Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SVT - FOUR

"Wow! The video will be released tomorrow."

Why isn't he calling me yet? Wala naman silang schedule ngayon dahil umuwi sa bahay si kuya kagabi.

"Mei, nakikinig ka ba?"

Matamlay na nilingon ko si Jiwoo. Nasa cafeteria kami para kumain at kaunti na lang ang estudyanteng naroon kaya tahimik ang paligid.

"I heard you," sagot ko matapos siyang tingnan bago muling binalingan ang pagkain ko.

"You're cruel. You heard me but chose to ignore me."

Nagbuga ako ng hangin at pilit siyang inignora. Marami na akong iniisip ngayon para dagdagan pa niya. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang isang kamay niya sa likuran ko kaya nilingon ko siya.

"Hindi pa rin ba siya tumatawag?"

The concern in her voice, the sadness in her eyes that seemed to reflect mine makes me wants to cry. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang ganitong pakiramdam ko. Masaya naman kami eh. Kuntento ako sa mga sandaling oras na nakakasama ko siya. Alam kong abala siya at naiintindihan ko iyon.

Pero may nagabgo kasi. Hindi ko alam kung saan, paano at kailan pero nararamdaman kong lumalayo siya, na lumalawak ang distansya sa pagitan naming dalawa.

"Umuwi si kuya kagabi..." hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko sana dahil naramdaman ko ang pagsakit ng lalamunan ko.

Baka naman kasi pagod siya at hindi pa nagigising. Kanina paggising ko ay tulog pa rin si kuya at hindi namin siya nakasabay sa agahan. Nalaman ko na lang na umuwi siya nang makita ko sa parking lot ang kotse niya.

"You know how busy they are, right?" Jiwoo asked in a calmer tone.

Tumango ako. Alam ko naman. I've been with Jinyoung for two years. Nasubaybayan ko ang lahat ng activities nila. I'm updated of their whereabouts because of my older brother. Alam ko lahat ng mga kanta nila bago pa nila i-release iyon dahil minsan ay sumasama ako sa recording studio nilang lima.

Isa pa, mas sumikat na sila ngayon simula nang mag-release sila ng album sa Japan. They've been in and out of the country for two years to promote their album and to do their shows.

"I'll be fine. Nothing to worry about," I declared, more on consoling myself.

Puno ng pang-unawang ngumiti si Jiwoo at mahinang tinapik rin niya ang likod ko. Isang buntong hininga ulit ang pinakawalan ko bago muling hinarap ang pagkain na halos wala pang bawas.

Wala pang isang minuto ang lumipas nang tumunog ang cellphone ko kaya mabilis kong binitawan ang hawak kong kutsara at agad hinalungkat ang bag ko. Kilala ko ang caller dahil nag-assign ako ng particular na caller ringtone para sa kanya.

"Jinyoung..."

Habang tahimik akong nakikinig sa sinasabi niya sa kabilang linya ay matamang nakamasid lang sa akin si Jiwoo. Nang matapos ang tawag ay agad kong iniligpit ang lahat ng gamit ko.

"Sa'n ka pupunta?" pahabol na tanong niya nang tumayo ako.

"Nasa gate si Jinyoung at hinihintay ako, pupuntahan ko muna siya."

"Malapit na ang next class natin."

I looked at my wristwatch and learned that our next class will start in fifteen minutes. That would not be enough time for us to talk and I have no any other vacant time after. And I don't even have any other time to spend with him either.

"Hindi ko alam kung kailan pa ulit ako magkakaroon ng chance na makita siya." Umupo ako ulit sa lamesa at hinawakan ang dalawang kamay niya. "Can you make excuses for me for being absent today? I badly needed to see him now."

Sandali siyang nagdalawang isip bago alanganing tumango.

"Thanks, Jiwoo, I owe you one."

Muli siyang tumango at itinaboy na ako palayo. Tinakbo ko na ang papunta sa gate mula sa cafeteria habang maingat na iniiwasang may masalubong na faculty o professors. Hindi ako kilala sa buong school bilang anak ng may-ari pero alam ng mga staffs kung sino ako.

Paglabas ng gate ay natanaw ko agad na nakaparada sa gilid ng kalsada ang pamilyar na kotse ni Jinyoung. Agad akong lumapit doon at narinig ko ang pag-unlock ng passenger seat paghawak ko pa lang sa door handle.

"How are you?"

Gosh! I'm really hopeless when it comes to Jinyoung. Isang ngiti lang, isang sulyap, isang salita, lahat ng naipon kong tampo, lahat ng hinanakit ko at pangungulila sa kanya ay nawawala agad na parang bula.

"I missed you," tanging sagot ko matapos ko siyang titigan. I have to make up for the loss time that I wasn't able to see his face. I have to make up for the moments that I want to be with him but I can't.

"Anong oras ang next class mo?"

Natigilan ako. I avoided his gaze and just busied myself with the seatbelt.

"I-I'm free today. My last subject ended before lunch," I lied. Kapag sinabi ko ang totoo, pipilitin niya akong bumalik sa school. At hindi ko na naman siya makakasama.

"Okay. I'll drive you to the new restaurant I found. Siguradong magugustuhan mo ang ambience doon."

Tumango na lang ako at ngumiti. Lahat naman ng bagay na ibinigay niya sa akin ay gusto ko. Lahat ng sabihin niya ay sinasang-ayunan ko.

We drove for almost an hour and stopped in front of a secluded restaurant. Salamin ang bumubuo sa dingding pero natatakpan iyon mula sa loob. Mababasa naman sa labas ang specialties ng restaurant. Sa harap ay mayroong maliit na terrace na may dalawang set ng lamesa. Hindi ko alam ang significance ng bicycle sa restaurant pero iyon ang unang nakakapukaw ng atensyon ng mga customers.

Binuksan ni Jinyoung ang pinto at hinayaan akong pumasok muna bago siya. Pagpasok ay binati agad kami at sinalubong ng ilang personnel doon. Maamoy sa lugar ang herbs na siguro ay hinahalo nila sa pagkain. Nasa bandang kaliwa ang counter kung saan magbibigay ng orders.

Magkakaiba rin ang mga table sets nila na nakakalat sa buong lugar. May high table na para lang sa dalawang tao sa isang sulok. May normal dining table na para sa isang pamilya, may bean bag at maliit na lamesa sa isa pang gilid at may sofa at center table sa isa pa.

Pag-upo namin sa isang table ay agad na may lumapit na waitress at ibinigay sa amin ang menu. Nginitian nito si Jinyoung at sandali silang nag-usap.

"Are you a regular customer here?" nagtatakang tanong ko. Kung mag-usap kasi silang dalawa ay parang hindi lang sila ngayon nagkita.

"Yeah, I've been here many times already. Malapit lang kasi rito ang recording studio ng kaibigan ko at siya ang nag-recommend dito."

May iba pa ba siyang kaibigan bukod sa kagrupo niya? Bakit kailangan niyang magpunta sa malayo para lang mag-record ng kanta kung may sarili siyang recording studio sa WM Building? Sa building na pag-aari ng pamilya namin.

Napapiksi ako nang maramdaman ang mainit na kamay na humawak sa dalawang kamay ko.

"You know sweetie, our activities were really tiring and the only consolation I have is after all these things, once I get home, I'll be able to see your smile."

Tumitig siya sa mga mata ko. Ilang beses akong napakurap habang dinadama ang init ng palad niya. Tama, naging busy lang siya pero pagkatapos ng lahat ay ako pa rin ang uuwian niya. Sa akin pa rin siya. Hindi dapat ako nagdududa. Hindi dapat ako nag-aalala.

Kaya ngumiti ako. Iyong klase ng ngiti na bukal sa loob ang kasiyahang nadarama. Gumanti siya ng ngiti at naramdaman ko ang mahinang pagpisil niya sa kamay ko. Pinagsalikop niya rin ang mga daliri namin pero agad siyang bumitaw at kunot ang noo na sinipat ang kaliwang kamay ko.

"Where's your ring?"

"It's in here." Dinukot ko sa bag ang maliit na pouch kung saan ko nilalagay ang maliliit na jewelries ko. Kaninang umaga kasi ay hinubad ko iyon. Nitong mga nakaraang linggo ay nagiging interesado ako sa arts kaya nagdesisyon akong kumuha ng crash course para matutong magpinta. Dahil natatakot akong mabahiran ng pintura ang singsing na iniregalo niya sa akin ay hinubad ko muna iyon at itinago.

"Promise me that the only time you'll remove this is when I replace it with a wedding ring," sabi niya habang isinusuot sa akin ang singsing.

Biglang nag-init ang dalawang pisngi ko at nag-iwas ako ng tingin dahil sa hiya. Dalawang taon na kami pero kapag nagsasabi siya ng ganoon ay nahihiya pa rin ako. Mabuti na lang, dumating na ang mga pagkain namin kaya doon na nabaling ang atensyon naming dalawa.

Naging magaan na rin ang pag-uusap namin pagkatapos niyon. Nagkikwento siya tungkol sa mga lugar na napuntahan nila, ang bagong kanta na binubuo niya at ang iba pa niyang plano para sa career niya.

Nasa kalagitnaan naman ako ng kuwento ko nang tumunog ang cellphone niya. Agad akong nahinto habang nakikinig siya sa tumawag sa kanya. Nang matapos ang tawag ay iba na ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Nag-aalangan, humihingi ng pasensya. Malungkot akong ngumiti at tumango katagalan.

"Are you sure? Puwede naman kitang ihatid muna bago ako pumunta. Kailangan lang kasi talaga."

"Mauna ka na." I tried to smile to hide my disappointment. "Magpapasundo na lang ako kay Mr. Yoo."

Sandali siyang tumitig sa akin, bumuntong hininga at tumango katagalan.

"I'll call you later."

Tumango lang ako at hanggang sa makaalis siya ay pinanatili ko ang mukha kong nakangiti kahit na sa loob ko ay gusto ko nang umiyak.

Hindi muna ako umalis at nakatitig lang sa singsing na ibinigay niya at inaalala ang mga oras na kasama ko siya.

"Chinee-ssi."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro