Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SVT - FORTY SIX

“Ms. Mei, gising na ang pasyente at ikaw ang hinahanap niya.”

Mabilis akong napatayo dahil sa sinabi ng nurse na sumilip sa kuwarto ni Jinyoung. Ilang sandali lang ay naroon na rin ang doctor para tingnan siya. Ilang tests ang ginawa nila para malaman ang consciousness level niya. Nang umalis ang doctor ay sinalubong kami ng nakangiting si Jinyoung.

I was so relieved that I cried upon seeing him.

“Hyung...”

Si Baro ang unang nakabawi mula sa pagkabigla. Lumipad ang tingin ni Jinyoung kay Baro bago muling bumaling sa akin.

“Don’t cry, Mei,” sabi niya sa nanghihinang tinig. Halos paos pa iyon at alam kong bawat salita ay malaking enerhiya niya ang agad na nagagamit niya. Sinubukan pa ni Jinyoung na punasan gamit ang isang kamay ang luha ko pero hinuli ko iyon at idinikit sa pisngi ko.

“Don’t scare us again Jung Jinyoung. Akala namin ay mawawala ka na sa ‘min.”

“You know I won’t do that. I can’t lose myself because I’m going to lose you too.”

Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya pero pinilit kong ngumiti sa kabila niyon.

“Is it true?”

Napalingon kami sa pinto nang magsalita mula roon si Kuya Shinwoo.

“I talked to the doctor and he told me the good news. Gising na raw si Jinyoung.”

“Pakiramdam ko ang sakit na ng likod ko.”

“Expected. Ilang araw ka nang nakahiga hyung.”

Parang nagtataka namang tumingin si Jinyoung kay Baro. Tuluyan nang lumapit sa amin si Kuya Shinwoo.

“I can’t recall everything. Bakit ako napunta rito? Nagkaaksidente ba?”

Nagkatinginan kaming tatlo. Nagtatanong sa sarili at nagtataka.

“Anong pinakahuli mong naaalala bago ka napunta rito?”

I waited in anticipation while Jinyoung tried to remember the last event. Nakapikit siya habang nakakunot ang noo. Nang muli siyang dumilat ay dismayado siyang umiling.

Nagtataka man, hindi na namin siya pinilit pang makaalala. We contacted his parents afterward and waited for them to arrive.

His new agency released an official statement about Jinyoung’s health status. Marami na namang nagpuntang reporters pero hindi naman nakakapasok. Maging si Ericka ay sinubukang magpunta roon pero sina Baro at Kuya Shinwoo na ang mismong pumigil sa kanya.

Jinyoung, according to the doctors and Neurologist had a selected amnesia. May ilang parts ng life events niya ang hindi niya maalala. Hindi niya maalala na umalis na siya sa agency namin at hindi na buo ang B1A4. Ang huling natatandaan niya ay may pinaghahandaan silang fan meeting na isang taon nang lumipas. Iyon ang pinakahuling activity ng B1A4.

Pinagmasdan ko ang natutulog na pigura ni Jung Jinyoung. Kumpara noong mga naunang araw, mas maaliwalas na ang mukha niya ngayon.

Sinubukan kong hilahin ang kamay ko na hanggang ngayon ay hawak niya pero naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya kaya hindi ko na itinuloy pa.

“Don’t let go of me, Mei. I missed holding you like this.”

Natigilan ako. Hindi ko alam na gising pala siya. Unti-unti siyang dumilat at tipid na ngumiti nang magkatitigan kaming dalawa.

“I dreamed last night that you’re walking away from me,” he said solemnly. “Buti na lang nagising agad ako bago ka pa tuluyang nawala sa paningin ko.”

I ran out of proper words to say. Bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Nakatitig lang ako sa dalawang magandang mata ni Jinyoung. Mga mata na madalas kong tingnan at hangaan dati. Mga mata na kapag nahuhuli kong nakatingin sa akin, parang bigla na lang tumitigil ang mundo ko at hindi ko na alam ang gagawin ko.

“Mei...”

Mabilis akong bumitaw sa kamay ni Jinyoung nang marinig mula sa pintuan ang boses ni Kuya Shinwoo. Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin siya sa mga kamay naming magkahawak kanina. Nang bumaling siya sa mukha ko ay hindi ko na mabasa ang ekspresyon ng mukha niya.

“May bisita ka.”

Bigla akong kinabahan. Baka si The8 ang dumating.

“Si—“

“Nasa labas ang kaibigan mo.”

Kumunot ang noo ko. Hindi naman siguro magsisinungaling si Kuya Shinwoo ‘di ba? He would never refer The8 as some “just friend” knowing the real score between us.

Marahan akong tumayo matapos magpaalam kay Jinyoung. Naglakad ako palapit kay Kuya at pilit na hinahanap sa mukha niya ang katotohanan.

“Naghihintay siya sa labas,” mahina niyang sabi sa akin.

Tumango lang ako at nilagpasan na siya. Alanganin akong naglakad palabas ng pinto. Hindi ko alam ang sasabihin ko, ang gagawin ko o kung paano ipapaliwanag ang mga nangyari.

“So you’re dropping everything again for Jung Jinyoung?”

Agad akong napatingala nang marinig ang boses na ‘yon. Nangatal ang dila ko at hindi makapaniwalang tumitig sa taong nasa harapan ko.

“Rem...” tanging nasambit ko. So Shinwoo wasn’t lying after all. I breathed out a sigh of relief at the sight of my best friend. “Remarie...”

“Yes! Wala nang iba. May inaasahan ka pa ba?” nagsusungit na tanong niya.

Umiling ako. At least, it wasn’t The8. Wala pa akong masyadong pahinga at sapat na tulog. Hindi ko alam kung kakayanin kong kausapin siya sa ngayon. It would be a hard and long explanation if that happen.

“Kailan ka pa dumating?” tanong ko matapos pakalmahin ang sarili.

Hindi siya sumagot. Naglakad lang siya palayo sa private room ni Jinyoung matapos akong senyasan na sumunod sa kanya. Walang imik akong naglakad kasunod niya hanggang sa makarating kami sa garden.

“Everyone’s worried about you, Chinee.”

Chinee. That name again. The name I disdain using for a long time. The name that keeps me remembering my past, keeping me rooted and making me realized that life, after all is just a story with full of twists and turns.

“Kaya ko ang sarili ko, Rem.”

“Alam ko.”

“Pinapunta ka ba dito ni Kuya Shinwoo para kumbinsihin akong umuwi na?”

Hindi sumagot si Rem. Pero base sa pananahimik niya, alam kong oo ang sagot sa tanong ko sa kanya. Nagsisimula na namang bumangon ang hinanakit ko sa kanya, sa sarili kong pamilya sa pangunguna sa desisyon ko sa buhay.

“Naiisip ko na talagang daanan ka rito bago ako lumipad pa-Japan. I’m just having a second thought, thinking that you’ll get into your senses soon.”

“What do you mean?”

“Hindi mo ba alam kung ano ang pinapakawalan mo sa pananatili mo rito?”

Alam ko naman. Alam na alam ko. At nakakagalit na kailangan pang ipagdiinan iyon ni Remarie sa akin ngayon.

“You’re taking for granted your chance to pursue your career. Again. For Jung Jinyoung again. Akala ko simpleng pag-aalala lang ang nararamdaman mo. Pero ang bitawan mo ang career na unti-unti mong binubuo ulit ngayon, para sa taong pinakawalan ka na noon, hindi naman na yata tama ‘yan, Chin.”

“Kailangan niya ako, Rem.” Yumuko ako dahil hindi ko kayang pigilan ang luha ko. “Kasalanan ko ang nangyari.”

“Baro told me everything on our way here. Siya ang sumundo sa akin sa airport. But Shinwoo called me and asked me to talk to you. Ilang taon na kaming hindi nag-uusap, Chin. Alam mo ‘yan. Pero nang tumawag siya kagabi, naramdaman ko ang desperasyon sa boses niya.”

“Kaya ka niya nakumbinsi? Kaya hinahayaan mo na naman ang sarili mo na mapasunod ni kuya?”

“Hindi ito tungkol sa akin o sa amin ng kuya mo. Tungkol ito sa ‘yo. Concern lang siya sa ‘yo.”

“Hindi mo alam ang buong kuwento, Rem. Si kuya... ang pamilya ko ang dahilan kung bakit lumayo sa akin si  Jinyoung noon. Hindi niya ito gusto.”

“Pero paano si Minghao?”

Nabitin ang paliwanag ko sana. Paano si Minghao?

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro