Chapter 10
I felt comforted with his words. He never failed to make me understand why I should love myself. The way his eyes shine whenever he's with me, it somehow makes me feel that I am special. With his actions and the way he treated me, it somehow makes me feel loved.
With Brenz, I felt like I was worthy. That I was valid.
"Masiyado ka nang attach kay Brenz. Hindi na maganda 'yan," ani Carmela dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kaniya.
I heard Savior's scoffed as she aggressively closed the book she's holding. "Sabihin mo nga sa amin Hads, may something na ba kayo ng lalaking 'yon?"
"Wala, magkaibigan lang kami," diretsong sagot ko bago muling ibinalik ang atensyon sa notebook.
Nagkatinginan silang dalawa. Parehong nakakunot ang noo na tila ba hindi kumbinsido sa isinagot kong iyon, ngunit laking pasasalamat ko nang wala na akong narinig pang salita mula sa kanila.
Kasalukuyan kaming narito sa library para magpalipas ng oras. Vacant kasi namin ng dalawang oras at masiyadong mainit sa labas kung doon kami tatambay. At least dito, tahimik at may libreng aircon pa. Abala ako sa paggawa ng takdang-aralin habang si Savior naman ay nagbabasa ng fiction book. Si Carmela naman ay panay pindot sa cellphone at nangunguna pa sa pag-iintriga sa'kin.
Sa totoo lang, hindi na ako gano'ng ka-kumportableng kasama sila. Ewan ko ba, pakiramdam ko ay hindi tama. Parang ang bigat palagi ng dibdib ko at hindi ko na magawang maging masaya. Para bang sa bawat galaw at pagkilos ko ay kailangan kong mangamba. Na dapat ako palaging mag-ingat dahil kahit sa simpleng galaw ko lang ay palagi na lang silang may puna.
"Anong order mo, Hads?" Sav asked when we entered the Cafeteria to eat lunch.
Tumingala ako sa menu bago sumagot. "Cheeseburger lang at saka tubig."
Carmela's brows furrowed as she faced me. "Sure kang 'yan lang?"
"Huwag ka ngang plastik d'yan, Hadassah. Alam kong kulang pa 'yan sa iyo," Savior added then laughed.
Napayuko ako nang maging ang ilang estudyanteng nakapila ay narinig ang sinabi ni Sav. Hindi nakaligtas sa tainga ko ang mahina at palihim nilang pagtawa.
Gusto kong lumubog sa sobrang kahihiyan. Alam kong hindi dapat ako naaapektuhan pero sadyang hindi ko lang talaga maiwasan. Ang sakit lang marinig iyon mula sa mga taong malalapit pa talaga sa'yo. Hindi ko alam kung biro pa ba 'yon o sadyang insensitive talaga sila. . .
Do they think those words before saying? Do they know how simple words affect our mind, our heart. . . and even our souls?
Words aren't just words. It has power. Either it inspires or destroys you.
"Jusko naman, Hadassah! Dinamdam mo 'yong sinabi ko kaya nawalan ka ng gana kumain? Joke lang 'yon, ah! Napaka-sensitive mo naman!"
"At napaka-insensitive mo naman!" I glared at Savior.
Mukhang nagulat si Carmela sa biglang pagsigaw ko dahilan para matigilan ito sa pagkain. Simula pa naman noong una ay hinahayaan ko na silang kutyain at pagtawanan ako. Nananatili akong walang kibo sa tuwing nilalait nila ako. Hinahayaan ko sila dahil natatakot akong mawalan ng kaibigan. Natatakot akong may umalis sa buhay ko. . . pero noon 'yon.
Kasi kung ganito lang din naman ang palagi kong makakasama, mas pipiliin ko pa ang mag-isa.
"Ano bang problema mo, Hads? Wala namang sinasabing masama sa'yo si Sav. Ba't ka na-offend agad?" ani pa Carmela.
"Oo nga! At isa pa, pawang katotohanan lang naman ang mga sinasabi ko. Nagda-diet ka? Talaga? Kung gano'n, ba't lumba-lumba pa rin 'yang katawan mo? Ano 'yan, nabawasan ka lang ng ilang pounds, nagmamayabang ka na?" Savior shot her brows up at me and gave me a sarcastic smile.
Nagtagis ang bagang ko kasabay ng pagkuyom ng dalawang kamao sa ilalim ng mesa. Ilang beses akong huminga ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili. Gusto kong sumigaw at magbitaw ng masasakit na salita pero hindi ko gagawin. Dahil hangga't maaari, ayaw kong maging kagaya nila.
I heaved a sigh as I faced them again. Funny, but I still managed to give them a tiny smile. "Kung mataba man ako, hindi mo na problema 'yon. Kung lumba-lumba man ang katawan ko, hindi mo na problema 'yon. Kung nagda-diet ako, wala na kayong pakialam 'don. Hindi lahat ng bagay ay kailangan ninyong pansinin o punahin. . ." I trailed off and stood up. "Kasi sa totoo lang, kaya nga tayo binigyan ng tig-iisang buhay dahil para hindi na natin pakialaman ang buhay ng iba."
Pinasadahan ko ng tingin ang dalawang babaeng ngayo'y nakayuko at tila maamong tupa sa harapan ko.
"I'm sorry, Hadassah. All along I thought it was just okay with you," Mela uttered.
Inayos ko ang pagkakasukbit ng aking bag sa balikat bago sinserong ngumiti sa kanila.
"Well, lesson learned. Be sure to taste your own words before spitting them out."
Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at agad na akong naglakad palabas ng Cafeteria. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko ngunit hindi na ako nag-abalang lumingon pa.
Hindi na kailangan.
Because since that day, I already ended our friendship.
I cut my ties with them. I cut them off in my life.
Akala ko mahihirapan at magsisisi ako sa ginawa kong iyon pero ang hindi ko inaasahan na simula no'ng mawala sila sa buhay ko ay grabeng ginhawa at gaan ng dibdib ang nararamdaman ko.
Na kahit ilang beses pa nilang sinibukang lumapit sa akin ay ako na mismo ang nauunang lumayo.
"I'm so proud, Hads. What you did was right. They don't deserve you." A small smile escaped on Brenz's lips.
Sabado ngayon at kasama ko ulit siya sa pagjo-jogging. Iyon nga lang ay no'ng nakakita kami ng pansitan ay naisipan naming kumain na lang at kalimutan na ang tunay na pakay.
Sa ilang beses naming jogging session ay palaging ganito ang nangyayari. Hindi na kami nagugulat pa at natatawa lang. Kaya naman grabe rin ang sermon na inaabot namin kay Griven at Melissa, pinapagod lang daw namin ang aming sarili.
"You know what, there's nothing wrong with cutting people off if you find them disrespectful, hateful, or disloyal. You are better off without them, trust me,"
I nodded my head in response, totally agreeing on what he had said.
"Noon kasi ay hindi ko magawa kasi nag-wo-worry ako. Natatakot ako na may umalis sa buhay ko kasi ayaw kong mag-isa. Ayaw kong mawalan ng kaibigan o kahit na sino. . . pero ewan ko. Siguro talagang may hanggang din ang gano'ng pag-iisip. Dadating at dadating ka talaga sa punto na maiisip mo na hindi mo deserve ang gano'ng klaseng tao sa buhay km," mahabang paliwanag ko sa kaniya dahilan para mas lalong lumawak ang ngiti niya sa labi.
"And some of the most poisonous people come disguised as family or friends," he added.
Tumango muli ako bilang pagsang-ayon. Mabuti na lang talaga at nandiyan si Brenz. Magmula noong naging malapit kami sa isa't isa ay napakarami niyang pina-realize sa akin. Ang daming nabago at higit sa lahat ay unti-unti ko nang nalalabanan ang insecurities ko.
He's right. I don't need to feel guilty about it. There's nothing wrong with eliminating people out of our life. Those people who were disrupting our peace and becoming a hindrance from our growth. Because cutting people doesn't mean being rude or something, it only shows respect for yourself or by some means... you have finally seen your worth.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro