WST 099
Messenger
December 25
Eugenie
Merry Christmas, Grandmaster! 🎄
I love you! ❤️
Israel
Merry Christmas, Dollface! I love you too. ❤️
Kumusta, baby ko? Nakumpleto mo ba ang simbang gabi? 😁
Eugenie
Of course! Nakapag-wish na nga ako, e.
Israel
Same here. Anong wish mo?
Eugenie
Secret! Baka ma-jinx. 😝
Israel
Fine, keep your secret. Sayang, sasabihin ko rin sana sa'yo kung ano ang ultimate wish ko. 🤷🏻♂️
Eugenie
Tsaka mo na i-reveal, kapag natupad na.
Israel
Hmm, sabagay. Pero matagal pang panahon bago matupad 'yon.
Eugenie
The best things in life take time, Mr. de la Torre. That's why it pays to be patient, am I right? 😊
Israel
Of course you are. Mukhang nahahawa ka na sa pagiging mala-Confucius ko, ah. 😜
Eugenie
Malakas talaga ang impluwensya mo sa akin. Kasinglakas ng hangin mo. 😆
Israel
Haha, grabe! Paskong-Pasko, inaatake ako ng girlfriend ko. 💀
Israel is typing...
Sunduin kita mamaya, ha? Dalaw ka rito saglit sa bahay. Miss ka na ng parents ko. 😁
Eugenie
Ng parents mo lang? 🤨
Israel
Siyempre, pati ako. Kung alam mo lang kung gaano kita ka-miss. Minu-minuto ko ngang tinitingnan ang mga picture natin sa phone ko. 😓
Eugenie
Aww. Miss na rin kita, Boy Hangin ko. 🙈
Israel
Hindi ko alam kung kikiligin ako o mao-offend sa tawag mo sa akin. 😂
Eugenie
Haha! Kiligin ka na lang. 😝
Eugenie is typing...
Kailangan ko palang maalalang dalhin ang gifts ko para sa inyo nina Tito at Tita. Pero after nating manggaling sa bahay niyo, sumaglit ka rin dito sa amin. Lagot ka kina Mom at Dad kapag hindi ka nagpakita sa kanila ngayong Pasko. 😂
Israel
Pwede ba 'yong hindi ako magpakita sa future in-laws ko? 😉
Eugenie
Pfft. Advance ka talagang mag-isip!
Israel
Yiieee si Genie, kinikilig. Unang Pasko 'to na may boyfriend siya. Merry talaga ang Christmas ni Ms. van Acker. 😜
Eugenie
HAHAHA KAINIS!
Israel
Bonus pa dahil ang nag-iisang Israel de la Torre lang naman ang nabingwit niya.
Tsk, tsk. Iba ka rin, ma'am. 🙌🏻
Eugenie
ANG YABAAANG!
Diyan ka na nga, hmph! 😤
Israel
Kunwari pang napikon ang baby ko. Pero ang totoo, hindi na maalis ang ngiti niyan. 😁
Eugenie
Hindi, ah. 🙄
Israel
Haha! What a cutie. ☺️ See you later, my best Christmas gift. ❤️
Eugenie
Aww, that's so sweet.
Sige na nga, hindi na ako galit.
See you later! 🥰
Israel
Seen 09:09 AM
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro