SVT - SEVEN
Natigilan ako sa narinig ko, katahimikan rin naman ang sumunod mula sa kabilang linya. An inaudible murmur followed the deafening silence before I'm finally able to hear the voice of the man that always made my heart flutter.
"Mei..." he said.
Mei, not sweetie or sunshine or the other endearment he felt like calling me. Just Mei, like what the other people are usually calling me, Mei.
"Let's meet," I finally declared. Napalunok ako para pigilan ang pagpiyok ko.
I heard him sighed from the other line.
"You know I can't, Mei," he answered in a exasperated tone.
Parang nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Tumanggi agad siya nang hindi man lang tinatanong ang dahilan ko? Ni minsan ay hindi ko siya ginulo kapag alam kong may trabaho siya. Laging ako ang nag-aadjust para sa kanya.
Pinatatag ko ang boses ko bago nagsalita. "I'm not asking if we can meet, Jinyoung. I'm telling you that we need to meet. Now."
"Mei, please understand me now. May mga inaayos pa ako sa recording."
"Sino ang sumagot kanina ng tawag ko? Bakit iba ang may hawak ng phone mo?"
"Are we going to argue about it now, Mei?"
"Who answered my call a while ago, Jung Jinyoung?" I asked, almost screaming. Napalingon sa akin ang isang waitress na dumaan sa tapat ng table ko pero nang makita ang masamang tingin ko ay agad ding nag-iwas at tuluyang umalis.
"Ericka."
Kung kanina, parang nadurog lang ang puso ko dahil sa sinabi niya, ngayon parang napulbos na ito. Bakit sa dami ng babaeng puwede niyang makasama ngayon, si Ericka Lemoine pa talaga? Nag-uusap pa rin ba sila? Bakit sila magkasama ng ex-girlfriend niya? Kailan pa sila nagsimulang magkita ulit?
"I'll wait for you Jinyoung. If you really know me, you know where to find me." Pinatay ko na ang tawag dahil ayoko nang makarinig pa ng pagdadahilan niya. Dahil ganoon naman kami lagi. Kapag may sinabi ako na hindi puwede sa kanya, ipapaliwanag niya at sasang-ayon ako. Kapag sinabi niya, tatango lang ako.
It's better to agree than argue. Minsan na nga lang kaming magkasama, mag-aaway pa ba kami? Pero hindi ngayon. Bakit magkasama sila ng ex-girlfriend niya?
I'm always where you left me.
Hindi naman siguro ganoon kalayo ang recording 'di ba para hindi siya makarating agad. Halos isang oras na akong naghihintay at nakatanga lang. I'm already on my third cup of coffee because the first two I ordered earlier grew cold and untouched.
Napayuko ako nang lumabas na ang huling customer ng restaurant at ako na lang ang niwan.
"Ma'am..."
"I know!" I blurted out but regretted the moment I saw the uneasiness of the waitress. Tumayo na ako at nag-iwan ng ilang bills sa ibabaw ng mesa. Hindi ko dapat ibinubunton sa iba ang pagkainis ko pero paano ko siya kakausapin ng mahinahon kung maging ang sarili ko ay hindi ko mapakalma?
Ang malamig na simoy ng hangin sa gabi ang agad na sumalubong sa akin paglabas ko. Lumingon ako sa magkabilang panig ng kalsada pero kaunti na lang ang mga taong nagdaraan doon.
"Saan ako pupunta ngayon?" Tiningnan ko ulit sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ang cellphone ko pero wala pa ring balita mula kay Jinyoung. Puro text messages lang ni kuya ang dumating. Itinatanong kung magpapasundo ako dahil nagdahilan akong pupuntahan si Jiwoo kahit na ang una kong sinabi bago umalis sa studio ay makikipagkita ako kay Jinyoung.
Kung naniniwala man siya o hindi na lang nagkomento pa, hindi na ako sigurado. Pero nasaan na si Jinyoung? Bakit wala pa rin siya? Nakalimutan ba niya? Makakalimutin kasi siya.
Hindi ako sigurado sa direksyong nilalakad ko. Nang makarating sa isang open space park ay umupo ako sa malapit na stone bench at tumingala sa langit. Parang nang-iinis na nakangiti sa akin ang bilog na buwan. Inuuyam ako dahil kasama niya sa langit ang milyong bituin, habang ako, mag-isang nakatanglaw sa ganda nila.
Mas lalo kong naramdaman ang awa sa sarili ko. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Hinala, pagdududa pero pilit ko iyong pinipigil. Dalawang taon na kami, marami na kaming pinagdaanan. Hindi naman siguro magloloko si Jinyoung 'di ba? Isa pa, sinaktan siya ni Ericka noon. Nakipagrelasyon si Ericka sa iba kahit na sila pa. Hindi naman siguro gagawin ni Jinyoung sa akin iyon 'di ba? Walang ibang ibig sabihin ang pagsasama nila ngayon.
Kasi, ako ang nobya ni Jinyoung. Kasi ako ang mahal niya. Malalim na hikbi ang sunod kong pinakawalan. Alam kong mali ang magselos, pero kasi paano ko iiwasan na maramdaman iyon kung alam kong habang mag-isa ako ay magkasama naman sila ngayon.
Mahal naman ako ni Jinyoung 'di ba? Hindi lang niya iyon masyadong naipaparamdam ngayon dahil busy talaga ang grupo nila. Inaasikaso niya ang career niya.
"Chinee?"
Mabilis akong lumingon sa tumawag sa akin. Pero agad na bumagsak ang namumuong pag-asa ko nang malingunan at mapagsino iyon.
Am I stupid to hope that it was Jinyoung who called? Though I know he already stopped calling me by that name. Nag-counseling ako noon para tulungan akong mag-adjust sa bagong environment ko, sa bagong culture na malayo sa kinalakihan ko. They asked me to completely forget my past, or at least the bad ones.
So I did what I was told. I lived a very different life from before. Kung minsan nga parang hindi ko na kilala ang sarili ko dahil sumusunod na lang ako sa mga sinasabi nila. Hinahayaan kong sila ang magdikta ng mga dapat kong gawin. Dahil sila ang mas nakakaalam, kaya sinusunod ko na lang sila.
"Are you okay?" Tuluyan na siyang nakalapit sa akin at bahagyang yumuko para tingnan ang mukha ko. "Akala ko umuwi ka na? Sabi mo uuwi ka na."
"Bakit nandito ka sa labas?" I asked him instead, not caring if I sounded cold and unaccommodating. Hindi naman kasi siya ang hinihintay ko. Hindi siya ang inaasahan kong dumating.
He gazed around before he looked down at me. His tall figure covered me from the arrogant smirk of the moon. He looked at me with concerned eyes, but it's not what I needed right now.
"I always walked around here at night. Nasa likod lang ito ng dorm namin-"
Mabilis akong tumayo at hindi na siya pinatapos sa sinasabi niya. Call me ill-mannered but talking casually as if I'm fine isn't what I can do right now.
"Chinee-ssi!"
Napakamao ang dalawang kamay ko nang paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko kahit hindi naman ako lumilingon. Nakikita kong nakakatawag na rin kami ng pansin ng ibang taong naroon.
"Chinee-ssi, I'm warning you. Get back here before you even regret not listening to me."
Patuloy pa rin ako sa paglalakad.
"Chinee-ssi!"
Napahinto ako nang biglang bumukas ang mapupusyaw na ilaw mula sa mga posteng hindi ko namalayang naroon pala. Nakapaikot ito sa lugar na kinatatayuan ko. Nagtatakang ibinalik ko ang tingin sa tumatawag sa akin, at bago pa man ako makapagtanong o makagawa ng isang hakbang, nagsimulang magsilabasan ang tubig mula sa sementadong lupa na kinatatayuan ko.
Hindi ko alam kung saan tatakbo o kung paano makakaiwas sa kamalasang dinanas ko. Napapahiyaw ako sa gulat dahil kahit saan man ako humakbang ay doon naman lumalabas ang tubig hanggang sa tuluyan na akong mabasa. Matapos ang maiksing oras, biglang nawala muli ang mga tubig na hindi ko inaasang implanted fountain pala.
Para akong sea creature na kakaahon lang mula sa dagat. Basang-basa ang buong katawan ko at halos hindi ko maaninagan ang nasa harapan ko dahil sa tumutulong tubig mula sa ulo ko. Nagsimula na rin akong makaramdam ng lamig.
Nakatingin sa akin ang ibang tao, naaawa sa kamalasang dinanas ko habang ang iba ay namamangha dahil sa kinahinatnan ko. Nang lingunin ko ang lalaking tumatawag sa pangalan ko kanina lang, napansin ko ang concern sa mga mata niya pero hindi niyon nagawang ikubli ang pinipigilan niyang pagtawa.
Nakakainis! Padabog akong naglakad patungo sa kinatatayuan niya. He should have warned me earlier. Nang makita niya ang hitsura ko ay bigla siyang umatras at bumulanghit ng tawa.
"Xu Minghao!" I screamed, calling The8 by his birth name.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro