Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WST 065

Messenger
October 10

GC ng Fans ni Israel 💪🏻

Lewis
Pinalitan mo na naman ang pangalan ng GC natin, Israel? 😂

Israel
Hahaha! Hayaan mo na!
Bukas, gawin ko namang "GC ng Fans ni Lewis". Baka naiinggit ka, e. 😏

Mikael
Ano ba 'yan, pucha. Ang aga-aga, ang ingay na nina Altoveros at de la Torre.

Israel
Init ng ulo mo, Ordoñez.
May regla ka ba?

Zyrex
Mainit ang ulo niyan kasi walang babae.
Hindi tulad mo, Israel. Ang saya mo lagi, para kang lumalakad sa alapaap. 😂

Israel
Naman! In love, e. 😉

Aaron
Si de la Torre, in love? Hahahahahaha
Tangina, marunong ka palang magmahal pre?

Israel
Gago. Dami mong tawa, ah.
Akala mo sa akin, pusong bato?

Aaron
Hindi naman. Pero akala ko, wala sa sistema mo ang pagseseryoso.

Zyrex
In love nga 'yang si Israel, bro.
Naalala mo 'yong babaeng sinama niya sa gig nina Altoveros? 'Yon ang kinababaliwan niya ngayon.

Aaron
Ah, 'yong ayaw tayong palapitin ni de la Torre sa kanila para masolo niya? Okay hahaha

Israel
Ganda ng baby ko, 'no?
Mukhang anghel. 🥰

Aaron
Oo, halatang mabait. Buti naman at nagkagusto rin sa demonyong tulad mo? 🤣

Israel
Gago haha
Hoy Felipe, nga pala.
Siraulo ang pinsan mo rito sa Eisner!

Aaron
Sinong pinsan?
Ilan 'yan silang mga pinsan ko sa Eisner.

Israel
Si Brent! Namumuro na sa akin 'yon.
Malapit ko nang upakan.

Aaron
Bakit, anong ginawa?

Israel
May balak pa yatang landiin si Genie.
Sarap bangasan ng hayop.

Zyrex
Kumalma ka, Israel.
Tindi ng gigil mo, ah.
Ikaw pa ba, maaagawan?

Israel
Nakakapikon kasi, Serafin.

Aaron
Wait, sinong Genie?

Lewis
'Yong baby nga ni Israel, bro.
Genie ang pangalan. 😛

Aaron
Ah, okay.
Sensya na, antok pa.

Zyrex
Teka, naalala ko lang. 'Di ba, magpinsan sina Genie at ang girlfriend ni Brent? Si Rhien?

Israel
Oo, pero break na raw sina Brent at Rhien.
Kaya nga nabibwisit ako sa pinsan mo, Aaron.
Mukhang gustong isunod si Genie.

Mikael
Shit. Si Rhien Koh ba ang pinag-uusapan niyo?

Zyrex
Oo, bakit?

Mikael
Single na?

Israel
Oo nga! Kulit mo bro.
Alam mo namang pinsan ni Aaron ang nakabingwit do'n, 'di ba?

Mikael
Nakalimutan ko!
Pero wala na sila ngayon?
Pucha hahahaha
Pwede ko nang pormahan si Rhien! 💪🏻

Lewis
Hahaha! Ayan tayo e, basta babae.
Palakad ka sa girlfriend ni Israel, Mik.
Tutal, magpinsan sila ng crush mo.

Israel
Hindi pa naman talaga kami ni Genie.
Pero malapit na, sigurado ako. 😎

Zyrex
Nyeta, taas talaga ng kumpiyansa! 😆

Israel
Siyempre naman.
Nanibago pa kayo sa akin.
Confidence ang perfume ko. 🤣

Aaron
Hayaan mo na si Brent, dude.
'Wag mo nang patulan.

Israel
Oo nga. Nakakapagpigil pa naman ako. Pero isa na lang talaga, bibingo na 'yon sa akin.

Lewis
Bakit ba kasi hindi pa kayo ni Genie?
Gawin niyo nang official.
Para umurong na ang ibang nagbabalak umaligid.

Israel
Ayokong madaliin si Genie, bro. Hindi naman siya tulad ng iba na laro-laro lang. Hindi pwedeng idaan sa santong paspasan.

Zyrex
Tinamaan na nga talaga si de la Torre!
Ngayon ka lang namin naringgan ng ganyan, bro. Congrats, hindi ka na certified kupal.

Aaron
Hahahahaha
Si Mikael na lang ang natirang kupal dito. 🤣

Mikael
Tangina niyo hahahaha

Israel
Hoy, Ordoñez! Kung may balak kang pormahan si Rhien, magpakatino ka muna. Sasapakin kita kapag pinaikot mo lang 'yon. Kaibigan ko rin 'yon at best friend ni Genie. 'Wag mong ilinya sa mga kalandian mo lang.

Mikael
Yes, Bishop de la Torre. 🤪

Aaron
Haha! Baka batuhin ka ng bishop ni Israel kapag nilandi mo lang si Rhien, bro.

Mikael
Taob ko pa ang chessboard niyan, e. 🤣

Israel
Siraulo haha!

Lewis
Nga pala, malapit na ang music fest na sinasabi ko sa inyo. Tutugtog ang banda namin. Sino ang siguradong pupunta? Para makuhanan ko na kayo ng tickets.

Israel
Basta kami ni Genie, sure.
Paborito ng baby ko ang mga nakakarindi niyong kanta. 😂

Lewis
Hahaha! Nakakaaliw nga si Genie.
Hindi halatang rocker. 😁
Abot ko na lang sa'yo ang tickets niyo, bro.
Ikaw na rin ang magsabi kay Genie kung kailan ang final date ng event.

Israel
Ikaw na! Masaya 'yon kapag chinachat mo.
Palibhasa, fan niyo talaga. Cute no'n kapag kinikilig dahil sa Repercussions. ☺️

Mikael
Hoy, de la Torre! Baka fan din si Rhien ng banda nina Altoveros? Para naman may pangporma rin ako. 😭

Israel
Bad news, Ordoñez. Si Genie lang ang fan ng rock music sa magpipinsan. 🤣

Lewis
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiirita na ginagamit niyo akong pang-impress sa mga babae niyo. 😆

Israel
Pagbigyan mo na kami, Altoveros.
Hayaan mo, may ilalakad ako sa'yo.
Type mo ang mga babaeng kalog, 'di ba? 😝

Lewis
Haha, gago. Hindi naman ako naghahanap ng girlfriend ngayon. Hindi ko lang din mapaglalaanan ng oras dahil busy sa pag-aaral at sa banda.

Israel
Ito namang si Good Boy, masyadong KJ!
Bilis na, kahit kaibiganin mo lang muna.
Malaki ang utang na loob ko ro'n. Numero unong tagabuyo ni Genie sa akin 'yon. 😁

Lewis
Haha, ewan ko sa'yo bro.
Bahala ka na nga.

Israel
Yown, haha!
Add mo muna sa Facebook.
Simone Reginio ang pangalan. 😉

Lewis
Noong nakaraan, si Genie ang pinapa-add mo. Nagpanggap ka pang threatened sa akin. Siraulo ka talaga, Israel.

Israel
Tiningnan ko lang din kung anong magiging reaksyon ng baby ko. Na-confirm ko naman na crush na rin niya ako, kaya wala nang talab ang charm ni Good Boy. 🤣

Aaron
Dami mo talagang alam, de la Torre. 😆
Sino naman 'yang nirereto mo kay Lewis?

Israel
Second cousin ni Genie. At best friend din. Sigurado akong sasaya ang mundo ni Altoveros kay Sim, haha! 😁

Seen by everyone

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro