SVT - FORTY NINE
“Aalis ka ba ngayon, Mei?”
Natigil ako sa pagnguya nang marinig ang boses ni Mommy. Lumipad ang tingin ko kay Kuya Shinwoo na tahimik na kumakain bago iyon nagtagal kay Mommy.
“Ngayon po ang labas ni Jinyoung sa ospital,” mahinang sagot ko.
I saw Shinwoo stopped for a while. My mom just heaved a sigh. Maagang umalis si Daddy dahil may board meeting pa sila sa university.
Nagkaayos na kami dalawang araw matapos ang pagtatalo namin. Ako ang unang lumapit at humingi ng tawad sa kanilang dalawa.
“I’m sorry if we’re being overprotective of you, Mei. Sixteen years kang nawalay sa amin. Na-overwhelm kami masyado nang bumalik ka. Nakalimutan naming nagawa mo na palang mabuhay nang hindi kami kasama. Nawala sa isip namin na malaki ka na, alam mo na kung ano ang gusto mong gawin at kaya mong gawin.”
Matapos nang mga sinabi ni Mommy ay naiyak na lang ako habang nakayakap sa kanya. Gusto kong humingi ng tawad dahil nagsisinungaling ako sa kanya. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko.
Pasakay na ako sa sasakyan nang maabutan ako ni Kuya Shinwoo. He volunteered to drive me to the hospital before going to his appointment. Tumanggi na lang ako dahil out of the way ang hospital sa destination niya.
“You really are a grown up, Mei. Nakakapagdesisyon ka na para sa sarili mo.”
Nginitian ko siya.
“Naaalala ko noong unang beses kang umiyak sa akin dati dahil sa nararamdaman mo. Sobrang saya ko no’n kasi naramdaman ko kung paano maging kuya sa ‘yo. I thought I could protect you. I really wanted to protect you but I guessed you can do it for yourself now.”
“Don’t say that. Kailangan pa rin kita bilang kuya ko,” pag-aalo ko sa kanya.
“Sana may courage din ako na gaya ng sa ‘yo. Sana magawa ko rin ang mga gusto ko nang hindi natatakot sa sasabihin ng iba.”
Malungkot akong ngumiti. Shinwoo, being a part of a popular group B1A4 is already a public figure since they debuted. Simula noon ay kailangan na nilang mag-ingat sa lahat ng kilos nila. Hindi sila puwedeng gumawa ng desisyon na maaaring maapektuhan ang ibang tao, lalo na ang fans nila... even at the expense of their own happiness.
“Lumakad ka na, Mei. Baka ma-traffic ka pa.”
Niyakap ko muna si kuya bago ako tuluyang nagpaalam na aalis na. It took me an hour to arrive at the hospital. Naglalakad na ako mula sa parking lot nang may dumating na ambulance sa Emergency entrance ng hospital. Natigilan ako nang makita ang pamilyar na lalaking bumaba mula roon kasama ang ilang attending nurses.
Nang tuluyan nang ilabas ang stretcher ay napasinghap na lang ako. Sandaling nablangko ang isip ko at hindi alam ang gagawin. Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang maramdaman ang mainit na kamay sa braso ko.
“What are you doing here, Mei?” an angelic voice asked.
Tumingala ako at bahagyang nasilaw dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kinatatayuan namin.
“Is that...”
“It’s Minghao.”
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Anong nangyari kay Minghao? Bakit siya nasa stretcher?
“Anong...” I can’t continue my question. I can’t even utter a single word.
“May rehearsal kami at nagpe-perform ng isang stunt si Minghao. Namali yata siya ng calculation sa pagbagsak niya tapos tumama siya sa isang props na gawa sa bakal at na-injured ang likod niya.”
His cold stare, the annoyance in his face and anger in his voice confirmed that he knew what happened between us. Afterall, Jeonghan is the member that Minghao can confide his feeling. Siguradong alam na niya ang nangyari.
“Puwede ko ba siyang makita?”
“Hindi ko alam kung papayagan ka ng manager namin. Bawal kasing i-disclose sa public ang nangyaring ito dahil ayaw naming mag-alala ang mga fans.”
I get it. Wala na akong exclusive access gaya noong una na puwede kong makita si Minghao kapag ginusto ko. To them, isa na lang akong ordinaryong tao na kakilala nila.
“Please...” I begged. “Kailangan ko lang talagang makita siya. I have to make sure he’s okay.”
“The doctors will take care of him so he’ll be okay,” pagmamatigas ni Jeonghan sa akin.
Nang maramdaman kong paalis na siya ay mabilis ko siyang hinarang. Muntik pa akong matisod pero agad niya akong naalalayan. Pumalatak siya at naiinis na umiling-iling bago ako tuluyang binitiwan.
“Alam kong galit ka sa ‘kin, lalo ngayon dahil sa nangyari sa ‘min ni Minghao. I have my reasons.”
“Kakausapin ko ang manager namin na payagan kang lapitan siya. Pero na kay Minghao na iyon kung kakausapin ka niya.”
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong humakbang pasunod kay Jeonghan sa loob ng emergency room. Wala namang masyadong tao roon. Kalmado rin ang lahat kahit na may ilang pasyente.
Sa tapat ng isang hospital bed na natatabingan lang ng kurtina, nakita naming nakatayo ang manager nila.
“Stay here,” utos ni Jeonghan kaya huminto ako sa paglalakad.
Nilapitan niya ang manager nila at sandaling nag-usap. Pagkatapos ay naglakad sila patungo sa akin at sinabihan na akong lumapit. Lalabas lang daw sila sandali para bumili ng kape habang hinihintay ang turn ni Minghao sa X-Ray room.
Nang mag-isa na lang, dahan-dahan akong lumapit sa hospital bed ni Minghao. Natatabunan siya ng kurtina kaya hindi ko agad siya makita. Paglapit doon ay nadatnan ko siyang nakapikit.
Marahan akong naupo sa isang stool na nakita ko roon at pinagmasdan ang mukha niya. Bakas doon ang pagod pero mukha naman siyang payapa. May ilang butil pa ng pawis sa may sendtido niya at natatakpan ng ilang hibla ng bangs niya ang kanyang mata.
Marahan kong hinawi iyon at bigla siyang dumilat nang marahil ay maramdaman ang presensya ko. Binalak kong ngumiti pero hindi ko na iyon nagawa dahil marahan siyang bumangon para iwasan ako.
“What are you doing here?”
“Nakita ko ang ambulance na may dala sa ‘yo rito kaya nag-alala ako sa kalagayan mo.”
“Nag-alala?” He smiled at me, sarcastically and it only pained me.
Wala na ang genuine na ngiti niya na laging naroon noon kapag magkausap kami. Wala na ang admiration sa mga mata niya kapag tinitingnan ako. Puro galit na lang iyon.
“Gusto ko lang masiguro na okay ka lang, Minghao,” pangungulit ko sa kanya kahit ramdam kong gusto na niya akong mawala sa harap niya.
“Hindi ka na dapat nagpunta rito, Mei. Magiging mas masakit pa kasi. Aasa lang ako na babalik ka, na ako pa rin kahit hindi na. Tapos sasabihin mo lang sa huli na hindi pala ako ang pipiliin mo. Na hanggang ngayon, si Jinyoung pa rin talaga.”
“Minghao...”
“I got back to my senses through this accident. Kapag naka-recover ako sa injury na ‘to, kakalimutan na kita. Wala kasing mangyayari kapag patuloy pa kitang iisipin, Mei. Mahihirapan lang ako at maaapektuhan ang trabaho ko.” Tumitig siya sa mga mata ko. “Kagaya ngayon.” Tipid siyang ngumiti. “Imbes na magtuloy kami sa rehearsal para sa concert, andito ako sa hospital dahil sa kapabayaan ko. Nadamay pa si Jeonghan hyung at nag-alala ang buong grupo sa ‘kin.”
“I’m s—“
“Don’t say sorry, Mei.” Marahan niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang gawin pero marahan niya akong hinila palapit sa kanya. Ilang sandali pa, nakapulupot na sa akin ang dalawang braso niya.
“Pinag-isipan ko na ang lahat, Mei. Hindi ko puwedeng ipilit sa ‘yo ang isang bagay na ayaw mo namang tanggapin. Hindi kita puwedeng pigilan kung gusto mo na talagang umalis. At least, you gave me the chance to be with you. Masaya na ‘ko sa gano’n. Kuntento na ‘ko ro’n.”
Kusa siyang humiwalay sa akin at tinitigan ang mukha ko. Nakita ko ang sandaling pagkunot ng noo niya bago siya tipid na ngumiti. Napasinghot ako. Hindi ko namalayang naiyak na naman pala ako.
“I’m letting you go, Mei,” sabi niya bago ako tuluyang binitawan at tinalikuran.
Parang tuod akong nakatayo lang doon. I forced myself to move and finally walk away. Pero pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng emergency room ay hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Hindi ko inaasahan na masasaktan ako ng sobra sa tuluyang pakikipaghiwalay niya.
Padausdos akong naupo habang nakasandal sa matigas na dingding. Wala na akong pakialam sa mga taong dumaraan at tumitingin sa akin. Parang binabasag ang buong pagkatao ko habang paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang mga huling sinabi ni Minghao.
“I know you’re hurting, but he is too.”
Tumingala ako at nakita si Jeonghan na nakadukwang sa akin.
“Let’s talk.”
Tahimik akong sumunod kay Jeonghan palabas matapos kong hamigin ang sarili ko at pahirin ang mga luha ko. Nakarating kami sa garden at naupo sa flower box. I felt nostalgic seeing the familiar place. This was the same place, the same spot we were in when Minghao confronted me.
Nakayuko lang ako at hinintay na magsalita si Jeonghan. Nilagay niya sa kamay ko ang cold coffee in can kaya napatingala ako sa kanya.
Nakangiti siya. His soft feature, warm gaze, delicate nose, fair cheeks and smiling lips gave me the impression that he wasn’t mad at me anymore.
“Hindi ko alam ang buong pangyayari pero may kaunti nang naikuwento sa akin si Kalih.”
Si Kalih. Masyado akong pre-occupied sa mga nangyayari sa buhay ko na nakalimutan ko na siyang kumustahin.
“Base sa naabutan kong eksena mo kanina, hula ko, tuluyan na kayong naghiwalay ni Minghao, tama ba?”
Alam kong wala ako sa posisyon pero hindi ko mapigilan ang mainis. Nakakasama ng loob. “Iyon naman ang gusto mo ‘di ba? Una pa lang, kontra ka na sa relasyon naming dalawa. Ayaw mo sa akin para sa kaibigan mo.”
“Mali ka ng akala, Chinee. Hindi ako kontra sa relasyon ninyo.”
“Ramdam ko na ang disgusto mo sa akin noong una pa lang,” pag-aakusa ko sa kanya. “Siguradong masaya ka na ngayon.”
Tumayo si Jeonghan habang umiiling. Nakapamulsa siya na muling tumingin sa akin.
“Wala akong personal na galit sa ‘yo, Chin. Concern lang ako. Hindi ko lang din kasi maintindihan kung bakit laging nasasaktan ang mga taong nakapaligid sa ‘yo na pinahahalagahan ko.”
**
Happy Shinwoo Day
B1A4 91.06.16
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro