WST 030
Messenger
June 07
SULLIVAN'S ANGELS 👼🏼
Simone
Enrolled na ba kayo, mga kababayan?
If yes, reply with "ANG GANDA NI SIM!"
Eugenie
ANG GANDA NI SIM! 🤣
Rhien
ANG GANDA NI SIM! 😘
Simone
Thank you, thank you! 💁🏻♀️
Hoy, Sulli, ikaw?
Kanina ka pa hindi lumalabas sa kwarto mo.
'Wag mong sabihing hindi ka pa rin enrolled?
Sullivan
ANG PANGIT NI SIM!
Simone
Gags, so hindi ka pa nga enrolled? 🤣
Sullivan
Hindi pa. Naabutan ako ng pagbabagal ng student portal.
Simone
Ayan kasi. Kinakatok kaya kita kanina para magising ka! Tulog-mantika ka ba naman. 🙄
Sullivan
Padala nga ng almusal dito, Sim.
'Di na ako makaalis sa harap ng laptop ko.
Simone
Pfft. Okay po, señorito.
Eugenie
Bait naman na kapatid ni Sim... 😛
Simone
Si Sulli lang naman ang evil twin dito. 🥴
Nga pala, Rhi. Chinat ako ni Brent kagabi.
Hindi ka raw nagrereply sa kanya.
Sumagot ka naman daw sa mga chat at text niya, PLEASE.
Rhien
Hayaan mo siya, Sim.
Eugenie
Nag-away na naman ba kayo ni Brent, Rhi?
Rhien
Unfortunately. Parang gusto ko na ngang makipag-break sa kanya, Genie.
Lagi na lang kaming nagtatalo.
Nakakapagod na.
Eugenie
Baka naman pwede niyo pang maayos.
Brent will be devastated if you break up with him, Rhi. Maybe you're just hitting a rough patch, kaya 'wag mo sana agad siyang sukuan.
Simone
Wow, iba rin mag-advise ang bb girl namin!
Parang nakailang boyprend na ah. 🤣
Eugenie
Kainis ka, Sim! 😝
Simone
Pero may point si Genie, Rhi.
Sayang naman ang two years niyo ni Brent.
Patay na patay pa naman 'yon sa'yo.
Rhien
That's exactly the problem.
He loves me so much that he's already becoming so controlling and possessive.
We actually fought this time because he learned that I was talking online to a guy friend from Singapore. Bawal na ba akong makipag-usap sa ibang lalaki? 😪
Simone
Yikes. Ayoko na pala munang magka-jowa.
Ang sakit sa ulo. Studies ko na lang muna ang poproblemahin ko, lalo na ngayong graduating na tayo. 😩
Eugenie
Tapos ako, ibinubugaw mo? 😏
Simone
Special case kayo ni Classmate. 😛
Sullivan
Fucking finally.
Enrolled na ako!
Simone
Congrats, kambal! 🙌🏻
Sullivan
Rhi, pakisabi kay Felipe, umayos siya kung ayaw niyang masapak ko siya. Ayokong nase-stress ang sinuman sa Sullivan's Angels.
Rhien
Aww, Sulli. 🥰
Sige, hindi muna ako makikipag-break kay Brent. Baka sakaling madala siya sa warning mo, at bawasan niya ang pagiging seloso.
Eugenie
We love you, Kuya Sulli! 😘
Simone
True! Kahit madalas, grumpy ka. 🤣
Sullivan
Seen by everyone
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro