Chapter 19
TW: Self-harm
I am fucking wordless as I left the campus without anyone knowing. Sumakay ako ng taxi pauwi. Tulala at pilit na pinipigilan ang pagkawala ng hikbi.
Gusto kong komprontahin si Brenz. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko sa lahat. Ngunit napapangunahan ako ng takot. Takot, dahil baka totoo ang mga narinig kanina. Takot, sa maaaring posibilidad na baka hindi ko pa nga siya lubusang kilala.
Basta sa mga oras na ito ay gusto ko na lamang sumabog o hindi kaya'y mawala na parang bula. Sa gitna ng malalim na pagkatulala ay muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa biglaang pag-ring ng aking cellphone.
Kinuha ko iyon sa pouch. Tinitigan ko lamang ang pangalan ni Brenz na kasalukuyang naka-display sa screen. Pinanood ko ang tawag hanggang sa tuluyang mamatay. Ilang sandali pa ay muli na naman itong tumunog.
"Miss, hindi mo ba sasagutin?" magalang na tanong sa akin ng taxi driver habang sinusulyapan ako sa rear mirror.
Tipid lang akong umiling, bumuntonghininga, bago patayin ang cellphone. Nang makarating sa bahay ay walang buhay na paligid ang sumalubong sa 'kin. Wala ni isang tao akong nadatnan. At hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ipagpasalamat.
Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para magkulong sa kwarto at doon umiyak nang umiyak. Sa madilim at malamig na apat na sulok ng aking silid ay doon ko walang humpay na ibinuhos ang lahat ng bigat na naiipon sa aking dibdib.
Ang mga matatalas na salita at pangungutya ay paulit-ulit na bumubulong sa aking isipan. At sa bawat pagpitik ng kamay ng orasan, mas lalo ko lamang kinamumuhiyaan ang aking sariling katawan.
"Maganda ka sana kaso mataba ka,"
"You should lose weight. Maganda ka sana kaso mataba ka."
"Ikaw lang naman ang mataba rito, eh! Puwede bang doble ang ibayad mo? Dalawa kasi ang upuan na sakop mo kung hindi mo napapansin. . ."
"Kaya ikaw, Hads, kung gusto mong magustuhan ka ni Griven, mag-diet ka,"
"Anong PCOS, PCOS? Ang sabihin mo matakaw ka lang talaga at tamad kang mag-diet."
"Ito na 'yon, Brenz? Nasaan ang taste mo pagdating sa mga babae?"
"Bakit, Hadassah? Sa tingin mo ba ay may magmamahal sa kagaya mo? Look at yourself. Ang taba-taba mo! Ni hindi ka pa maganda at wala ka sa kalingkingan ng mga babaeng talagang magugustuhan nila. . ."
My face remained stoic as I stared at myself in front of the full-length mirror. Funny, how my confidence earlier turned into disgust. Habang tinitigan ko ang katawan sa harap ng salamin ay hindi ko maiwasang masuka sa nakikita.
"You're so stupid, Hadassah. You're so naive. Sa tingin mo ay magseseryoso sa 'yo? Tingnan mo nga ang sarili mo. . ." I pointed the layer of bellies through the reflection, followed by a dried cackle. "Ang pangit pangit ng katawan mo. Hindi ka naman kagusto-gusto kaya anong pumasok sa kukute mo at napaniwala ka ng Brenz na 'yon? Bakit ka nagpadala sa mga salita niya? At bakit ka nagpahulog sa mga ginagawa niya sa 'yo?"
Hot and nonstop tears continued to roll down my cheeks. Since then, my body shape has been my biggest insecurities. Walang araw na hindi ko hiniling at pinangarap na sana ibang tao na lang ako. Iyong walang sakit. Iyong mayroong magandang mukha at katawan. Iyong tipong unang sulyap pa lang ng mga tao, papaulanan na agad ng papuri at mga salitang masarap sa pandinig. Iyong tipong hindi ko kailangang mangamba sa mga damit na isusuot. Iyong kahit anong gawin ay hindi ako magmumukhang katawa-tawa.
I am not a criminal, but they look at me with a disgusted expression. I am not a clown, but whenever they smile at me, it seems that I am the funniest person they've ever met. Their criticisms, their sharp-tongued remarks make me question my worth. I just want to experience the feeling of being accepted. I just want to be loved.
But I guess I just also need to accept the fact that being a plus-sized woman will remain ugly and unworthy to this society. . .
And without hesitation nor thinking twice, I went back to my bed and laid there. Lumilipad ang utak ko habang nakatitig sa puting kisame. Walang tigil ang pagkirot ng aking puso dahil sa mga nangyayari sa akin.
Akala ko ay masakit na ang mawalan ng kaibigan. Akala ko ay masakit na kapag nalaman mong niloloko ka lang ng taong labis mong mahal at pinagkakatiwalaan. . . pero mas masakit pala kapag ikaw na mismo ang nawala, sumuko, at bumitaw sa iyong sarili.
Naging malabo ang mga sumunod na araw. Panay ang pangungulit ni Brenz sa akin mapa-chat, tawag, at kung may pagkakataon ay talagang sumasadya pa rito sa bahay na kahit ni isang beses ay hindi ko siya hinaharap. Idagdag na madalas rin na bumisita si Tita Amanda at iba pa naming kamag-anak na wala na yatang ibang ginawa kung 'di ang pansinin ako kahit na nananahimik lang naman sa isang tabi.
"Wala talagang magkakagusto sa 'yo niyan kung hindi ka magpapayat ngayon pa lang. Aba, magko-kolehiyo ka na pero wala pa ring pagbabago sa 'yo. . ." Tita Amanda commented.
Nanatili naman akong tahimik na kumakain ng hapunan kahit na batid kong nasa akin na naman ang mga mata nilang lahat.
"Tama ang Tita Amanda mo. At saka isipin mo rin na dahil sa sakit mo ay may posibilidad rin na hindi ka na magkaroon ng anak. Sana man lang kahit pagpayat ay magawa mo para sa sarili mo. 'Di ba, Sam?" wika pa ng isang tiyahin ko sabay lingon sa gawi ni Ate.
Mula sa pagkain ay tamad itong nag-angat ng tingin kina Tita Amanda. Yumuko ako at hinanda na ang sarili sa panibagong matatalim na salita, pero gano'n na lamang ang pagkagulantang ng buong pagkatao ko sa isinagot ni Ate Sam.
"Let her live her life. She's taking medications right now and PCOS isn't something that easy to deal with kaya dapat hindi nyo iyon pinagtatawanan. You are old enough, so I am expecting you to be more sensitive enough with your words. . ." She lazily stood up on her seat and excused herself.
Natahimik ang hapag matapos no'n. Maging sina Daddy at Mommy nga ay walang masabi kung 'di ang magpalitan lang ng mga makahulugang titig sa isa't isa. Since then, Tita Amanda became aloof to us.
It was all fine for me. Mas mabuti nga iyon para sa akin pero iyon nga lang, sa tuwing nakikita ko siya, it made me trigger my anxiety. Kahit nga ang pangungulit sa akin ni Brenz ay hindi rin nakakatulong. And there was one night na inatake nga ako no'n.
Mag-isa lamang ako sa bahay at mayroon akong pinapanood na movie. It was the wrong move for me dahil hindi ko inakala na umiikot pala ang kwentong iyon sa bullying. I began sweating bullets that time. My body became tense as the hurtful and shameful words kept on repeating inside my head. Mabilis ang aking paghinga at hindi ko rin mapigilan ang panginginig ng ilang bahagi ng aking katawan.
I started to cry like a lost child. Para akong nababaliw ng mga oras na iyon dahil kahit takpan ko man ang magkabilang tainga ay paulit-ulit at walang bumubulong sa akin ang mga masasakit na salitang natanggap ko magmula pa man noon.
Their humiliations. Their laughter. All of it. It was all vivid in my mind.
Hindi malinaw sa akin ang mga pangyayari, basta ang alam ko lang, I overdosed myself taking highly toxic dietary pills I bought online.
And the next thing I knew, I lost my consciousness.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro