Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Chapter 17¤_¤

Inihatid niya kami sa gate para magpaalam. Tig-isa kami ng sasakyan ni Austin kaya hindi kami sabay umuwi.

Nakasakay na ako ng kotse nang lumapit si Jessy.

"Pasensiya ka na kay Kenneth. Minsan kasi ay may pagka-tactless 'yon"

Ngumiti ako.

"No harm done. Ikaw na lang ang magpaliwanag sa kanya tungkol sa sitwasyon naming ni Austin at sana hindi naman magbago ang tingin niya rito"

"Ako'ng bahala. Tiyak kong maiintindihan ka niya" paniniguro niya

Pinaandar ko na ang kotse habang kumakaway sa akin ang mag-asawa. Nakasunod naman sa akin si Austin.

"See you" paalam ko sa kanila

"Ingat sa pag-drive" sabi ng mag-asawa

I drove away feeling like a burden had been lifted off my chest. Ngayong alam na ni Jess yang lahat, alam kong wala na akong katatakutan.

Sinundan ako ni Austin hanggang sa bahay. Hindi niya ako hinayaang umuwing mag-isa. That was how considerate he was. He was always looking out for my best interest. Nang naiparada ko na ang kotse at nakababa na ako ay saka lamang siya bumaba ng kanyang sasakyan.

"O, late na, umuwi ka na rin para makapag-pahinga"

He moved towards me and hugged me.

"Were you surprised about what I said earlier?" marahang tanong niya

"About what?" pagmamaang-maangan ko

"About the marriage thing"

"Ah... 'sus, wala 'yon. Alam ko namang nagbibiro ka lang" natatawang sagot ko

He let go, then he looked at me with a confused look on his face.

"Cathy, hindi ako nagbibiro. I never say anything I don't mean" seryosong pahayag niya.

"Austin, we've known each other less than a month. Hindi naman yata realistic na kasal na kaagad an gating pag-uusapan. There's still a lot of things we don't know about each other. Mahirap magpadalus-dalos sa isang napaka-seryosong bagay"

"I agree. I'm not asking you straight away. I'm just letting you know I'm serious about you. I never want you to doubt my love"

"Enough, Austin. You're embarrassing me"

Tumawa siya.

"My dear, I never thought you would get shy around me. Dati kasi, kung bulyawan mo ako ganoon na lang pero ngayon ay napapaamo na kita"

Napaismid ako sa sinabi niya, pero sa totoo lang ay sobrang kaligayahan ang nadarama ko sa ipinahayag niya. ayoko lang ipahalata.

"I think I better go. Baka awayin mo na naman ako" paalam niya

Inihatid ko siya sa kanyang kotse at kinawayan ko siya habang papalayo ang kanyang sasakyan. Papasok na ako sa bahay pero hindi pa rin maalis ang ngiti sa aking mga labi. I felt like I was on top of the world. Ganoon pala ang feeling ng in love.

In love? Ako? Oh, my God! It looked like Cupid's arrow had finally hit me right on target.

Pagpasok ko kinabukasan ay nadatnan ko na roon si Rosy. I was so happy to see her. Halos isang buwan din siyang nawala at ang dami ng nangyari sa buhay ko sa kaunting panahon na iyon.

"Rosy, salamat naman at nakabalik ka na. maayos na ba ang lagay ng nanay mo?" tanong ko sa kanya

Tumango siya.

"Sa awa sa diyos ay magaling na siya ngayon. Pasensiya na, Doktora, dahil natagalan ako. Pangako ko na babawi ako sa inyo ni Gladys"

"Wala 'yon. Ang mahalaga ay magaling na ang nanay mo at nakabalik ka na rito nang matiwasay"

Rosy eyed me suspiciously.

"Parang naninibago ako sa inyo, ah. Parang may ibang glow ang mukha ninyo. Teka nga, may boyfriend na ba kayo?"

Napahawak ako sa aking mukha sa tanong niya. Nahihiya ako ng sagutin ang tanong niya.

"Yup, Rosy. I'm finally in love" I answered

"Talaga? Sino ang masuwerteng lalaking iyon? Kailangan, makilala ko siya"

"Nang dahil sa inyo ng kapatid mo ay nakilala ko si Austin" nahihiyang sagot ko

"Austin? Sinong Austin?" naguguluhang tanong niya

"Si Austin, ang basketballista na kaibigan ng kapatid mo. Ang nagging date ko sa kasal ni Jessy"

Rosy gave me a confused look.

"Austin? Date sa kasal ni Jessy?"

Ako naman ang natawa sa reaksiyon niya.

"Nakalimutan mo na ba? Humingi ako ng pabor sa iyo para makahanap ng date sa kasal ni Jessy. At ang kasamahan ni Lloyd isang player ang pinapunta niya. Hindi mo na ba naaalala?"

Namutla siya.

"Doktora, tumawag po sa akin si Lloyd noong nasa biyahe ako para sabihin na hindi makakarating ang kaibigan niya dahil umatras daw po. Nahihiya nga po ako sa inyo dahil hindi na ako nakapagpaliwanag. Ang akala ko naman, si Lloyd na nag tatawag sa inyo" paliwanag niya

Nagulat sa sinabi niya.

"Ibig mong sabihin, walang pinapunta si Lloyd dito para maging date ko" I asked incredulously.

Umiling siya.

"Wala, Doktora. Nahihiya nga raw po siya sa inyo dahil umatras ang kaibigan niya. Hindi ko naman kayo matawagan para magpaliwanag dahil walang signal sa lugar naming. 'Yon din nga po ang isnag bagay na inaalala ko habang nasa Tanay ako. Kung ano ang nangyari sa kasal ni Jessy"

Kung hindi si Austin ang kaibigan ni Lloyd, sino at saan nanggaling si Austin?











ABANGAN.....
VOTE & COMMENT.....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro