Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

CHAPTER 7 ÷__÷

Nagmukmok lang ako buong lingo ng hapon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang balisa ako. Si Austin kaya ang dahilan ng pagmamarakulyo ko? Alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko nang nagdaang gabi. Kung maaari ko lang sanang bawiin ay gagawin ko.

Pero alam kong hindi ko na magagawa iyon. Isa pa, tiyak na malabong magkita pa uli kami. Kasalanan ko rin ang lahat dahil hindi ako nagpakatotoo sa aking sarili. Kung sinabi ko na lang ban a single pa rin ako, di sana hindi naghihimagsik ang kalooban ko ngayon.

Maraming beses na hawak ko ang aking cellphone; gustong-gusto kong tawagin si Austin. Pero pinipigilan ko lang ang aking sarili. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya. Mas mabuti sigurong wala na kaming maging komunikasyon.

Total, tapos na ang usapan naming at wala nang dahilan pa para kausapin ko siya. The damaged had been done and I had already apologized, so I guess I had to leave it like that.

Pumasok ako kinabukasan na mabigat ang aking pag-iisip.

Pagdating ko ay wala pa rin si Rosy kaya wala akong mapagkuwentuhan tungkol sa nangyari sa amin ni Austin. Si Gladys naman ay walang alam at ayokong idamay pa siya sa mga problema ko, lalo na kung tungkol sa personal na buhay ko.

"Wala bang tawag galing kay Rosy?" tanong ko kay Gladys

"Wala pa po, Doktora"

"Sana nama ay nasa maayos na ang kalagayan ng kanyang ina" sabi ko. may bahid ng pag-aalala ang boses

"Sana nga po. Siyanga po pala, kumusta ang kasal ng kaibigan ninyo?"

"Maayos naman" simpleng sagot ko

Sa palagay ko ay walang nalalaman si Gladys tungkol sa paghingi ko ng tulong kay Rosy para magkaroon ako ng date kaya hindi na rin siya masyadong nag-usisa.

Busy kami buong maghapon. Pag-uwi ko ay kumain lang ako at pinilit matulog. Pero tila ayaw akong dalawin ng antok. All I could feel was the numbness in my heart. Nagtataka ako sa aking sarili kung bakit nakakaramdam na ako ng lungkot sa estado ko sa buhay.

Dati naman ay bale-wala sa akin kung dalaga pa rin ako sa edad kong ito. Pero ngayon ay labis na akong nag-aalala sa pagiging old maid ko.

Tama nga kaya si Jessy sa sinabi niya noon na aanhin niya ang pera at tagumpay kung wala naman siyang katuwang sa buhay? Ganoon na rin ba ang nangyayari sa akin? Nagbabago na kaya ang isip ko at dapat ko nang seryosuhin ang paghahanap ng asawa?

Pero bakit kapag iniisip ko ang mukha ng mapapangasawa ko ay mukha ni Austin ang naiisip ko? Agad na sinaway ko ag aking sarili. Saan ko man tingnan, hindi si Austin ang tipo ng lalaking nanaisin kong makatuluyan. We were not matched and we had nothing in common. Isa pa, ayoko rin ng isang lalaking mas bata kaysa sa akin.

Enough of this nonsense. Nagtalukbong ako ng kumot at pinilit ko ang sarili kong matulog. Pero sa kasamaang-palad, magmamadaling-araw na ay dilat pa rin ang aking mga mata.

IS THIS HOW IT FEELS TO LONG FOR SOMETHING YOU'RE NOT SURE YOU WANT?

Buong lingo pinilit kong kalimutan ang lungkot sa aking puso. I occupied my time with work, and when I arrived home. I made sure I had a lot of activities to do.

Bigla ko na lang naalala na bukas na pala ang binyag ng anak ni Joyca. Tumawag pa nga siya kanina para ipaalala sa akin iyon. I just gave her a vague answer. Hindi pa rin kasi buo ang isip ko kung pupunta akong mag-isa roon.

Katulad ng inaasahan ko, hindi na tumawag o nagparamdam man lang si Austin. Hindi naman sa hinihintay ko siyang tumawag o mag-text pero nangako siya kay Joyca na pupunta sa binyag kaya hindi ko alam kung tutuloy pa rin siya.

Pero dahil na rin siguro sa masasakit na salitang nabitawan ko, Malabo na ngang pumunta pa siya. Kaya dapat, ihanda ko na ang aking paliwanag kung bakit hindi ko kasama si Austin kung sakaling maisipan kong pumunta.

Iniisip ko kasi kung pnahon na para magsabi ako ng totoo sa kanila p magpapanggap pa rin ako na masaya ang love life ko. Bakit kasi napakahirap makahanap ng isang lalaking seseryosuhin ako?

Talaga nga kayang ang tulad ko na career woman y mananatili na lang committed sa aking trabaho at wala nang pag-asang mag-asawa pa? Pero naalala ko rin ang sinabi ni Austin na maghintay lang ako at darating din ang lalaking para sa akin.

Kalian pa kaya iyon? Kapag may uban na ako?

Naghahanda na akong pumunta sa binyag nang may mag-doorbell sa bahay ko. agad na binuksan ko ang pinto at laking gulat ko nang tumambad sa akin si Austin.

At dahil sa pagkabigla, hindi agad ako nakapagsalita. Si Austin na ang unang bumati.

"Are you ready to go?" nakangiting tanong niya

"Why are you here?"

"We're attending a baptism, nakalimutan mo na ba?"

"Pero akala ko----"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang putulin niya ako.

"I made a promise to your friend and I intend to keep it. Ngayon, kung ang akala mo ay sisingilin kita sa pagsama ko sa iyo, then rest assured I won't do that" paliwanag niya

 "Pero bakit mo ito ginagawa? Di ba, sabi ko naman sa iyong ako na ang didiskarte sa kanila?"

"I'm doing this because I want to"

"But why? I'm not holding you to the promise you made to Joyca"

"Cathy, I'm doing this for you and me"

"What do you mean?" nalilitong sabi ko

"Catherine, I know we've only known each other for a short time. But in that short sapn of time, I've grown to care and like you. So I'm asking you formally of you would like to date me for real for us to get know each other better"

Biglang napaupo ako sa sofa sa sinabi niya. I was really surprised by his sudden declaration of affection for me. Nagbibiro ba ang totoy na ito? Hindi ba niya alam na hindi kami bagay?

Dapat siguro ay mabatukan ko siya nang magising sa katotohanan na hindi kami talo. O baka naman naaawa lang siya sa akin at iyon ang paraan niya para pagaanin ang loob ko. But whatever reason he may had, I would never agree to go out with him.

"Nagbibiro ka ba? Is this all a joke to you? Hindi pa ba sapat na pinagtatawanan ako ng mga tatlong tsismosa at ngayon ay makikisali ka pa?"

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang aking mga balikat.

"Catherine, hindi ako nagbibiro. At wala akong pakialam sa mga tsismosa mong kaibigan. Ang importante sa akin ay ikaw at kung ano ang magpapasaya sa iyo" seryosong sagot niya

Marahas na inalis ko ang kanyang kamay sa aking balikat.

"Tama na, Austin. Hindi na nakakatawa ang biro mo. Akala mo lang siguro na gusto mo ako pero alam kong hindi totoo 'yan"

"Malamang, naawa ka lang sa katayuan ko, isang matandang dalagang nag-iisa sa buhay. Don't mistake pity with care. Magkaiba ang dalawang iyon" paliwanag ko

"What do I have to do to let you know I'm sincere?" tanog niya

"Just stay out of my life. Humanap ka ng mas bagay sa iyo. Tulad ng nasabi ko, hindi tayo talo dahil hindi ako pumapatol sa isang totoy"

Pagkatapos kong sabihin iyon ay naglakad na ako pabalik sa kaing kuwarto para kunin ang aking bag. I needed to get away from him and his foolishness.

Paglabas ko ng kuwarto ay wala na siya. I heaved a sigh of relief, then I went out of the house to go Joyca's son's baptism.









ABANGAN.....

VOTE & COMMENT.....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro