Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

"The travel will take one or two hours. It depends to the traffic. Matulog ka muna, Hads." Nilingon ako ni Griven at tipid na nginitian.

"Sige." I nodded my head.

Griven maneuvered the car smoothly. Seryoso ang tingin niya sa kalsada. Iyong mokong naman niyang katabi ay binuksan ang radio, bumungad sa mga tainga namin ang kantang 'Wake me up when september ends' ng Green Day.

"Huy, favorite ko 'yan!" malakas na aniya at sinabayan ang kanta na may kasama pang head bang.

Ngumiwi na lamang ako at napailing. Pinasak ko ang earphones sa tainga ko at isiniksik ang sarili sa tabi ng bintana.

"Olats pare, sayang pusta! Pero ayos lang naman, naghahamon ulit sila sa Friday ng hapon kaya babawi ako!"

I groaned and rolled my eyes. Kahit naka-earphone at full volume na ang sounds ay dinig na dinig ko pa rin ang nakakairitang boses ni Brenz. I closed my eyes tightly and let myself doze off to sleep.

Nagising lamang ako sa matunog na nguya ng chips. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at unang tumama ang paningin ko sa lalaking mokong na buong katawan ay nakaharap sa akin, parang baboy na ngumunguya. Mukhang kanina pa yata pinapanood ang pagtulog ko at nang magtama ang mga mata naming dalawa ay nasamid siya sa kinakain, bigla siyang tumalikod at umayos ng upo.

Umubo-ubo pa siya at pinaghahampas ang dibdib niya.

My forehead knotted with his weird actions. Problema nito? Inilibot ko ang aking paningin at ngayon ko lamang napansin na nakatigil pala ang sasakyan sa gasoline station na napapalibutan ng mga kainan at convenient store. Kaming dalawa ni Brenz ang naiwan dito sa loob ng kotse.

"Nasaan si Griven?" namamaos kong tanong kay Brenz ngunit ang siraulo ay mas nilakasan pa ang boses niya sa pagkanta na animo'y hindi ako naririnig.

Mariin kong kinagat ang aking labi sa inis. Hindi rin akong nagdalawang isip na abutin ang mineral water na nasa tabi ko at ibinato iyon sa kaniya. Sumilay ang ngisi sa labi ko nang tumama iyon sa kaniyang ulo. Huh, buti nga sa 'yo! Papansin ka!

"Ouch!" daing niya at hinimas-himas ang likod ng ulo.

Nanlalaki ang mata at butas ng ilong niyang humarap sa akin. Hindi makapaniwalang itinuro niya 'ko.

"B-B-Bakit mo ako binato?!" gulat niyang tanong.

I boredly shot my brows at him as I crossed my arms in my chest. "Ganiyan ang napapala ng mga taong nagbibingi-bingihan."

He scoffed. "Hoy, Babs! Hindi ako nagbibingi-bingihan ha! Ni hindi ko nga narinig iyong tanong mo kung nasaan si Griven!" defensive na wika niya.

Akmang sisinghalan ko siya nang biglang may kumatok sa bintana ng kotse. Si Griven. Nakabusangot ang mukha ni Brenz nang ibaba niya ang bintana. Mukha namang nagulat pa si Griven sa itsura ni Brenz na animo'y pinagbagsakan ng buhangin at semento.

"Bumaba muna kayong dalawa riyan. Kumain muna tayo," saad ni Griven at tumango kaming dalawa.

Parang batang may tantrums si Brenz hanggang sa matapos kaming kumain. Wala kaming imikan lahat habang pabalik kami sa kotse. Nauna akong pumasok sa backseat at inayos ang sarili sa komportableng posisyon ngunit laking gulat ko nang bumukas ulit ang pinto ng backseat at pumasok si Brenz.

"Hoy! Anong ginagawa mo rito? Doon ka sa tabi ni Griven, ah!" singhal ko.

"Ssshhh. Matutulog ako..." tinatamad niyang sagot at mas lalo pa akong nagulat nang humiga ito sa hita ko.

"H-Hoy! Umalis ka nga!" Pilit ko siyang ibinabangon ngunit nagpapabigat siya. Anakng!

Iniyakap niya ang dalawang braso niya sa aking katawan para hindi ko siya tuluyang maitaboy.

"Brenz, bumangon ka nga! Nakakainis ka na, ah! Kanina ka pa!"

"Ayaw!" parang batang saad niya. "Kaya nga hindi na ako nagdalang unan kasi alam kong kasama ka, eh!"

Ano? Mukha ba akong unan?!

I bit my lower lip. Umuusok na ang ilong ko sa inis.

Ibinaon niya ang kaniyang mukha sa aking tiyan. Nahigit ko ang aking hininga kasabay ng pagkaestatwa ko sa aking kinauupuan. Weird! My heart is beating rapidly. Parang anytime ay lalabas ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok noon. Wala sa sarili akong napatingin kay Griven na tatawa-tawa sa aming dalawa.

"Para kayong aso't pusang dalawa. Bagay kayo." Griven laughed.

Umiwas ako ng tingin at palihim na sumimangot. Mas bagay tayo, Griven. Kung hindi mo naitatanong.

Hindi ko alam kung anong ire-react ko kaya ngumuso na lamang ako at umiling. Naging mapayapa at tahimik naman ang aming biyahe. Hinayaan ko na si Brenz na matulog sa hita ko. Humihilik pa ang loko!

"Alas dose na kaya hindi na tayo aabot sa public boat but don't worry, nagrenta naman na ako ng private boat para sa ating tatlo." Griven said while we were walking at Berania Lanley Resort. Dito raw kasi namin kikitain iyong bangkang maghahatid sa amin patungong Isla Verde.

"Bakit? Anong oras ba umaalis iyong public boat papuntang Isla Verde?" tanong ni Brenz.

"9 am." Griven stopped walking and looked at us. "Bukas naman, kailangan nating maabutan iyong bangka na pabalik dito. 4 am 'yon ng umaga."

Literal akong napanganga sa sinabi ni Griven. 4 am? Bakit ang agap naman yata? Nagkitinginan kami ni Brenz. Hinihintay ko siyang umalma sa sinabi ni Griven ngunit nagkibit balikat lamang ito sa akin.

Napakamot sa ulo iyong bangkero nang tumitig ito sa akin. Tila ba mayroon siyang gustong sabihin ngunit nahihiya itong magsabi. Napalunok siya nang pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Aalis na po ba tayo?" Griven asked him.

Bumaling ang mga mata niya kay Griven at nahihiyang ngumiti. "Puwede ko ho ba kayong makausap, Ser?" magalang na tanong noong bangkero at muling sumulyap sa akin.

Halos lumubog ako sa kinatatayuan ko nang sabihin niya na nagdadalawang isip na siya sa paghahatid sa amin. Bumalatay ang pagkagulat at pagtataka sa mukha ni Griven.

"Po? Bakit naman po? Maayos naman po ang usapan natin noong isang araw sa text ah,"

Imbis na sumagot ang bangkero ay kumakamot ito sa ulong sumulyap sa akin. Nang tingnan ako ni Griven ay tila nahulaan na niya ang gustong ipahatid ng bangkero. Hindi man nagsasalita ang lalaki ay tila alam ko na kung anong nais niyang ipahiwatig base pa lang sa tingin ng mga mata niya. Lumunok ako dahil sa sobrang pagkahiya kasabay ng pangingilid ng luha. Gusto kong lumubog na lang sa kinatatayuan ko. Marahas na nagpakawala ng buntong hininga si Brenz na nasa tabi ko.

"Ayos lang naman, Griven. Uhm, puwedeng hindi na lang ako sumama. Babalik na lang siguro ako ng Maynila-"

"I'll pay four thousand,"

Nagulantang ako sa sinabi ni Brenz. Maging si Griven ay napabalikwas sa kinatatayuan niya sa sobrang gulat. Hindi makapaniwala itong lumapit at sinuntok ang balikat ng kaibigan.

"Gago ka! Seryoso ka ba riyan?" pabulong at mariing tanong pa niya kay Brenz.

I licked my lower lip and smiled weakly. "Uuwi na lang ako ng Maynila. Hindi niyo na kailangan pang gumastos ng malaki para-"

"Walang uuwi, Hadassah. I'll make it five thousand basta ihatid mo kami sa Isla Verde. Take it or leave it, Kuya."

My lips parted when he called me by my name. It sent shivers down my spine. Tila lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan. Napakurap ako at tumikhim nang mapansin ang matamang titig sa akin ni Brenz. Humakbang siya papalapit sa akin.

"P-Po? Sige po! Tara na, tara na!" puno ng ngiti na sabi noong bangkero.

Griven tsk-ed before he let out a chuckle. Tinapik niya sa balikat ang seryosong si Brenz bago sumunod doon sa bangkero dala ang mga gamit namin.

Tatalikod na rin sana ako para sundan si Griven nang hawakan ni Brenz ang kamay ko't kinalakadkad patungo sa bangkang nag-aabang sa amin. I looked down at our intertwined hands.

I can sense something weird inside my chest. A kind of feeling I couldn't name. My heart is hammering so fast and I can feel my knees getting weaker and weaker. Bwisit, ano bang nangyayari sa 'kin?! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro