Chapter 10
Chapter 10 ♡__♡
"What time shall I pick you up?" tanong ni Austin nang tumawag siya sa akin
"Bakit, saan tayo pupunta?" iritadong tanong ko
"Nakalimutan mo na ba? Tonight ang housewarming nina Jessy and Kenneth. Hindi ka ba pupunta?"
"Pupunta ako pero hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang magpakita roon.Di ba, sinabi ko na sa iyo, ako na ang bahalang dumiskarte sa sitwasyon ko?"
"Catherine, I'm her to help you. Hindi mo na kailangang magpanggap dahil nandito na ako. We can make this work if you'll just give me the chance" pagsamo nito
Pero hindi ako nagpadala sa mga drama niya.
"Hindi ka puwedeng pumunta roon. I'm warning you, Austin. Don't make it more complicated than it already is!"
"Catherine, I will go there whether you like it or not"
"Bahala ka, pero huwag mo akong sisihin kapag gumawa ako ng eksena sa party" pananakot ko sa kanya
Then without waiting for his response, nilakasan ko ang pagbaba nang telephono. Bahala siya sa buhay niya.
-----------
Pagdating ko sa bahay nina Jessy ay kabado ako. Hindi ko kasi alam kung talagang darating si Austin o nasindak ko na siya. Laking pasasalamat ko na lang nang hindi ko siya nadatnan doon.
"Jessy, ang ganda naman ng bahay n'yo. Mukhang ginawa mo na itong model house mo, ha. Tiyak kapag nakita ng mga kliyente mo ang ginawa mo rito ay lalong lalakas ang negosyo mo" puri ko sa kanya
"Thanks, friend. I really worked hard to come up with this masterpiece" bulong niya sa akin
Isang two-storey ang bagong yaring bahay ng mag-asawa. Modern ang interiors niyon. It had a sleek and clean line. Maaliwalas ang dating ng bahay at may pagka-futuristic ang dating. Siyempre, pati ang mga kasangkapan at muwebles nila ay nababagay sa tema ng bahay.
I was really happy for Jessy because it seemed all of her dreams and wishes were slowly coming true.
Iniwan muna ako ni Jessy nang dumating ang iba pang bisita. Nag-ikot muna ako sa buong kabahayan para lalo kong ma-appreciate ang ganda niyon. Nagtungo ako sa veranda para magpahangin at para Makita ang magandang tanawin doon.
"Enjoying the view?"
Lumingon ako at nakita kong nakatayo sa aking likuran si Austin. Pakiramdam ko ay para biglang tumaas ang presyon ko. Talagang matigas ang ulo niya at talagang sinusubukan ang aking pasensya.
"What are you doing here, Austin? Hindi mo ba talaga sineseryoso ang mga sinasabi ko? Hindi ka ba nakakaintindi o nananadya ka lang?" naiinis na tanong ko
"Whoa! Isa-isang tanong lang, please? Mahina ang kalaban" nagbibirong sagot niya
Tatalikuran ko na siya nang pigilan niya ako.
"Sorry, Catherine. I didn't mean any harm in coming here. Naimbitahan kasi ako ni Jessy at nakatango ako na pupunta ako rito"
"I'm sorry dahil ginagamit ko ang mga kaibigan mo para mapalapit sa iyo pero ito lang talaga ang paraan na nakikita ko para magkita tayo" mahinahong paliwanag niya
"Bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko naman na hindi ako interesadong makipag-date sa iyo. Why do you keep insisting it anyway?" iritadong tanong ko
Tumingin siya nang diretso sa aking mga mata at saglit na nagkatitigan kami. Ako ang unang nag-iwas ng tingin dahil bigla akong na-conscious sa pagtitig niya sa akin. I felt like he was able to see what was truly inside my heart.
"Because I know there's something going on between us. You just haven't admitted it to yourself, but I know you also feel a certain awareness whenever we're together. Natatakot ka lang pero alam kong nararamdaman mo rin iyon"
===============
Napalunok ako sa sinabi niya pero agad din akong naka-recover.
"Hindi ko pala alam na bukod sa magaling kang umarte ay manghuhula ka rin. Mukhang mas alam mo pa ang nararamdaman ko kaysa sa akin. Ang galling mo naman" panunuya ko, sabay irap
Pero hindi man lang siya natinag sa mga sinabi ko. Tahimik lang siyang nakamasid sa akin. Dahil ayoko nang manatili sa presensiya niya ay tumalikod na ako. Pero naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa braso ko.
Napalingon ako. Walang kaabug-abog na hinila niya ako palapit sa kanya, pagkatapos ay siniil niya ng halik ang aking mga labi.
Labis ang pagkagulat ko sa ginawa niya. Pinilit kong makatakas sa kanyang mga bisig pero hindi ko magawa. Naramdaman ko na lang ang pagdiin ng halik niya. Nagpupumiglas pa rin ako nang ilang Segundo.
Hanggang sa naramdaman ko na lang ang aking sarili na hinahayaan ko na siyang halikan ako. Then after what seemed like eternity, he finally let me go.
"That will give you something to think about" aniya, sabay talikod sa akin
Hindi ako naka-react sa sinabi niya. Nanatiling nakatayo lang ako. Ni hindi ko nagawang pigilan siya sa pag-alis gayong mayroon pa sana akong sasabihin sa kanya.
Hinawakan ko ang aking dibdib at ramdam ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Pati ang katawan ko ay nanginginig.
Sa totoo lang, noon lang ako nahalikan nang ganoon kaya hindi ko alam ang aking gagawin. Nang medyo kumalma na ang aking kalooban ay dali-daling pinuntahan ko si Jessy para magpaalam.
"Jessy, pasensiya ka na pero kailangan ko nang umalis" paalam ko
"May problem aba kayo ni Austin? Nagpa-alam din siya sa akin. Tell me, is everything all right with you two?" nag-aalalang tanong niya
"Don't worry about me. Kaunting misunderstanding lang ito. but I need to be alone for now" ningitian ko siya
"Ipangako mo na lang sa akin na hindi mo mababanggit kahit kanino na nagkaroon kami ng argumento ni Austin" pakiusap ko
Tumango siya.
"Ako na ang bahala. At kapag kailangan mo ng kausap, tawagan mo lang ako" she hugged me
I thanked her once again, then after saying our good-byes, I immediately strode out of her house and got into my car. I really needed to be alone for now to get my thoughts in order.
ABANGAN......
VOTE & COMMENT.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro