Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5


CHAPTER 5 ♡__♡

"Are you ready to go our seats?" nakangiting tanong ni Austin

Tumango ako, then he led me to the chairs that were set up in the garden. Napakaganda ng ayos ng lugar.

Nagniningning ang mga ilaw sa paligid at ang kandila ay umiilaw sa bawat mesa, overall the place was making mood elegant and magical. Pati ang flower arrangements ay napakagandang tingnan.

The ambience was really romantic with the setting sun as the backdrop, and there was even a musical singer who perfrom in the background. Truly it was a wedding fit for princess.

The wedding march began and I was really eager to see Sara in her wedding gown. As she was marching down the aisle with her dad guiding her. I couldn't help but be teary-eyed.

Not because I was jealous of her but because I was happy for her. She went after what she wanted and she got it. She found the man of her dreams and all I could wish them was that they had a happy life together.

Habang sinasabi nila ang mga vows, hindi ko maiwasan na maiyak sa nangyayari. Nagulat na lang nga ako nang abutan ako ni Austin ng panyo. Kinuha ko naman ito na hindi tumitingin sa kanya.

Nahihiya ako sa inaasta ko ng oras na iyon. Iniisip siguro niya, isang akong tanga na umiiyak sa kasal ng kaibigan. Pinahid ko ang mga luha pagkatapos ay binalik ko sa kanya ang panyo.

"Keep it, you might need it later" nakangiting sabi niya

Wala na akong nagawa kundi hawakan na lang ang panyo. Hindi ko na rin siya tiningnan dahil nahihiya pa rin ako dahil sa nakita niyang pag-iyak ko.

Patapos na ang kasal at ito na ang pinakahihintay ng mga tao, tumayo kaming lahat.

"You may now kiss the bride" wika ng pari

Naghihiyawan ang ibang guest at ang iba nag-wistle pa. And then they kiss passionately, nagpapalakpakan kaming lahat. I'm so very happy for Jessy.

Ako kaya, may pag-asa pa ba ako? Is there someone who could love me? Hindi ko ina-asume ang sarili ko na merong iibig sa akin. Sa tanda kong ito, wala na siguro.

After that magical kiss, isa-isang lumalapit ang mga tao sa bride at groom para batiin sila. Hindi mawawala sa kasal ang remembrance picture, una ang pamilya ng bride at groom, kasunod ang brides maid, ninang at ninong, best man, flower girl at iba pa. Binati ko rin siya habang nagpicture.

Pagkatapos ay lumabas na kami, at syempre hihintay ang bagong kasal nang makalabas na sila sinabuyan sila ng mga bulaklak and then they kiss. Isa-isa ng sumakay papuntang reception ang mga bisita. Sumakay na rin kami ni Austin sa sasakyan niya.

Habang nasa daan, tahimik kaming pareho. And then Austin talked.

"Kumusta ka na? I mean are you ok now?" tanong ni Austin

Siguro bago lang sa kanya na makita akong ganoon na parang tanga umiiyak. At tsaka hindi naman siguro ako huhusgahan nito. Kaya sinagot ko ng maayos.

"I'm much better now. Kanina nadala lang ako sa emotion, hindi naman siguro maiiwasan, diba" sagot ko

"Oo naman. Kapag ang emotion na 'yon ay tears of joy"

I nodded. Part of it right but part of it doubting myself. I don't know if there is a chance like me to find a guy who could understand and love me.

My friend is a lucky girl who found her husband that truly love her. But for now, atleast I'm going to enjoy this night with Austin.

Nang nasa reception na kami ay agad na sumunod ang tatlong chismosa sa kinauupuan namin ni Austin. Mukhang nakipagpalit sila sa mga dapat sana naming kasama sa mesa.

Sa tingin ko ay kuntodong pag-uusisa ang gagawin nila sa akin kaya naman binulungan ko si Austin.

"Parating na ang tatlong chismoa. Brace yourself and make sure you're in character, ok?"

Tumango siya "Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa kanila" paniniguro niya.

Like I had expected, the three started asking Austin some personal questions. Hindi na nga nila ako masyadong kinakausap at kay Austin na lang nakatuon ang kanilang pansin.

"Austin, may plano na ba kayong magpakasal ni Cathy?" tanong ni Joyca

Halos nasamid ako sa iniinom kong tubig sa tanong niya.

"I think it's early to think about that" sabi ko sa kanila.

"Too early? Catherine, malapit ng mawala sa kalendaryo ang edad mo kaya dapat magmadali na kayo. Mamaya niyan, kapag pinakawalan mo pa si Austin, maakit 'yan sa mas bata sa iyo" malisyosang sabi ni Margette

Umakyat ang dugo sa ulo ko. Kung hindi lang talaga nakakahiyang gumawa ng eksena roon ay sasabunutan ko na ang tatlong mahaderang ito. Mga pakialamera.

Hindi na lang makontento na may ipinakilala na akong boyfriend ngayon gusto pa nila ay pakasalan ko pa ito. Sobra na yata iyon!

Mamaya niyan ay kailangan ko pang bayaran si Austin para kunwari ay magpa-pakasal kami.

Sukdulan na yata iyon at hindi ko na kayang gawin.

"Ladies, take it easy. Hayaan ninyo, kayo ang unang makakaalam kapag nakapagpasya na kaming magpakasal. And rest assured I won't be tempted to look at another woman because Catherine is everything I've ever wanted in a wife. Wala sa akin ang agwat namin sa edad because for me, age is nothing but numbers and it won't ever affect the way I feel for her" mahaba at mahinahong sabi ni Austin

Those words left the three with their mouths wide open. Hindi siguro sila makapaniwala na ang isang katulad ko ay makakasilo ng isang lalaking mahal ako.

I looked at them and gave them my widest grin. Gusto ko nan gang magsabi ng "Eat your heart's out, girls!" dahil sa wakas ay nahanap ko na ang aking Prince Charming.

Pero agad na na-realize ko rin na palabas lang ang lahat ng ito at lahat ng sinasabi ni Austin ay nakasaad sa aming script.

Kaya hindi ako dapat magbunyi dahil pagkatapos ng gabing iyon ay tapos na rin ang palabas namin.

But for few hours, I wanted to savor the fact I was with a young and handsome guy who was head over heels in love with me. Kahit sa paningin lang ng ibang tao.

Because we both knew the truth that after tonight. I would have to go back to my sad solitary existence.

Pagkatapos kumain ay nagpasya kaming maglakad-lakad muna sa hardin.

Malamig ang simoy ng hangin at bilog pa ang buwan. Napaka-romantiko ng lugar at hindi ko maiwasang isipin n asana ay may kasama akong isang taong espesyal sa akin.

Iyong tunay at hindi nagpapanggap lamang.

Austin and I were both lost in our thoughts. Para bang nagkahiyaan kami bigla. Gusto ko sana siyang pasalamatan sa ginawa niyang pagtatanggol sa akin pero alam kong tatawanan lang niya ako.

"Austin"

"Cathy"

Sabay na bigkas namin. Nagka-tinginan kami, pagkatapos ay nagtawanan kami.

"You go first" wika ko

"No you go first" aniya

I cleared my throat before I spoke.

"Ah, Austin, salamat sa pagpayag mo na gumanap bilang boyfriend ko. Alam kong ang usapan natin ay ngayong gabi lang pero naabala kita nang dalawang gabi. I'm really grateful you accepted this job"

He gave me a faint smile. Para bang nalulungkot siya sa pagtatapos ng aming pagpapanggap ngayong gabi.

"It's been my pleasure. At kung kakailanganin mo uli ang aking tulong alam mo na kung saan ako matatawagan"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Thanks, but I think that would be unlikely"

"Why?"

"Tiyak ko na hindi titigil ang mga kaibigan mo hangga't hindi ka nakakapag-asawa. At ngayong ipinakilala mo na ako bilang boyfriend mo, sa tingin ko ay hindi ka nila tatantanan"

"Surely, pagdoldolan ka nilang magpakasal sa susunod na taon"

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko pa naiisip kung ano ang isasagot sa mga kaibigan ko kapag nagtanong uli sila tungkol kay Austin.

Kapag sinabi kong nag-break na kami, lalo lang akong pagtatawanan ng tatlong chismosa. Tiyak na pagpipiyestahan nila ako.

Pero ayoko munang isipin iyon. Titiyakin ko na hindi muna kami magkikita-kita. I would just cross the bridge when I got there.

Saka ko na lang iisipin ang magiging sagot ko. Sa ngayon, hahayaan ko munang isipin nila na boyfriend ko talaga si Austin.

As for Jessy, I guessed I had to tell her sooner or later. But for now, I would just keep quiet, and since she would be enjoying her newlywed bliss, she wouldn't have any time to interrogate me, for at least a month.










ABANGAN.....

VOTE & COMMENT.....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro