Chapter 12
Chapter 12 ^__^
I was dumbfounded with Jessy's question.
How dare Austin tell my friend all those lies? Hindi ko inakalang napakagaling pala niyang maglubid ng kuwento.
"He what?" gulat na tanong ko
"That's what he told me, nang makasalubong kami sa Greenbelt a week ago. He sounded serious when he told me all that. So, hindi pala totoo 'yon?"
I shook my head.
"Well, the marrying part, hindi totoo 'yon. But he did tell me he wants to date me for real, and that he has grown to care for me. Hindi ko nga alam ang gagawin ko"
Jessy's face brightened up.
"Iyon naman pala, eh. mukhang tinamaan na rin sa iyo si Austin." Ngiti sabi ni Jessy
"Why don't you give him a chance? Sa nakikita ko kapag magkasama kayo, may chemistry kayo. Admit it, Cathy. Attracted ka rin sa kanya, di ba?"
Naramdaman ko ang pamumula ng aking mga pisngi. I could not deny it any longer because after the magical kiss we shared, Austin was all I thought about.
I shyly nodded my head.
"Ano ngayon ang problema gayong pareho ninyo palang gusto ang isa't isa"
"Jessy, basketballista lang si Austin at mas bata pa sa akin. Hindi kaya pagtawanan lang ako ng mga tao dahil pumatol ako sa isang batang hindi pa stable ang career?"
Hindi naman sa minamaliit ko ang ginagawa ni Austin, ngunit ang gusto ko sa isang lalaki na may trabaho at may ipagmamalaki sa buhay. Mahirap kasi na ako lang ang may trabaho tapos siya parang ang buhay niya'y pa-easy-easy lamang. Masakit rin isipin na huhusgahan ka ng mga tao, lalo na kung malalaman nila na mukhang bata pa ang maging karelasyon.
"Ang hirap sa iyo, Catherine, puro ang sasabihin lang ng ibang tao ang iniisip mo." Pinandilatan ako ng mata ni Jessy.
"Bakit hindi mo itanong sa sarili mo kung ano ang magpapasaya sa iyo? If you like him, then go for it. Huwag mong intindihin ang sasabihin ng iba. Malamang ay naiinggit lang ang mga iyon" payo niya
Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya.
May punto naman siya. Bakit nga ba ako padidikta sa gusto ng ibang tao gayong buhay ko naman iyon? Hindi naman siguro kasalanan ang makipag-date kay Austin at kilalanin siyang mabuti. Hindi ibig sabihin na nakipag-date ako sa kanya ay pakakasalan ko na siya. I didn't see anything wrong with it.
"Okay lang talaga?" nag-aalinlangang tanong ko.
Natawa siya.
"Cathy, go for it. you go with my blessing. I'm telling you, having someone to love and care for you is wonderful. Tingnan mo ako ngayon, I'm happy to be married to the man I love. As your friend, I also want you to experience it" nakangiting payo niya.
"You are not disappointed in me for lying to you? "nahihiyang sabi ko
She shook her head.
"Ako nga ang disappointed sa sarili ko dahil hindi ko napansin na may iniinda ka na pala. I should have asked you earlier if something was bothering you. Sorry if I neglected our friendship these past months" she answered
Then she reached for my hand and squeezed it.
"Okay lang. Alam ko namang iba na ang priority mo ngayon. I don't take it against you. Salamat lang talaga dahil lagi kang handang umunawa sa akin" sagot ko
"Cathy, my advice to you is go and follow your heart"
I nodded. Now I knew what I had to do next.
==========
Umuwi akong magaan na ang aking pakiramdam. After confessing everything to Jessy, I felt much better. Knowing she was on my side and she was rooting for me made me more determined to follow her advice.
Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay ang kausapin si Austin. At kapag nagyaya uli siyang mag-date hindi ko na siya tatanggihan.
Pero ilang araw na rin ang lumilipas ay hindi pa rin siya tumatawag o nagpapakita sa akin. Kinabahan tuloy ako na baka nagbago na ang isip niya at wala na siyang balak makipagkita uli sa akin.
Sino kasi ang matutuwa sa mga masasakit na salitang nabibitawan ko sa tuwing magkaharap kami?
Baka nagsawa na siya sa pagsuyo sa akin at humanap ng isang babaeng mas madaling kausap. Nalungkot ako sa aking naisip.
Paano nga kaya kung huli na ang lahat para sa amin? Pero ayoko munang isipin ang mga ganoong bagay.
Maybe he was just waiting for me to make the next move. Then I contemplated on whether I should text him or not.
Wala naman sigurong masama kung mag-text ako sa kanya. Kahit iyong forwarded message lang. Just to let him know I was thinking of him.
Before I lost my nerve, I retrieved my mobile phone from my bag. I scanned my Inbox and searched for a short message. Then without hesitation, I pressed the Send button. Now, all I had to do was wait for his reply.
And I waited. And waited some more. In fact, I waited for three days but Austin didn't reply. I felt devastated. I felt a lot of things but hopeful was not one of them. I was beginning to think maybe he already changed his mind about me.
Well, if that was the case, better end it now than later. Baka nga talagang hindi kami para isa't isa. Anyway, there was no harm done and I thought it was much better that way.
I was lost in my thoughts when Gladys peered inside my room.
"Doc, may bisita ho kayo sa labas" aniya
Hindi pa rin bumabalik si Rosy pero tumawag siya noong isang araw at si Gladys ang nakausap. Mga ilang araw na lang daw ay makakaluwas na siya sa Manila. Nagpapagaling na lang daw ang kanyang ina at nasa ligtas na kalagayan na ito.
Natutuwa naman ako sa balita niya. Tiyak kong sa pagbabalik niya ay marami siyang ibabalita, katulad ng marami rin akong ikukuwento sa kanya.
"Sino raw?"
"Si Mr. Santillan po" sagot niya na nakangiti.
ABANGAN.....
VOTE & COMMENT.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro