Chapter 89: Squash 'em all, Rogue!
-chapter eighty-nine-
____________________
FEYRE
'In this dance, the black swan lost.'
HINDI KO mapigilan ang napakalaking ngiti sa labi. Para akong proud momma ngayon na nakita ang first recital ng anak niya.
I knew it! I knew I made the right decision by following Sol around and persuading her to party with me! I've always been good at trusting my instincts!
Gusto kong palakpakan ang sarili. Gusto ko ding pumasok sa arena at ipagsigawan na "GUILDMATE KO 'YAN!", pero kailangan kong magfocus.
Umayos ako ng tayo sa barrel. Nakaka-asar na sa simpleng paggalaw ko lang ay para na akong matutumba. Mga pesteng NPC kasi! Sinasabi ko lang naman ang totoo kanina pero pinalabas na ako. Peste din 'yong mga players na nagreport sa'kin. Cockroaches sila, grr.
Mabuti na lang at nakakita ako ng isang bintana sa labas ng arena. Although, I had to drag a barrel around so that I can stand on it and get a better view, it's all worth it dahil nakita ko ang paglampaso ni Solace sa Warbeast na 'yon.
Nyahahahaha! Kahit hindi ko siya kilala, ang sarap sa feeling na may kaibigan kang nanalo sa laban. Lalo na kung against sa mga hinayupak na halimaw ng gyera na 'yon. Gusto ko ngang sumigaw kanina ng "'Yon na 'yon?" kaso baka palabasin ulit ako. KJ pa naman mga players dito. Mga takot sa word na happiness. Ble.
Noong umulan ba ng happiness at joy sa earth, nagtago sila? O baka si sadness at disgust lang ang nagco-control sa emotions nila? They are so damn strict! Konting biro lang, para namang pinatay ko na pati 'yong kauna-unahang lolo nila.
Hindi ako pwedeng mapalabas o mabanned. Ako pa naman ang next na maglalaban!
I opened the event panel. Mabuti naman at pwede na itong ma-access even outside the arena. Nasobrahan ata ang game masters sa mga rogues na kailangang maghintay kung sa iisang door lang, so they changed the enter option, just like the rangers. May fifteen seconds lang para mag-enter ang mga players, but at least it's convenient. Hindi na namin kasalanan kung pangit ang connection nila o maglag sila.
And maybe I spammed their company email with reports using my one thousand verified accounts. Pero wala namang nakaka-alam no'n.
May isang minuto pa bago magsimula ang Survival round. I frowned and peeked inside. Kasama na ni Sol sina soro, at gusto ko rin siyang i-congratulate. 'Yon nga lang, baka may masabi naman akong kung ano mula sa pagka-proud at hindi ako makalaban. May bagong plano pa naman ako this round.
Hehehehehe. Siguradong magugulat sila sa gagawin ko.
I tap the enter button once it lit up. May ngiti sa labi kong hinimas ang palad. Yes, Feyre will execute her plan of the decade. Ang plano na makakasiguro sa pagkapanalo ko at maisasampal ko sa mga pesteng halimaw ng gyera. Ang plano kong napaka-simple at makalaglag panga!
The transport to the new realm stopped. Isang ngisi ang namuo sa labi ko nang maamoy ang pamilyar na bango ng bloodlust, ang iba't ibang presensiya na nandidito ngayon sa Basement at ang lingering danger sa ere. Even if no one's still moving as we wait for the alert that will start the game, death is already resonating in the air. Waiting... and waiting to flourish.
And it will flourish, believe me. In no more than a few minutes, dadagok muli ang dugo dito sa Basement. We're not just shoot-and-kill people like the rangers nor do we follow by the rulebook like the fighters. This is a free-to-kill ground, where the players only goal is to survive.
The wind is cold and calm. Like a hum on the fingertips that dances with the nerves and sweats me cold. I closed my eyes, picturing what's around me. I can feel walls surrounding me. I can feel the large and dominating presence below, which signifies I'm on a higher ground. I can feel some players around me, can sense them. The shadows are behind me, dancing and inviting.
The countdown reached zero. The fight for survival starts now. My plan starts now.
Grinning like a Cheshire cat, I stepped further into the shadows. My plan? Nako, simple lang. I'm pretty sure it's not a detailed plan, nor is it complicated. Talagang simple lang siya. It's even possible to convert it into one word.
If I think about it deeply, it's more of a goal rather than a plan. But a goal will eventually be considered as a plan, since I'm all set on completing them. Pero hindi na ako magpapaligoy pa. Plan? Malakas akong tumawa sa isipan. My plan is such a simple and direct thing.
I'm going to survive this game with a hundred-percent HP.
When I whispered my plan to Vesta, she gave me a dead stare. Sigurado akong namangha iyon sa naisip kong plano. She must be so proud of me. I bet she's celebrating the amazing wits of her guildmate. Hayy, paano nga ba naman kasi at napaka-genius ko. I even left my guildmate speechless after sharing my plan!
It's truly such a pity na nag-iisa lang ang Feyre sa mundo at kasama na siya ng napakagaling na si Sol. We're such an unmatched duo!
See, I realized that this round is actually not meant for the kills. No. Sa mga rangers 'yon. Dito sa'min, mas nagfo-focus kami sa survival rate ng isang player. Now, I may not be able to get my hands dirty but I can afford to get the first pla-
Isang player ba 'yang na-aamoy ko? I itched further in the darkness and tried to decrease my presence. Hindi nagtagal ay lumabas ang isang rogue na mukhang walang kaalam-alam sa panibagong banta sa buhay niya. I shook my head sadly. She's looking around, clutching her dear knife and sighed in relief when she didn't notice anything.
Parang isang daga na nagrampa sa harap ng isang pusa.
I snickered quietly. Paano ba napunta ang rogue na 'to dito, if she can't even detect a simple presence? Well, masama naman at namatch siya dito kung nasaan ako. I'm one of the players with the best stealth. Ako pa ang coach ni Vesta para maglevel-up naman ang sensing skills niya. Napapaiyak na lang ako kapag na-a-alala ko ang mga bagay na ninakaw ko sa kaniya noon.
Solace, the famous White Slayer, can't even detect me. Kaya naman lagi ko siyang nagugulat. Lahat sila. Lalo na si soro. I frowned. Ang priest na 'yon, wala na talagang ginawang maayos. Mula sa pagdodoktor niya sa labas na panay lang ang utos sa'kin, dito lagi naman niya akong inaaway.
Parang nagsign siya ng kontrata pagkasilang na gawing impyerno ang buhay ko.
"Nasaan na ba si Arman?" sambit ng babaeng rogue na nagpabalik sa'kin sa katinuan.
Ano ba naman 'yan! Kahit sa isip ko nangb-bwisit si soro! Makaka-alis pa tuloy ang dagang lumabas sa lungga niya.
Bago pa makahakbang palayo ang babae ay umatake na ako. I spinned the chain twice before letting them go. Paekis na lumipad ang chaindagger at tumusok sa may dibdib niya. She immediately stopped and her body jerked forward. Malakas siyang napaubo ng dugo lalo na nang lumbasa mula sa katawan niya ang end ng chaindagger.
Blood splashed and drops fell on my cheek. Malademonyo akong ngumisi nang kunin pabalik ang chaindagger. It caused her body to jerk again and the blood to splay around. Lumingon sa'kin ang nanlalaki at namumula niyang mata bago siya tuluyang mawala. I licked the blood off the dagger.
Now, this is what I like during rogue survival games. It's a full purge.
Bumalik ulit ako sa piling ng mga anino, pagkatapos. Mahirap na at baka makuha ng ginawa ko ang atensiyon ng ibang rogues. I rounded the wall, surveying the players that I meet on the way. Some rogues who are wandering alone with a clueless face are my usual victims. Hindi ko pinapansin ang gumagawa ng trio dahil mas tatagal ang laban. Lalo na kapag naa-assume kong may kagalingan ang isa sa kanila. I will only entertain quick deaths for now.
Kaya naman umabot na ako ng 28 kills ay 100% pa rin ang HP ko. Kung pwede lang akong magsisigaw at iflip ang hair ko, ginawa ko na. There's only 30 minutes left before the game ends.
I crouched and peeked at the ground below the floating rock. Nakakainis naman kasi at clear area ito. Malayo pa ang pinakamalapit na wall or ang pwedeng mataguan. Falling means an instant mark for other rogues.
Pero, hindi din naman ako pwedeng magstay lang dito sa floating rocks. At some point, nahuhulog sila sa mga pits na bigla na lang ring nagbubukas. Maybe it's another trick in the game but floating rocks are not recommended as a hiding place. Kailangan talagang gumalaw.
I sighed. Mukhang wala naman akong ibang choice. Kanina ko pa nanotice ang pagbukas ng pit sa ilalim nitong floating rock. It doesn't fall immediately at wala akong alam kung ilang minuto ang hinihintay nito. What I'm sure of is the fact that I'm impatient. Kaya naman hindi ko na hihintayin na mawala ang pakpak nitong bato at aalis na ako.
Bahala na kung makita. I have confidence in my speed naman.
Umatras ako ng very far para makagain ng momentum. "Okay. 1... 2... 3!" At the third count ay tumakbo na ako at tumalon mula sa rock. Itinusok ko ang chaindagger sa lower ground ng flying rock para macontrol ang pagbaba ko.
When my feet touched the ground, mabilis akong tumakbo. However, hindi pa nga ako nakakasay-"cheese" dito sa ilalim o 'di pa nga siguro ako nakapag-exhale ng carbon dioxide ay bigla na lang may sumugod sa'kin. Excited naman 'tong mga rogues na 'to, o sadyang napaka-amazing ko lang at kailangan agad akong patumbahin.
Ano ba 'yan! Feeling ko tuloy parang ako ang last boss.
Inihawi ko gamit ng chains ang lumipad na mga needles sa direksiyon ko. On my left, I caught a knife in between my chains. Umikot ako habang tumatakbo at itinapon ito pabalik sa may-ari. Dahil sa pag-ikot ko ay hindi ko namalayan ang panibagong pigura na naglanding sa mukha ko. The both of us fell and rolled in the ground.
"Ano ba naman, Sena!" reklamo ko habang idene-depensa ang sarili sa mga atake niya.
She chuckled and grazed her knife on my neck. "Ang weird. Hindi ko nafeel ang presensiya in the game for more than thirty minutes. Tell me, anong pinaplano mo?"
I smirked. "Wala ka na do'n."
"Sige na! Sabihin mo!"
"Mag-please ka nga."
Natigilan siya ng ilang segundo. Sabi ko na nga ba. We rogues pride over our pride. Hahalakhak na sana ako nang magsalita ulit siya,
"Please~?" ngumiwi ako nang pina-cute niya ang tono. Yuck.
Ano ba naman. Bakit siya sumunod agad? Wala namang ka-thrill thrill kausapin.
I sighed. "Nagpapa-100% ako hanggang sa matapos ang game."
"'Yong HP mo?"
"Hindi, 'yong MP ko." tumango naman siya kaya pinalo ko siya sa ulo. "Tangek! Siyempre ang HP ko."
Natigilan siya ng ilang sandali at tumingin sa'kin na para bang tinubuan ako ng dalawang ulo. Dahil sa mini-existential crisis niya ay nakaalis ako sa kaniyang grip at nagpatuloy sa pagtakbo. My plan must be so amazing that it surprised a lot of people now! HAHAHAHAHAHA!
Okay na sana. Okay na talaga sana kasi nakaalis na ako sa mga hindi makitang kamay ni Sena. Pero wengya bakit ba ang dami namang rogue na lumalabas at lahat inaatake ako? Alam ko namang I'm so pretty and talentful pero, wengya, sapat na ba 'yon para habulin nila ako hanggang sa pluto?
Umiwas ako nang makita ang papalipad na throwknives ni Irusu. Pesteng boyfriend ng kakambal ni Sol 'to. Kanina ko pa talaga nararamdaman presensiya niya. At alam kong nakikipaglaro lang siya dahil sa malapad na ngiti niya. Sumimangot ako at ipinalibot sa kaniya ang chains para matapon ko siya palayo.
I rolled on the ground and threw the knife someone aimed at me. Sa saktong pagkakataon na 'yon ay nakaharap ko ang bubwit na lider ng Warbeasts. Gulong-gulo ang buhok niya at kumikinang ang mata na nakatingin sa'kin. Ngumiwi ako. Why is he so excited?
He striked his dagger at me kaya naman agad akon dumepensa. Now, instead of running and avoiding the shower of knives, needles and daggers, nakikipagsayawan ako sa kutsilyo niya at chains ko. He pierced his blade at my knee and I grazed his cheek. I accidentally saw my HP bar and I gaped at it. 94%! Walang hiya!
"Putangina." I cursed with so much hatred.
Napa-atras siya. Ano nga ba ang pangalan ng bubwit na lider na 'to? "Hoy. Cursing is bad."
"Bad mo mukha mo." ano ba 'yan. Badtrip na tuloy ako. Sabi nang 100% nga kasi eh.
Sinamaan ko siya ng tingin. Mukhang wala siyang balak na umalis sa harap ko, kaya naman ako na ang gumawa ng paraan. I encircled my chains on his feet and purposely tripped him para makatakas ako. Nakita ko ang paglaki ng mata niya. Akala ata ng mokong makikipaglaban ako sa kaniya, eh wala 'yon sa itinerary ko.
I continued running. Mas binilisan ko na ngayon para hindi na ako maabutan ng mga pasaway. I almost made a shout of relief ng makita ang isang madilim na parte. Finally! Darkness my old fri-
I did the mistake of looking back.
Oh shit, oh shit. Napalingon ako para makita kong hinahabol pa rin ako ng bubwit na 'yon. Wengya, bakit ba napaka-attention seeker nila? I can't believe super popular na ako't pinag-aagawan ng mga lalaki. My gosh, I am so attractive.
"Ah." nasambit ko nang matalisod ako sa isang bato. The next thing I know, nahuhulog na ako sa isang malaking pit.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH" my screamed echoed. I fucking hate this.
And I fucking hate kung sino man ang sumalo sa'kin.
"Aray! Aray! Feyre!" awat ng sinusuntok ko. "Tangina. Ikaw na nga tinulungan ko, ikaw pa nanununtok."
"Sinabi ko bang tulungan mo 'ko?!" sigaw ko kay Life na sapo ang mukha dahil sa bugbog ko.
"Kawawa naman mapapangasawa mo nito. Battered husband," aniya. "Saka sana sinabi mong gusto mo palang mabagok sa lupa. E 'di sana nakapaghanda ako."
Hinampas ko ang ulo niya.
I sighed and crouched in one side. Okay na rin 'to. Kahit na nandito ako sa pit kasama si Life ay wala nang humahabol sa'kin. Hindi niya rin naman ako papatayin kung ayaw niyang mabugbog ni Halcyon. O ewan ko ba at palagi kaming truce sa ganito.
Truce? No. No. No. Umiling ako.
"Anong ini-iling mo diyan?"
Feyre does not do truce. Wala 'yon sa vocabulary ko. Sinipat ko si Life na ngayon ay nakatingin sa'kin na may takot sa mata.
"A-Anong problema mo?"
Kung hindi niya ako kayang patayin, well, ako kaya ko. Magiging maganda din sa results kung mapapatay ko siya. Pero siguradong de-depensa siya ngayon kapag sinugod ko. Hmmm.
"H-Hoy. Bakit ka titig na titig sa'kin?" narinig ko ang pagtawa niya. "Huwag mo sabihing may gusto ka na sa'kin? Nakoo! Ang pinakafeisty na rogue ay-"
Tumango ako.
"ANONG OO?!"
Tama. Papatayin ko na lang siya kapag hindi niya ine-expect. Kapag nakatalikod siya sa'kin o talagang sobra na ang pagtrust niya sa'kin. Sa gano'n mas magiging madali at malinis ang gagawin ko.
Tumango muli ako. "Tama. Tama."
Nagulat ako nang biglang namula ang mukha niya at umiwas ng tingin. I frowned. Anong nakain nito at biglang kinamatis? Napaka-weird naman ng lalaking 'to.
Hindi ko na siya pinansin dahil hindi naman dapat. Yumuko ako at tiningnan siya mula sa bangs. Hanggang ngayon ay para siyang tangang namumula at nag-iiwas ng tingin. Hm. Now that I think about it. May maibubuga din naman pala itong si Life, hindi siya sa level ni Solace pero okay na di-
Bigla akong napatingala. Gano'n din siya. Naging seryoso ang mukha naming dalawa. Something's coming and it's presence is very dangerous and threatening. Wala ding masyadong ingay ang pagkahulog nito at tanging ang nakakasakal lang na aura ang nararamdaman ko.
I'm confident it's not the floating rock that will crush us. No.
What came down is a very familiar man. Hair messy and eyes filled with blood lust. Ang brown at white robe na sout niya ay may bahid na ng dugo. His eyes are glowing with madness habang nakatutok sa'min ang kutsilyo. His fangs gleamed. His stance was very predatory.
My eyes narrowed. Ang pesteng bubwit na lider ng Warbeast.
____________________
-chapter end-
[NEXT CHAPTER PREVIEW]:
Natigilan siya sa nakita. An all-black yukata with red obi and brown zori. Black hair that reached the obi. Long bangs parted to the side. Charcoal eyes that seemed to read your very soul. Hindi lang nakatali ang buhok niya ngayon, but it's still him.
I felt my knees go weak. How?
____________________
Obi - 'yong sash o belt sa yukata mwehe
Zori - 'yong sandal na gamit nila
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro