Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SVT - SIXTEEN

AN/ Mansae Music video on the media up top for you all
**

Kung alam ko lang na pipilitin akong umalis nina Jiwoo at Remarie, sana pala sumama na ako kay Kuya Shinwoo sa out of town show niya pag-alis niya kagabi. I don’t know how or when their friendship formed behind my back, but seeing them laughing together, talking animatedly at each other, it is as if they’ve known each other long enough.

“Stop sulking, Mei. I can’t concentrate on driving because of your long face.”

Mas lalo akong sumimangot. Nasa steering wheel si Rem, katabi niya sa front seat si Jiwoo habang ako ay nasa backseat katabi ang mga bags nila. Nag-aagahan lang ako kanina at planong magkulong sa kuwarto ko buong araw nang biglang dumating ang dalawa para ayain ako sa lakad nila.

Natatandaan ko kahapong tumanggi akong sumama pero hindi sila nakikinig. Pilit nila akong tinatanong kung bakit ayoko, o kung may iniiwasan ba ako. Pero wala naman, at bakit ako iiwas? I just don’t want them teasing me or pairing me up to The8.

“Malapit na tayo,” Jiwoo announced after checking the car navigation device. “Excited na ‘kong makita ulit si Wonwoo.”

“Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan kong sumama,” nagmamaktol na pasaring ko sa kanila.

“Kailangan ko ng assistant director.”

“Eh si Jiwoo?”

“Kailangan ko ng additional talent. School setup ang gagawin namin sa MV kaya kailangan ko ng girls.”

Pumasok kami sa gate ng isang Junior High School Academy. At dahil Sabado, natural na walang pasok ang mga estudyante. Masayang bumaba ng sasakyan si Jiwoo matapos i-park ni Rem ang sasakyan sa tapat ng covered court ng school.

“Ngayon ka lang ba nakarating dito?” tanong ko kay Rem matapos kong ilibot ang tingin sa buong paligid. Napakatahimik ng lugar.

“Oo pero na-check na ito ng isang tao sa production team. Na-orient na rin namin ang grupo pati ang ibang talents.”

Dumiretso kami sa likod ng school building nang dumating ang isang staff ng production team ni Remarie. Huli ko na nalaman na may branch pala dito ang company na kinabibilangan ni Rem kaya naging madali lang sa kanya ang pagkilos dito at magmando sa mga tao. She’s one of the company’s assets kaya mabilis lang para sa kanya ang mag-demand ng mga kailangan niya.

“Napansin ko, ang hilig nila sa school setup.”

“Dahil iyon ang theme ng album nila... Teen, Age. It’s about teenager—“

“I know,” I interrupted and walk out on her. Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Jiwoo at mas binilisan ko pa ang lakad. Naiinis pa rin talaga ako sa kanilang dalawa.

Kahapon, kahit anong gawin ko ay ayaw talaga nilang ipakita sa akin ang phone ni Remarie na ipinakita niya kay Jiwoo. Hindi ko malaman kung ano ang naroon pero simula noon ay hindi na niya ako tinantanan ng kakatanong tungkol kay The8.

Nagkakagulo na sa classroom pagbukas ko ng pinto. Parang gusto ko tuloy tumakbo palayo nang matuon sa akin ang tingin ng lahat. Naroon ang kumpletong miyembro ng Seventeen, kasama ang mga makeup artists nila at apat na babaeng estudyante na nakasuot na rin ng school uniform.

“Let’s start,” anunsyo ni Remarie nang makitang naroon na rin ako. Nauna siya sa amin ng kaunti at mukhang nakapagbigay na rin siya agad ng instruction.

“Siya ba ang sinasabi mong idadagdag natin sa girl students, Ms. Rem?” tanong ng isang lalaki na may hawak na camera.

“No.” Lumampas ang tingin niya sa akin. “The other one behind. Si Ms. Mei ang assistant director dahil marami na siyang experience sa music video making.”

Tahimik akong naglakad patungo kay Rem habang si Jiwoo naman ay kinuha na ng dalawang staffs para bihisan at ayusan. Hindi ko pinapahalata na naiilang ako dahil nakatuon sa akin ang tingin ng lahat. I avoided eye contact with them especially The8’s since I can clearly feel his presence.

“Ready na ba ang lahat para sa first scene?”

Naging alerto ang lahat. Umayos na ang mga talents gaya ng instruction at naka-focus ang camera kay Wonwoo dahil siya ang unang scene. Mukhang sanay siya sa camera dahil nakuha niya agad ang gusto naming emotion. Nakatutok ako sa facial expressions nila at kinukuha muna ni Remarie ang approval ko bago siya magsabi ng “Good Take” sa mga eksenang kinukunan.

Lahat ay seryoso na at naka-focus sa ginagawa kahit na lihim akong natatawa dahil ilang beses na kinuha ang atensyon ni Jiwoo. Nakasimangot kasi siya habang pinapanuod si Wonwoo na kinakabahang ibinibigay ang snacks sa main actress na napili ng production team.

Sa kanya pa napunta ang pinakamabigat na eksena kung saan sasampalin niya ang isang member ng grupo. Sana lang hindi niya malaman na ako ang nag-aasign niyon para sa kanya. Iniisip ko pa lang ang mangyayari mamaya ay natatawa na ako.

Past lunch na nang matapos ang indoor scenes namin. Huminto muna kami para sa lunch break na provided ng company nila. Dahil kinausap ko pa muna si Kuya Shinwoo nang tawagan ako, nahuli tuloy ako sa pila at pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay wala na akong makitang bakanteng lamesa.

“Chin, sa table ka na lang namin,” aya sa akin ni S. Coups na kasunod ko lang din sa pagkuha ng pagkain. Marahan niya akong hinawakan sa braso at iginiya palapit  sa mesa nila.

Ipinag-usod pa ako ng upuan ni Joshua at nakangiti siyang humarap sa akin. Pag-upo ay agad na hinanap ng mata ko si Jiwoo pero kasama niya ang mga talent pang babae sa isang mesa. Si Rem naman ay ang mga staffs niya.

“Hindi tayo nakapag-usap noong huli na nag-taping tayo para sa commercial,” panimula ni S. Coups.

Nahati sa dalawang lamesa ang buong miyembro at kasama ko naman sa mesa sina Joshua, S. Coups, Woozi, Jeonghan, Wonwoo at The8.

“I still looked familiar to you and you haven’t figured out why, right?” tanong ko kay Jeonghan nang mapansin kong nakatuon na naman siya sa akin ngayon. Iba na ang kulay ng buhok niya kumpara noong isang linggo na ginawa namin ang commercial nila.

Umiling siya at ngumiti. “Nagulat lang ako na film director ka pala. Narinig ko lang naman na usapan ng ibang staff. Parang ang bata mo pa raw kasi para maging professional. Isa pa, noong una kang dinala ni Coups sa dorm, akala ko student ka pa lang.”

“Isa pa, bakit Ms. Mei ang tawag nila sa’yo? It doesn’t make sense because you introduced yourself as Chinee. Chinee Andromeda,” Joshua asked in a knotted forehead.

“It’s a long story—“

“I’m willing to listen.”

Napatingin ako kay The8 nang magsalita siya pero agad din akong nag-iwas nang mapansin kong nahinto rin ang mga kasama namin sa mesa.

“I mean, I’m also Chinee but my real name is Shin Mei Yuk.”

“Are you Chinese?”

Umiling ako kay The8. “I’m not. But somewhere along our bloodline, alam ko mayroon nga.”

“Ikaw rin daw ang gumawa ng storyline ng MV? Why did you choose Wonwoo and S.Coups to vie on one girl’s heart?”

“Ako lang ang gumawa ng storyline pero ang pumili ng actors para sa bawat scene ay si Rem na.” Napakunot noo ako sa kanilang lahat. “Wait, why does this feel like an interrogation?”

“Curious lang kami. Why Wonwoo?”

“I personally chose S. Coups since he’s the leader. But Wonwoo, he’s Remaries’s choice.”

“Interesado ba siya kay Wonwoo?”

“No. Remarie’s interested with my brother.”

Tumingin sila sa akin nang may pagtataka. Nginitian ko lang sila.

“I know someone who’s interested in you too.”

Nawala ang ngiti ko habang sila naman ay nagpalitan ng kakaibang tingin na may nakakalokong ngiti.

I hate it. I hate the feeling as if they know something that I don’t, which in fact has something to do with me.

Kaya matapos ang lunch time, naghintay lang ako ng tamang pagkakataon at nang makitang mag-isa lang si The8 ay agad ko siyang hinila patungo sa isang nakabukas na classroom.

“What’s wrong?”  nagtatakang tanong niya sa akin.

“Alam ba nila?”

“Huh?”

“Alam ba nilang nagpunta ka sa bahay? Alam ba nilang pinuntahan mo ako?”

“Hindi ko sinabi kasi napagalitan ako dahil hindi ako nakahabol sa dance practice.”

Natigilan ako sa naging sagot niya. Nag-iwas din kasi siya ng tingin sa akin habang nasa batok ang isang kamay. Mas matangkad siya sa akin pero dahil sa hitsura niya ngayon ay parang nanlilit siya sa sobrang hiya.

Nakasuot pa rin siya ng school uniform na may name tag sa kanang dibdib ng coat niya. Ikinulot nila ang buhok niya na bumagay sa kanya dahil naging napakainosente ng kanyang mukha.

“Next time, ‘wag ka nang pupunta sa kung saan kapag may kailangan ka pang gawin,” sabi ko katagalan at tumalikod na.

“Paano kung sabihin ko sa’yong gagawin ko ulit iyon kapag kinailangan kitang puntahan?”

Muli ko siyang hinarap at nakita ko ang pamilyar na klase ng tingin niya sa akin. Pamilyar dahil ganoon din ako noon. Noong kinukumbinsi ko si Jinyoung na hindi pa huli ang magmahal ulit matapos siyang saktan ni Ericka. Noong panahong gusto kong patunayan na mas karapat-dapat ako para sa kanya.

Tipid kong nginitian si The8 bago ako marahang umiling.

“Don’t go there Xu Minghao,” I warned in a determined voice.

“Why are you stopping me? Hindi pa nga ako nakakaisang hakbang.”

“I’m not worth your time.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro