Chapter 2
Nag-enjoy naman ako kahit papaano sa party. Hindi na ako muling lumingon pa sa gawi nina Griven. I just really want to enjoy this moment kaya tinigil ko na rin muna ang pag-iisip ng kung ano-ano.
Nang matapos ang program ay iisa-isa na ring umalis ang ilang mga bisita ni Reign. Tanging kaming mga kaklase at ilan lamang sa kaniyang mga kaibigan ang natira para sa after party. Malawak ang circle of friends ni Reign at bilang lamang sa daliri ang mga kakilala ko. Familiar 'yong iba kasi baka nakita ko na sila somewhere o baka sikat sila sa ibang school. I'm not really into socializing and making friends. Hindi ako confident makipagkaibigan. In fact, Savior and Carmela were already enough for me, though.
"Sigurado kang dito ka lang sa isang tabi? Hindi ka mag-swi-swimming?" tanong ni Savior sa 'kin.
Nakatayo silang dalawa ni Carmela sa harapan ko hawak ang kanilang mga bag na naglalaman ng swimwear. Umiling ako sa kanila at tipid na ngumiti.
"Dito lang ako. Sige na, umalis na kayo at magpakasaya," I encouraged, giving them a small yet reassuring smile.
Carmela shrugged her shoulder. "Sayang naman pero sige, dito ka lang. If someone tried to harass you, isigaw mo lang ang pangalan namin, okay?" aniya at tumalikod na silang dalawa ni Sav.
Ngunit hindi nakatakas sa pandinig ko ang sinabi ni Sav kay Carmela.
"Asa ka namang may ha-harass diyan sa kaibigan natin. Lugi sila kapag nagkataon,"
"Ano ka ba? Malay mo naman, 'di ba?" sagot naman ni Carmela and they both laughed.
Tinikom ko na lamang ang aking bibig at inabala ang sarili sa paglalaro ng games sa cellphone ko. Sinasabayan ko rin paminsan-minsan ang kantang dumadagundong sa kabuuan ng bahay.
Magulo ang buong paligid.
May nagtatampisaw at nagtitilian sa swimming pool. May naglalaro ng beer pong. May nag-iinuman at naglalandian saan mang sulok ako lumingon. Ang mga babae ay tila ba mga modelo sa suot nilang two piece at one piece. Taas noo nilang nagagawang lumakad at magpaikot-ikot sa paligid.
I smiled bitterly.
I wish I had the same level of confidence they have.
Hinanap ng mga mata ko si Griven at hindi naman ako nabigo. Natagpuan ko siyang nakaupo sa gilid ng swimming pool. He was topless and wearing only blue board shorts. His biceps were flexing every time he moves. Masaya pa rin siyang nakikipag-usap sa mga babaeng nakapalibot sa kaniya. Ang isang kamay niya ay may hawak na bote ng beer. Sinuklay niya pataas ang kaniyang basang buhok gamit ang isang kamay.
I almost hitched my breath when he did that. Gosh, matatawag ko bang baliw ang sarili ko kung sasabihin kong ngayon pa lang ay ini-imagine ko na siya bilang asawa ko? Ako na yata ang pinakamaswerteng babae kapag nangyari iyon.
Excited na akong pumayat. Gusto ko nang magpapayat!
"Dreaming again about my best friend, huh?"
Naputol ang malikot kong imahinasyon nang may biglang umupo sa tabi ko. Just like Griven, he was also topless and wearing only black board short na may bulaklakin. Basa rin ang kaniyang buhok at tumutulo ito pababa sa kaniyang not-so-matikas na katawan. Ngayong magkatabi kami ay mapagkakamalan kaming number 10 dalawa. Ang isang kamay niya ay may hawak din na beer habang ang isa ay nagpapahinga sa sandalan ng upuan ko.
"Anong ka-epalan na naman 'to, Brenz Liam?" I groaned and rolled my eyes at him. Inusog ko rin palayo sa kaniya ang inuupuan kong bangko.
"Hala, Babs! Ang sungit mo naman! Masama bang samahan ka?" nakangising aniya sa akin.
"Oo, masama! Lalo na't wala naman akong sinabing samahan mo 'ko rito!"
Brenz Liam Velasco. Kaklase ko siya noong first year hanggang fourth year high school. Best friend siya ni Griven. Gwapo rin siya at malakas ang appeal pagdating sa mga babae kahit na payat siya. Hindi naman sobrang payat na parang tingting pero kung ikukumpara siya sa best friend niya ay talagang mas lamang si Griven pagdating sa built ng katawan.
"Ang sungit mo talaga!" He laughed and pinched my cheek. "Bakit ka ba mag-isa rito? Nasaan ang mga kaibigan mo?"
Tamad kong itinuro iyong direksyon nina Savior. Nasa isang table sila kasama ang grupo nina Moumin. Halatang dumidiskarte na si Sav doon sa crush niya.
"Tsk. Dapat sumama ka rin doon para hindi ka naman mag-isa rito," saad pa ni Brenz bago tumungga sa hawak niyang alak.
Inalok pa niya ako pero agad ko iyong tinanggihan. Ngumisi siya at lumingon sa gawi nina Griven.
"Gusto mong sumama sa table namin nina Griv?"
"H-Hindi na. Okay na 'ko dito,"
He looked at me for a second then shrugged his shoulders.
"Okay. Kain na lang tayo? Napansin ko kasi kanina na kaunti lang 'yong kinain mo, eh," alok na naman niya na ikinagulat ko.
Bakit niya alam?
Ganoon ba na ba talaga siya ka-chismoso para malaman ang bagay na iyon?
And also, I did that in purpose. Gusto kong pumayat so kailangan kong kauntian ang pagkaing kinakain ko lalo pa't gabi na.
"Kumain ka kung gusto mo. Diet ako!" singhal ko.
His jaw dropped. Tila ba hindi siya makapaniwala at isang napakalaking joke noong sinabi ko. I can see amusement in his eyes na siyang ikinais ko lalo.
Hindi talaga ako natutuwa sa lalaking ito! Kahit kailan ay napakaepal! Simula noong high school ay wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang magpakaepal sa buhay ko na animo'y close na close talaga kaming dalawa kahit hindi. He even called me 'Babs', baboy for long. Hindi naman ako nao-offend doon, naiinis lang talaga ako. Akala ko nga ay pagka-tungtong namin ng SHS ay titigilan na niya 'ko ngunit akala ko lamang pala iyon. Mas lalo lang tumindi ang pangungulit niya sa akin at kung minsan ay bigla na lamang siyang sumusulpot mula kung saan.
"Bakit ka nagdi-diet?" Pinasadahan niya 'ko ng tingin mula ulo hanggang paa. Bahagya pa niyang hinawakan ang tela ng suot kong dress. "Maganda ka naman, ah. Bakit ka magdi-diet?"
I frowned at him. "Gusto kong pumayat. My body size is wrong and people wouldn't accept me forever-"
"I see nothing wrong, Babs," he seriously muttered.
Disappointed siyang umiling at tumungga muli sa hawak niyang alak. I scoffed and crossed my arms.
"Wala kang alam, Brenz. Gusto kong pumayat. Choice ko 'to! At saka, anong 'I see nothing wrong' ha? Kung walang mali sa katawan ko, bakit ayaw nila sa 'kin? Bakit nila ako nilalait?"
He heaved a tired sigh before facing me. Nagulat ako nang ikulong niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigang mabuti sa mga mata ko. Gusto kong iiwas ang paningin ko ngunit hindi ko magawa. His eyes were screaming a lot of emotions I couldn't name.
"Inuulit ko, walang mali sa 'yo. Walang mali sa katawan mo. Alam mo kung anong mali?"
I blinked twice, gulped harshly and answered. "A-Ano?"
"Ang mali ay ang iniisip mong may mali sa 'yo. . ."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro