Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

When Griven said that Brenz's mother was the most wonderful person you will ever meet, I must say that he was hundred percent correct. Dahil hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa loob ng bahay ni Brenz ay maligayang pagsalubong na kaagad ang ibinigay sa amin ni Tita Constartiada. Nasa gate pa lamang kami ay malawak na ang ngiti nito sa labi at wagas na kung makakaway sa amin ng anak niya.

She was more likely his son, Brenz, female version. Mula sa hugis at sulok ng mukha, o maging sa pag-uugali ay parehong-pareho talaga sila. And it was completely reflected in their modern design house. Sa labas pa lang ng bahay ay kapansin-pansin na ang aliwalas at ganda nito. Mayroon silang dalawang matayog na gate na kulay itim. Ang isa ay entrance patungong main door habang ang isa naman ay mas malaki dahil para ito sa kanilang garage. Mayroon ding mga halaman at bulaklak na animo'y alagang-alaga sa dilig.

Nang buksan nga ni Brenz ang wooden double doors nila ay halos malaglag ang panga ko sa pagkamangha nang bumungad sa akin ang kabuuan ng kanilang tahanan. The color combinations of the exteriors were really superb. It was played by snowfall, dark secret, and blanca peaks, a very minimal color palette. I was also engrossed with the reliance on materials that only evolves on glass, steel, as well as the overall simplicity that truly invokes minimalistic designs.

Natigil lang ako sa pagpapaulan ng papuri sa kanilang bahay nang may malambot na palad na humaplos sa isang braso ko at nang lingunin ko kung sino iyon ay halos lumundag ang dibdib ko sa labis na kaba at saya.

"I'm really delighted na pinaunlakan mo ang alok kong dito na mag-dinner, Ija. Palagi ka kasing nababanggit sa akin ni Brenz kaya matagal na rin kitang gustong makilala. . ." She softly uttered and scanned me from head to foot. "Gosh, you're so pretty! Kaya naman patay na patay sa 'yo ang anak ko!" paulan nito ng papuri sa akin at agad naman siyang sinaway ni Brenz.

Kulang na lang ay sumabog na ang mukha ni Brenz dahil sa labis na pamumula ng leeg at mukha. Nang magtama ang paningin namin ay mabilis siyang nag-iwas at humawak sa kaniyang batok. "Stop embarrassing me, Ma!"

Her mother frowned with his reactions. "What? I'm just being honest, Brenz Liam. Totoo namang matagal mo nang gusto 'tong si Hadassah, ah? Torpe ka lang kaya–"

"Ma, I said stop it!" He groaned frustratedly as he ran his both palms on his face. "Huwag kang maniwala sa kaniya, Babs. She's just making up a story."

Ngumuso ako upang pigilan ang paghagalpak ng tawa dahil sa kaniyang itsura. His cheeks were merely as red as a tomato. "Sige, sabi mo, eh." Kibit-balikat ko.

Hindi na siya nabiyayaan pang sumagot dahil mabilis akong iginiya ni Tita Constartiada patungo sa dining area. Hinayaan ko lang ang sariling magpatianod sa ginang habang si Brenz naman ay nanatili sa aking likod at kumikibot-kibot pa ang labi. Gusto kong matawa nang malakas dahil sa hilatsa ng kaniyang mukha ay para bang isang napakalaking maling desisyon na isinama niya ako rito. He just cutely pouted his lips when I gave him a lopsided grin.

Wala sa sarili akong napahimas sa aking tiyan nang mapagmasdan ang mga napakaraming pagkaing nakahain sa mahabang lamesa. Hindi ko alam kung nagtanong-tanong ba si Tita kay Brenz dahil pansin kong halos lahat ng naririto sa aking harapan ay mga paborito ko.

Tinulungan ko ang ginang na ayusin ang mga pinggan at ibang kagamitan sa lamesa. Sinamantala naman iyon ni Brenz upang magpaalam na aakyat lang daw siya sa kaniyang kwarto upang magpalit ng damit.

"Just call me Tita Conny, Ija. Masiyadong corny at mahaba ang Constartiada. Ang lakas maka-grandma core, eh!"

I laughed with her statement. "You have a pretty name, Tita."

Her eyes squinted at me. "Talaga? Eh dahil nga sa pangalan ko ay maagang nawalan ng Tatay 'yang si Brenz. . ."

"Po? Ano pong nangyari sa kaniya?" I stopped at my track and gave her a curious stare.

She shrugged her shoulders as a beaming smirk curved on her lips. "Sumakabilang panty." She, then, roared with laughter.

Bumagsak naman ang aking balikat at nakahinga nang maluwag ngunit kapagkuwan ay natawa na rin. Natigil lang ang masaya naming pag-uusap nang dumating si Melissa at Griven na tila parehong wala sa mood. Parehong hindi maipinta ang kanilang mukha at para bang kaunting kalabit na lang ay parang sasabog na silang dalawa.

Lumapit si Melissa sa amin. Binigyan niya kami ng maliit na ngiti sa labi bago humalik sa aming pisngi.

"Okay ka lang?" mahina at nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

Tumawa siya nang peke bago tamad na tumango. "Oo naman."

The dinner went well. Bukod sa busog na busog ako ay sobrang ingay din ng hapag dahil bidang-bida si Tita Conny at Brenz sa usapan. Pero kahit gano'n ay patuloy pa rin akong nakikiramdam kina Griven at Melissa na halatang pilit lang na nakikisabay sa aming tatlo.

Kaya naman nang magpaalam sa amin si Tita Conny na mayroon lang daw siyang mahalagang kakausapin sa video call ay agad kong sinamantala ang pagkakataon upang makausap nang masisinsan. Mabuti na lamang ay pumayag din si Brenz na siya na muna ang bahala sa kaniyang kaibigan. Inaya niya itong maglaro ng XBOX sa living room habang kami naman ni Mel ay tumungo sa mini-garden sa labas ng bahay.

"Spill it, Melissa," panimula ko.

Sinubukan niyang ibuka ang kaniyang labi upang magsalita ngunit nabigo siya nito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, lumipad ang dalawang palad niyang sa kaniyang mukha at doon nagsimulang bumuhos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

At ang mga kasunod na binitawan niyang kataga ay siyang nagpagimbal nang matindi sa buong katauhan ko. . .

"S-Si Griven. . . he's breaking up with me."

My mouth fell open. I couldn't hide how flabbergasted I was with her sudden confession. "What? Bakit? Paano nangyari iyon?"

And that. . . in between her sobs, she started to tell me the reason why.

"Na-open up ko kasi sa kaniya na baka sa ibang bansa na ulit ako mag-enroll sa college. He wasn't like that idea of leaving him again since nangako na ako sa kaniya na hindi na kami magkakalayo pa. But what should I do? My family's there. I was also offered a big opportunity in modelling by one of the well-known companies abroad. . ."

"But he's really against that idea of LDR because that was the reason why his parents broke up. Pinagbigyan lang niya ako noon dahil nangako ako sa kaniya na matapos no'n ay palagi na kaming magkasama. Pero ngayon, hindi na niya ako kayang pagbigyan pa. Ang sabi niya sa akin ay mas mabuti raw na tapusin na lang ang relasyon namin dahil kahit kailan daw ay hindi na niya muling gugustuhin ang gano'ng set-up."

Mas lalong lumakas ang paghagulhol niya. Ilang beses akong kumurap para magsalita ngunit natatakot akong makapagbitiw ng kahit anong kataga dahil baka imbis na gumaan ang naramdaman niya ay mas lalo lamang iyong bumigat.

Sa huli ay wala na akong ibang nagawa kung hindi ang hilahin siya papalapit sa akin para sa isang mahigpit na yakap. Bago tuluyang matapos ang gabing iyon ay muli ko siyang pinayuhan na mag-usap muli sila nang maayos at mas masinsinan.

Even for a short time of being friends with them, I know how unconditional their love for each other is. Alam kong mahal na mahal siya ni Griven at kumpiyansa akong hindi niya tototohanin ang pakikipaghiwalay kay Melissa.

Perhaps he was just mad or exasperated that time. . . or maybe that was I only thought. Dahil pagdaan pa ng ilang araw ay wala kaming ibang ginawa ni Brenz kung hindi ang pag-ayusin ang dalawa. Kami na ang gumagawa ng paraan dahil maski kami ay ayaw naming humantong sila sa hiwalayan. Ni dahil nga roon ay nagagawa ko ring balewalain ang mga pasaring sa akin nina Sav at Mela sa akin. That was the least important thing for me now.

Pero isang araw, matapos naming mag-jogging at magtungo sa gym ni Brenz ay dumiretso kami sa bahay nila dahil tumawag si Tita Conny na naroon din daw si Melissa upang pormal na magpaalam sa amin.

"I appreciate your efforts, guys. Maraming maraming salamat sa lahat ng tulong na ginawa nyo para sa amin ni Griv. . ." she trailed off, bowed down her head and played with her fingers. "But sadly, wala na talaga kaming dalawa. It was a mutual decision, though, so please don't get angry at him."

Marahas akong napalunok, pinipigilan ang pagpatak ng luhang namumuo sa gilid ng aking mga mata. Napalingon ako kay Brenz nang maingat niyang haplusin ang aking likod at bigyan ako ng maliit ngunit malungkot na ngiti sa labi.

"Gusto mo ba akong samahan bukas sa paghahatid kina Mommy at Melissa sa airport?" Brenz asked while we're having a movie marathon in our entertainment room.

Walang pagdadalawang-isip akong tumango bilang pagpayag. "Oo naman. Anong oras ba?"

"Sa hapon pa naman. I'll just fetch you here at lunch," he informed.

Pinagpaalam na rin niya ako kina Mommy at Daddy na pumayag din agad or more certainly to say na wala naman silang pakialam kung saan man ako magpunta.

Sa sumunod na araw ay ganoon nga ang nangyari. Sinundo ako ni Brenz sa bahay ng before lunch dahil gusto ni Tita Conny na kumain muna kami sa labas bago sila tuluyang umalis ni Mel. Habang abala sila sa pag-order ay hindi ko na napigilang kalabitin si Brenz dahil kanina pa talaga ako nangangating magtanong sa kaniya.

"Bakit, Babs? May gusto ka pa bang order-in?"

I immediately shook my hands at him. "Hindi 'yon. May itatanong lang sana ako," bulong ko sa kaniya at sinenyasang lumapit pa sa akin.

Sinunod naman niya ang utos ko. Bahagya siyang tumayo upang mas idikit ang upuan niya sa akin. "Spill the tea, mare," he whispered back.

Natawa naman ako ro'n kaya hinampas ko ang kaniyang balikat bago magsalita. "Hindi ba hahabol si Griven dito? Hindi ba siya magpapaalam man lang kay Melissa? Like, kagaya no'ng mga napapanood ko sa mga teleserye–"

"Huwag mo nang asahan pa ang gagong 'yon," he interrupted me and I was taken aback with his words.

Mariin ang pagkakabigkas niyon. Ni hindi nga rin nakaligtas sa aking paningin ang pagdilim ng kaniyang mga mata na sinabayan pa ng paghigpit ng kaniyang panga. Dahan-dahang gumapang ang kamay ko patungo sa palad niya at pinigilan ko ang sariling mapasinghap nang maramdaman ang panginginig no'n sa labis na galit.

"Pero kaibigan din natin si Griven. Kaibigan mo siya. . ." mahinahong bulong ko na pilit ipinapaintindi sa kaniya ang lahat. "Paniguradong hindi rin madali sa kaniya ang lahat. Nasasaktan din 'yon."

He pressed his tongue against his cheeks and shook his head aggressively. "Alam ko."

"Ayon naman pala–"

"Pero naging pinsan ko muna si Melissa bago ko siya naging kaibigan, Babs. He promised me na hinding-hindi niya sasadyaing saktan ang pinsan ko dahil sa oras na ginawa niya 'yon, walang pag-aalinlangan kong tatapusin ang pagkakaibigan namin. . ." he explained to me.

Natutop ko ang aking bibig. Hindi na rin ako nabigyan ng pagkakataong sumagot pa dahil dumating na ang pagkain. Naging matahimik lang siya sa mga sumunod na oras habang ako'y pilit na nilalabanan ang lungkot lalo na no'ng pinapanood na namin ni Brenz ang unti-unting pagpasok ni Tita Conny sa loob ng airport.

"Please take care of Brenz. Ingatan nyo ang isa't isa, huh? And please remember that you're beautiful. Always and in all ways." Those were Melissa's last words before she finally turned her back on me. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro