon para gawin ang mga di kanais-nais."

Irusu rolled his eyes. Baka nga siya pa ang hindi gumawa ng hindi kanais-nais kapag hindi pa ito titigilan ni River. He looks like an obsessed brother with a sister complex. Napapaisip tuloy siya na baka naging magkakambal lang ang dalawa dahil sa itsura at hindi sa ugali. Maliban sa pagkaparehas nila ng dugo, siyempre.

"Whatever." tumalon pababa si Irusu kaya napatingin si River sa kaniya. "Did you forget anything?"

Kumunot ang noo ni River. Hindi niya maalala kung kailan lang siya naging makakalimutin.

"Parang wala naman."

"Ah." tahimik na tumango si Irusu. "Ge."

River frowned at the man's odd behavior. Napaupo siya ng tuwid at nakalimutan niya ang pagsunod kay Halcyon. Hindi niya talaga maalala kung may nakalimutan siya!

"Wala naman talaga. Ru! Ano ba ang nakalimutan ko?"

"Aba malay ko. Ikaw nga tinatanong ko, 'di ba."

Nang lumingon si Irusu ay kinabahan si River. Puno ng inis at galit ang mata nito. River was already panicking inside. Naalala niyang ganito ang ugali ng mga girlfriend niya noon kapag nakakalimutan niya ang anniversary o monthsary nila. Pero last month pa naman ang fifth anniversary nila.

Besides, River is usually the one throwing a tantrum when the greeting comes in late. Hindi niya din ito nakakalimutan dahil he treats like a grand celebration. Noong last month nga parang mababaliw na si Reverie dahil sa walang tigil nitong pag-alarm.

"Oo na, Iv! Kayo na ang mag-a-anniversary!" sigaw ng kakambal niyang may masamang tingin. "Hindi mo kailangang ihampas na single ako every six hours!"

"Shut up. Reminder ko 'yan kung anong pagkain ang sisimulan kong lutuin. Duh."

Kaya hindi pwedeng ang anniversary iyon. Ano naman kung gano'n?! Bihira lang kung mainis si Irusu at hindi niya pa madalas naiintindihan ang ugat nito.

Natigil ang pag-iisip niya nang batukan siya ni Irusu. "Stop fussing. Wala nga lang 'yon."

Naningkit ang mata ni River. Hindi siya naniniwala diyan 'no.

"Talaga?"

"Talaga. Bumalik ka na sa pagiging stalker."

Ngumiwi si River. "Yuck. Mamamatay na lang ako kapag naging stalker ako ni Halcyon 'no."

E'di sana namatay ka na, sa isip-isip ng silently na nagseselos na si Irusu. River went back to his old spot. Tinitigan siya ni Irusu nang ilang minuto bago naglakad paalis.

Biglang bumaling sa kaniya si River. "Saan ka pupunta? Stay here."

"I can't. I'm going to meet up with Life." pagsisinungaling ni Irusu.

River perked up and frowned. "Life? Ang pesteng assassin ni Halcyon? Bakit?"

Nagkibit-balikat si Irusu. "Kakain. Iinom. Monster hunt."

Sandaling tumahimik ang parte ng gubat na kinaroroonan nila. Hindi na lang umihip ang hangin dahil sa takot sa tensiyon na namumuo, lalo na mula sa parte ni River.

"What's his preferred relationship again?"

Irusu tried to hide his smile. Bullseye. In the five years of their relationship, the stubborn River is easy to persuade.

"Hindi ko alam." sagot ni Irusu. "But he's bi."

Bumungad ang inis sa mukha ni River. Tumalon ito mula sa kinauupuang sanga. The binoculars fell and broke upon contact with the ground.

"Eh bakit siya kasama mo? Dapat ako! Ako boyfriend mo eh!"

Irusu raised a brow. "Diba may ginagawa kang importante, Mi Río? Makaka-abala pa ang date natin ngayon sa'yo."

Sakto namang may isang floating cat na lumabas mula sa damit ni River. May dala-dala itong hugis kahon na orasan. The cat's white ears flicked and the tail swished.

"Rio! Rio! Reminder for your city date with Irusu today! Rio! Rio-"

Mabilis na tinakpan ni River ang bibig ng pusa at inutusan itong bumalik sa pet world niya. Nang tumawa si Irusu ay hindi siya matingnan ni River. He can't believe his alarm rang the moment Irusu complained about it!

"Huwag ka ngang tumawa." nakangusong reklamo ni River.

May ngiti sa labi na kinuha ni Irusu ang kamay ni River. Inilapit niya ito sa bibig at marahan na hinalikan. Irusu raised his head with a confident smirk.

"Where should we have our date?"

Umirap lang ang namumulang si River at hinatak siya papunta sa town. Oh well, Halcyon and his stalking propaganda can wait. Siguro ay ipapadala niya na lang si Nirvana dito at ipapakain niya ang buong guild ng lalaki. Then they'll be transported somewhere dangerous.

For now, he has a date with his beloved.

"Oi. Is kissing boys bad?"

Oh. Napakurap-kurap si River sa lalaking nakaupo sa harap niya. It's his first time encountering this question.

"Hoy. Tinatanong kita."

Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. "Aba malay ko. Hindi ko pa naman naisip 'yon!"

"Huh? Talaga?!" mukhang nagulat ang lalaki. "Tama nga bang weird ako? Hindi na ba ako nito nararapat na mapabilang sa lipunan natin?"

"Bakit e tao ka naman?" napasimangot din si River. "Isa pa, alam mo bang may kaibigan din akong ganiyan. Bakla siya, pero anggaling no'n. Matalino tapos determinado."

"He wants to kiss boys too?"

Umismid si River. "Bakit ba kiss ka agad? Basta alam mo 'yon! Gusto niya sila. Mas naa-attract siya sa lalaki."

"Hm." the boy hummed for a while before looking at River. "E ikaw?"

"Ako?"

"Ano mga tipo mo?"

River was taken aback. Bakit parang kakaiba naman 'to 'pag nagtatanong? He's so direct with his words and his eyes didn't even waver when he asked. Inosente ba 'to o tipid lang sa emosyon?

"Siyempre babae!"

"Heh." blanko ang tingin nito sa kaniya.

River frowned. "Bakit ba?"

"Ikuwento mo nga 'yong tungkol sa kaibigan mong gusto rin ang lalaki."

"Bakit? Ah, nga pala, hindi ko alam pangalan mo."

The boy blinked, tears still glistening. Pagkatapos ay ngumiti ito sa kaniya. For the first time, River was stunned into silence. Hindi talaga siya nagkamali nang sinabi niyang patok ito sa mga chicks. Napakagwapo nga naman ng lalaki.

"Irusu. Ikaw?"

"... River."

"Eh? Ilog ka?" mahina itong tumawa at sandali na namang hindi gumana ang utak ni River.

-

"River!"

The gum popped. Walang emosyon ang mukha ni River nang bumaling siya sa babaeng lumapit. Maiksi ang buhok nitong medyo wavy ang end. A rabbit clip is present in her hair. Nakilala ito ni River bilang isang kaibigan ni Reverie.

"Hm?"

The girl smiled bashfully. Pinagsalikop nito ang kamay bago nagsalita, "Ah, k-kasi may bagong coffee shop na bukas at sabi ni Rev baka daw gusto mong itry-"

River's attention was stolen when he saw a familiar figure in the school field. Tinanguan niya lang ang babae at nagpaalam dito para habulin ang pigura.

His hand grasped the other's shoulder. Nanlalaki ang mata nitong napatingin sa kaniya. River stuttered in his breath when he saw Irusu's tousled hair. Bakit parang ang gandang tingnan kahit na magulo ang buhok niya? Pesteng buhay naman 'to, sa isip niya.

"Dito ka pala nag-aaral!" sa halip na sambit niya.

Irusu frowned at first before recognition dawned on him. "Ah. Ang ilog sa party noong nakaraang linggo."

"Look. Hindi dahil sa River ang name ko ay ilog na agad ang itatawag mo, okay?"

Umangat ang isang kilay ng lalaki at ngumisi ito. "Oh? Gusto mo nickname?"

River answered it with a smirk too. "Sorry, hindi pa tayo gano'n ka close."

"Ano kailangan mo?" itinuro ni Irusu ang kamay niya. "Tsaka pwede mo bang kunin 'yan."

River looked at his hand in shock. Mabilis niyang binawi ang kamay na parang napaso. Nakita niya ang suspisyon sa mata ni Irusu. Siguradong nawiwirdohan na ito sa kaniya.

River smiled. "Gusto mo bang makilala si Jeri? Ang sinabi kong bakla sa'yo?"

Irusu pursed his lips. Well, that's not so bad. Plano niya lang naman na ubusin ang oras niya sa library. Hindi naman siguro masama na sumama muna siya dito kay River.

-

Ito na ang pinakamasamang nangyari sa buhay ni Irusu.

Problemado niyang inihampas ang ulo sa mesa. He can't believe what he's doing! Nandito siya't nagtatago sa may likuran ng library at pinapanood si River na nakikipagkuwentuhan sa isang babae.

Maganda ang babae. Mahaba ang buhok nito at kulay gatas ang balat. Matangos ang ilong at mapupula ang labi. Higit sa lahat ay napakaganda ng mata nito. Irusu sighed. He bet every male has a crush on that girl. Every male except him.

But then, every male and that includes River.

Muli niyang inihampas ang ulo sa mesa. He was really enchanted the first time he saw the boy. Hindi pa nakatulong na nalilito siya no'n kung mali ba talaga ang magkagusto sa lalaki. Tapos dadating pa ang lalaking mula sa magandang lahi.

Gusto nga niyang itapon na lang ang bibig nang tinanong niya ito kung ano ang tipo. If it crushed his hope that River is a strictly straight guy, sa kaniya na lang 'yon.

Isa pa, iyon naman siguro ang huli nilang pagkikita.

Kaya bakit kailangan pa siyang pigilan ni River sa field no'n? Ipakilala sa tropa nito? Sumama sa lahat ng lunch at minsan ay ayain siya sa hapunan?! Kapag weekends ay nag-aaya pa ito sa mall!

Ito tuloy si Irusu at nawawalan na ng utak sa pagsunod sa kaniya. Mas mabuti na lang sigurong may tumapak sa puso niya dahil sa balitang may girlfriend na si River. Popular naman kasi ito at laging hinahabol ng babae. May history pa ito ng pagiging playboy.

Kaya bakit, bakit, bakit hindi na ito nagkaka-girlfriend sa loob ng limang buwan?!

-

"Kasalanan mo 'to, Ruu!"

Umawang ang labi niya nang makita si River sa harap ng treehouse nila. Umuulan kaya dito niya naisipang tumambay at magbasa. Laking gulat niya nang may biglang humampas sa pintuan niya at narinig niya ang boses ni River.

When Irusu opened the door, the other male was already drenched in rain.

"Ang alin? Dahil nagpaulan ka?" kunot-noo niyang tanong. "Gago, hindi ko hawak utak mo."

"Hindi! Kinulam mo ako!" River pointed an accusatory finger at him.

Nalaglag ang panga niya. "Ako?! Kinulam ka?! Bakit naman?!"

It's the other way around, bakayaro!

"Gago, may ginawa ka talaga sa'kin e! Alam mo bang hindi na ako nakaka-imagine ng mga magagandang babae ngayon?! Kahit ang pinakasexy na babae sa lupa ay kaya ko ng tingnan nang hindi kinikilig-!"

Suminghal si Irusu. Aba't siya pa nga ang may kasalanan na hindi nakawet dreams ang tanga.

"Gets mo ha, Ruu? Wala na sila dito sa utak ko! Pumunta ako sa club kagabi-"

"Wow. Congrats."

"Gay club!"

Nasamid si Irusu sa sariling laway at walang-tigil siyang napaubo. Concerned, River stopped shouting and accompanied him inside.

"Pasok muna tayo. Ito tubig."

Irusu quickly gulped down the glass. "Ano sabi mo?"

Pumunta siya sa gay club?! Si River, na sinasabihang playboy sa school nila? Si River na strictly straight naman?

"Bakit ka pumunta doon?" singhal niya.

"Kasi nga wala nang epekto ang mga charms ng babae. Akala ko nahawaan ako sa'yo kaya pumunta ako do'n. Pero wala ring nangyari except sa-" biglang tumigil si River at namula.

Kumunot ang noo ni Irusu. "Except sa?"

River muttered some incomprehensible words kaya binatukan siya ni Irusu.

"Lakasan mo nga boses mo." reklamo niya't kinuha ang baso para uminom ulit.

"Sabi ko kasi ikaw iniisip ko na nasa katawan nila, gunggong!" inis na sigaw ni River.

Naibuga ni Irusu ang iniinom na tubig sa gulat. He looked at River in shock. Hindi ito naiinis o galit, sa halip ay parang nagtataka ang itsura nito at may kaunting saya.

"Kinulam mo ako 'no? Wala na akong maisip nitong mga nakaraang buwan pero Irusu, Irusu at Irusu. Ano ang paboritong pagkain mo. Ano ang gusto mong mapuntahan. May crush ka bang lalaki at kung sino man 'yon ay wala 'yon sa kagwapuhan, kaangasan at kayamanan ko. Nakalimutan ko na ngang girlfriend ko pa pala si Sandy noon dahil sa kakaisip sa'yo!"

Irusu blinked. What is this? Is this a confession or a complaint of some sorts?

"Mga limang buwan na na lagi kitang napapaginipan. Ang saya ko kapag nakikita kita pagka-umaga at gusto kong sabay tayong maghapunan para hindi tayo agad maghiwalay. Hindi ko trip ang library pero napapalagi ako doon para titigan ka. Hindi ako interesado sa mga gamot-gamot na 'yan pero binabasa ko para makasabay sa topic mo."

Umawang ang bibig ni Irusu sa sinasabi ni River. Hindi na ito makatingin sa kaniya at pulang-pula ang mukha.

"Gusto kitang makasama lagi. Gusto kong marinig boses mo-" River inhaled sharply and glared at his stunned face. "Ang punto ko lang ay panagutan mo ang pangkukulam na ginawa mo!"

The still-shocked Irusu replied dumbly, "Ha?"

"Tayo na!"

"Tatayo?"

Napa-aray si Irusu nang hampasin ni River ang balikat niya. "Sabi ko boyfriend na kita!"

"Huh?!" napaatras ang hindi pa ring makapaniwalang si Irusu. "S-Sandali, diba straight ka? Diba hindi ka naman interesado sa mga lalaki? Diba one sided 'tong relationship natin tapos ako lang may gusto o nagmamahal? Ano bang pinagsasabi mo?! Panaginip ba 'to-"

River successfully shut Irusu up by giving him a brief kiss. Naestatwa ang lalaki ng ilang segundo bago napahawak sa ibabang labi.

"Ri..."

Sinagot lamang ni River ang pagtawag ni Irusu ng isang halik.

-

"Nga pala, Sol."

Solace hummed when Feyre called her name. Nakaupo sila sa diner at payapa lang na kumakain nang pumasok si River at Irusu. As usual when they sat on their table, they succumbed into their own world.

"Nagtataka lang ako. Paano naging sila?"

Napangiti si Solace. "I'm still wondering that. Nagulat nga ang buong school nang marinig na sila na. Ang alam nila ay magbestfriend lang ang mga 'to, lalo na't napaka-lalaki nang galawan ni River."

"Hm. Oo nga, nagulat din ako." komento ni Feyre. "Buti na lang bagay sila sa isa't isa o binash ko na."

"Mm."

Solace smiled seeing his brother fuss over Irusu's food who was scolding him. Nauwi sa bangayan ang dalawa na nagtapos din sa ngitian at kasweetan. Solace quickly averted her gaze.

Hindi talaga siya tatantanan ng third wheel na ghost. Umangat ang tingin niya kay Hex na umupo rin sa table at nakipag-usap kay Feyre.

Solace sighed. Really. What fate did she draw to have this luck.

____________________
-chapter end-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro