Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 86: What's in the Box?

-chapter eighty-six-
____________________

'The timer stopped. 218 kills. I survived.'

SOLACE

MINSAN TALAGA napapaisip ako. Paano kaya kung hindi ako nagpadala sa persuasions ni Feyre at itinuloy ko ang pagquit after reaching the required level? Paano kaya kung ipinagpatuloy ko ang hatred sa games?

Siguro this won't happen. Tiningnan ko ang mga nagpapaunahan palabas na mga players at NPC. The once good-looking diner is beginning to crumble. 

Siguro I won't be standing outside a diner with smokey green fire holding two cupcakes. Napatingin ako sa hawak at hindi pinansin ang mga taong bumubunggo sa'kin. Lumabas pa ako at bumili para i-congratulate sina Feyre and Vesta for surviving their first day.

Siguro- Napatingin ako sa biglang nagpop-out na screen. It was a guild notification. I have to pay 100,000 gold for the damages my guildmates caused. Binabaan din ang guild credibility namin because of the violation made.

Napabuntong-hininga ako at umupo sa gitna ng mga nagtatakbuhang tao. Would my life be peaceful if I stayed in the real world? At least, doon, I won't be a mother of six kids.

Ano nga ba kasi ang nangyari para humantong sa ganito? As far as I remember, everything was going well.

The timer for the KillShot round has expired. Nakatingin lang kaming lahat sa screen kung saan nakabitin patiwarik si Vesta at sunod-sunod ang pagbabaril sa mga tao na nasa hall. I also took a glance at the kill count board and saw her name entering the top fifteen, having more than 200 kills. Biglang nagtatalon si Minerva at Priamos habang nagpapalakpak.

Sinamaan sila ni Feyre ng tingin. "Hoy, mga bubwit. Ang iingay ng mga dala niyong gitara at 'yang napakalaki mong armor, Priam. Kung makatalon kayo para namang nasa top five 'yang si Vesta."

Tumigil nga ang dalawa at ngumuso. Priamos then started munching on his brother's food, gazing back at the screen. Si Minerva, however, mas ginusto pa ang magkibit-balikat at taasan ng kilay si Feyre.

"Ay," ngumisi si Feyre. "taray natin rakista ah."

Minerva had this evil glint in her eyes and I can already sense danger. Parang may alarm na nagblare sa ulo ko nang makita iyon. Parang may mangyayaring hindi maganda.

"Wala man si Ate Vesta in the top five, at least-" 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Min, huwa-"

"-hindi siya nasa bottom rankings." 

Ngumiwi ako. Lalo na nang makita ko ang paglukot ng mukha ni Feyre.

"Anong sabi mong bubwit ka?" 

"You're nasa huliang rank in your survival round-"

Nagsimulang lumapit si Feyre kay Minerva. "At talagang inulit mo pa, ha!"

I intercepted between Feyre's hand to Minerva's hair. "Sandali, guys. Huwa-"

"Oo! Kasi at least Ate Vesta is nasa top fifteen!"

"-g kayong mag-awa-"

"Walang'ya, eh magbabaril ka lang naman diyan. If I was on that round then I would kill them all!"

"-y. Maraming tao di-"

"Sure ka, gurang? Sure kaaaa?"

Nang magsimula silang magsampalan ng kamay ay tumahimik ako. Why is no one listening to me? Hindi ba't ako ang guild leader nila? Bakit ba napaka-active lang nila 'pag may hihingiin o uutangin. Makick nga ang mga ito sa guild.

Tinitigan ko ang dalawa ng walang emosyon. Kumibit-balikat pa ako para dagdag drama. Voldmir, who is focused beside me, gave me a weird glance. Lumayo pa siya nang kaunti sa'kin at bumulong na baliw daw mga kaibigan niya. Para namang siya hindi.

Ilang minuto lang at tumigil na din ang dalawa. Mabuti naman at napagod na sila sa walang-kwentang pag-aaway. Sobrang pula na ng mga kamay nila. The both of them gave me a weird look and raised their eyebrows. 

"Problema mo, Sol? Ano trip mo at nagga-ganiyan ka?"

"Is that uso now, Ate?"

I scoffed. "Ah, so ngayon may paki na kayo sa'kin? Kanina, nang maubos ang laway ko kaka-usap sa inyo, parang hangin lang ako. Ngayon you can see me? You can see me?"

"John Cena?" hirit ni Hex at nagseryoso nang samaan ko siya ng tingin. "I'm sorry. Go back, pagalitan mo sila."

Nahagip ko pang binigyan niya ng 'ayan nakuha mo' na mensahe si Feyre na nagpa-puppy look sa kaniya. 

"Sol-"

"Please, guys. Just for this event or for this city. Let's refrain from doing crazy stunts." nang akmang magsasalita si Feyre ay inunahan ko na siya. "You can do those when you're fighting, but don't fight in public anymore. Mahiya na tayo sa nirenovate nating guild hall sa Eastern Continent dahil natripan niyong paulanan ng flaming rocks."

"That guild hall was nasty." Voldmir commented.

I sighed and was about to lecture him when a familiar presence stopped behind me.

"Uh... Is everything okay?"

Napatingin kaming lahat kay Vesta. Her clothes and hair are a mess but she's succeeded her round. She's ranked number 12 on the kill count board, falling behind River's guild ranger, Yuji. Ilang sandali kaming nagtitigan bago sumigaw nang pagkalakas-lakas si Minerva at Aisling, and they rushed to hug Vesta.

"CONGRATULATIONS!" they all shouted, surprising the players around us.

Lumapit si Feyre sa'kin at ngumuso. "Bakit noong natapos ako, walang ganiyan?" 

I smiled and gave her a pat. "You were amazing back there. Went up against the number one rogue and exchanged blades."

Natigilan siya at nag-iwas ng tingin. The slight raise of her lips confirmed na wala na ang tampo niya.

"Oh, pusa, dahil natapos natin ang unang ng walang problema. Ililibre kita." mahinang sabi ni Hex kay Feyre na narinig ng matalas kong tainga.

I pursed my lips and raised a brow. Nanatili akong nakatingin sa tatlong bata na niyayakap si Vesta kahit na nakikinig na ako sa pinag-uusapan ng dalawa sa tabi ko.

"Anong natin? Bakit nasama ka? May ginawa ka ba, soro?"

Pinigilan ko ang mapaikot ng mata sa sinagot ni Feyre.

Narinig ko ang paghampas ni soro at mahinang aray ni Feyre. They started to talk in hush voices kaya medyo wala na akong nakuha. I frowned. Bakit kailangan pa nilang bumulong?

Napasulyap ako sa kanila. They're still talking. My frown grew deeper. Naaninag ko si Voldmir na patingin na sa banda namin, kaya may naisip akong magandang ideya.

"Guys!" I immediately got their attention. Kahit ang mga players na malapit sa'min ay napatingin din. "Sabi ni Hex libre niya daw tayo."

Natigilan si Hex sa tabi ko. At mas lalo siyang nabato nang makita ang pagsaya ng mukha nina Minerva.

"TALAGA?!" kumikinang na ang mga mata nila.

Iba talaga ang epekto ng mga libre sa kaibigan ko.

"Kuya, kuya, libre mo kaming lahat? Doon po ba tayo sa sinabi kong magandang diner?" excited na tanong ni Priamos. He even changed out of his armor to give a better puppy look.

Malakas na tumawa si Feyre at tinapik-tapik ang balikat ng naluging si Hex. "Good luck, soro. Isang baranggay ang papakainin mo."

That's why we were at the diner in the first place. Mabuti sana kung ordinaryo lang kaming guild. But my friends have made it their goal to cause chaos anywhere they go. Lahat ng diner na napapasukan namin ay dumodoble sa ingay.

"Aisling! Stop dancing on top of the table!" saway ni Cord sa pinsan niya.

Itinaas ko ang plato nang biglang sumayaw papunta sa gawi ko si Aisling. Ni hindi ko na matandaan kung kailan siya naka-akyat. Ang alam ko ay naggigitara si Minerva at ilang sandali lang ay nagyanig na ang rock sa buong diner.

Minerva is now in the center, banging her head to the rock tune while other players also enjoyed it like a party. Samantala, itong si Aisling ay nasa ibabaw ng mesa at nagsasayaw ng ballet. It's even more surprising that her movements coincides with the beats.

"Kamukha mo si Paraluuuman! Noong tayo'y bataaa pa!"

Ngumiwi ako nang magsimulang kumanta si Feyre na parang lasing. Talagang tumayo pa siya at nagsway sa kanta habang itinataas ang baso niya ng gatas. I have no idea why she ordered a milk beverage.

"Pusa, umayos ka nga! Si poro nasa kabilang table na- oh shit! Poro, come back here!"

Sinundan ko ng tingin si Hex na tumatalon na sa mga table ng diner para madakip si poro. The fox and the snake are doing a chase.

I settled my gaze on Hex's younger brother. Parang may contest na sinasalihan si Priamos sa bilis at dami ng kinakain. Saan ba pumupunta 'yang nilalamon niya? Para ba hindi siya mabigatan sa armor?

Si Vesta naman na nasa tabi niya ay ibinibigay ang pagkain sa bata. When Priamos' plate is full, pinapraktis niyang barilin si Hex na hinahabol si Poro.

I sighed. Si Voldmir na lang siguro ang norm-

"Isa pa! Good job, Aslan! Nice!"

Why did I even think that Voldmir, Feyre-raised, would be normal among us? Impostor na lang siguro ang normal sa'min.

Iniwan ko si Voldmir na nagsusummon ng fire rings para talunan ni Aslan. I glanced at Cord who is sitting straight in the middle of the chaos, not even giving a slight care to his sorrounding. Tinataas niya lang ang plato kapag dadaan si Aisling at umiiwas sa mga paggalaw ni Feyre.

I swallowed a smile. He looks so familiar.

Kinuha ko ang papel na eroplanong nahulog mula sa kahoy. I hummed as I folded it again. Nang matapos ay hinayaan ko itong paliparin ng hangin.

I chased it as it flew. Lumipad ang mga ibon na dati'y tumutuka sa lupa. Masaya ko itong pinulot muli malapit sa bato.

I was about to throw it again when I noticed him. Nakaupo siya sa lilim ng punong mangga. Tumigil ako sa ginagawa at lumapit.

Gumalaw ang buhok niya ayon sa hangin. Natatago ng mahaba niyang pilikmata ang kaniyang emosyon. His eyes are trained to what he's drawing. I frowned and tried to throw my plane on his direction. He didn't budge.

Dahil sa isa akong malaking brat, I took a small stone and lightly threw it too. Hindi pa rin siya gumalaw. Ngumuso ako. Ano bang problema niya?!

Nakabusangot akong kumuha ng lupa at padabog na naglakad sa harap niya. Pinitik ko ito isa-isa sa ulo niya. Ilang minuto ay tumigil ang paggalaw ng kamay niya at dahan-dahan siyang tumingin-

"Solace."

I snapped off my thoughts. Napatitig ako sa seryosong mga mata ni Cord. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin.

"Are you alright?"

"Ha?" I cleared my throat. "Oo naman."

"Parang wala ka sa sarili kanina."

Was I spacing out a while ago? Ni hindi ko na maalala kung ano ang naisip ko. All I can remember is a figure sitting straight. Iyon lang. I can't remember the face nor what they're doing.

Tumayo ako. Cord and Voldmir looked at me curiously. Nabigla siguro.

"May bibilhin lang ako." ani ko at itinuro ang labas.

Tumango ang dalawa at naglakad na ako paalis. I still can't quite place what happened. I'm pretty sure I remembered something. Pero hindi ko alam kung ano 'yon. At kung bakit.

However, I can remember that I was a child in that memory. A child talking to the sitting figure. And if I break my mind more, mukhang batang lalaki iyon. Maybe it's River.

But was that memory really necessary?

Umiling ako at pinagpaliban muna iyon. I passed by a bakery and saw that they have cupcakes on sale. Naisip ko itong iregalo kay Feyre at Vesta for congratulations kaya bumili ako.

I know how chaotic my guild members can be. Feyre's been banned in two cities and blacklisted in a guild. Marami nang nakaaway si Minerva at Voldmir dahil sa walang tabas na dila nila.

I perfectly understand how chaotic they can be. Pero hindi ko inisip na sa sandaling mawawala ako ay masusunod na nila ang isang establisyemento. One of the popular diners in South Continent burned down to ashes because of a certain animal gone berserk.

"Ipaliwanag niyo sa'kin," matigas kong utos. "kung bakit naipalabas si Cerberus at nasunog niyo diner."

"It was Minerva!" biglang turo ni Feyre. "Alam mo namang nagpapakanta siya ng rock song at nainis si Voldmir kasi ang ingay na da-"

"Hindi! Wrong! Ate Feyre is nagsisinungaling po!" sigaw ni Minerva. "Yes, I was pakanta ng mga rock songs, but ikaw ang nagfought with one of the players at proceeded to pata-"

"Shhh!" biglang tinakpan ni Voldmir ang bibig ni Minerva. "Kung titingnan nating mabuti si Hex talaga. Kasi siya 'yong tumatalon-talon sa mga ta-"

"I was only chasing poro around because you kept on scaring him with your fire sho-"

"Actually, hindi po ba si Ate Aisling ang may kasalanan?" dumagdag pa si Priamos. "Kasi po di'ba hinahabol ni Kuya Hex si poro na pumunta sa table natin at natakot si Ate Aisling kaya nasipa niya si Feyre at nabunggo ni Ate Feyre ang isang player-"

"Hindi ako natakot sa ahas!" depensa naman ni Aisling. "Nabigla ako dahil biglang nagbabaril si Vesta!"

Napatingin na kaming lahat kay Vesta ngayon na lumalantak sa cupcake na binili ko. "I didn't even aim at you. I was aiming at Hex. It was your cousin that pulled your feet."

"Okay, bago kayo magtanong. I only pulled your feet because it was getting messy-"

"Basta ako inosente ako di-"

"Ikaw ang pinakahindi pwede sa inosente, Feyre, dahil nakipa-"

"Mas ikaw! Ang halimaw mo sa kaharian ni Hades ang-"

At nagrambol na sila sa harap ko. I rolled my eyes and opened the guild treasury. Lumaki na rin ito dahil nagjoin na sa guild namin si Aisling at Cord.

Binuksan ko ang individual shares nila at kinuha doon ang parte nila sa 100,000 gold na binayaran ko.

"I've already took 12,500 gold in each of your shares." I dropped the bomb.

Natigilan silang lahat sa rambol na ginagawa at mabagal na napatingin sa'kin.

Voldmir nervously chuckled. "S-Sol. Hindi naman 'yan iyong savings namin diba? Ang inipon naming gold sa guild?"

Tumango ako. "Iyon nga ang ginamit ko."

They paled. Mukhang nagkawar flashbacks sina Cord at Hex. Napatingin si Priamos sa hawak niyang pagkain na para bang ito na ang huling pagkakataong mahahawakan niya iyon. Vesta slowly bite off her cupcake while looking tranced.

Napaluhod si Minerva at Aisling sa lupa, habang si Voldmir naman ay parang maluluha na. Feyre gaped at me and checked her account. Nang malamang totoo nga ang sinabi ko ay tumingin siya sa kalangitan at sumigaw,

"HINDIIII! MAGPAPA-UPGRADE PA AKO NG EQUIPMENT!"

Iniwanan ko silang walo doon. I still have a fight tomorrow. Magsisimula na akong magpractice ngayon.

____________________
-chapter end-

[NEXT CHAPTER PREVIEW]:

Solace steps inside the ring. Her first one-on-one battle will happen. And it's with a Warbeast member. A dancer.

Ready your strength, fighters. Your dance of war begins now!

____________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro