Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Gulat na gulat sina Sav at Mela nang makita nila ako. Sa bangka pa lamang natanaw ko na kung paano malaglag ang panga nila habang tinatanaw kami na papalapit. Mas naunang bumaba si Griven at agad siyang sinalubong ng mga kaibigan niya, hindi na siya nakalingon pa sa amin at sumama na agad siya kina Moumin. Si Brenz naman ay inalalayan pa ako pababa, akala ko pagkatapos no'n ay iiwan n'ya na rin ako ngunit laking gulat ko nang hintayin ako nito at sabay kaming naglakad patungo sa cottage na nirentahan nilang magkakaibigan.

"Hads! You didn't tell us that you'll go here!" Sinalubong ako ni Sav.

I smiled a little. "Kayo rin naman, hindi niyo sinabi na pupunta kayo rito."

"Oh hi, Brenz! You look more handsome in your outfit today, huh?" Papuri ni Mela kay Brenz.

Napatingin ako sa lalaking katabi ko. Tamad lamang itong tumango kay Mela, hindi man lamang ngumiti. Mela was still smiling widely at him. Parang may hinihintay itong marinig na papuri mula kay Brenz pero nang napansin niya na mukhang wala nang balak pa na magsalita itong katabi ko ay dismayado siyang tumikhim at bumaling sa 'kin.

"Hi, Hads! Tara, sama ka sa amin? Nag iihaw kami ng barbeque roon." Tinuro n'ya iyong ihawan na medyo malapit lang din sa malaking cottage na nirerentahan.

Hinawakan niya ang braso ko at akmang hihilahin na paalis ngunit pigilan siya ni Brenz.

"She'll come with me," ani Brenz sa seryosong tinig.

Napabaling ako sa kaniya at umawang ang labi ko. There's no trace of humor in his eyes. It was cold and dark. Ibang iba na Brenz na mahilig mang asar at punong-puno ng energy.

"Huh? No! She'll come with us! At saka, bakit ba ikaw ang magde-decide kung kanino siya sasama? Ano ka ba niya?" Mela stepped closer with him and raised her brows.

Unti-unting sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi ni Brenz at tinagilid ang ulo. Bakas ang pagiging sarkastiko sa paraan ng pagtitig nito kay Mela.

"Ikaw, ano ka ba niya?" pagbabalik tanong ni Brenz.

"I'm her friend! We're her friends!"

Brenz laughed and shook his head. "Really?

Suminghap ako at agad pumagitna sa kanilang dalawa bago pa sila tuluyang magkapikunan.

"Tama na, tama na!" I hissed. "Sorry Sav and Mella, siguro mauna na lang kayo ro'n. Susunod na lang ako."

Hindi ko na sila hinintay na sumagot pa at agad nang tumalikod habang kinakaladkad si Brenz palayo kina Sav at Mela. Walang tao sa cottage nang makarating kami roon. Ang mga kaibigan nila ay naroon na sa kalat at maingay na nag-aasaran at nagtatampisaw. Nang maibaba ko ang gamit sa lamesa ay hinarap ko si Brenz na abala sa pag-aayos ng gamit niya.

Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Arouch!" daing niya at nanlalaki ang mga matang bumaling sa 'kin. "Babs! Why mo naman ako kinurot? Ang sakit!"

Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib at pinagtaasan siya ng kilay. "Ano na namang drama 'yong ginawa mo sa mga kaibigan ko, huh?"

"Huh?" maang-maangan pa niya kaya mas lalo akong nainis.

Akmang kukurutin ko ulit siya ngunit mabilis na siyang nakaiwas. Ngumuso siya na parang bata, nagpapaawa

"H'wag po ate! Marupok ako!"

Nanlaki ang mga mata ko at mas lalong nanggigil sa inis dahil sa mga pinagsasabi niya. Gusto ko siyang singhalan at saktan ngunit sa huli ay napigilan ko pa rin ang aking sarili.

"Ewan ko sa 'yo Brenz!"

Tinalikuran ko siya at nakasimangot na lumapit ulit sa lamesa kung nasaan ang mga gamit ko. Hindi ko na pinansin iyong mokong na lalaking patawa-tawa sa likuran ko. Ramdam ko 'yong mga pangungulbit niya sa akin at napapairap na lamang ako.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ganoon itrato si Sav at Mela. Para bang ang laki-laki ng galit niya kahit na wala naman yatang ginagawa sa kaniya iyong mga kaibigan ko. Matagal ko nang napapansin ang cold treatment niya kina Sav at Mela. Kapag kaharap naman niya ako at iba niyang kaibigan ay napakamasiyahin at makulit niya.

"Hala! Babs, galit ka? Sorry na." Nakadungaw ito sa akin at sinundot-sundot nito ang pisngi ko gamit ang hintuturo. Nalukot ang mukha ko at tinabig ang kamay niya.

"Ang kulit kulit mo, Brenz!"

"Eh, galit ka yata sa 'kin. Sige na, huwag ka na magalit." Nagpapadyak siya na parang bata habang hinihila ang braso ko. "Huwag ka na magalit, Babs! Sige na, magso-sorry na ako kina Sav at Mela dahil sa attitude ko, basta huwag na ikaw magalit, hmm?"

My lips parted as I blinked my eyes. Bigla akong napaharap sa lalaking nakayuko at nakanguso na animo'y pinapagalitan ng Nanay niya. Panaka-naka itong sumusulyap at kapag nagtatama ang paningin namin ay babalik siya sa pagyuko at paglalaro ng kaniyang mga kamay.

Kumalabog ang dibdib ko. Awtomatikong natunaw ang inis na nararamdaman ko at napalitan iyon ng tuwa.

I bit my lip to suppress my smile.

"Sigurado ka, Brenz? Kaya mong gawin 'yon?"

"Aba oo naman! Gusto mo ngayon na?!" Pagyayabang niya.

"Brenz! Hadassah!"

Natigil kami sa pag-uusap at sabay na napalingon kay Griven na papalapit sa amin. . . pero hindi rin nagtagal ang tingin ko sa kaniya dahil naagaw ng atensiyon ko iyong maganda at sexy na babaeng nakasunod sa kaniya. She's wearing a black two piece and walking in her bare feet. Hugis coca-cola ang katawan nito, nakakasilaw ang kinis at puti ng kaniyang balat, mahaba ang legs, bagsak ang mahaba at natural na kulay itim nitong buhok. Tinitigan ko siyang mabuti. Lubos akong humanga sa perpekto nitong mukha at katawan. Kung sa unang tingin ay mapapagkamalan talaga siyang modelo o artista

"Melissa?"

Napakurap ako nang magsalita si Brenz. Sa tono ng pananalita nito ay para bang manghang-mangha siya at gulat na gulat sa nakita. Hindi rin ito makapaniwalang tumitig doon sa magandang babae na tinawag n'yang Melissa. The woman walked towards him and gave him a hug.

"Hi, Brenz! Long time, no see!" Maging ang pagbigkas nito ng mga salita ay napakalambing.

Medyo nairita ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa kasama siya ni Griven, sa pagyakap niya kay Brenz o masyado siyang perpekto sa paningin ko at naiinggit ako. Nang bumitaw sila pagyayakapan ay hindi pa rin mawala ang abot-langit na ngiti ni Brenz.

Griven cleared his throat. Masamang tingin ang ibinigay nito sa kaibigan. Umisang hakbang si Brenz paatras kay Mellisa bago natatawang itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Masiyado ka namang seloso, Griven!" halakhak ni Brenz.

"Gano'n? Eh sino kaya 'yong nagpaiwan pa sa van nina Moumin no'ng nalaman na sa akin sasabay si—"

"Hep! Hep! Tama na, tama na! Para na naman kayong mga bata." Pumagitna si Melissa sa dalawang lalaking nagtatalo at binatukan ang mga ito. Nagulat pa ako nang bigla itong bumaling sa akin na may malaking ngisi sa labi. She extended her hand at me. "Hey, I'm Melissa. You're Hadassah, right?"

Nagtataka akong sumulyap kay Brenz bago tanggapin ang nakalahad na kamay ni Melissa. We shook our hands. Kumikislap ang mga mata niya at halos mapunit ang labi sa sobrang lawak ng ngiti.

"Nice to finally meet you, Hadassah. I'm Griven's girlfriend, by the way. Tapos cousin ko naman 'yang mokong na lalaki sa tabi mo. Matagal ka nang kinu-kwento sa akin ni Brenz. Girlfriend ka na niya, right?"

"Huh?" taka at naguguluhan kong tanong. Lutang pa rin at pilit na pino-proseso ang narinig mula sa kaniya.

Griven laughed awkwardly. Inakbayan niya si Melissa at hinapit papalapit sa kaniya. Mayroon siyang binulong doon dahilan para mapabaling ulit sa akin si Melissa at suminghap. Kumirot ang dibdib ko sa tanawing iyon kaya pasimple akong tumalikod at nagkunwaring inaayos ko ang gamit. Ramdam ko ang pag-iinit ng dalawang sulok ng mga mata ko pero pinigilan ko iyon.

Naiiyak ako at nasasaktan kasi buong akala ko ay may pag-asa na ako kay Griven lalo na noong maging malapit kaming dalawa pero iyon pala'y may girlfriend na siya. . . Bakit hindi ko kaagad nalaman iyon? Bakit hindi ko nabalitaan na may girlfriend na pala siya? Umasa pa naman ako, eh. Kahit kaunti at kahit alam kong imposible, umasa pa rin ako sa kaniya kaso mukhang tama nga sina Sav na assumera lang ako.

Kahit kailan ay hindi ako magugustuhan ni Griven at kahit kailan ay walang magkakagusto sa akin. Na kahit kailan ay hinding-hindi ako magugustuhan ng mga nasa paligid ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro