Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

"You did a great job, Miss Hadassah. Sigurado akong kikita na naman ito nang malaki sa market," Miss Pat, one of Ate Samantha's staffs, uttered sweetly at me.

Tumalon ang aking puso sa kaniyang papuri. Wala akong ibang nasabi kung 'di ang salamat at pareho naming sinuri ang mga larawan kong kinuha kani-kanina lang.

I am one of Ate Sam's models in her clothing boutique. Ang kagandahan kasi rito ay hindi lamang sexy na mga babae ang kinukuhang modelo kung 'di pati na rin ang mga kagaya naming plus-sized women at iba pang kababaihan na mayroong kaniya-kaniyang munti at kakaibang katangian.

"Your confidence makes you even more beautiful, Ma'am! No wonder kaya sobrang bumebenta ang mga damit na mino-model mo kasi kahit sinong makakakita rito sa picture mo, ma-fe-feel 'yong positivity at self-love!" She giggled.

Nagawa pa nitong hampasin ang aking braso na animo'y close na close kaming dalawa. Mabuti na nga lamang ay nagawa kong iwasan agad iyon. Hindi rin naman nagtagal ay tinawag na ni Ate Samantha ang lahat ng mga tauhan upang ipunin sa isang tabi ng studio.

She, then, began her heartwarming speech to each of us for the successful pictorial. Akala kasi namin ay hindi ito matutuloy dahil ang ilan sa mga kinuhang model ni Ate ay muntikan nang magsipag-backout nang malaman na swimwear ang isusuot namin.

But with the help of encouraging words from the whole staff, mabilis iyong napagtagumpayan.

"Kailan nga natin ilalabas ang mga ito?" tanong ni Ate sa isa niyang staff.

"Ay by next week po Ma'am, puwede na. Or much better kung mas maaga, kaya naman po namin iyon. . ."

Ate Sam crossed her arms and showed a satisfactory smile. "Excellent, then."

Pagkatapos nilang mag-usap-usap ay ako naman ang nilingon ni Ate. She just commended me and reminded some things also. Pagkatapos nga no'n ay ang ilang modelo naman ang kaniyang nilapitan at kinausap.

"Thank you so much, Miss Sam. Dahil po sa pictorial na 'to, tumaas po ang confidence ko. I felt like this was the first time I appreciated my body," Calina shyly muttered.

"Ako rin po, Miss Sam. Sobrang laking tulong po nito sa mga kagaya kong madalas na ma-body shame. . ." segunda pa ng isa na mababakas ang lungko sa kaniyang tinig.

Unti-unting sumilay ang mapait na ngiti sa aking labi habang pinakikinggan sila. Hindi maiwasang manumbalik ang lahat ng mga alaala noong mga panahong nasa ganoong katayuan pa lamang ako. Panahong pilit na binabago ang sarili para sa iba. Panahong hinihiling na sana ay ibang tao na lamang ako, nagbabaka-sakaling hindi na makakatanggap ng pangungutya pa.

I tremendously spent my whole life feeling so insecure with my body size. With all my tummy rolls and chafing thighs, I thought that there's something that needs to be fixed in me. I tend to question my worth and expect everyone's validation.

Noong umalis kami ng siyudad at tumungo sa probinsya, wala akong ibang dala at pinanghahawakan kung 'di ang panibagong pag-asa para sa sarili ko. Dahil noong mga sandaling iyon ay durog na durog ako at ni hindi ko makayang tingnan o makita ang katawan ko sa harap ng salamin.

Akala ko noon ay mahirap kapag nawalan ka ng kaibigan o ng kahit na sinong taong mahalaga sa iyo. . . pero wala na palang mas hihirap pa kapag ikaw na mismo ang nawala at bumitaw sa sarili mo.

Kaya isang malaking tamang desisyon lamang para sa akin ang paglayo kasi dahil doon ay marami akong bagay na napagtanto. Sa tulong na rin ng aking pamilya at bagong kakilala.

"I'm sorry for all the harsh words I told you. I've been an ass to you but I promise that I already reflected and learned about my mistakes. Sorry, Hadassah. . . sana bigyan mo ng chance para makabawi sa 'yo si Ate," wika ni Ate sa pagitan ng kaniyang malalakas na paghikbi.

"Kami rin, anak. Humihingi kami ng tawad sa 'yo. . . sa mga pagkukulang namin at kung hindi ka namin nagawang ipagtanggol. Buong akala kasi naman ay okay lang sa 'yo. Na sanay ka na. . . dahil kailan naman ay hindi ka lumaban o nagsalita. I will admit that I was too focused with Samantha's achievement while I set aside you, your struggles, and even your pain. . ." Mommy trailed off as her cris became louder. Mabilis siyang niyakap ni Daddy upang aluin. "I'm sorry, anak. I'm sorry. Sana kagaya ng Ate Sam mo, hayaan mo kaming makabawi sa 'yo."

Pinalis ko ang mga luhang tahimik na lumalandas sa aking mga mata bago dahan-dahang tumango sa kanila. "It's okay, Mom. . . it's perfectly okay. Ang gusto ko lang ngayon ay magsimula tayo na muli tayo ng bagong buhay," I answered and gave them a faint smile.

And being true to their words, they did what they had promised. Everytime na inaatake ako ng anxiety ay hindi nila ako iniwan. Sa tuwing may nagsasabi sa 'kin ng masasakit na salita ay agad nila akong ipinagtatanggol. Na kahit nga umabot na sa puntong makipag-away at makipagsabunutan na si Ate Sam para sa akin.

Mom and Dad even brought me to the psychiatrist. Nagtuloy-tuloy din ang medication ko laban sa sakit kong PCOS at tinulungan din ako ni Ate Sam ng mga proper diet and exercise.

Hindi sila napagod may mga pagkakataong ako mismo, sa sarili ko, ay gusto na lang magpahinga at mawalan ng pag-asa.

Lahat ng pag-unawa, pagmamahal, at pag-aalaga ay ibinigay nila hanggang dumating ang araw na tuluyan nang maghilom ang mga sugat sa aking puso. . . hanggang sa tuluyan kong muling mahanap at mahalin ang sarili ko.

Hindi ko na inalam pa ang bawat pangyayari sa mga taong naiwan ko noon. Sav and Mela? I don't know what happened to them. Hindi na ako nag-abala pang alamin kung ano na ang buhay nila dahil ipanagpaubaya ko na iyon sa tadhana. Na kahit gaano katindi ang sakit at sugat na idinulot nila sa akin ay ni kahit kailan ay hindi ko hiniling ang mga bagay na ikasasama para sa kanila. . .

It took me six years before I finally healed with all the pain. Six years that I've finally learned to love myself again and see my own worth like it was my first time. I've also become an advocate against body shaming. I've been sharing body positivity words on social media or even in seminars.

Kahit papaano ay nabawasan ang timbang ko pero ni minsan ay hindi ko na hiniling na pumayat o magkaroon ng katawan kagaya ng mga sikat na artista.

Because if there's one thing I've reflected on with all the things that have happened to me? That is. . . your worth has nothing to do with your weight. Your body measurements wouldn't ever define how beautiful you are.

Yes, there are times that we feel insecure with someone but we just have to live with it. We are sharing a fair square of insecurities in our life; we just have to embrace it. I am done with the phase of hating my own body and thinking how it would be fixed, but then I've realized that it was never broken.

Society may serve a high standard of admirable physical appearace and body. Society may not accept you for being flawed and imperfect, but does it matter? No. . . because you, yourself, define the real definition of beauty. The only validation we need is the validation coming from ourselves.

You were never a problem. There's nothing wrong with your size, your curves, your scars, your flaws, your stretch marks, or even you. It is not your job to look like the people we see in magazines. It is not our job to look to be ideal.

You are good enough.

We are good enough in our own ways. . .

I was back from my reverie when the waiter served the food on my table. Agad na nanubig ang aking bagang sa mga paborito kong pagkain na nakahayang sa aking harapan. This is my treat for myself for doing good in the pictorial yesterday.

Wala na akong inaksayang panahon pa. Akmang lalantakan ko na ang mga iyon nang may biglang isang malaking bulto na tumikhim sa aking harapan upang mapunta roon ang atensyon ko.

"Hi, puwede bang maki-share?" tanong nito.

At nang tuluyan nga akong mag-angat ng tingin roon sa lalaki ay gano'n na lamang ang pagkalaglag ng aking panga nang makita ang pamilyar na lalaking halos anim na taon ko ring hindi nasilayan.

Malawak ang ngiti nitong umupo sa aking harapan at walang paalam niyang ipinatong ang tray ng pagkain sa aking lamesa.

"Kumusta? Na-miss kita. . ." panimula niya bago kumagat sa burger na hawak niya.

Matagal ako bago nakasagot. Ilang beses ko pang ibinuka ang labi upang magsalita ngunit walang lumalabas ni isa. Sinubukan kong ikurap nang maraming beses ang mga mata dahil sa pag-aakalang namamalikmata o nananaginip lang ako. . . pero hindi.

"A-Anong ginagawa mo rito?" naguguluhan at hindi makapaniwalang usal ko.

Marahas akong napalunok nang pasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Wala naman masiyadong nagbago sa kaniya. Bukod sa mas nagmukha siyang mature ay napansin ko rin ang pagganda ng bulto ng kaniyang katawan na tila ba alagang-alaga iyon sa workout.

Ngunit imbis na sagutin ang tanong ko ay nagulantang ako sa isinagot niya.

"Hinintay kita. . ."

"H-Huh?" Muli akong kumurap-kurap at pagak na natawa. "But I never said that. Wala akong sinabi noon na hintayin mo ako–"

Pinutol niya ang sinasabi ko at matunog na ngumisi. "Pero gusto ko. Ako ang may kagustuhan no'n."

"P-Pero bakit nga?" pag-uulit ko pa.

Pasimple kong hinawakan ang aking dibdib dahil sa mapusok na pagkalabog niyon. Marahas akong napailing sa aking isipan. Sa loob ng anim na taon, kung mayroon mang isang bagay na hindi nagbago, iyon ay ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ni hindi iyon nabawasan at mas lalo pa ngang lumalim kahit na sa loob na panahong hindi ko siya nakikita.

"Because let's just say that. . . someone like you is always worth the wait, Babs," he muttered gently and followed by a flirty smile.

Sa mundong ito, kahit punong-puno ka ng pagkukulang at pagiging imperpekto, masisiguro kong mayroon at mayroon pa ring tatanggap sa iyo nang buong-buo. At iyon ay, una, ang sarili mo at ang pangalawa ay mga taong tunay at tapat na nagmamahal sa iyo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro