Chapter 3
Sobrang natamaan ako sa sinabi ni Brenz ngunit hindi ko pa rin siya pinakinggan. Desidido pa rin talaga akong magpapayat dahil baka sakali. . . baka sakali lamang ay mapansin na ako ni Griven.
Lumipas ang dalawang linggo na pigil na pigil ako sa pagkain. I skipped lunch or dinner sometimes. Atat na atat na akong pumayat ngunit imbis na pag-gaan ng pakiramdam ang maramdaman ko ay sobrang pagkahilo at pagkagutom ang nararamdaman ko ngayon.
Naglalakad ako patungo sa sakayan ng jeep at kung sinu-swerte nga naman ay nakita ko si Griven na nag-aabang din ng sasakyan. Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagbilis ng hakbang ng mga paa ko patungo sa kaniya.
"Hi Griven! Good morning!" I greeted him with a wide smile.
Mula sa kaniyang cellphone ay nag-angat siya ng tingin sa akin. He showed me his familiar smile. Tanaw na tanaw ko ang nakalubog niyang dimples sa kanan niyang pisngi. Griven is a perfect example of my dream boy or should I say na siya naman talaga ang dream boy ko?
"Good morning, Hads. Papasok ka na rin?" he asked, smiling.
"Oo!"
He nodded. "Sabay na tayo?"
Walang pagdadalawang isip akong pumayag sa alok niya. Ilang saglit pa ay mayroon ng dumating na jeep at agad kaming sumakay doon. Isinilid niya sa bulsa ang kaniyang cellphone habang ako naman ay kumukuha ng pambayad sa aking wallet. My breath hitched when he held my hand. Ibinaba niya ang kamay kong may hawak na wallet at inilingan ako.
"Let me pay for us. Libre ko na."
I was about to say something pero wala talagang lumalabas na kataga mula sa bibig ko. Nakakagulat at nakakakilig at the same time. Hanggang sa maiabot niya ang bayad sa driver ay nakatulala pa rin ako. Kapag sinu-swerte nga naman, oh!
Nasa iisang subdivision lamang kami nakatira ni Griven ngunit medyo malayo ang bahay nila sa amin. Madalang lamang din siyang mag-commute dahil mayroon siyang sariling kotse.
"Salamat, Griven..." saad ko sa mahinahon at tila nahihiyang boses.
He gave a small smile. "No worries, Hads."
"B-Bakit ka nga pala nagcommute ngayon, Griven?"
"Nasira kasi ang kotse ko, eh. Hanggang ngayon nasa talyer pa rin kaya no choice ako kundi magcommute," paliwanag niya.
Ganoon pala. Sana araw-araw kang masiraan ng sasakyan para lagi tayong magkasabay.
"Ikaw? Araw-araw ka bang nagco-commute?"
Ngumiti ako sa kaniya. "Oo, eh."
"Talaga? Hindi ka ba nahihirapan? Gusto mo bang. . ." He licked his lower lip. "Gusto mo bang sumabay sa akin tuwing umaga? Anong oras ba ang pasok mo?"
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko sa sobrang gulat. Seryoso ba 'to? Si Griven ba talaga 'tong kausap ko ngayon?! Inaaya niya akong sumabay sa kaniya araw-araw?
"A-Alas siyete ang pasok ko araw-araw," nanginginig ang boses ko sa sobrang kilig.
Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko. "Okay, that's great! Susunduin na lang kita sa inyo simula bukas."
Hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya roon o binibiro lamang ako. It's kinda weird, though. Kinakausap naman ako ni Griven kapag may mahalaga siyang itinatanong o kinu-kumusta niya ako ngunit hindi umaabot sa puntong aayain niya akong sumabay sa kaniya pagpasok sa school.
Nakakainis talaga! Kinikilig ako sa kaniya! Kaya naman tuloy lutang at nakangiti lamang ako sa kawalan nang makarating ako sa school. Hanggang sa dumating ang Teacher namin ay hindi pa rin nawawala ang malawak na ngiti ko sa labi kahit binibigyan na ako nina Sav at Mela ng weirdong tingin.
"Okay ka lang? Ang saya mo yata ngayon?" nagtatakang tanong sa akin ni Sav habang naglalakad kami patungong Cafeteria.
"Ha? Oo, eh. Nabawasan kasi timbang ko kaya malaking achievement 'yon para sa akin," pagsisinungaling ko.
Pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang hindi sila naniniwala sa sinasabi ko. They even shrugged their shoulders at me. Wala mang lumalabas na salita mula sa kanilang bibig ay kitang-kita ko naman sa kanilang mga mata ang nais nilang iparating.
Nang makarating sa Cafeteria ay agad kong namataan ang grupo nina Griven sa pinakagitnang bahagi. Doon sila nakapwesto sa pinakamahabang lamesa at kasama rin nila ang grupo nina Moumin kaya naman hindi lang ako mag-isang kinikilig dito. Si Savior din.
"Oh my! Bilisan niyo! Doon tayo umupo sa katabing table nina Mou!" Savior excitedly said.
Pasimple kong sinuklay ang aking buhok gamit ang mga daliri. Binasa ko rin ang aking labi para hindi halatang namumutla na ako sa sobrang gutom. Dumadagundong ang dibdib ko sa sobrang kaba habang nagkakalad kami patungo sa gawi nila.
Umupo kami sa katabing table nina Griven. Savior faked a cough as she sat kaya naman natigil sa pag-uusap ang grupo nila at napatingin sa amin. Nang magtama ang mga mata namin ni Griven ay binigyan niya ako ng tipid na ngiti na sinabayan pa ng pagtango.
Ang iba niyang mga kaibigan ay binati sina Carmela at Savior. Ang tanging bumati lamang sa akin ay ang nakangising si Brenz na hindi ko naman pinansin. Kapag nakikita ko talaga siya ay awtomatikong kumukulo ang dugo ko. Lumikha sila ng maingay na tili nang batiin ni Moumin si Savior.
"Sav, dito na rin kayo umupo. May bakante pa naman, eh," alok ni Moumin.
Walang pagdadalawang isip na tumango si Sav at umupo sa tabi ni Mou. Nagkatinginan kami ni Carmela dahil iisang upuan na lamang ang natitirang bakante at iyon ay sa harapan ni Griven.
"Carmela, dito ka na!" Sav shouted.
Sinulyapan muna ako ni Carmela bago sagutin si Sav. "Huh? Paano si-"
"Hadassah, okay lang ba kung diyan ka na lang muna? Iisa na lang kasi ang bakante at feeling ko hindi ka na rin kasya rito. Baka sumikip lang dito sa table o baka masikipan ka," one of Moumin's friends said.
Nagtawanan silang lahat maliban lang kay Griven na napapailing at si Brenz na walang bakas na kahit anong emosyon sa mukha.
"O-Okay lang. Dito na lang ako," mahinang sagot ko at binigyan sila ng matipid na ngiti.
I reassured my friends na it's fine though honestly... it is not. Nasira ang masayang araw ko at nawalan ako ng ganang kumain. Inilabas ko na lamang ang cellphone ko at nagscroll scroll sa facebook. Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko si Brenz na dumaan na sa harapan ko. Pasimple ko siyang sinundan ng tingin. Pumila ulit siya counter para umorder muli ng pagkain.
Dinig na dinig ko ang malakas na tawanan mula sa kabilang table. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa sa kanila dahil nasasaktan lamang ako. Hindi ko maintindihan kung kaibigan ba talaga ang tingin sa akin ni Carmela at Savior. Iniisip ko pa lang na baka napipilitan lamang silang pakisamahan ako ay para nang dinudurog ang puso ko sa sakit.
Ilang minuto pa ang nakalipas nang maramdaman kong mayroong umupo sa harapan ko. Unti-unting umangat ang ulo ko at tumambad sa akin ang nakangiting si Brenz. May dala itong dalawang tray ng pagkain na hindi ko alam kung paano niya nadala. Itinulak niya ang isang tray papalapit sa akin na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Kumain ka, Babs," he told me, still smiling.
I was so shocked that I can't almost utter any single word. Ramdam ko ang nagtatakang mga tingin mula sa kabilang table. Ang kaninang maingay na lamesa ay biglang tumahimik. Nag-aabang sila sa mga susunod na hakbang ni Brenz para sa akin ngunit ang lalaking nasa harapan ko ay nagsisimula ng kumain at halatang walang pakialam sa paligid niya.
Abala siya sa pagkain nang mapansin niyang hindi ko pa rin ginagalaw ang pagkaing binigay niya sa akin. Inismiran niya ako at kinuha ang hamburger na nakabalot pa sa papel. Binuksan niya iyon at itinapat sa bibig ko na parang sinusubuan ako.
"Say ah, Babs," nakangising aniya kaya inirapan ko siya.
Padabog kong kinuha sa kamay niya ang hamburger at kinagatan iyon. Ngayon ko lamang naramdaman ang sobra sobrang pagkagutom.
He smiled like a satisfied man. "Good girl."
"Brenz, bakit kumakain ka ulit? Kumain ka na, 'di ba?" tanong ko.
Noong dumating kasi kami kanina ay nakita ko siyang kumakain ng lunch tapos ngayon ay kumakain na naman siya.
"Nagutom ulit ako, eh," simpleng tugon niya pero napapansin ko na parang pinipilit na lamang niyang ubusin iyong pagkain niya.
My forehead knotted. "Eh bakit nandito ka? Bakit nilibre mo 'ko? Bakit-"
"Bakit hindi, Hadassah?" he answered, which made my mouth shut.
"Huwag mo ngang ibalik sa 'kin ang tanong!" irita kong saad.
"I'm not," depensa niya.
He then raised his brows but I can see the glimmering amusement in his eyes. Naiinis ako! Kumukulo ang dugo ko sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan!
"Ginagagwa mo ba 'to kasi naaawa ka sa 'kin? Nilibre mo ba ako at sinabayang kumain para hindi ako magmukhang kawawa sa mata ng ibang tao? Pwes, hindi ko kailangan ng awa—"
"Babs, kung may dapat mang kaawaan dito, hindi ikaw 'yon. Okay?" he cut me off. "Kung mayroon mang dapat kaawaan dito, walang iba kundi ang mga kaibigan mo kasi hindi sila marunong magpahalaga ng kaibigang kagaya mo."
I was taken aback with his answer. Is he pertaining to Savior and Carmela?
Malamang! Wala naman akong ibang kaibigan dito, eh.
"Humanap ka na ng ibang kaibigan," He chuckled. "Pwede ako, Hads. Ako yo'ng tipo ng kaibigan na hindi ka pipiliting magpapayat. Sa halip ay sasamahan pa kitang tumaba."
Umangat ang sulok ng aking labi dahil sa sinabi niya. Brenz and his words again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro