Chapter 8
I didn't enjoy the short 'vacation' that much. Dapat masaya ako sa araw na iyon pero ang nangyari ay nagbantay lang ako ng cottage dahil nawalan ako ng gana. Wala rin namang namilit o pumansin sa akin doon maliban kay Melissa, Brenz, at Griven. They never leave my side.
Hindi ko rin masiyadong nakahalubilo sina Sav at Mela dahil abala sila sa pakikipagharutan doon sa grupo nina Moumin.
Mabilis na lumipas ang araw. Durog pa rin ang puso ko sa nalamang may girlfriend na ang nag-iisang crush ko pero wala na akong magagawa pa sa bagay na iyon. Sa totoo lang ay natutuwa ako dahil magaling siyang pumili ng babae. Bukod sa pagiging maganda ay napakabait at napakagaling pang makisama ni Melissa. Indeed a social butterfly.
Suot ang uniporme ko sa eskwelahan ay pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa harap ng malaking salamin. Mula sa kulot, buhaghag at hanggang baywang kong buhok pababa sa malaking bulas ng aking katawan.
Dismayado akong umiling sa aking sarili nang mapansing puputok na ang butones sa bahaging dibdib. Pansin kong habang tumatagal ay mas lalo akong lumalaki. Ang sabi ni Mommy ay normal lang ito sa may Polycystic Ovary Syndrome o mas kilala sa tawag na PCOS.
Ang PCOS ay isang hormonal disorder kung saan nagkakaroon ang babae ng mga maliliit na cyst sa kaniyang obaryo. Naglalaman ang mga cyst na ito ng mga immature egg cells na hindi kayang mag-trigger ng proseso ng obulasyon. Ibig sabihin nito ay bababa ang lebel ng female hormones tulad ng estrogen at progesterone, at tataas ang lebel ng male hormones katulad ng androgen. Ang imbalance na ito ay magdadala ng iba't ibang sintomas at epekto sa katawan.
Isa na nga roon ay paglaki ng timbang.
"Anong PCOS, PCOS? Ang sabihin mo matakaw ka lang talaga at tamad kang magdiet. Kaartehan lang 'yang sakit sakit na 'yan!" komento ng isa sa mga tiyahin ko matapos ipaliwanag ni Mommy ang kondisyon ko.
Daddy sipped on his coffee and shook his head. Tumikhim ito nang maibaba ang tasa. "Mas mabuti pang huwag ka na lang mangialam, Amanda. Wala ka namang naiintindihan," tiim bagang na usal n'ya sa kapatid ni Mommy.
"Daddy!" ungot naman ng kapatid ko upang sawayin ito.
Nanatili akong walang imik. Bumagsak ang tingin ko sa pinggang nasa harapan ko. Punong-puno ito ng iba't ibang pagkaing pang-almusal. Para akong. . . nawalan ng gana.
Marahas akong lumunok at kumurap-kurap. Ang dami-dami pang pinutak ni Tita Amanda na tungkol sa akin na hindi ko na masiyadong nasundan pa. Kung hindi pa siya muling sasawayin ni Daddy ay hindi pa n'ya ako titigilan. Kasunod n'yang ibinaling ang atensyon sa kapatid ko at pinaulanan ito ng mga papuri.
Saved by the bell, nakatanggap ako ng text mula kay Brenz na naroon na siya sa labas ng bahay namin. Kung sa ibang pagkakataon ay maiirita ako, ngayon ay labis akong nagpapasalamat.
"Mommy, Daddy, Tita, papasok na po ako," paalam ko at tumayo na mula sa hapag.
Si Daddy lamang ang tanging nagbigay ng pansin sa akin dahil abala sina Mommy at Tita Amanda sa pag-uusap tungkol sa beauty contest na sasalihan ng kapatid ko sa susunod na buwan.
Daddy nodded his head at me. "Mag-iingat ka."
Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan na akong makalabas ng bahay pero dama ko pa rin ang bigat ng aking dibdib na para bang may nakapatong na mabigat na bagay dito.
"Mas maganda ka pa sa umaga, Babs!"
Bumungad sa akin ang masaya at masiglang mukha ni Brenz. Just like the usual, he's wearing the usual and beaming smile.
Tamad akong tumango. "Morning." Inilibot ko ang tingin sa paligid at bahagyang kumunot ang noo nang mapansing walang kahit anong kotse ang nakaparada sa labas namin.
"Nasa'n ang kotse mo?" taka kong tanong.
He chuckled shyly. "Wala. Hindi ako pinayagang gamitin, eh. Kaya magji-jeep tayo, puwede ba?"
Mas lalong lumalim ang gatla ko sa noo pero hindi na nagtanong pa. Tumango na lamang ako at nauna nang maglakad palabas ng subdivision. Nagtataka ako at gusto kong itanong kung bakit pa n'ya ako sinundo kung wala naman pala siyang kotse? Kung tutuusin ay malapit na ang bahay nila sa school pero. . . I stopped when another question popped into my mind.
Pinilit ba siya ni Griven na sunduin ako?
Hindi kasi ako masusundo ni Griven dahil kasama n'ya sa bahay si Mellisa at siya rin ang maghahatid sa agency na pinagtatrabahuhan ng girlfriend n'ya. Totoo pala talagang girlfriend ang babae kaya napakaganda.
Maswerte sila sa isa't isa.
"Kumain ka na ba?" Brenz glanced at his wristwatch. Kakababa pa lamang namin ng jeep at kasalukuyang naglalakad na papunta sa kani-kaniyang classroom. "May thirty minutes pa. Puwede pa tayong kumain saglit sa canteen."
"Ikaw na lang–"
"Hindi, samahan mo na 'ko. Kumain tayo!" pamimilit n'ya at sapilitan akong kinaladkad patungong canteen.
Halos malaglag ang panga ko sa dami ng inorder n'yang pagkain para sa aming dalawa.
"Bakit ang dami nito? Hindi naman tayo bibitayin, 'di ba?" manghang tanong ko na siyang ikinatawa naman ng lalaking nasa harapan ko.
"Dami mo palaging reklamo, Babs,"
Napasimangot ako. "Nagtatanong lang!" Dinampot ko ang paborito kong cheese burger at akmang kakagatan na ito nang pigilan n'ya ako. "Ano na naman ba?!"
"Pray muna," nakangising aniya at mabilis kong nabitawan ang pagkaing hawak ko.
Nakakahiya! Baka isipin n'yang patay gutom ako? I shook my head mentally. Eh ano naman kung anong isipin n'ya? Si Brenz naman 'yan! Si Brenz lang 'yan!
I was amazed when he led the quick prayer. Panay ang hagalpak n'ya ng tawa nang matapos kaming kumain dahil hindi ako makatayo sa upuan. Tuluyan na kasing bumigay iyong dawalang butones ng uniporme ko malapit sa tiyan at dibdib. At itong si Brenz, imbis na tulungan ako ay ginawa pa akong katatawanan!
"Ano ba! Nakakainis ka na, ah! Huwag mo akong pagtawanan! Gumawa ka ng paraan!" inis kong singhal ko at binato siya ng tissue.
He bit his lip to stop himself from laughing. "Sige, sige na nga. May hoodie ako rito sa bag ko. Ipapahiram ko sa 'yo pero sa isang kondisyon. . . " he trailed off and showed me his wicked smile.
Mas lalo akong nainis! Bwisit na 'to! Tutulong na nga lang ay kailangan pa ng kapalit? Hindi na naawa sa akin!
I glared at him. "Tigilan mo ako!"
"Oh sige. Madali lang naman akong kausap. Papasok na ako at malapit nang mag-time." He shrugged his shoulder and stood up. Isinukbit n'ya ang strap ng kaniyang bag sa balikat at akmang aalis na.
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagkataranta. "S-Saan ka pupuntang bwisit ka? Oh sige na, sige na! Payag na ako!"
His smile grew wilder when he faced me. "Talaga? Payag ka nang maging girlfriend ko?"
"Ano?!"
"Charot lang! Ito naman, hindi mabiro!" natatawang aniya. kinuh a n'ya sa bag ang itim na hoodied at binato 'yon sa akin. Padabog ko iyong kinuha at habang isinusuot ay hindi n'ya ako nilubayan ng tingin.
"Sa sabado, sasama tayo kina Melissa at Griven," wika n'ya habang naglalakad kami paakyat sa ikatlong palapag kung nasaan ang classroom ko.
Umismid ako at palihim na umirap.
"Huwag kang mag-alala dahil sa hapon pa naman 'yon. Tatambay lang tayo sa park. Picnic picnic ganern." dagdag pa n'ya.
"Bakit hindi sa umaga?"
"Wala namang sunset sa umaga, Babs." Napakamot siya sa ulo. "At saka nagjo-jogging at gym ako sa umaga. Si Griven naman ay sasamahan si Lisa sa photoshoot..."
Labag man sa loob ko ay wala na akong nagawa kundi ang tumango. Tumigil kami sa paglalakad nang marating namin ang classroom ko. Humarap ako at tiningala siya. Nang magtama ang mga mata namin ay binigyan ko siya ng isang tipid ngunit sinserong ngiti.
"Salamat sa paghatid, Brenz. Sige na pumasok ka na, baka mahuli ka pa sa klase mo." I nodded my head at him.
He bit his lower lip and shifted his gaze. "O-Okay."
"At saka nga pala Brenz. . . puwede bang. . " I trailed off. Nagdadalawang isip ako kung tama ba itong itatanong ko sa kaniya ngunit nang makita ko ang antisipasyon sa kaniyang mukha ay nilakasan ko na ang loob ko. "P-Puwede ba akong sumama sa 'yo sa pagjo-jogging–"
"Oo naman!" masayang putol n'ya sa sinasabi ko na sinabayan pa ng sunud-sunod na tango. "Excited na 'ko!"
I smiled a little and nodded before turning my back.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro