SVT - TWELVE
Hindi ko alam kung paano makikitungo kay Jinyoung ngayong nagkita na ulit kami. Isang linggo na ang lumipas matapos niya akong iwan sa restaurant na pinagdalhan niya sa akin noon. Ni isang tawag ay wala siyang ginawa kaya masama ang loob ko sa kanya lalo na nang mabasa ko ang kumakalat na issue tungkol sa kanila ng ex-girlfriend niya.
Ako dapat ang galit ngayon eh. Pero bakit siya pa ang hindi umiimik? Siya dapat ang humihingi ng pasensya pero bakit parang ako pa ang may kasalanan?
Dumiretso kami sa gazebo matapos kong ibigay ang mga gamit ko sa isang katulong na sumalubong sa akin. Wala pang ibang tao sa bahay.
Tahimik kaming naupo sa magkahiwalay na settee. Hindi pa rin siya umiimik kaya parang mas lalong tumitindi ang namumuong tensyon sa pagitan namin.
“Jin—“
“I heard that you starred in a music video from other group.”
Natigilan ako at napatitig sa kanya. Mariing magkalapat ang mga labi niya. Halata rin sa kanyang mga mata ang galit.
Isang linggo na rin ang lumapas mula nang ilabas ng Seventeen ang music video na ginawa namin. Maganda ang naging review roon ng fans nila. May kaunting negative comments lang pero hindi naman harmful para sa akin.
“Yes.”
“Does your mother know about it?”
Tumango ako. Ipinaalam ko kina Kuya Shinwoo at mommy ang tungkol doon at hindi naman sila nagalit. Wala naman akong nilalabag na batas kaya ayos lang sa kanila iyon. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit big deal iyon kay Jinyoung ngayon.
“Ako na lang pala ang hindi nakakaalam.”
Biglang bumangon ang inis sa loob ko dahil sa sinabi niya. I tried to speak but I can’t seem to find the right words where I can express myself without raising my voice.
“Because you’re busy,” I answered instead, trying to calm myself down.
“Mei, may dahilan kung bakit hindi ka namin kinukuhang talent sa mga music videos namin. Alam mo kung gaano kagulo at kasalimuot ang show business. I just want to protect your privacy, Mei.”
Mataman ko siyang tinitigan. Alam ko namang iyon ang dahilan niya. I avoided social media, paparazzi and even going out with them just to protect my identity and privacy. Pero bakit hindi na iyon matanggap ng sarili kong isip ngayon?
“Mei—”
Narinig ko ang buntong hininga niya matapos kong iiwas ang kamay ko nang balak sana niya iyong hawakan. Pero nasasaktan ako. Ayoko ng ganito.
“Are you really trying to protect me, or you’re just trying to hide something?” I asked gloomily.
Ilang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos kakaisip sa kanya. Kung totoo ba ang balita tungkol sa kanilang dalawa. Kung bakit hindi siya tumatawag? Kung bakit hindi niya ako pinupuntahan?
“What do you mean?”
Bakit sila magkasama ni Ericka? Kaya ba niya ako iniwan noon sa restaurant, para puntahan siya? Mas importante ba siya kumpara sa akin na girlfriend niya?
“Did I do something wrong?”
Dapat alam mo ‘yon. Umiling ako.
“Kung gano’n, bakit ka umiiyak? May sinabi ba sa’yo si Baro? May ginawa ba siya?”
Ikaw lang naman ang may kakayahang maapektuhan ako ng ganito eh. Pinilit kong humarap sa kanya habang pinupunasan niya ang mga luha ko.
“I just missed you so much.”
“Silly.” Ngumiti siya at kinabig ako palapit sa kanya. “You shouldn’t cry just because you missed me.”
How can I say that I missed the old him? The old us? Kasi kahit na ang lapit niya sa akin ngayon, parang napakalayo pa rin niya. Hindi ako sigurado kung hindi ba talaga niya alam ang tungkol sa issue nilang dalawa o sadyang ayaw lang niyang mapag-usapan namin iyon.
“I missed you too, Mei.”
Naramdaman ko ang mahigpit na yakap niya. Wala namang nagbago roon. Comforting, assuring and nothing changes on his perfume. It’s still the same masculine yet gentle scent that tickles my nose. Gusto ko pa sanang manatili kami sa ganoong posisyon pero kumalas na siya.
Nakangiti niya akong tinitigan pero mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya matapos akong pagmasdan. Kunoot noo siyang nagsalita, “you’re wearing makeup?”
“Yeah. Sinubukan sa akin ni Jiwoo ang bago niyang makeup palette.”
“It’s pretty... but I like you better without it. Mas maganda pa rin ang natural na ikaw, Mei.”
Sumimangot ako. I love colors. I also love dressing up and wearing makeups. Why can’t he just accept that part of my personality?
“Galit ka ba, Mei?”
Malambing ang boses niya nang tanungin ako. Pero hindi iyon nakatulong para mawala ang inis ko.
“You easily get upset. Hindi ka naman ganyan. May dahilan ba kaya ka mabilis mainis ngayon? Something about your school... or Baro-ssi?”
“Bakit nasama si Baro sa usapan?”
“Perchance that he’s the reason you’re upset. Magkasama kayo kanina kaya hindi kita naabutan sa school. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit—“
“Hindi ko rin alam kung bakit siya biglang nagpakita sa akin. We just talked, nothing more, nothing less.”
“Calm down, Mei. I’m just saying that—“
“I’m doing something behind your back. Just because I went with Baro...”
“Mei.” Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. “Calm down please. Tapos na nating pag-usapan ‘to ‘di ba? Kaibigan ko si Baro at alam kong masaya na sila ni Kalilah. You are my girlfriend but sometimes whenever you’re with him, I can’t stop myself from thinking that if Baro didn’t give you up or if you didn’t choose me before, there’s a big chance that you’ll end up with him instead.”
Naiintindihan ko ang side na iyon ni Jinyoung. Kaya nga hindi ako pumapayag na mapag-isa kasama si Baro dahil ayokong mag-isip siya ng iba. Ayokong mag-alangan siya dahil importante sa akin ang nararamdaman niya. Kahit na wala naman na sa aming dalawa iyon ni Baro. We almost reached that level before. I almost fell for him. But no matter what happens, I’ll always end up falling for Jinyoung.
“Si Baro ba talaga ang inaalala mo, o may iba ka pang kinatatakot?”
“What do you mean?”
That made me rolled my eyes. Wala ba talaga siyang alam o nagpapanggap lang siyang walang alam?
“Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Isang linggo kang hindi man lang tumawag matapos mo akong iwan do’n.”
“Marami pa akong kinailangang gawin. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng oras.”
“Spare time na lang pala ako. Maaalala mo lang kapag tapos na ang lahat ng gagawin mo.”
“It’s not that Mei. Naiintindihan mo naman ang trabaho ko ‘di ba.”
“No matter how busy you were, you never forget to call me before.”
“Mei, please.”
“Tell me honestly, what kept you busy these days?”
Nag-iwas ng tingin si Jinyoung kaya mas lalo akong nainis sa kanya. May inililihim siya.
“I can’t tell you right now. “
There. Tha’s it. He’s hiding something from me.
“Let me rephrase my question.” Nag-angat siya ng tingin sa akin nang siguro ay mabakas ang galit sa boses ko. Dahil totoo, galit na ako na ngayon lang niya nakita, na ngayon ko lang naipakita.
“Are you seeing your ex-girlfriend again?”
“Mei, if this is about the—“
“Are you?”
Matagal na katahimikan ang dumaan sa pagitan naming dalawa. He promised not to keep anything from me. He promised to be loyal and to protect my heart from any pain. He promised...
Sandali siyang nagdalawang-isip. Tinitigan ako sa mga mata na pilit kong nilalabanan. Pero parang gumuho ang mundo ko nang marahan siyang tumango.
“Okay,” I simply answered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro