Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SVT - FORTY FIVE

As if I wasn’t told off by Shinwoo, I stayed at the hospital even longer, took a bigger part on taking care of Jinyoung and attending to whatever the doctor demands for him.

Pang-apat na araw na ngayon at nawala na rin ang mga aggressive reporters na umaaligid sa hospital para makibalita sa kalagayan niya. Letters and gifts continued to pour from his fans. Umabot na halos sa tatlong boxes ang mga gifts na ipinatabi na lang muna namin dahil hindi puwedeng ipasok sa ICU.

Gumising na siya sa ikalawang araw pero sandali lang. Masaya ako dahil naroon ako nang mangyari iyon. Sandali siyang tumitig sa akin na parang kinikilala ako, pagkatapos ay ngumiti at sumagot sa ilang katanungan ng attending doctor niya. Pagkatapos ay nakatulog na ulit siya.

On our sixth day, Shinwoo came back with our parents. Gusto na talaga nila akong pauwiin pero nagmatigas akong mananatili sa hospital. I’m still guilty so I want to see him and take care of him until his full recovery. Nabawasan na rin ang aparato na nakakabit sa kanya. Wala na ang oxygen dahil kaya na niyang huminga sa sarili niya.

Ang sabi ay puwede na siyang ilipat bukas sa isang private room dahil stable naman na ang vitals niya.

“Mei, kailangan mo ring magpahinga. Marami namang puwedeng magbantay sa kanya rito.”

“No, Mom. Ako ang magbabantay sa kanya. Please, hayaan n’yo na ako.”

“I feel sorry for him too. He doesn’t deserve the accident. Pero nag-aalala na kami sa kalagayan mo.”

Sinilip ko si Jinyoung mula sa salaming bintana. Kahit paano ay unti-unti nang nanunumbalik ang normal na kulay ng balat niya. Pero hindi pa rin namin siya nakakausap nang matagal. Panay pa rin ang tulog niya hanggang ngayon.

“Kaya ko ‘to, Mommy,” pagmamatigas ko. Pilit kong nilabanan ang matamang pagtitig ni mommy sa mga mata ko para ipakita na determinado akong panindigan ang mga desisyong ginagawa ko.

Katagalan ay niyakap na lang niya ako at hinalikan sa ulo.

“Don’t skip meal and take care of your health too. Ako na ang bahalang magsabi sa daddy at kuya mo.” Ilang beses siyang umiling at bumuntong-hininga. “I’m grateful I am blessed with two beautiful children. Pero pareho namang nagmana sa daddy nila na may paninindigan sa desisyong ginawa.”

Napangiti ako. “Is that even a good thing, mom?” tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at niyakap na lang ulit ako. Sabay na kaming nagtungo sa hallway para puntahan sina kuya at daddy na kanina pa naghihintay roon.

“May board meeting ka pa mamaya ‘di ba?” tanong ni mommy kay daddy. Umoo naman si dad pero sa akin pa rin nakatingin.

“Are you staying here?” he asked me.

I nod politely at him. Kahit paano ay takot din naman ako sa kanya pero hindi sapat iyon para mabago ang desisyon ko. Hindi naman siya nagsalita at inaya na rin si mommy na umuwi. Kakatapos lang naming kumain kanina ng lunch sa isang restaurant na malapit sa hospital.

Nagpaiwan si Kuya Shinwoo para samahan ako habang nauna nang umalis ang parents namin. Pabalik na kami sa loob nang bigla na lang niya akong tanungin.

“Have you talked to Minghao?”

Sandali akong natigilan pero hindi ako nagpahalata. I’m too preoccupied with Jinyoung’s situation that I even forgot to talk to The8.

Pero maiintindihan naman siguro niya ang kalagayan ko. Maiintindihan naman ni The8 na kailangan kong gawin ‘to.

“You can’t just leave someone behind, Mei. Kausapin mo siya at may karapatan din siyang malaman ang buong sitwasyon.”

“If you’re still convincing me to go home using The8’s name...”

“Hindi iyon ang intensyon ko, Mei.”

Tinanggal ko ang pagkakaakbay ng kamay ni Kuya Shinwoo sa akin. Matamang ko siyang tinitigan sa mga mata. “I’m staying here no matter what.”

Hindi na siya ulit nagsalita. Umupo lang siya sa tabi ko at tahimik kaming naghintay roon. Ilang sandali pa, tumayo ulit siya at sinabing sasalubungin lang niya si Baro.

Kahit nagtataka ay sumang-ayon na lang ako. Bakit pa niya kailangang sunduin si Baro kung alam naman noong isa ang papunta rito?

Habang mag-isa na lang ako, may dumaang doctor para i-check ulit si Jinyoung. Sandali lang iyon at naiwan na naman akong mag-isa sa labas ng ICU.

I finally decided to turn my phone on and just a moment passed, I received a lot of messages from few people. Isa-isa kong binasa ang mga iyon. Mostly galing kay The8 habang ang iba ay kay Remarie.

Una kong tinawagan si Remarie dahil related sa trabaho ang sadya niya sa akin. Nag-apologized ako dahil hindi ako nakarating sa usapan namin.

Bago pa niya ako hingan ng mahabang paliwanagan, tinapos ko na agad ang usapan naming dalawa. Then I sent a message to The8, apologizing for not keeping in touch for a few days. Hindi ako nakatanggap ng reply mula sa kanya kaya inisip ko na nasa rehearsal o dance practice pa sila ngayon.

Lumipas na ang halos kalahating oras pero hindi pa rin bumabalik sina Kuya Shinwoo at Baro kaya nagtaka na ako. Sinulyapan ko muna si Jinyoung bago ako nagdesisyon na puntahan sila. Kahit paano ay nakakainip din naman ang magbantay nang mag-isa.

Naisipan kong sundan sila sa labas na agad ko namang natanaw sa garden area ng hospital building. Mabilis akong naglakad patungo sa direksyon nila pero natigilan nang matanaw kung paano nila tingnan ang isa’t isa.

Binagalan ko ang lakad ko habang pilit na pinapakinggan ang pinag-uusapan nila. Bakit parang nasa kalagitnaan sila ng pagtatalo?

“You know you can’t convince Mei to do things she won’t.”

Ako na naman? Nang marinig ko ang panalan ko ay agad na akong lumapit sa kanilang dalawa.

“Are you now asking Baro to convince me to go home, Kuya Shinwoo?”

Mabilis na lumingon sa akin ang dalawa. Nakita ko ang pag-aalala at pagkagulat sa mukha ni kuya. Si Baro naman ay marahang binigkas ang pangalan ko at agad na nag-iwas ng tingin nang tingnan ko siya.

“Narinig ko ang pagalan ko kaya lumapit na ako,” imporma ko sa kanilang dalawa. “Nagtaka kasi ako kung bakit ang tagal ninyo.”

“It’s nothing, Mei. Pumasok na tayo sa loob.” Lumapit sa akin si Kuya Shinwoo, ginawaran ako ng malambing na ngiti at sabay na kaming naglakad pabalik sa loob.

Sandali ko lang na tiningnan si Baro at sumabay na ako sa kapatid ko. Ramdam ko ang pagsunod niya sa aming dalawa sa likuran namin.

Dinaldal na ako ni Kuya Shinwoo habang nasa loob kami. Tahimik lang si Baro na parang may malalim na iniisip. Hindi ko alam pero hindi ako mapalagay sa pananahimik niya. Baka kung nakinig pa ako ng palihim ay may iba pa akong nalaman. But I am not fond of eavesdropping. I want to know the truth and learn them face to face.

“Wala ka pa bang schedule ngayon, kuya?” naalala kong itanong sa kanya. Dalawang araw na kasi niya akong sinasamahan simula pa kahapon.

“Bukas pa ulit ang start ng schedule ko.” Nang tumunog ang phone niya ay sandali siyang nagpasintabi sa akin. “I need to take this call.”

Tumango ako at itinaboy na siya. Realizing that Shinwoo was out of earshot, I took the chance to finally talk to Baro. Halata ang pagkagulat sa mukha niya nang lapitan ko siya nang walang pasabi.

Baro is a close friend of Shinwoo even though they don’t belong in a group anymore. Alam kong intact pa rin ang friendship nilang lima. Pero sa kabila niyon, alam ko ang loyalty sa akin ni Baro.

“Ano ang pinag-uusapan ninyo kanina bago ako dumating?”

“I know you’ll ask me that if you had the chance.”

Tinaasan ko siya ng kilay. Mukhang hinihintay lang din niya na kumprontahin ko siya.

“Hindi ako ang dapat na magsabi nito sa ‘yo, Mei. Mas magandang tanungin mo na lang si Shinwoo hyung.”

“Alam mong hindi rin sasabihin sa akin ni Shinwoo oppa kahit tanungin ko pa siya.”

“Please don’t put me on a situation where I can’t do anything, Mei. You know how I feel. Kaibigan ko sila pero ikaw si Mei.” Napahilamos siya sa mukha niya at parang hirap na hirap na tumingin sa akin.

“I am using that advantage now. Alam kong hindi mo kayang magsinungaling sa akin. The world can lie to me, but not you Cha Baro. So tell me...”

“Mei...” pagtanggi niya sa nahihirapang tinig.

Hinuli ko ang dalawang kamay niya at hinawakan ang mga iyon nang mahigpit.

“I was able to talk to him before the accident,” mahinang sabi niya, halos pabulong.

“Him? You mean Jinyoung?”

Kung kanina, panay ang iwas ng tingin sa akin ni Baro, ngayon naman ay nakatitig na siya nang mataman sa akin. Nagulat ako nang basta na lang niya akong hilahin palapit sa kanya para yakapin nang mahigpit. Nagtataka man ay hinayaan ko na lang din siya.

“Nang maghiwalay kayo ni Jinyoung hyung, hindi ako makapaniwalang basta ka na lang niya binitawan. Kaya pinuntahan ko siya at kinausap. It took me a long time before he confessed what really happened.”

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya matapos kong humiwalay sa yakap niya. “May iba pa ba siyang dahilan?”

“Mahal ka niya, Mei. It never changed. Pero kinailangan ka niyang pakawalan muna... sa ngayon para makuha ka niya sa huli.”

Mas lalo akong naguluhan sa mga sinabi ni Baro. I am about to ask him again when he continued.

“Mei... ayokong magalit ka sa pamilya mo. Mahal ka nila at importante ka sa kanila. But your parents...”

At the mere mention of my parents, the beginning of Baro’s statement about my family, I think I’m having a grasp on what happened.

“May kinalaman ba sila sa pag-alis ni Jinyoung sa grupo? Pati na sa paglipat niya sa ibang agency?”

“Naaalala mo noong sinabi ko sa ‘yo na parang kay Jinyoung na umiikot ang mundo mo?”

Tumango ako.

“Hindi lang ako ang nakapansin noon. Lahat kami alam iyon. Ang parents mo, si Shinwoo hyung, si Jinyoung hyung. Kaya nag-usap sila at nauwi iyon sa pagkalas niya sa grupo. Ako lang ang aalis dapat no’n. Pero napilitan si Jinyoung na umalis na rin. Para patunayan na kaya ka niyang buhayin kahit wala ang tulong ng pamilya mo.”

Humigpit ang hawak ni Baro sa kamay ko. Habang ako naman ay hindi na alam kung ano ang dapat pang maramdaman.

“Noong huling pag-uusap namin ni Jinyoung, desidido na siyang bawiin ka Mei. Sasabihin na niya sa ‘yo ang lahat kahit pa magdulot iyon ng gulo na iniiwasan niyang mangyar, mabawi ka lang. Iyon ang sinabi niya sa akin.”

“Iyan ba ang gustong sabihin ni Jinyoung kaya niya ako hinintay sa park? Dahil kinausap siya ng pamilya ko na patunayan ang sarili niya sa kanila?”

Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin. Ang pamilya ko, si Jinyoung, ang career ko na ngayon ko lang ulit binubuo at ang posibilidad kung sakali mang hindi kami naghiwalay.

“Ms. Mei, gising na ang pasyente at ikaw ang hinahanap niya.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro