WST 097
Messenger
December 16
SULLIVAN'S ANGELS 👼🏼
Simone
Helloooo
Maligayang pagsisimula ng Christmas break!
May tanong ako, mga besh. 😆
Sullivan
Ayan ka na naman, Simone Felize. Siguraduhin mong may sense 'yan, kundi gagawin kong chopping board ang dibdib mong patag.
Eugenie
KUYA SULLI!
HAHAHA
Rhien
Mag-ceasefire naman muna kayo!
Malapit na ang Pasko, e. 🤣
Simone
Walang Pasko-Pasko riyan kay Sulli.
Kampon ng dilim 'yan. 😤
Simone is typing...
Alam niyo 'yong kantang "Twelve Days of Christmas"? 'Yong "On the first day of Christmas, my true love gave to me..." 🎶
Eugenie
Yup, of course! What about it?
Simone
Nagtataka lang ako. Saan kaya inilagay ng receiver ang napakaraming mga regalo sa kanya? Ang takaw sa storage space no'n! 😝
Sullivan
Sa ibabaw ng dibdib mo inilagay. Ngayon alam mo na kung bakit ka flat. Nadaganan ka ng mga regalo.
Rhien
HAHAHA
Simone
May araw ka rin, Sullivan! Hype ka. Wala kang regalo galing sa akin sa 25! 🤬
Eugenie
May naipakain bang hindi maganda si Tita Juni sa inyo noon, kaya lumaki kayong ganyan? 😂
Rhien
I can clearly imagine these two as wrinkly eighty-year-olds, still quarrelling and one-upping each other. 😝
Simone
Si Sulli lang ang magiging wrinkly. #SkincareIsLife 💁🏻♀️
Sullivan
Kaya ka nauubusan ng allowance, e. Ang dami mong kaartehan sa katawan.
Eugenie
Hey, now that Rhi has mentioned the future, do you guys sometimes wonder where it will take us? Napapaisip lang din ako, maybe because we're graduating na. 😰
Rhien
Me too, and not just sometimes. I think about it all the time. Kaya nga nagiging restless ako, e. I mean, the future is scary if you think about it. We're dealing with the unknown. 🙈
Simone
Stop overthinking, Rhi. Alam mo ba, may magandang learning ako from meditation. It's healthier daw for your mind if you just focus on the present.
Sullivan
Wow, B2B, nagme-meditate ka pala?
Simone
Stop calling me that! 😖
At oo, nagme-meditate ako. Akala mo naman sa akin kambal, puro landi lang ang inaatupag?
Eugenie
Ako na ang sasagot para kay Kuya Sulli.
Oo raw, Sim. 🤣
Sullivan
Apir, bunso. 🤪
Simone
GRABE KAYO SA AKIN 😭
Pero seryoso guys, try meditating. Lalo ka na Rhi, kasi nagiging anxious ka na. Pampakalma ng pagkatao ang meditation. Sa sobrang kalma, pati buhok ni Sulli, may chance maging straight and silky. Try mo nga, kambal? 😝
Sullivan
Sige, pero kapag hindi umubra, bawal na kayong magkita ni Altoveros.
Simone
Hoy hahaha weg nemen. 😢
Eugenie
Yieeee ayaw ni Sim na hindi masilayan si Lewis... Kayo na ba, ha? 😛
Simone
Hindi, ah. We're still getting to know each other. Char!
Simone is typing...
Itong si Rhi dapat ang iginigisa natin. Ilang beses ka nang pinadalhan ng bulaklak sa school ni Mik, 'di ba? Dinalaw ka pa bago tayo mag-Christmas break. Hebe nemen ng hair ni Rhien! 🤭
Rhien
Wala 'yon, guys.
Eugenie
Showbiz mo, Rhien Mari! 😆
Sullivan
Siyempre, alam ni Genie ang mga ganyang galawan. Gawain niya ring mag-deny noon, e. 😏 Pero tingnan mo ngayon, hindi na sila mapaghiwalay ni de la Torre.
Eugenie
Haha kainis ka Kuya Sulli! 😝
Rhien
Seryoso, wala lang 'yon. Sabi sa akin ni Mik, bumabawi lang daw siya sa pambibwisit niya sa akin noon. Nakikipagkaibigan lang naman daw siya.
Simone
Hmm, sige na nga. Hindi ka na namin pipiliting umamin. Pasasaan pa't lalabas din naman ang totoong status niyo. 😜
Eugenie
Sabi mo nga, Sim, focus on the present. 'Wag nating pangunahan sina Rhi at Mik. 😉
Sullivan
Kaya nga. Pakialamera kasi 'tong si Simone Felize. Si Altoveros ang intindihin mo, hoy. Siguraduhin mong hindi ka lang pinapaikot. Alam mo naman ang mga nasa banda. Maraming umaaligid na mga babae.
Simone
Ay, judger ka kyah? Hindi ganyan si Little Drummer Boy, 'no? Mabait 'yon.
Eugenie
'Wag kang mag-alala, Kuya Sulli. Sabi ni Israel, kasama mo raw siyang susuntok kay Lewis kapag may hindi magandang ginawa kay Sim ang kaibigan niya. 🙃
Sullivan
Buti naman. Kung hindi naman dahil sa kanya, nananahimik pa kayong Sullivan's Angels. Aba, matapos kang mapasagot, nagpalipad-hangin naman ang mga katropa niya sa kapatid ko at kay Rhi? Follow the leader lang, gano'n? 😑
Rhien
Oops. Shots fired. 🤭
Simone
HAHAHA
Bugaw 'yang boyfriend mo, Eugenie!
Mas notorious pa sa akin! 🤣
Eugenie
Haha! Pero aminin, at least, mga tulad niyang gwapo ang ibinubuyo sa inyo. 🤷🏻♀️
Simone
May point! 😆
Rhien
Sabagay.
Eugenie
Uy, agree si Rhi! Makakarating kay Mik na nagagwapuhan ka sa kanya. 😝
Rhien
NOOOOO
EUGENIE 😭
Simone
Hahaha! #HuliPeroDiKulong
Seen by everyone
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro