Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter 6: A Day-te With Hiraeth & Solace

itu is before pa mag game of governors. Dahil special chapter 'to, I'll publish it today. Hehe.

-special chapter six-
____________________

SOLACE

PINANOOD KONG maghabulan si Voldmir at Cerberus. Cerberus has gotten out of control again and is trying to escape his summoner's arms. Tinutulungan siya ni Minerva na nagpapatugtog ng rock song para pakalmahin ang three-headed dog at ni Priamos na nagsisilbing wall na pumipigil dito.

Feyre's practicing her chains. Ikino-cross niya ito at biglang ibabalik sa kaniya, letting the daggers dance in a  criss-cross manner. It's actually strange to see her so serious and full of concentration.

Vesta is also trying to perfect his aim by shooting a perfectly standing Hex. Pero natamaan niya na ang spedy na si Feyre at si Cerberus, wala pa ring galos na natamo si Hex. I'm still amazed by the fact that she can hit moving targets but not still ones.

At dahil mukhang busy at pre-occupied ang mga kasama ko, I escaped.

Pinalis ko ang mga sanga na nakaharang sa dinadaanan. Walking further, nakarating ako sa cliff. It overlooks the whole Gaea and the desert outside of it. Napangiti ako. Talaga ngang napakaganda nitong Arth. It feels like Earth devoid of technology, an Earth filled with greeneries and peace.

Natigilan ang pagmumuni-muni ko nang may maramdamang kakaibang presensiya. Napakadelikado nito at nakakatakot. Hurriedly, I grabbed my dagger and tried to turn around. Ngunit bigla na lamang nawala ang lupa na tinatapakan ko.

My eyes landed on the Earth Giant behind me who pounded the land to break it off the cliff. He watches me fall dow-

Oh, shit! Nahuhulog ako!

"AHHHHHHHH!" hindi ko mapigilang mapasigaw nang higitin ako ng lupa palapit sa kaniya.

I braced my head when I fell down on branches, scrambled on leaves and arrived on the muddy ground. Napakalaki agad ng bawas sa HP ko, with only 64% left.

Bumuntong-hinga ako at tumayo. Pinaspasan ko ang madumi na armor at kinuha ang mga dahon na nasa buhok ko. I took an HP potion from the bag to heal the cuts and wounds I've suffered from the fall. Mabuti na lang talaga at game 'to, o patay na ko pag sa totoong buhay 'to nangyari.

When I finished drinking the potion and replenishing my health, napag-isipan kong bumalik na lang kina Feyre. Kaya umikot ako at napahinto nang makitang isang malaking bato ang nasa harapan ko.

Oo nga pala, nahulog ako sa cliff-

Nahulog ako sa cliff! Tanga ka, Solace, tangaa! Paano ka na makakaalis niyan dito kung saan man 'to? Kaya nga pumunta ka sa cliff because it's just in a straight direction from the guild. Ano na gagawin mi ngayon?!

Wait, no. First of all, kailangan nating kumalma. Yes, panicking will do us no good- Saan ba kasi itong forest na 'to? Part pa rin ba ito ng Sierra Mountains o baka kung saang lupalop na ako pumunta?!

Okay. Kalma. Think.

Tiningnan ko ang paligid. It's a forest. A normal one kasi may mga kahoy at sanga at lupa. Anyway, it's a forest. How hard is it to navigate one?

"Seriously. How hard is it to get out of the forest?" I muttered. "Thirty minutes na ata ako dito ba't parang never-ending 'to?"

I gasped. "Oh my gosh. Hindi kaya isa ito sa mga special place sa maps na hindi ka makakalabas? Ano na ang gagawin ko kung gano'n?"

Umupo ako sa bato. I worriedly chewed on my nails. If I go offline and online back, I'll still be in this same spot. Kaya naman kinain ko na lang ang pride ko at nagmessage sa guild chat namin.

Oddcredibles [Guild Chat]

Solace:
Nawawala ako.

Feyre:
ayan kasi at gala ka ng gala
hindi ka naman maganda sa directions pero ang kati ng paa mo

Voldmir:
San k bnda?

Solace:
Hindi ko alam.
Pero gubat 'to. Sa ilalim ng cliff na nilalagian natin.

Minerva:
Uh. What are u doing sa ilalim ng cliff po?

Solace:
Nahulog ako.

Feyre:
HA?! NAHULOG KA?
OKAY KA LANG? NAHURT KA BA? NAMATAY? NASAKTAN? AT PINAKAIMPORTANTE SA LAHAT, NASUGATAN BA ANG MUKHA MO?!

Hex:
Pusa, kung hindi siya ayos e'di hindi na siya makakapagchat.
Parte pa din ata 'yan ng Vanadey Forest, Sol. Hahanapin ka na lang namin.

Vesta:
Just explain what you can see so that we'll find you faster.

Priamos:
Kahoy po siguro kasi nasa forest lang din siya

I sighed and closed the chat. I can just check the map and navigate my way from it, pero hindi ako marunong gumamit nito.

No, Solace! I gripped my fists. When is the better time to learn how to use one than now? At least mapapadali pa ang paghahanap nila sa'kin!

Twenty minutes later...

Oddcredibles [Guild Chat]

Feyre:
umalis ka no? nahanap namin ang pinagupuan mo kanina pero wala ka na naman

Solace:
Yes. I am lost, confused and freaking tired.

Voldmir:
Bt k kasi umalis

Minerva:
Why u ganiyan magtype?

Hex:
Maghanap ka na lang ng lawa. Doon ka namin hihintayin.

Solace:
Did you forget I'm bad at finding a place?

Hex:
Hindi.
Baka maligaw ka sa lawa, diba? The possibility is not zero.

Ngumuso ako. I can't believe I've gotten further away from the trail already, and just because I confused my right as my left at baliktad ang pagbasa ko sa mapa.

"Waaahh! Ayoko na! Magq-quit na ak-"

"Elf?"

Natigilan ako sa boses ng nagtanong. Mabilis akong lumingon sa likod at nakita ko si Hiraeth na... na nagco-collect ng berries? Si Keiko ang nagdadala ng basket by biting the handle at nakasunod lang ito sa amo.

"Are you lost... again?" hindi-makapaniwala niyang tanong.

My face feels hot. Nahihiya ako dahil ito na ata ang pang-one thousand time na nakita niya akong naligaw. Iniwas ko ang tigin at tumango.

Isang unkomportableng katahimikan, para sa'kin, ang bumalot sa'min bago ito nabasag. A laugh starts to bloom in the air. Nagulat ako dito at napatingin sa kaniya. He's holding a hand over his mouth to cover his laugh pero hindi niya ito napipigilan. Naningkit ang mata niya at may pinkish color na namuhay sa pisngi.

Napaawang ang labi ko. His laugh is not the loud kind, it's quiet and it feels illegal that I get to hear it. Lalo na't hindi ko pa nga siguro nakikita na ngumiti ito. But his laugh is so different, so alive and so pure that I can't help but laugh too.

Para tuloy kaming mga baliw.

"Yes. I actually fell down a cliff." sagot ko. "Tapos nagtry akong hanapin ang labas na mag-isa, pero eto..."

"You already failed that when we met for the first time." he points out.

Sinamaan ko siya ng tingin at nagnakaw mula sa mga berries na nasa basket. Kailangan niya bang ipaalala 'yon? Alam ko namang hindi ako magaling sa direksiyon dahil sa aksidente na nangyari daw.

"Ano ginagawa mo?"

"Looking for food." napabaling siya sa'kin nang hindi ako umimik. "Berries are nutritious."

Napakaweird talaga ng player na 'to.

"You can just buy from the city." tugon ko. "Ilang silver lang at yum, may pagkain ka na. Besides, it's not like you'll need it all the time here."

Kakain din naman siya kapag naglog out na. The food is only consumed for the character's health and energy.

He looks at me strangely. "Of course, I'll need it. Some animals try to get the berries before me."

Pinagsasabi nito? Hindi ko na lang ito pinansin dahil tutulungan niya naman akong lumabas sa gubat. I'll just let him say whatever weird things he's got.

Napatingin ako sa likod niya. He's really very weird. He always appears at uncanny times and disappears almost immediately. Minsan nararamdaman kong parang kasama ko naman siya palagi pero hindi lang siya nagpapakita.  It feels unfair when that happens. He can see me but I can't.

Dahil sa pagiisip ko tungkol sa lalaking naglalakada sa unahan ay hindi ko namalayan na tumigil na siya. I bumped in his back. Nakanguso kong hinimas ang ilong na nabangga.

"You're an airhead."

Napasinghal ako. "What the fuck? Talaga bang tumigil ka para sabihin lang 'yan?!"

"Don't cuss. Your foul-mouthed cat is enough." itinuro niya ang nasa harap kung saan may isang bangin. "See what will happen if you continued to walk."

Sabi ko na nga kasing tanga ako.

"Alam kong nandiyan 'yan." palusot ko. "I was about to change direction pero humarang ka."

Kumunot ang noo niya. "But if I didn't stop you, you would have fell."

Ngumiwi ako. Ayaw mo 'yon. Dalawang hulog sa isang araw. Kulang na lang ng isa para masabi kong swerte ako sa buhay.

I stiffened when Hiraeth holds my hand. Malamig at mainit ang kamay niya sa'kin.

"G-Ginagawa mo?" pilit kong kinukuha pabalik ang kamay.

His grip tightens. "Like how a parent will hold a kid to stop them from getting lost."

Talaga bang ikinumpara niya ako sa isang bata?! Nako! Kung hindi ka lang talaga sobrang matutulungin every time magkita tayo e'di pinatay na kita. Tapos hihintayin kita sa labas ng cathedral to kill you again.

I followed him while pouting all the way. Sinabi ko sa guildmates ko na kasama ko si Hiraeth kaya huwag silang mag-alala. Hindi ko maintindihan kung bakit ang sagot ni Voldmir sa'kin ay 'humayo kayo at magpakarami!', which was later on attacked by Feyre, for having such a thought, and Hex, for saying it in front of kids.

Hindi ko rin naman nagets kung ano ang meaning no'n kaya hindi ko na lang pinansin.

Keiko holds the basket and I helped Hiraeth gather his berries. Nagtry ako ng isa at totoo ngang masarap siya. Much better than the special fruits they sell on the market.

"Okay lang ba tawagin kitang Rae?" ngumunguya kong tanong. "Ang haba kasi ng Hiraeth."

He stops. Napalingon siya sa'kin na kunot ang noo. I raised a brow in confusion. Ilang sandali lang ay napahawak siya sa ulo at dumadaing na sa sakit.

Mabilis kong nabitawan ang kinakain na berry para lumapit sa kaniya. I held his face in my hand.

"A-Anong nangyayari sa'yo?!" nagpapanic kong sigaw.

He huffs. "Head. Hurts."

"Bakit?!"

He glares at me. Ang masamang tingin niya ay may mensaheng dinadala; 'sa tingin mo alam ko? kung alam ko, e'di sana nasolusyonan ko na'. Iyon ang basa ko sa masamang tingin niya.

Ilang sandali lang ay nawala din ata ang sakit sa ulo niya dahil umayos siya ng upo. Hindi ko namalayang nakaupo na pala siya at nakaluhod ako sa harap niya. His hand is gripping my shoulders while I held his chin in worry.

Nagtama ang mata namin. His eyes are really black at parang hinihigop ka nito. It feels like a thousand of stories lies under there. Stories that can hurt and inspire you to fight. Napaawang ang labi ko. His lashes are also very long and beautiful, complimenting his skin and eyes.

Hiraeth is such a-

Napatalon kaming dalawa nang gumalaw ang lupa. I immediately let go of him and stood up. Agad kong inilibot ang tingin sa paligid.

Another step quakes the Arth. The trees rustled and the ground rumbled as the steps begin to quicken.

Nanlaki ang mata ko nang maspot ang isang higante na tumatakbo papunta sa'min. Mabilis kong hinigit si Hiraeth patayo at hinatak siya patakbo.

"Bilisan mo, umalis na tayo! There's a giant!"

He stops, dragging me with him. Bubulyaw na sana ako sa kaniya, ngunit tumigil nang makita ang mukha niya. Nakatitig lamang siya sa higante. Tamer ba 'to?

"We can't."

"Huh?!"

Isang matigas na tingin ang itinapon niya sa'kin. "We can't go. The giant will go to the town at this rate. We have to fight him."

And so?! At least marami na ang papatay sa kaniya kapag nakaabot sa town. The town will renovate itself and the NPC will probably be recycled again.

Oh- but Aaron. Aaron is also there.

"Fight. Can you handle that?" tanong ko sa kaniya.

I'm sure Hiraeth is very powerful. Although I haven't seen him fight that much yet. Si Keiko lang ang alam kong naglalaban at napakalakas nito. But Hiraeth's cage is also very useful. Mage nga ang assumed job ko sa kaniya.

A small smile enters his face. "I do that all the time."

All the time? "Anong ibig mong sabi-"

Hindi ako nakapagtanong dahil biglang hinampas ng giant ang lupa, making the two of us fly. I took out my sword and struck it on the ground to balance myself. Agad kong binalingan si Hiraeth at nagulat ako na wala siya sa lupa, but he's up there in the sky standing in a floating blue cage.

That's cheating!

Mukhang nagalit ang giant dahil hindi kami namatay dahil agad siyang sumugod papunta sa'min. Inihampas niya ang kamay papunta kay Hiraeth. But Hiraeth only jumps up and lands on the hand.

The giant tries to shake him off, however, Hiraeth is perfectly running in his hand na parang lupa lang ito. Grabe, ano bang klaseng balance ang mayroon siya.

Hiraeth takes out two sharp cards. The giant raises up his left hand to swat him off. Sisigaw na sana ako na mag-ingat siya, pero Hiraeth is faster. In a blink, he's jump off the incoming hand and has thrown his cards on the giant's other hand. Kaya ang resulta, the giant's left hand hits his face and his right hand falls on the ground.

Nalaglag ang panga ko.

Hiraeth turns to me. "It's not yet finished, elf. He's going to come up. We need to hit the back of his neck."

Tumango ako.

"I'll distract him." he says. "You find a way to get to his back."

He runs to the giant again. Magkasunod na blue boxes ang naform para magsilbing hagdanan niya pataas. The giant roars so loud and enraged, but Hiraeth only holds his card up. Nang matapos ang atake ata ng giant, inikot niya ang card at nagmula dito ay ang roar din ng giant ngunit papunta na sa sariling mukha nito.

When the giant is stunned, mabilis akong umikot sa likod niya. Rather than using the sword, I took the dagger. I'm pretty confident in my aiming skills.

In the end, there was no need for aiming because the giant's neck comes to me. Hindi ko nga rin masyadong alam kung anong nangyari dahil nasa likuran ako.

However, I saw Hiraeth cut off the giant's eyes through his cards. Napakatalim ng mga cards niya dahil nakayanan nga rin nitong icut ang mga kahoy sa paligid. Hiraeth delivers the final blow to the giant's face, by kicking him in the left and downwards, making the giant's neck come towards my direction. Tumalon ako para itusok ang dagger dito.

The giant stills and starts to thrash. The electricity skill from the dagger must have affected it. Nahulog ang giant sa lupa at agad na nawala. Hiraeth wipes off the blood from one of his cards.

"Okay. Magaling ka ngang lumaban."

His face is still expresionless pero nababasa ko ang kaunting saya dito. "That's not all."

"Anong that's not all ka diyan? Akala ko ba tutulungan mo akong makalabas?" reklamo ko.

"I am." he frowns. "You don't like my presence?"

Kumunot ang noo ko. "Ha? Hindi. Bakit hindi ka kaya sumama na lang sa'min?"

He's about to answer when something appears. Itinapon ako nito sa ere and a large axe forms and starts to fall on me. Nanlaki ang mata ko dito and to the one-eyed creature that appeared behind me.

Ipinikit ko ang mata sa takot. But the pain never came.

A hand snakes on my waist, gripping me closer to him. Naimulat ko ang mata at napatitig sa kay Hiraeth. He's glaring at the creature and all of a sudden, itinapon niya na ang limang cards dito. Nahati ang katawan nito sa dalawa.

Our feet touches the floating cage. He tilts his head as he stares back at me. Pinitik niya ang noo ko.

"What did I say? You're such an airhead."

Binaba kami ng cage sa lupa. Tinapik ko ang balikat ni Hiraeth. "Ayaw mo ba talagang sumama sa'min?"

"No, elf." he starts to walk. "What I prefer is just the two of us."

____________________
-special chapter end-

[NEXT CHAPTER PREVIEW]:

Hiraeth.

____________________

nuebe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro