Chapter 9
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at naisipan kong sumama kay Brenz. Kung iisipin, hindi naman ako mahilig mag-jogging o magpapawis at mas lalo na ang paggising nang maaga.
Pero kahit gano'n ay hindi ko ginawa pang bawiin ang sinabi ko sa lalaki lalo pa't nasaksihan ko kung paano kumislap ang kaniyang mata sa tuwa bago ako tuluyang tumalikod sa kaniya.
Kaya naman nang sumapit ang araw ng sabado ay maaga akong gumising. Labag man sa kalooban dahil pilit pa rin akong hinihila ng kama pabalik sa kaniya ay pinilit ko pa rin ang sarili kong bumangon at gumayak. Alas sais ng umaga ang usapan naming dalawa ni Brenz pero ang loko, alas singko pa lang ay nakaabang na sa labas ng bahay namin at kumakaway-kaway pa sa aking bintana. Nakasuot ito ng itim na jacket, jogger pants bilang pambaba at rubber shoes. Ang isang kamay niya ay may hawak na hydro flask bottle.
Hindi ko tuloy maiwasang matawa. Hindi ko mahulaan kung sadya bang ganiyan siya ka-dedicated sa pagpapapawis o excited lang talaga siya?
Naka-itim na leggings at sports bra ako. Pinatungan ko iyon ng jacket dahil hindi ko naman kayang lumabas na gano'n lang ang suot. Baka mamaya'y pagtawanan lang ako ng mga taong makakakita dahil sa pag-alog ng bilbil ko. Pinusod ko rin ang aking buhok bago tuluyang lumabas ng silid.
Pagkababa ay naabutan ko si Ate Sam na nakaupo sa sofa na abala sa pagsisintas ng kaniyang rubber shoes. Base sa suot nitong damit ay obvious naman na magja-jogging din ito.
She stood up and stared at me from head to foot. "Saan ka pupunta?" bakas ang pagtataka sa tono ng boses nito.
I then swallowed the lump on my throat before answering. "Uh, jogging?"
Pagak siyang tumawa bago muli akong pasadahan ng tingin. "Wala ka nang pag-asa," mayabang na aniya bago ako tuluyang talikuran at maglakad palabas ng bahay. Hindi na ako binigyan ng pagkakataong makapagsalita pa.
Dismayado akong umiling. Sanay na naman ako sa pag-uugali ni Ate Samantha. Mabait lang 'yan sa ibang tao pero pagdating sa akin na mismong kapatid ay tinalo pa niya ang mga kontrabida sa mga teleserye.
But despite what she has said, I still manage to stay calm and unbothered.
Pagkalabas ko ng bahay ay naabutan ko si Brenz na nagwa-warm up. He stopped and gave me a beaming smile when our gaze met.
"Mas maganda ka pa sa umaga, Babs!" he greeted me.
"Mas maganda naman ang umaga kaysa sa iyo," I greeted back, obviously teasing him.
"Ay ang attitude ha! Umagang umaga, eh!"
Natawa ako nang tingnan n'ya ako nang masama at parang batang nagmamaktol na sumimangot.
"Joke lang! Para kang bata r'yan."
"Ang sama ng ugali mo kasi," maktol pa rin n'ya kaya naman mas lalong lumawak ang ngiti sa aking labi. "Ayan ngingiti pa, parang tanga!"
Doon na ako tuluyang bumunghalit ng tawa. Hay naku!
Hindi ko man aminin sa kaniya pero palihim akong nakakaramdam ng tuwa kapag sinasabi niyang mas maganda pa ako sa umaga. It's just that. . . it hits differently for me. I felt, somehow, appreciated. His words comfort me as well as help me to boost my confidence without him even knowing.
Nagkasundo kaming dalawa na iikutin lang namin ang buong subdivision. Bukod kasi sa mas makakalanghap kami ng sariwang hangin ay mas mapayapa rin dito. Mayroon din kaming mangilan-ngilan na kasabay.
Pinag-warm up muna n'ya ako bago kami tuluyang magsimula. Kapag napapabilis ang takbo n'ya ay agad siyang titigil para lingunin at hintayin ako. Hindi ko inalintana ang pagtagaktak ng pawis sa aking buong katawan pati na rin ang pagkahingal. May pagkakataon kasi na bumibilis ang takbo ko na agad naman akong pinipigilan ng tawang-tawang si Brenz.
"Maghunos dili ka, Babs! Relax your upper body and breathe regularly. Para namang running race ang ginagawa mo at hindi jogging," he explained to me while laughing.
Nagdesisyon kaming tumigil sa pagtakbo at pumunta sa ilalim ng puno para roon pansamantalang magpahinga at uminom ng tubig.
"Inom ka muna." He opened and lent me his hydro flask.
Hindi na ako nag-inarte pa dahil kanina pa ako nakakaramdam ng panunuyo ng lalamunan.
He then glanced at his wristwatch. "Kaya mo bang umikot pa ng isa?"
"Oo naman," tugon ko at pinunasan ang gilid ng aking labi matapos uminom.
"Oh sige, ikot pa tayo ng isa tas balik tayo rito para sa cool down exercise." Kinuha n'ya sa akin ang hydro flask at tinungga ang natitirang laman. Matapos noon ay kinuha n'ya ang puting face towel sa bulsa ng kaniyang jogger pants.
"Come here," he signaled me to step closer at him. Kumunot ang noo at bahagya siyang pinagtaasan ng kilay. Hindi nga ako masiyadong lumalapit sa kaniya dahil amoy pawis na ako at nakakahiya naman kung maamoy n'ya iyon.
"Bakit?"
He shook his head. "Basta lumapit ka rito sa'kin," utos niya.
Nagtataka man ay sinunod ko pa rin ang nais niya. At nang tuluyan na akong makalapit ay gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang bahagya niyang ibaba ang sarili upang punasan ang butil-butil na pawis na tumutulo sa aking noo.
"A-Anong. . ." hindi ko matuloy ang sasabihin dahil sa labis na pagkabigla.
Marahan at buong ingat ang pagdampi ng tuwalya sa aking balat habang ang mapungay na tingin ay hindi inaalis sa akin.
My breath hitched as I felt my inner system twisting for indescribable affection. Plus the fact that the heart of mine was pounding rapidly inside my chest.
Kaya bago pa man ako tuluyang malunod sa kakaibang nararamdaman ay kumurap-kurap ako para bumalik ang wisyo sa reyalidad. Pasimple akong lumayo at umiwas ng tingin.
"A-Ano. . . n-nagugutom na ako," walang kwentang dahilan ko na medyo totoo naman.
Kanina pa kumakalam ang sikmura ko at alam kong hindi sapat ang tubig lang.
A manly chuckle filled my ears. "What? Hindi pa tayo tapos mag-jogging!" ani Brenz na naiiling ngunit may multo ng ngiti sa labi.
My cheeks flushed. "B-Basta! Huwag na tayong mag-jogging. Kumain na lang tayo tutal pagod na rin naman ako," tugon ko dahilan para mas lalo siyang matawa.
Itong lalaking 'to talaga, wala nang ginawa kundi tawanan ang lahat ng sinasabi ko. Nakakasama na talaga ng loob!
"Alright, alright." He heaved a sigh and wet his lips. "Ano bang gusto mong kainin?"
Slowly, I turned my eyes back at him and smiled cutely. "Tara, fast food tayo!"
Wala na siyang nagawa nang hablutin ko ang isang kamay n'ya at kinaladkad palabas ng subdivision. At gano'n na nga ang nangyari, ang jogging namin ay nauwi sa paglamon. Imbis na magbawas ng taba, umuwi kaming bawas ang pera sa bulsa.
And that's the moment when I think highly of Brenz's companion. I finally realized that he's not bad at all. I considered him as a friend. A true friend.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro