WST 068
Messenger
October 12
Eugenie
Israeeeel
Israel
Good morning, baby ko. ❤️
What's up?
Eugenie
Good morning. ❤️
Ano na namang pakana mo ngayon, ha?
Nababaliw na si Sim sa group chat namin.
Bukambibig si Lewis. 🤣
Israel
Shit, in-add friend na ni Altoveros si Sim sa Facebook?
Eugenie
Looks like it. 😆
Israel
Hahaha, yes!
Utos ko 'yon. 😂
Eugenie
Ah, kaya naman pala sabi ni Sim, may pagkabugaw ka rin. Mukhang mapapalitan na ang "Bugaw of the Year" awardee namin, ah. Si Sim kasi ang may hawak ng korona ngayon. 😝
Israel
Pwede na ba akong matchmaker? 🤨
Eugenie
Pwedeng-pwede na. Gawin mong sideline bukod sa pagiging architect mo. 🤣
Bakit nga pala sa lahat ng pwede mong ibugaw sa isa't isa, sina Sim at Lewis pa?
Israel
I know Altoveros' type. He wants someone who's fun to be with, and Sim fits the bill perfectly. 😁 Anong reaksyon ng pinsan mo? Tuwang-tuwa ba?
Eugenie
I told you, she's gone crazy. Ready na raw siyang maging maybahay ni Lewis. 🤣
Israel
HAHAHA
Kaaliw talaga 'yang si Sim. 😆
Teka, mukhang kailangan kong i-congratulate si Altoveros. Ang lakas na agad ng tama ni Sim sa kanya.
Eugenie
Wait, 'wag muna! 🤭
Hayaan mo silang dalawa. Don't give Lewis hints na nababaliw na agad si Sim sa kanya. Baka naman hindi na mag-effort ang kaibigan mo para sa pinsan ko.
Israel
Sabagay, haha! Pwede pala kitang gawing sidekick sa binabalak kong matchmaking business, baby. I like your way of thinking. 😝
Eugenie
Sure, game ako riyan. Gawin nating training ground itong sina Sim at Lewis. 😂
Eugenie is typing...
Grabe, ang rupok talaga ng pinsan kong 'yon.
Nabaliw agad nang makatanggap ng friend request galing sa isang gwapo. Kaya ilang beses na rin 'yong napaikot, e. 🤦🏻♀️
Israel
Don't worry, okay 'yong si Lewis. Hindi naman ako magbubuyo kay Sim ng lalaking paglalaruan lang siya. 😉
Eugenie
Imagine if they do end up with each other! 🥰
Israel
E 'di success ang first-ever matchmaking project natin. 😁 Kaso baby, baka naman maunahan pa ako ni Altoveros na magka-girlfriend ha? 😩
Eugenie
Haha, sira! Nagmamadali ka ba?
E 'di hanap ka na lang ng ibang babae na kaya mong pasagutin in three days. 😏
Israel
Ayoko. Ikaw lang ang gusto ko.
Okay lang kahit umabot pa ng three years ang panliligaw ko.
Eugenie
Talaga lang, ha? Kaya mong maghintay ng three years? 😛
Israel
Oo naman, basta ikaw ang hihintayin ko.
Pero baka pwedeng humingi ng discount?
'Wag mo namang paabutin talaga ng ganyan katagal ang ligawan natin. 😭
Eugenie
Hahaha! Pag-iisipan ko. 😛
By the way, malapit na ang finals.
Have you started with your review?
Israel
Hindi pa nga, e. Hinihintay ko pa ang study buddy ko. 🙈
Eugenie
Sus, ginawa mo pa akong excuse sa procrastination mo. 😝
Start na tayong mag-aral, Mr. de la Torre.
Huling hirit na 'to para sa first sem.
Israel
Yes, ma'am. 😁
Hey, I want to thank you.
For always keeping me on track.
I really appreciate it, Genie.
Eugenie
Don't mention it. ☺️
I want us to be positive influences to each other, Israel. Hindi 'yong magiging distraction tayo sa isa't isa.
Israel
Kaya mahal kita, e.
Ang laki ng itinino ko dahil sa'yo.
Eugenie
So aminado kang hindi ka matino dati? 😝
Israel
Oo naman.
'Wag na tayong maglokohan dito. 🤣
Eugenie
Haha! Bwisit ka talaga. 😂
I like that you're self-aware, though.
Israel
Siyempre naman. Sarili ko na nga lang, lolokohin ko pa? 😆
I have always been this way, Genie.
Kung ano ang totoong nasa isip ko, sinasabi ko. At kung ano ang nararamdaman ko, ipinapakita ko. I have no pretentions. You can say that it's one of the reasons why I can be trusted.
Eugenie
I know. You are actually one of the very few people that I trust completely.
Israel
Really?
Eugenie
Really. So don't break that trust, Mr. de la Torre. 🙃
Israel
Don't worry, Ms. van Acker.
I won't. 😉
Seen 9:28 AM
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro