Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SVT - SIX

Hindi pa lumulubog ang araw nang magpaalam ako sa kanilang uuwi na. S. Coups and Jeonghan insisted on taking me home but I refused because I planned to visit my older brother.

Isa pa, nakakailang rin si Jeonghan kasama dahil ipinagdidiinan niyang pamilyar talaga ako sa kanya. Na sa pagkakatanda ko ay ni minsan hindi pa kami nagkita, maliban ngayon. Tumanaw ako sa labas ng bus nang mapansin na pamilyar na ang lugar na dinaraanan namin. Pagdating sa bus stop, agad akong bumaba at naglakad papunta sa Shin Entertainment Building.

"Good afternoon, maam."

Nginitian ko ang guard na nagbukas ng glass door para sa akin at dumiretso na ako sa third floor ng building kung saan naroon ang kanya-kanyang studio ng B1A4 pati na ang conference at practice room nila. Pagbukas ng elevator ay nasalubong ko si Kuya Shinwoo na hawak ang keychain niya.

"Dongsaeng?"

"May pupuntahan ka kuya?"

"I planned to pick you up at school." He tilted his head and his forehead turned into a knot. "I thought your class will end in about two hours?"

Agad akong tumingin sa suot kong wristwatch. Six in the evening pa talaga dapat ang huling klase ko at nasabi ko iyon kanina nang tawagan niya ako. Mabuti na lang at nagpunta agad ako rito, dahil siguradong pagagalitan niya ako kapag nalaman niyang hindi ako pumasok.

"May emergency ang prof namin kaya maaga kaming pinauwi pagkatapos kaming bigyan ng research assignment," pagsisinungaling ko. Nginitian ko siya at lumapit na sa kanya para yumakap. Naramdaman ko naman ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. Pagkatapos niyon ay sabay na kaming naglakad papunta sa studio niya.

"Andito rin ba si Sandeul?"

"Yeah, and Gongchan too."

Matagal ko rin silang hindi nakita kaya talagang missed ko na ang grupo nila. "How about Baro?" naalala kong itanong.

"Umalis siya kasama si Yoonji," sagot ni kuya na ang tinutukoy ay ang nakababatang kapatid ni Baro na mas bata sa akin ng isang taon.

Pagtapat namin sa pinto ng studio ni kuya ay huminto siya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Tiningnan niya ang mukha ko na parang may hinahanap doon.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

Hindi siya nagsalita at idinampi naman ang likod ng palad niya sa noo ko.

"Wala ka namang sakit."

"Wala nga."

"Pero bakit hindi si Jinyoung ang una mong hinanap? Okay lang ba kayong dalawa?"

Bigla akong natigilan pero pinagsumikapan kong huwag mag-iwas ng tingin. I can't let him see me having problems with Jinyoung. Sa loob ng dalawang taon, kapag nagkakatampuhan kaming dalawa ay iniiwasan naming malaman iyon ng iba, lalo na ng kagrupo niya, lalo na ni kuya.

"Nagkausap na kami kanina. Tumawag siya at sinabing may pupuntahan lang siya."

Mukhang kuntento naman na si Kuya Shinwoo sa sagot ko dahil binitawan na niya ang balikat ko at sunud-sunod na tumango.

"Hindi pa ba kayo nagkikita ulit?"

"We're both busy so we still need to find time for us to meet," I answered. And I lied for the nth time today.

"That's new..."

Binuksan niya ang pinto ng studio at pinauna akong pumasok bago siya sumunod. Naupo ako sa sofa roon at hinintay siyang tumabi sa akin.

"What do you mean?" I asked him.

"Nakakapagtaka lang. Dati kapag, pupunta ka rito sa studio, siya agad ang una mong hinahanap o tinatanong. At kapag naman umuwi na kami pagkatapos ng shows, out of town or abroad, nagkikita agad kayo. Mas una mo pa nga siyang hinahanap kesa sa'kin na kuya mo e."

"That's not true!" nakasimangot kong tanggi sa kanya. "You know how much I care for you right?"

"I know."

Mahina siyang tumawa at bahagyang ginulo ang buhok ko. Naiinis na hinuli ko ang kamay niya pero natigilan ako nang bigla siyang tumahimik at tulalang nakatingin sa akin.

"May problema ka ba?"

Pilit na ngumiti si kuya, pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. Kapag masaya talaga siya, madali mo iyong makikita dahil ang mga mata niya ay parang nakangiti rin. Pero iba ngayon, may kakaibang ekspresyon sa mga mata niya.

"I'll just check those two from the other room. Will you be okay in here?"

"Papuntahin mo na lang sila rito, kuya."

Lumabas na si Kuya Shinwoo para puntahan ang dalawa niyang kagrupo sa B1A4 na sina Gongchan at Sandeul. Dahil wala naman akong magawa ay naisipan kong silipin ang personal computer ni kuya.

Nahahati sa dalawang parte ang studio ni Kuya Shinwoo. Ang isa ay para sa receiving area kung saan may maliit na divider na pinaglalagyan ng mga libro, CD collections at trophies. Sa kabilang parte naman ang mini recording studio kung saan nila ginagawa ang mga kanta ng grupo nila.

Pinagmamasdan ko ang mga picture frames na nasa ibabaw ng table ni kuya. May family picture naming apat kung saan pareho kaming nakaupo ni mommy, nasa likod niya si kuya at nasa likod ko si daddy. Parehong nakapatong ang dalawang kamay nila sa mga balikat namin. Ang isang picture frame ay sa aming dalawang magkapatid naman. Ang pangatlo ay ang group picture ng B1A4 noong nanalo sila ng award sa kanta nilang Tried To Walk. Hawak ni Gongchan ang trophy at nakangiti naman silang lima habang magkakaakbay.

I am about to turn my back but a certain folder caught my attention. May label iyon ng B1A4 Schedule and Commitments. Ipinagtaka ko iyon dahil ang kadalasang may hawak ng schedule ay ang manager nila. Pero dahil fan ako ng grupo ni kuya, hindi ko natiis na silipin iyon.

Unang lumabas ang pangalan ni Kuya Shinwoo. Nakalagay roon ang lahat ng shecule niya for the next six months. Ganoon din sa mga sumunod na pahina kung saan nakalagay ang pangalan nina Gongchan at Sandeul.

Pero bakit wala ang pangalan nina Jinyoung at Baro?

My attention was still on the folder when the door flew open. Pareho kaming natigilan pero hindi ko na nagawang bitawan ang folder na hawak ko. Puno ng katanungan ang isip ko habang nakatingin sa kanilang tatlo.

"Mei..."

Nakita ko ang pag-aalangan ni kuya habang naglalakad siya palapit sa akin. Nang makalapit ay marahan niyang binawi ang folder at itinago iyon sa drawer niya.

"What's happening?" I asked in full confusion. Nakita ko ang schedule nila pero wala silang activity bilang isang buong grupo.

"Hindi mo pa dapat makita ang bagay na iyon, Mei."

"What's happening with your group kuya? Wala akong nakitang activity ninyo bilang isang grupo."

"Kaya tinatanong kita kung nagkausap na kayo ni Jinyoung o kaya ni Baro. He is your boyfriend and Baro is your close friend."

"Pero kayo ang kagrupo nilang dalawa kaya bago ako, kayo muna ang dapat na makaalam."

Dumako ang tingin ko sa dalawang bagong dating pero hindi rin sila makatingin sa akin ng diretso. Alam kong malapit nang matapos ang seven-year-contract nilang lima sa WM Entertainment. But their group promised to their fans that they'll prove everyone that the 7-year jinx isn't true. Pero bakit pakiramdam ko magdi-disband na sila?

"Wala pang pinal na desisyon sina Baro at Jinyoung kaya naghihintay pa rin kami."

"We still wanted to continue as a group, Mei but we can't force them to stay if they really wanted to leave," paliwanag ni Gongchan sa mahinahong tinig.

"Pero paano kami?" I asked them meaning to tell that I'm also a part of their fandom, their precious BANA who had been with them since their debut. Pitong taon na kaming magkakasama at masakit malaman na mapupunta na lang iyon sa wala.

I have to talk to Jinyoung. I have to know his reasons. He can't keep me in the dark. Naglakad na ako papunta sa pinto pero natigilan nang maramdaman ko ang paghawak ni Sandeul sa isang kamay ko. Nilingon ko siya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Malungkot rin ako. Pero mas masakit ang nararamdaman ko. Hindi lang ako fan ng B1A4. I am their leader's girlfriend for crying out loud. And we promised not to keep any secrets but why didn't I know about this?

"I need to talk to Jinyoung," I informed loudly.

"You need to cool down first, Mei."

"I can handle this," I smiled to assure them that I'm fine before finally closing the door behind. Nagmamadali akong nagtungo sa elevator habang pilit na tinatawagan si Jinyoung.

I'm already on my fourth try when my call finally connected.

"Hello..." answered a familiar female voice.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro