Chapter 11
My life continues even Mela and Savior were nowhere by my side. Oo, aaminin ko. May mga pagkakataon o araw na namimiss ko silang dalawa pero hanggang doon na lamang iyon.
Mayroong parte sa'kin na nanghihinayang dahil sa biglang pagtatapos ng pagkakaibigan namin. I never expected that it would possibly happen. But just like what I've believed – not everything you lose is a loss.
Kaya naman imbis na pagtuunan pa sila ng pansin ay mas pinili ko na lamang abalahin ang sarili sa pag-aaral at pagbabawas ng timbang. Hindi ko naman ikakaila na nahihirapan ako sa ginagawa kong ito. Bukod kasi sa mas masarap kumain ay mabagal din ang metabolism ko dahil sa PCOS.
Mabuti na lamang ay nariyan si Brenz para palakasin ang aking loob. Bonus na rin si Griven at ang girlfriend niyang si Melissa.
"Mabuti naman pumayag kang samahan ako. Need ko kasi talagang mag-shopping ng mga bagong damit dahil nauubusan na 'ko ng pang-ootd, eh," maarteng ani ni Melissa dahilan para bahagya akong matawa.
"Ano ka ba? Wala iyon at saka isa pa, wala rin naman akong ginagawa sa bahay kaya okay na okay sa'kin ang samahan ka." I smiled a little at her.
She then giggled.
Mabagal lamang ang lakad naming dalawa habang tinatahak ang papasok ng mall. Malawak ang kaniyang ngiti habang naka-angkla sa aking isang braso. Sumakay kami sa escalator patungo sa ikalawang palapag ng mall.
Nang makarating sa sinasabi niyang paborito niyang clothing boutique ay halos malula ako sa presyo ng mga damit. Hinayaan ko si Melissa na mamili at magsukat ng damit habang ako naman ay paunti-unting nilalayo ang sarili sa kaniya.
Hindi ko maitago ang pagkamangha sa ekspresyon ng aking mukha. Hindi ako mahilig sa mga damit ngunit sa mga oras na ito'y tila ba gusto ko na lamang pakyawin ang lahat ng nakikita at nahahawakan ko.
Medyo nakakalula ang presyo pero alam kong napapantayan naman nito ang kalidad ng mga kasuotan. Ini-imagine ko tuloy na ano kayang itsura ko kung payat ako at confident akong magsuot ng mga revealing na damit?
Ano kayang feeling na magsuot ng mga fitted na damit habang hindi naco-conscious sa ilang layer ng bilbil?
With that thought, I can't help but to feel more motivated to do more exercises.
Excited na akong bumili ng mga kasuotan na hindi inaalala kung kakasya ba sa akin o hindi. Ngayon pa lamang ay gustong-gusto ko nang bumili agad para kapag mas lalo akong magkaroon ng eagerness pumayat kaso. . .
"Ma'am, wala pong plus size dresses dito. Doon po kayo pumunta sa ibang shop at tiyak na mayroon po kayong mahahanap na kakasya at babagay sa inyo,"
The amusement in my system died down as I heard the voice of the saleslady behind my back. Tila nagising ako mula sa isang napakalalim na panaginip dahil sa sinabi ng babae. Dahan-dahang nawala ang ngiti sa aking labi kasabay ng pagbagsak ng mga mata sa pulang dress na hawak ko.
Natutop ko ang aking bibig at marahas na napalunok. "P-Pasensya na. Tinitingnan ko lang. I-re-regalo ko sana," palusot ko.
"Ay? Gano'n po ba, Ma'am? Sige po, pili lang kayo riyan. Akala ko po kasi ay para sa inyo–"
"Hindi na po. Salamat na lang." I cut her off and gave her a fake smile.
Hindi ko na hinintay pa siyang makasagot at agad nang nag-martsa palabas ng boutique. Narinig ko pa ang mumunting hagikhik ng ilang customer ngunit hindi ko na lamang pinagtuunan pa ng pansin.
Dito ko na lamang hihintayin sa labas si Melissa. Nang muli akong dumungaw sa loob ay nakita ko itong napapalibutan ng mga saleslady at hindi magkamayaw sa pag-aabot sa kaniya ng mga isusukat na damit. Bakas na bakas ang paghanga nila sa taglay na pagiging perpekto ng babae.
Wala akong nararamdamang inggit ngunit palihim na lamang akong ngumiwi dahil sa pagkadismaya. Dismayado dahil sa mayroon pa rin palang mga tao na sa timbang at hugis ng katawan pa rin sinusukat kung kanino sila magbibigay ng galang at respeto.
Such unprofessional bitches.
Hindi na rin naman nakakabigla.
But then, instead of making it a big deal, I continue focusing on myself even more. Days and months have passed, we're near our graduation. Mas naging abala ako sa pag-aaral lalo na sa quantitative research, ngunit kahit gano'n ay hindi pa rin tumitigil si Brenz sa pangungulit at panggugulo sa'kin.
I don't know what he's up to, but I'm thankful because he and Griven were the only people who cared about my existence here inside the campus.
"Anong kukunin mong course?" Brenz sipped on his coffee.
Napangiwi ako. Seryoso ba? Tanghaling tapat, nagkakape?
"Hindi ko pa alam, eh. Ikaw ba?"
Muli kong ibinagsak ang aking mga mata sa librong binabasa. Mayroon kasi kaming oral recitation mamaya sa last subject. Punuan ang mga estudyante nag-aaral sa library kaya naman dito ko na napagpasyahang mag-aral sa Cafeteria, pero as usual, ang asungot na si Brenz ay nakabuntot na naman sa'kin na parang aso.
"Industrial Engineering," aniya dahilan para malaglag ang aking panga.
"Talaga? Gusto ko rin sanang mag-Engineering kaso medyo nagdadalawang isip pa ako." Hindi ko naitago ang excitement sa'king boses.
The side of his lips formed into a playful smirk. "Sus! Ang sabihin mo type mo 'ko kaya susundan mo kung anong kurso ang kukunin ko sa college para magkasama tayo."
"Napaka-assuming mo naman!" Nalukot ang aking mukha at humagalpak naman ng tawa ang mokong.
Sinarado ko na ang librong hawak. Nang sumulyap ako sa wristwatch at nakita ang oras ay nagpasya na akong bumalik sa classroom pero bago iyon ay hinatid ko muna si Brenz sa kaniyang classroom. Ewan ko ba sa mokong na iyon, minsan ay mas babae pa kung umasta kaysa sa akin.
But on the other hand, I'm also considering what he has said earlier. What if sundan ko na lang talaga siya roon sa university kung saan siya mag-aaral? For sure na kasama rin niya roon si Griven at Melissa, anyways, I shrugged that thought away. I have a few months to think about it naman. Saka ko na tatanungin si Brenz kapag siguro na talaga ako sa kukunin kong kurso.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro