Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SVT - FORTY ONE

I spent my entire week with Minghao. Isang linggo na lang ang natitira sa akin bago ako tuluyang bumalik sa trabaho, this time ay sa Japan naman na aabutin ng tatlong buwan.

Nakasalampak ako sa sahig at nakangiting pinanunuod ang apat na miyembro ng performance team na sina Hoshi, Dino, Jun at Minghao habang binubuo ang choreography ng sayaw na ayon sa kanila ay isasayaw nina Baro at Alexenne.

Si Woozi ang vocal unit leader na nag-produce ng kanta na magiging theme song ng drama nila. Siya rin ang nag-arranged at nag-remixed ng kanta para puwede nilang sayawin iyon sa introduction proper ng drama. Hindi pa ulit kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap ni Kalilah kaya hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon.

Siya ang kakanta ng OST ng drama ni Baro kasama ang vocal unit ng Seventeen.

"You taught me, you showed me. You're my flower..." Nagpatuloy ang tugtog ng kanta sa speaker. Halos nakakabisado ko na nga sa paulit-ulit na pagpapatugtog nila.

Ngumiti ako nang magtama ang tingin namin ni Minghao sa salamin. He just did an acrobatic routine and a little break dance. He made a 360 degree turn, raised both his hands upward as if he's praying, then for the final move, looked at me straight in the eye from our reflection in the mirror and winked that caught me off guard.

"Stop flaunting your love life in front of the innocent kid, Myung Ho hyung," Dino, their youngest member screamed teasingly.

Agad akong nag-iwas ng tingin nang marinig ang malakas na tawanan nina Jun at Hoshi. Nawala sa isip ko na kasama namin sila sa loob ng dance studio. Hindi ko maintindihan pero minsan, nakakalimutan ko kung nasaan kami kapag naka-focus na ang buong atensyon ko kay Minghao.

Tumayo ako at nagtungo sa pinto.

"Bibili lang ako ng snacks at drinks."

"Sasamahan kita."

Agad na tumutol ang mga kasama ni Minghao kaya itinaboy ko na siya pabalik sa loob ng studio. Tinanong ko na lang sila kung ano ang mga gusto nilang kainin. Malapit lang sa dorm ng Seventeen ang dance studio na nirentahan ng PR team ng agency nina Baro para sa practice. Nasa second floor iyon ng maliit na building at nagkalat sa paligid ang iba't ibang food stalls at convenient stores.

Dahil sandwich ang gusto nilang kainin, sa convenient store na ako nagpunta. Kasaluluyan akong naghihintay na maihanda ang order kong variety ng sandwich nang muling tumunog ang wind chime na nakasabit sa pinto ng store. Dumiretso sa store ang matangkad na lalaki na nakatalikod sa gawi kung saan ako nakaupo.

Hindi ko na sana iyon pagtutuunan ng pansin pero nang magsalita ang bagong dating ay mabilis akong muling napatingin sa kanya.

Naka-sleeveless shirt siya kaya exposed ang malaman niyang braso. Nakasuot ng sombrero, itim na pantalon at nakapulupot sa bewang nito ang checkerd na pulang jacket. Hinintay kong matapos ang transaction niya sa counter at nang tuluyang siyang humarap ay nakumpirma ko ang hinala ko.

"Chin... Mei?"

Tipid akong ngumiti. Hinintay ko siyang lumapit sa akin at maupo sa harap ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Mag-isa ka lang?" tanong ko imbes na sagutin siya.

Tumango siya at pinagmasdan akong mabuti. Hindi na ako naiilang kapag ginagawa niya iyon.

"About last time..."

"Hindi na tayo nakapag-usap pagkatapos no'n." Hindi naging maganda ang huling pagkikita namin. Nagpunta siya sa Busan kung saan kami nagbakasyon nina Kalih, Jiwoo at Seventeen members. Gusto niya akong kausapin tungkol sa paghihiwalay namin ni Jinyoung pero iniwasan ko siya.

"Kumusta ka na? Hindi rin tayo nagkita noong musical ni Sandeul."

"Oo nga, nagpunta ka raw sabi ni kuya."

Nahalata ko ang uneasiness niya kaya huminto na ako sa pagsasalita. Alam ko naman na ang dahilan kung bakit siya nawala pagkatapos ng show. Nag-usap silang dalawa ni Kalih.

"Sumunod ako sa restaurant para sunduin si Yoonji pero hindi ko na kayo naabutan."

Tumango ako. Matapos nang ginawa ni Jinyoung ay nag-aya na akong umuwi. Hindi ko sinabi kay Kuya Shinwoo ang dahilan, humingi lang ako ng sorry sa kanilang lahat at nagdahilan na sumama bigla ang pakiramdam ko.

"You look happier now compared to the last time I saw you."

Muli akong sumulyap kay Baro.

"I don't get what you're saying."

"Pagkakita ko pa lang sa'yo kanina hanggang sa umupo ako rito at mapagmasdan ka, nakita ko na agad ang nagbago sa'yo. Parang ikaw na ulit ang dating Chinee na nakilala ko. Bago pa man nating lahat nalaman na ikaw ang kapatid ni Shinwoo na matagal na nilang hinahanap."

Mas lalo akong naguluhan sa sinasabi niya kaya kunot noong tiningnan ko lang siya.

"Ako ang unang nakakilala sa'yo Mei, natatandaan mo pa ba? Sa school ni Channie."

Biglang bumalik ang alaala ko sa unang pagkikita namin. Exchange student ako noon at hangang-hanga sa grupo nila noong nag-uumpisa pa lang sila, apat na taon na ang nakakaraan. Si Baro ang unang miyembro na nakausap ko at naging kaibigan.

"Apat na taon..." patuloy niya habang nakangiting naiiling. "Ang tagal na pala. You are so cheerful, bright and lively. You always talk back to everyone, especially to me."

"Mapang-asar ka rin naman kasi," pagtatanggol ko sa sarili ko. Madalas kaming nagkakagulo sa dorm nila dati dahil lagi akong inaasar ni Baro. Lagi kaming nagtatalo sa kahit na napakaliit na bagay gaya ng pagtambay ko sa rooftop o pakikipag-usap lang kina Channie at Sandeul.

"Nagsimula kang magbago nang malaman namin ang totoo mong pagkatao. Nang maging kayo ni Jinyoung."

Halata sa boses niya ang kalungkutan sa hindi ko maintindihang dahilan.

"Society and culture changed me, I guessed." Nagkibit balikat ako. Noong nalaman kasi namin na ako ang nawawalang kapatid ni Kuya Shinwoo na hinanap nila sa loob ng labing anim na taon, nagbago na nang tuluyan ang buhay ko.

Inaral ko ang nakasanayan nila, kultura, pag-uugali pati kung paano makisalamuha sa mga taong nasa alta-sosyedad para hindi ako mapahiya o para hindi ko mabigyan ng kahihiyan ang pamilya ko.

"I heard from Sandeul and Channie that you're pursuing your dream again. Natutuwa akong binalikan mo ang film direction. Alam kong mahal mo ang career na iyon, nakikita ko iyon sa mga mata mo."

Tumango ako dahil tama siya. Nakakapagod ang trabaho ko pero hindi naman matatawaran ang self fulfilment na nararamdaman ko kapag nakatapos kami ng isang scene.

Tinawag na ang pangalan ko mula sa counter dahil tapos nang ihanda ang orders ko. Naunahan ako ni Baro sa pagtayo kaya hinintay ko na lang siyang dalhin sa akin ang plastic bag ng order ko. Akala ko ay makakaalis na ako pero muli siyang umupo sa harapan ko.

Mas seryoso na ang mukha niya ngayon. "Siguro may dahilan kung bakit hindi ako mapalagay at laging nakabantay sa'yo. Lagi kang may espesyal na parte rito, Mei." Inilapat niya ang palad sa kaliwang dibdib niya.

"Don't say that Cha Baro. Isipin mo si Kalih."

"Mahal ko si Kalih pero may dahilan kung bakit kailangan naming maghiwalay."

Pareho kaming natahimik. Katagalan ay magkasalikop ang dalawang kamay na dumukwang palapit sa akin si Baro.

"Aaminin ko, hindi ko nagustuhan ang desisyon mo noon na tanggihan ang offer ng kaibigan mo. Hindi ako sang-ayon sa pananalitili mo rito para lang makasama si Jinyoung. You have your own life, Mei. Pero simula nang maging kayo, umikot na ang mundo mo sa kanya."

"Kabigan mo si Jinyoung, Baro," paggpapaalala ko sa kanya.

"Hindi ko nakakalimutan 'yan. Pero hindi tama na nakulong ka sa relasyon ninyong dalawa. Anong ginawa mo sa loob ng tatlong taon na kayo pa?"

Hindi ako nakasagot. Ano nga ba ang ginawa ko sa loob ng halos tatlong taon na magkarelasyon kaming dalawa?

"Nakulong sa kanya. Naghihintay at sumusuporta sa mga ginagawa niya. Pero nakalimutan mong may sarili kang buhay. Kinalimutan mo ang sarili mong pangarap para sa kanya. You love to cosplay, Mei. You love to travel, discover things and places. Pero nawala ang Mei na 'yon simula nang maging kayo ni Jinyoung.

"Alam kong nasaktan ka nang maghiwalay kayo, kaya nga kita pinuntahan. Pero patawarin mo ako sa sasabihin ko. Mas gusto kong nangyari ang mga nangyari dahil nakikita kong bumabalik ka na sa dati."

Nakatulala lang ako habang nakaawang ang bibig. Lumayo siya sa akin at sumandal sa inuupuan niya.

"I heard about the new guy you're seeing. At nakikita kong mas napabuti ka sa kanya ngayon."

Matagal na katahimikan. Hindi na ulit nagsalita si Baro. Parang hinihintay niyang i-absorb ko ang lahat ng sinabi niya. Nang tumayo siya ay sinundan ko lang siya ng tingin.

"Let's go. Baka hinahanap ka na nila." Binitbit niya plastic bag ng sandwich at drinks na binili ko. "Gusto ko rin siyang personal na makilala."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro