SVT - FORTY THREE
I woke up on the voice of Junhui and Minghao singing “My I” as my alarm tone. Minghao set it last night after our talk. Pagkatapos ng fan signing event nila ay sumama kami ni Jiwoo sa kanilang kumain sa isang Japanese restaurant.
“You’re savage. Muntik nang umiyak kanina ang fan ni Myung Ho nang sabihin mong ikaw ang girlfriend,” S. Coups stated in between laughter.
“Like I said, it was meant as a joke. Kung wala siyang humor sa katawan niya, hindi ko na kasalanan ‘yon.”
“Lahat naman nang nagpupunta ‘don, kini-claim na girlfriends namin.”
“I heard,” sagot ko kay Vernon sa sinabi niya.
“Hindi na ako magtataka kung isang beses may pumunta roon dala ang marriage certificate para papirmahan sa isa sa inyo.”
Sandali kaming natahimik nang magsalita si Jiwoo. She’s unusually quiet and I just remembered her presence after she said that. Katabi niya si Wonwoo na tahimik rin at si Mingyu naman sa kabila na kausap si Jun.
Napangiti ako nang muling maalala ang mga nangyari kagabi. Kahit paano ay nakakasundo ko na rin naman ang ibang members ng Seventeen kahit hindi ko sila masyadong nakakausap. Pagkatapos ng dinner namin ay sumakay sa sasakyan ko si Minghao dahil ayaw sumabay ni Jiwoo. Inihatid na lang namin siya sa waiting shed bago kami umalis.
Tatlong araw na lang at pupunta na ako sa Japan kaya naisip kong dumaan sa Shin Entertainment building para puntahan ang studio nina Kuya Shinwoo. Ang sabi kasi niya sa akin ay doon siya didiretso pagkatapos ng taping para mag-live broadcast silang tatlo nina Sandeul at Channie.
I checked my phone to greet Minghao a good morning. Isa kasi iyon sa ibinilin niyang dapat gawin ko dahil madalas ko siyang nakakalimutan na i-text. Pagkatapos mag-sent ay binasa ko na ang mga messages na dumating kagabi. Ilang missed callas galing sa unknown number ang nasa call log ko. Pagdating sa inbox ay nabasa ko rin ang parehong number na naroon.
I snorted. Galing lang pala iyon kay Jinyoung. Talagang nagpunta siya sa park na sinasabi niya. Maghihintay raw siya pero sigurado namang hindi niya iyon ginawa. His last text was exactly one at dawn and that made me raised a brow. Inabot pala siya ng madaling araw doon, kawawa naman ang PA niya na siguradong sumama sa kanya sa paghihintay.
I ignored all his messages and texted Sandeul instead to inform him about my visit. Nag-confirm naman siya at sinabing nasa studio na silang dalawa ni Channie.
I decided to bring them food as an apology since I haven’t seen them in a while. Malapit na akong umalis ulit pero hindi ko pa sila nakakasama. Nagtatampo na raw sila dahil mas abala ako sa ibang grupo ngayon kesa sa kanila.
Pagbaba ko ay tapos na akong maligo at nakabihis na rin. Dumaan muna ako sa kusina para magpagawa ng sandwich pero naabutan kong nanunuod ng TV ang isang maid habang nagpupunas ng malinis na table cloth sa mga plato at silverware.
Hindi talaga ako masyadong nanunuod ng news kaya dumiretso na lang ako sa ref para kumuha ng malamig na tubig. I’m still drinking my glass of water when I heard a familiar name mentioned by the anchor.
Agad akong lumapit sa screen at naabutan ang view sa emergency door ng isang hospital. Nasa naturang video ang mismong pagbaba ng stretcher mula sa ambulance. May neck brace ang nakahigang pasyente at duguan ang damit nito. May bandage rin ang ulo na puno na rin ng dugo.
Natulala ako at nabitawan ko ang hawak na baso nang makumpirma kung sino iyon.
“Miss Mei,” hiyaw ng katulong habang inaalalayan akong tumayo.
Kumuha ako ng suporta sa high chair na malapit sa akin habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Muli kong itinuon ang mata ko sa TV pero tapos na news flash at kasalukuyan nang ibinabalita ng forecaster ang klima.
I immediately grabbed my car key and went straight to the garage. Pasakay na ako nang tumunog ang phone ko at nakitang si Baro ang caller.
“Have you heard about the news?” bungad na tanong niya.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko maiproseso ang tumatakbo sa utak ko dahil hindi mawala sa akin ang duguang imahe ni Jung Jinyoung.
“I’m coming over to your house, Chin. Hintayin mo akong dumating. Don’t drive on your own.”
Padausdos akong naupo sa gilid ng sasakyan nang ma-realized na totoo nga ang lahat. Hindi ako basta nananaginip lang. Doon ko naramdaman ang pagtulo ng luha ko dahil sa nangyari.
“Chinee...”
Tiningala ko ang nakatayong pigura sa harap ko. Si Baro. Bakas sa mukha niya ang concern nang yumuko siya at alalayan akong tumayo.
“Gusto ko siyang makita...” pagsusumamo ko sa pagitan ng pag-iyak.
“Dadalhin kita sa kanya. Kaninang madaling araw pa ang balita na iyon at maraming media ang nag-aabang sa labas.”
“What happened?” I dared to ask.
“Calm down, Chin. You need to calm down. Hindi ako makakapag-focus sa pagda-drive kung ganyan ka.”
“Just tell me what happened, Cha Sun Woo.” I screamed, choking on my last word.
Huminto bigla ang sasakyan. Hindi pa kami nakakalabas ng subdivision main gate. Humarap sa akin si Baro at hinawakan ang dalawang kamay ko.
“Kaninang madaling araw pa lumabas ang balita tungkol sa kanya kaya matapos ko iyong mapanuod sa TV kaninang paggising ko ay nagmadali na akong pumunta rito dahil siguradong maaapektuhan ka.” Huminga siya nang malalim. “Tama nga ako.”
“B-bakit nangyari sa kanya ‘yon? Bakit siya pa?”
“Hindi ko alam, Chin. Nakita raw siyang duguan sa may Gwangdo park. Mag-isa lang siya at isang papasok na empleyado ang nakakita sa kanya roon.”
Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib nang marinig iyon mula sa kanya. Kung sa park siya nakita na walang malay at sugatan, malamang dahil hinihintay niya ako roon. Pero hindi ako nagpunta. Kasalanan ko ang nangyari sa kanya.
Nakarating kami sa ospital at agad na dumiretso sa emergency room. Hinanap namin sa isang nurse na naroon si Jinyoung pero itinuro niya lang kami sa Operating Room.
Nanghihina na ang mga tuhod ko at hindi na ako makapaglakad. Kapag may nangyaring masama sa kanya, hindi ko alam kung paano ko mapapatawad ang sarili ko.
“Chin, umupo ka muna at kumalma.”
Pinaupo ako ni Baro sa isang silya sa labas ng operating room. Nakatalungko siya sa harap ko at pinapahid ang luha sa pisgni ko.
“Kasalanan ko ‘to Baro. Kung nagpunta lang ako at nakipag-usap sa kanya kagabi, hindi mangyayari sa kanya ‘to.”
“Wala kang kasalanan, Chin. Hindi mo ginusto ang nangyari sa kanya.”
Sabay kaming napalingon ni Baro nang bumukas ang pinto sa operating room at lumabas roon ang isang babaeng naka-blue scrubs. Sinalubong iyon ni Baro habang ako ay nananatiling nakaupo dahil wala na akong lakas na kumilos pa.
“Doc, kaibigan kami ng pasyente.”
“Kailangan kong makausap ang immediate family ng pasyente.”
Lumingon sa akin si Baro bago muling hinarap ang doktor.
“Nasa province ang family niya pero natawagan ko na sila at siguradong papunta na rin dito. Kami ang pinakamalapit na kaibigan niya. Ano pong nangyari sa kaibigan namin?”
Hindi agad nagsalita ang doctor. Mas lalo akong naging desperado na marinig kung ano na ang kalagayan ni Jinyoung.
“Please doc, kailangan naming malaman ang kalagayan ng kaibigan namin.”
Mababakas sa boses ni Baro ang parehong desperasyon na nararamdaman ko. Tumitig ako sa pinto ng OR at gusto ko nang sumugod doon para makita mismo ng dalawang mata ko ang nangyayari sa kanya. Bawat segundong lumilipas na hindi ko alam kung anong nangyayari ay para naman akong unti-unting nauupos na kandila.
Tumikhim ang doktor kaya nabaling ulit sa kanya ang atensyon ko.
“Nagtamo ng stab wound sa lower abdomen ang pasyente na naging sanhi ng blood loss dahil matagal din bago siya nadaluhan. May nakita rin kaming head injury at ayon sa neurologist na tumingin sa kanya ay nagkaroon siya ng severe concussion dahil sa pagtama ng ulo niya sa isang matigas na bagay. We can conduct another CT once the patient is already vitally stable.”
“Makakaligtas naman po siya ‘di ba?”
Muling tumahimik ang doktor. “Pagkatapos ng operation ay ia-admit siya sa ICU for observation. The next 24 hours will be critical for our patient but let’s all hope for his recovery.”
Nanlumo ako nang marinig mula sa bibig mismo ng dokto na critical ang lagay ni Jinyoung. I can’t find the right words to say, I can’t even explain how I feel.
Baro did all the talking and I’m thankful to him for that. Magulo ang utak ko dahil iniisip ko ang possibilities kung nakipagkita lang ako sa kanya kagabi.
Umalis na ang doktor at umupo sa tabi ko si Baro.
“Makakaligtas siya Chin. Huwag ka nang umiyak.”
Sana nga, Baro. Sana nga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro