SVT - THIRTY TWO
°°3rd ppov~~
Marahang binunggo ni S. Coups si The8 sanhi para lingunin siya ng binata. Agad niyang iminuwestra ang dalagang tahimik na nakaupo sa tabi nito malapit sa bintana ng sasakyan. Nasa pinakahuling upuan sila ng service van. Ang ibang miyembro na nasa unahan ay natutulog lang habang ang iba ay tahimik habang abala sa kanya kanyang cellphone.
Umiling si The8 at tumango naman si S. Coups. Umayos na ulit ito ng upo at pumikit para umidlip. Aminado si The8 na masama ang loob niya nang makita sa first row si Mei na hawak ang merchandise ni Jun. Kung hindi lang niya iniisip ang performance nila kanina, baka bumaba na siya ng stage, nilapitan ito para agawin ang pamaypay at palitan ng banner na mukha niya ang nakalagay.
Sa simpleng pananalita, nagseselos siya pero mukhang hindi iyon naiintindihan ng dalaga.
“Mei...” tawag niya nang marinig ang impit na paghikbi nito.
Kanina sa parking lot ay hinintay niya muna itong makasakay sa dulo ng van bago siya sumunod, at huli si S. Coups. Kahit naman ilang ulit nang sumama ang loob niya rito ay hindi pa rin niya ito magagawang pabayaan na lang. Hindi na ito umimik pa, agad itong pumikit at hindi na siya kinausap kaya inakala niyang natutulog na ito.
“Mei,” mahinang tawag niya ulit nang mapansin ang paglandas ng luha sa pisngi nito. Hindi pa rin ito dumidilat, ni hindi rin tumutugon. Gumalaw lang ito para itakip sa nakapikit na mga mata ang isang kamay niya.
Bumuntong hininga ang binata at iniangat ang isang braso niya at pinasandal ang dalaga sa kanyang balikat. Hindi naman ito pumalag pero hindi pa rin ito dumidilat. Tahimik lang itong umiiyak.
Papalubog na ang araw nang dumating sila sa dorm. Kina The8 at S. Coups na ipinaubaya ng manager ang pag-aasikaso kay Mei na agad sinang-ayunan ng dalawa.
The8 has his own room on their dorm. Doon niya muna pinagpahinga ang dalaga habang nasa kusina siya para magtimpla ng gatas nito.
“What happened to her?”
Nagkibit-balikat lang siya sa tanong ni Jeonghan.
“Nag-aalala si Kalilah pero hindi niya ito mapuntahan dahil may commitment pa siya. Sinabi ko na lang na nag-uusap kayong dalawa.”
“Thank you.”
“Umiiyak pa rin ba siya hanggang ngayon?” singit ng kakarating lang na leader ng grupo nila. Kasunod nito si Wonwoo na tahimik na dumiretso sa ref para kumuha ng bottled water.
“May lakad ka Wonwoo-ssi?”
“Sa labas lang hyung,” sagot nito kay S. Coups. Wala na itong sinabi pa at nagpaalam na sa kanilang lahat.
“Where are the kids?” S. Coups remembered asking. Nakaramdam kasi siya ng gutom kaya napagpasyahan niyang magpa-deliver na lang.
“Nasa rooftop ang iba, nasa kuwarto naman ang iba pa.”
Nang matapos ang pagtitimpla ay nagpaalam na rin siya sa dalawang miyembro at nagtungo sa sariling kuwarto. Naabutan niyang naka-indian sa ibabaw ng kama niya ang dalaga. Hindi na ito umiiyak pero wala pa ring emosyon ang mukha.
“Inumin mo muna ‘to para kumalma ka.”
Hindi ito umimik. Kumilos lang ito para tumalungko at yakapin ang dalawang binti nito. Pagkatapos ay walang imik nitong isinubsob ang mukha sa pagitan ng mga tuhod.
The8 heaved a sigh with a heavy heart. Hinaplos niya mahabang buhok nito.
“It pains me to see you like this Mei. Awayin mo ako, kontrahin mo ang lahat ng opinyon ko. Speak your mind no matter how harsh it may be. But not like this, Mei. I can’t bear your silence.”
Yumugyog ang dalawang balikat ng dalaga. Umiiyak na naman ito. Kinabig ito ng binata at marahang niyakap. Nang kumalma ito ay pilit niyang binuwag ang mga braso nitong nakayakap sa sarili. Hindi na kumontra pa ang dalaga. Inangat niya ang mukha nito at matamang tinitigan sa mga mata.
--
Kung may magagawa lang si The8 para maibsan ang lungkot na nararamdaman ng dalaga, gagawin niya. Kung kaya lang niya kunin ang sakit na nararamdaman nito, aakuin na niya. Pero wala siyang magagawa kung hindi ang samahan ito, iparamdam na hindi ito nag-iisa, ipakita na naroon siya.
“You already faced your fear underwater. You can win your battle now, Mei,” The8 reminded.
Naalala ng binata na noong nasa bakasyon sila, mag-isang nagbabad sa tubig ang dalaga sa isiping makakalimutan nito ang lahat ng problema niya. Nang makita niya ito kanina ay naisip niya itong ayain sa pinakamalapit na resort sa dorm nila.
Nagkataon na walang masyadong tao roon kaya silang dalawa lang ang kasalukuyang nasa pool area. Marahan niya itong ginagabayan at hinihila sa malalim na parte ng swimming pool. Nang umabot na sa dibdib nito ang tubig ay doon na sila huminto.
“Now tell me what pains you.”
Nakita niya ang pagdadalawang isip sa mga mata nito. Magkahawak kamay sila at nakaharap sa isa’t isa. Hindi ito nagsalita. Lumubog ito sa ilalim ng tubig habang siya ay hinihintay itong umahon. Limang beses nitong inulit ang paglubog at paglitaw.
Ang huling paglubog nito ang pinakamatagal.
“The thought of being underwater always gives me anxiety,” she started. “I had a traumatic experience in the water as a child. It made me forget who I am, what I am.”
“It’s all in the past now, Mei.”
“Alam ko.” Muli itong tumahimik. “Kung minsan tinatanong ko sa sarili ko kung tama bang nakabalik ako sa buhay na ‘to. Kung deserving ba ako sa buhay na mayroon ako ngayon.”
“You belong to your family.”
“I appreciate them, of course. I love them all. Pero isang araw, nagising na lang ako at napaharap sa salamin. Isang pamilyar na mukha ang nakita ko, parehong mukha na nakikita ko tuwing umaga pero hindi ko na siya kilala.”
Naramdaman ng binata na humigpit ang pagkakahawak nito sa mga kamay niya. He urged her to go on.
“I already liked Jinyoung even before we met. Akala ko paghanga lang iyon pero habang tumatagal, mas nararamdaman kong lumalalim ang paghanga ko. Ericka,” she breathed.
“Ericka was his girlfriend. Tanggap ko na iyon, umiwas na ako sa kanya. Pero sinundan niya ako, sinabi niyang ako na ang mahal niya. Wala na sila nang maging kami ni Jinyoung. Hindi ako ang dahilan kung bakit sila naghiwalay.” Huminga ito ng malalim, nakatulala na naman. Nakatingin ito sa tubig pero wala naman roon ang diwa nito. “Yesha…”
Tumingala sa kanya ang dalaga para magtama ang tingin nila.
“She met an accident before and blamed Kalih for it. They were both trainees that time. Pagkatapos kong malaman ang totoong pagkatao ko, si Kalih na lang ang natira kong kaibigan ng mga panahong iyon. I don’t want to lose her too so I investigated on my own. Pati ang financial status nila sa company namin ay ni-review ko.”
“Pinayagan ka nilang gawin iyon?”
“Sinabi ko na gusto kong mag-aral ng Business Management kaya binigyan ako ng access ni mommy sa Accounting and Audit Department. Ginamit ko ang pangalan ni mommy para makita ang ginagawang anomaly ng pamilya nila sa kompanya. Ipinakita ko iyon kay mommy. The company file a case against her dad. Naalis din siya sa pagiging trainee…”
“After two years, they came back, debuted on a six-member girl group named Brix and harassed you this afternoon,” The8 finished the whole story.
“Kaya ko naman silang labanan.”
Nagdududang tingin ang isinagot niya sa dalaga.
“It’s true. Nabigla lang ako sa kanila kaya hindi ako nakalaban.”
“Kung kaya mo talaga, hindi ka iiyak ng ganoon kanina. Hindi sana tayo narito ngayon.”
Covered ang pool area na napuntahan nila. Dahil doon ay natural na malaming ang tubig. Nagtataka ang binata dahil mukhang hindi iyon iniinda ng kaharap niya habang siya ay nararamdaman na ang panunuot ng lamig sa kanyang kalamnan.
“Naiinis lang ako dahil hindi ako nakasagot. Naiinis ako dahil hindi ako nakalaban at naiinis ako dahil nakita nila ang kahinaan ko.”
“Hindi naman sa lahat ng oras kailangan mong ipakita na matapang ka.”
“Pero hindi sa kanila. I can clearly imagine them laughing at me now. Hindi ko iyon matanggap..”
Tinitigan niya ang dalaga. May hindi pa ito sinasabi. Masyadong mababaw kung ang dahilan lang nito ay ang pagkatalo niya sa dalawa.
“Mei.” Sinalo niya ng hintuturo ang baba ng dalaga at bahagyang iniangat ang mukha nito. “I have no rights to pry on your personal life but…” he hesitated, gathered all the courage he could while preparing himself for the possible heartache, “do you still love Jung Jinyoung?”
Nag-iwas ng tingin sa kanya ang dalaga. Naramdaman niya ang paghigpit ng kapit nito sa kamay niya.
“I wanted to forget everything about him. Pero paano?” she asked in a determined voice.
Binalewala ni The8 ang animo malilit na aspileng tumutusok sa puso niya. Hindi diretsong sumagot ang dalaga, pero sapat na iyon para maintindihan niya.
“Will you let help you?”
Nawala ang malamig na tubig na bumabalot sa katawan ni The8. Hindi na rin niya naririnig ang patak ng ulan sa bubungan na kanina lang ay malinaw pa sa pandinig niya. Nalusaw ang lahat ng nakapaligid sa kanilang dalawa. Wala na siyang ibang nakikita maliban sa babaeng kaharap niya.
“How?” Mei Yuk finally asked.
Hindi sumagot ang binata. Isang hakbang ang ginawa niya para maglapit ang mga katawan nila. Tumingala sa kanya ang dalaga, bahagyang nakabuka ang bibig nito habang nakatitig sa mga labi niya. A little smile crept on his lips, he can feel his own anticipation and the tension between them.
Walang babala, dumukwang siya para halikan ang balikat nito. Ang parehong balikat kung saan naroon ang paso nito. He wasn’t an innocent lad after all. He knows what sexy means, and the moment Mei came out on the shower room wearing her conservative cut one-piece swimwear, he can’t take his eyes off her.
Binitawan niya ang kamay ng dalaga at ipinulupot ang malalakas niyang mga braso sa makitid na bewang nito. Naramdaman niya ang paninigas ng katawan ng dalaga kaya muli niya itong hinarap. Gadangkal na lang ang layo ng mukha nya rito.
“Do you trust me?” he asked, feeling their lips almost touching while he speaks. Nang tumango ang dalaga ay marahan na niya itong hinila pababa, pailalaim sa malamig na tubig ng pool area.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro