WST 093
Messenger
November 30
Eugenie
AAAHHHH
That was fun! Ang sakit ng lalamunan ko sa kakakanta pero wala akong pakialam.
Sobrang nag-enjoy ako sa music fest! 😭
Israel
Halata nga. Hayaan mo, kapag may mga event pang ganyan, lagi kitang sasamahan. Sabihin mo lang sa akin kung sinu-sino pang music acts ang paborito mo bukod sa Repercussions, para maging on the lookout ako sa mga gig nila. 😁
Eugenie
Aww. Thank you.
You always go the extra mile for me. 🥺
Israel
Of course. Anything to make you happy, baby.
Israel is typing...
Dati, nakokornihan ako sa sinasabi ng iba na okay na sila kapag nakita nilang masaya ang mahal nila. Pero totoo pala 'yon. Masaya na ako, basta nakikita ko ang mga ngiti at tawa mo.
Eugenie
Pinapaiyak mo na naman ako! 😩
Israel
Haha! Hindi, ah. Nagkataon lang na 'yan ang tumatakbo sa utak ko ngayon. Alam mo naman ako, transparent. 😛 Kumusta nga pala ang mga pinsan mo? Nakauwi na ba sila?
Eugenie
'Yong kambal, oo.
Ang sakit daw ng ulo ni Kuya Sulli! 😂
Si Rhi, hindi pa sumasagot sa chat ko.
Kumustahin ko ulit mamaya-maya.
Israel
Mukhang hindi umubra ang first attempt natin para sa "Operation: Unblock", ah. Asar pa rin si Rhien kay Mik.
Eugenie
Kaya nga, e. 😬 Pakisabi kay Mik, kung talagang seryoso siya sa pinsan ko, tiyaga lang. Mahirap din kasing huliin ang loob ni Rhi. Lalo ngayon, nagmo-move on pa 'yon kay Brent.
Israel
That's what I've been telling him, actually. Sabi ko, tiyagaan niya lang. Kung ikaw nga, nahuli ko ang loob kahit ilang taon mo akong kinainisan noon... 😁
Eugenie
Haha! True. Although, now that you've mentioned our not-so-pleasant start, I need to confess something to you.
Israel
I'm listening, baby.
Eugenie
You're my first-ever crush at Eisner, Israel.
Israel
Shit. Really?
Eugenie
Yes. I've always thought you're the handsomest in our class. Plus, I'm a sucker for funny guys. 🙈
Israel
Wow.
Eugenie
Ang kaso, napalitan ang admiration ko sa'yo ng inis noong tinawag mo akong "boring". Na-hurt ako no'n! Imagine having your crush think that you're uninteresting, hmph. 😤
Israel
Fuck. Me and my stupid mouth. 🤦🏻♂️ Nagpapapansin lang din ako sa'yo noon, baby. Ewan ko ba, kung anu-anong katangahan ang lumalabas sa bibig ko minsan.
Eugenie
Haha! Grabe naman 'yong katangahan. Pero kung hindi mo nga ako sinabihan ng gano'n, e 'di sana, hindi ka na masyadong nahirapan sa panghuhuli ng loob ko. 😝
Israel
Gusto kong iuntog ang ulo ko ngayon sa pader.
Eugenie
Hoooy hahaha 'wag! Girlfriend mo na naman ako ngayon, so all's well. 🥰
Israel
Sabagay. Pero sayang pa rin ang ilang taon. Kasalanan ko rin talaga kung bakit hanggang nakaw na tingin lang ako sa'yo noon.
Eugenie
Nakaw na tingin ba talaga?
E nahuhuli kaya kita. 💁🏻♀️
Israel
Tapos, babalikan mo ako ng masamang tingin. Tipong gusto mo na akong kainin nang buhay. 😂
Eugenie
Grabe 'to! Ganoon na ba talaga ako ka-scary tumingin?
Israel
Oo, baby. Scary, pero cute pa rin.
Parang ganito:
Eugenie
Haha! Ewan ko sa'yo! 😝
Israel
May bago na akong term of endearment para sa'yo. Hi, Boo! Sakto, may pinsan kang Sullivan ang pangalan. 😂
Eugenie
HAHAHA
'Yang utak mo talaga, ang bilis pagdating sa kalokohan! 🤣
Israel
Kaya nga crush mo, e. 🙊
Yieee, si Genie, kunwari pa noon...
All those times na tinutukso kitang may crush ka sa akin at nagde-deny ka, akalain ko bang totoo pala?
Eugenie
Feel na feel mo na naman.
Kilig na kilig ka riyan, 'no? 😏
Israel
Siyempre! Kahit abutin pa tayo ng ninety years, baby ko, hinding-hindi mawawala ang kilig na dala mo sa akin.
Eugenie
Charotero! 😛
Israel
Seryoso kasi 'yon. 😭
Mahal na mahal kaya kita, Eugenie van Acker. Alam kong bago pa lang tayo at mahaba-habang panahon pa ang kailangan para mapatunayan ko 'yan, pero handa akong bunuin ang mga taon. Basta ba, kasama kita.
Eugenie
Bakit ka ganyan ughhhh
Israel
Masanay ka na, baby ko. Araw-araw kong ipapaalala sa'yo kung gaano kita kamahal. I firmly believe in being vocal about how much I love a person. Kasi, kung hindi natin sasabihin sa mga mahal natin ngayon kung gaano sila kaimportante sa atin, kailan pa? Kapag nawala na sila?
Israel is typing...
Maikli lang ang buhay. Better let the people you love know how much they mean to you while they are still here to take in your every word. 'Di ba? 😉
Eugenie
I can't believe I thought you're an airhead before. You are one of the wisest people I know, Mr. de la Torre.
Israel
Thanks, baby. 😎
Eugenie
You're welcome, Confucius. 😝
Israel
Seen 09:58 PM
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro