Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SVT - SEVENTEEN


Nakatanaw sa labas ng sasakyan si Remarie sa buong biyahe namin papunta sa airport. Tapos na ang trabaho niya kaya pabalik na rin siya ng Thailand para ituloy ang naiwan na trabaho raw niya roon.

"We're here."

Naging alerto ako matapos ianunsyo ni Kuya Shinwoo ang pagdating namin sa destinasyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mahigpit ang pagkakahawak ni kuya sa steering wheel habang si Remarie naman ay parang walang narinig na hindi pa rin gumagalaw sa kinauupuan niya.

Tumikhim ako.

"Let's go, Chin."

Iyon lang ang sinabi ni Rem at mabilis nang bumaba ng sasakyan. Naiwan akong nakatitig kay kuya pero diretso pa rin ang tingin niya sa harapan na parang walang nakikita. Ako ang nagpumilit kay Rem na ihatid siya kasama ni kuya para sana bigyan sila ng chance na mag-usap pero... Bumuntong hininga na lang ako at bumaba na rin sa passenger's seat para sundan si Rem.

"Pa'no ba 'yan, mukhang matatagalan na naman bago tayo magkita ulit," panimula niya nang magkaharap na kaming dalawa.

"Hindi man lang ba kayo mag-uusap muna ni kuya?"

Malungkot na ngumiti si Rem. Pati ako ay nasasaktan din sa sitwasyon nila pero ayoko naman silang pangunahan sa mga desisyon nila. Noong isang gabi, matapos ang dalawang araw na taping ng music video ng Seventeen ay nag-celebrate kaming tatlo nina Rem at Jiwoo.

Dahil sa kalasingan ay napaamin ko si Rem sa kung anong namamagitan sa kanilang dalawa. She cried her heart out. We cried altogether for reason we just felt like crying.

Almost. That's how she described Shinwoo and her. He almost loved her. She almost stayed for him. He almost gave everything up for her. She almost sacrificed her dreams for him. They almost made it together, but they fell a little short. Almost is cruel.

"May mga bagay na kailangang hanapan ng tamang panahon bago pag-usapan. This wasn't the right time yet."

"Pero..."

"In our relationship, one has to let go, one has to sacrifice. I'm the one who let go and he's the one who sacrificed."

Hindi ako nakaimik. Bakit kailangan laging may nagsasakripisyo? Bakit kailangan laging may nasasaktan? Hindi ba puwedeng palaging masaya na lang?

"Baby ka pa nga talaga, iyakin ka pa rin."

Marahan niyang pinahid ang luha ko at kinabig ako para yakapin.

"Ikaw pa rin ang gusto ko para kay Kuya Shinwoo," bulong ko sa kanya. Isang pagak na tawa ang nakuha kong sagot mula kay Remarie.

"'Wag mong sabihin 'yan. Baka umasa na naman ako."

Humiwalay na siya pero nanatiling nasa magkabilang balikat ko ang dalawang kamay niya. Nakatingin lang kami sa mga mata ng isa't isa at walang nagsasalita. Bakas sa mukha ni Remarie ang pagod. Medyo nangingitim at malalaim rin ang ilalim ng mga mata niya. Kahit naka-makeup ay hindi naman niyon naitago ang pamumutla niya.

"Ikaw, pag-isipan mo rin ang mga sinabi ko sa'yo tungkol sa inyong dalawa ni Jinyoung."

Bumuntong hininga ako. "Hindi ko siya kayang hiwalayan, Rem. Mahal ko siya."

"Sigurado ka?"

Kumibot ang labi ko para sana magprotesta pero nahinto iyon dahil sa klase ng titig na ibinibigay niya sa akin. Parang may alam siya na hindi ko alam. Pero paano mangyayari iyon kung ang pinag-uusapan namin ay ang sarili kong nararamdaman?

"Hindi ko sinabing hiwalayan mo si Jinyoung. Pero pakinggan mo kung ano ang sinasabi ng puso mo. Kung minsan, ang puso natin, nakalimot na. Pero makulit ang isip natin Mei, pilit nitong ipinapaalala ang mga bagay na dapat kinakalimutan na."

Umiling ako. Hindi ko matanggap ang mga sinasabi niya.

"Don't be stubborn, Mei. Iba ang nakikita ko habang iniiyakan mo ang relasyon ninyo. Isipin mong mabuti kung ano ang pinanghihinayangan mong mawala sa iyo. Si Jinyoung ba o ang pinagsamahan ninyong dalawa?"

Naramdaman ko ang muling pagyakap ni Rem sa akin bago siya tuluyang bumitaw at yumuko para kunin ang duffel bag niya. Bitbit ang passport at ticket ay nakangiti na siyang kumaway sa akin habang naglalakad palayo.

Naiwan akong nakatulala roon at natauhan na lang nang maramdaman ang pag-akbay sa akin ng isang braso.

"Let's go, Mei?"

Tiningala ko si kuya na nakatanaw sa glass door ng Departure Area. Malungkot din siya pero nagagawa pa rin niyang ngumiti. Paano niya nagagawa ang gano'n? Paano niyang natitiis na mapalayo sa taong mahal niya? Kung mahal nga ni kuya si Remarie, bakit niya ito hinahayaang umalis?

"Aalis ka ba ulit?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya.

"Magsisimula na ang taping ng drama series namin kaya mapapadalas na wala ako sa bahay."

"Wala na talaga ang B1A4? Marami ang nag-aabang na fans ninyo sa kahihinatnan ng grupo."

Naging tahimik ang buong biyahe namin hanggang sa makarating kami sa Shin Entertainment Building. Pagpasok namin sa studio ni kuya ay doon lang siya muling nagsalita.

"Nakapag-renew na kami ng bagong contract sa WM Entertainment, Mei. Both Gongchan and Sandeul will remain in our agency..."

"Pero si Baro at..." bigla akong nakaramdam ng lungkot, "Jinyoung?"

Tumayo si kuya mula sa sofa at tumalungko sa harap ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na kanina pa nakakuyom. Tinitigan niya ako sa mga mata at tipid na ngumiti sa akin.

Kahit magkapatid kami ay hindi kami gaanong magkamukha. Nakuha niya ang buong facial features ni mommy, mula sa maningning na mga mata, sa tangos ng ilong pati na ang kurba ng labi. Habang ako naman ay pinaghalong features ng mga magulang namin, maliban na lang sa klase ng ngiti. I have the same smile like Shinwoo and mom.

"Baro pursued acting. While Jinyoung..."

"He has a bigger dream and he thought he can't get it in here," pagtatapos ko sa hindi niya magawang sabihin.

"Ayokong pumagitna sa inyong dalawa, Mei. Kagrupo ko siya at kapatid kita. Alam mong kahit anong mangyari, sa'yo ako laging papanig. Pero sana, kung anuman ang maging desisyon niya, hindi ito makaapekto sa inyong dalawa."

Marahan akong tumango. Sana gano'n lang kadali ang lahat. Pero iba na kasi ang nangyayari.

"Anyway, this is going to be Sandeul's first night as Radio DJ. Gusto ko sanang silipin siya pero kailangan ko nang bumalik sa shooting location. Gusto mo bang ikaw na lang ang sumama? Magdadala ang management ng congratulatory cake at food truck para sa mga fans at ilang staffs doon bilang suporta sa kanya."

Naging magaan na ang sumunod naming pag-uusap. Napagdesisyunan naming sasama ako sa crew na mag-aasikaso ng first night ni Sandeul sa FM Station bilang DJ.

Nakasindi na ang "On Air" signage sa taas ng pinto ng booth nang makarating kami sa radio station. Kasalukuyang nagsasalita si Sandeul habang nasa harap ng console, computer monitors at microphone. Nakasuot rin siya ng headphone para ma-monitor niya ang registration ng boses niya sa live streaming.

Kumaway ako mula sa glass window at naupo sa nakahilerang waiting chairs sa labas ng booth. Naisip kong pakinggan na lang siya mula sa radio ng phone ko. Sandeul's familiar voice is soothing while speaking. Natatawa rin siya habang binabasa ang mga messages sa website ng radio station na kadalasan ay miyembro ng fandom nila.

Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako habang nakaupo hanggang sa maramdaman ko ang bigat ng katawan na nakasandal sa katawan ko. Pagmulat ko ay ang nakangiting mukha ni Sandeul ang agad na bumungad sa akin.

"Tapos ka na?" tanong ko sa kanya habang nag-iinat ng katawan.

"Yup, just five minutes ago. Kumain ka na ba? May mini welcome party na ginawa para sa unang gabi ko bilang DJ, puwede raw akong magsama."

Tumayo siya at inabot ang iang kamay sa akin. Agad ko iyong tinanggap at ginamit ang puwersa ng paghila niya para makatayo an rin ako.

"Sandeul..."

"Hmmm."

"Masaya ka ba ngayon?"

Huminto sa paglalakad si Sandeul kaya napahinto na rin ako. Tiningala ko siya at napansin ko ang aliwalas ng mukha niya. Hindi kagaya noong huli kaming magkita.

"Alam mo na ang nangyari?"

Tumango ako.

"Nag-usap kaming lima bago gumawa ng pinal na desisyon. Si Channie, Shinwoo at ako, gusto pa naming magpatuloy bilang isang grupo. Pero may ibang plano sina Baro at Jinyoung."

"Bakit ang bilis ninyong pumayag sa gusto nila?"

"Wala na kaming magagawa dahil desidido na sila. Isa pa, wala namang magbabago eh. Magkaibigan pa rin kami." Ngumiti siya at pinisil ang baba ko. "Kayo pa rin naman ni Jinyoung 'di ba."

Biglang parang pinagsakluban ng langit at lupa ang kalooban ko. Madaling sabihin na magkaibigan pa rin kayo kahit hindi na kayo magkagrupo. Pero kami...

Yumuko ako dahil hindi ko kayang makita ang nagtatanong na klase ng tingin ni Sandeul sa akin. I hate to admit it, loath to even utter the word, but I have to.

"We already broke up."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro